You are on page 1of 5

BUOD NG IBONG ADARNA

Kabanata 7: Ang Karapat-dapat


Nakarating na si Don Juan sa Piedras Platas. Nakita na ni Don Juan ang
Ibong Adarna. Kumanta ang Ibong Adarna at inantok si Don Juan
pero dahil sa sinabi ng matanda, hiniwa niya ang kanyang palad at
pinatak ng dumi at kagyat. Dahil sa sobrang matindi ng sakit nagising
si Don Juan. Pagalipas ng pitong ulit dumumi at natulog ang Ibong
Adarna. Nung natulog ang Ibong Adarna agad niyang tinali ang paa at
dinala sa ermitanyo tangay niya ang Ibong Adarna sa isang hawla.
Pagkatapos bumalik si Don Juan sa Piedras Platas at ibinuhos niya ang
tubig na galing sa ermitanyo at bumalik ang mga kapatid na galing sa
bato at muling magkasama ang tatlong magkakapatid.

Kabanata 8: Bunga ng Masamang Gawa


Sama-sama ang mga magkapatid pagbalik sa Berbanya. Habang
bumabalik ang magkapatid nag-isip si Don Pedro ng masamang plano
kay Don Juan. Sinabi ni Don Pedro ang plano niya kay Don Diego.
Natakot si Don Diego kaya sinabi niya na bugbugin si Don Juan at wag
nalang patayin. Binugbog nila si Don Juan at kinuha ang Ibong Adarna.
Dumating ang dalawang magkapatid si Don Pedro at si Don Diego at
agad silang pumunta sa ama nila. Nakita ng hari ang dalawang anak at
ang Ibong Adarna pero wala si Don Juan. Naging malungkot ang ibon
kasi wala si Don Juan kaya pumangit ang mga balahibo at di
nagkakanta ang ibon
Kabanata 9: Sagot sa Taimtim na Dasal
Iniwan si Don Juan na bugbog at halos patay ng mga magkapatid.
Kahit bugbog at halos patay si Don Juan. Nagdasal si Don Juan na
gumaling ang ama niya sa sakit niya at mabuhay. Narinig ang dasal ni
Don Juan ng isang matanda na malapit sa bundok. Ginamot ng
matanda ang mga sugat ni Don Juan. Nung nagising si Don Juan
nagpasalamat siya sa matanda at bumalik sa paglakbay pabalik sa
Berbanya

Kabanata 12: Di Husto ang Tangan


Nagustuhan ni Don Juan ang lugar na iyon dahil sa mapayapang
kapiligiran. Nahanap din nina Don Pedro’t Don Diego si Don Juan at
kinausap siya. Tinanong siya kung gusto niya pa bumalik sa
Kaharian ng Berbanya. Kung ayaw niya ay doon na lang sa,
Kabundukan ng Armenya sila maninirahan. Pumayag si Don Juan at
doon na sila ay nagsaya. Araw-araw sila nangingisda at nanghuhuli ng
ibon. Bawat linggo naman ay nagsasalo-salu sila. Naging Masaya ang
kanilang buhay doon.
Kabanata 13: Tagumpay at Tatag ng Loob
Isang araw, sa sobrang inip ng magkakapatid ay lumakbay sila.
Habang naglalakad ay may nakita silang isang balon. Ang balon na ito
ay kakaiba. Walang tubig sa loob at napakalalim nito. Agad na nagtaka
si Don Juan at alam niya na may mahika ito. Yinaya niya ang mga
kapatid niyang bumababa. Nagboluntaryo si Don Juan na unang
bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siya ang panganay.
Sinubukan ng dalawang nakakatandang kapatid ni Don Juan na
bumaba ngunit s iDon Juan lang ang tagumpay. Pagdating niya sa
baba ay may nakita siyang palasyong gawa sa ginto’t plaka.
Kabanata 14: Walang Dambuhalang Kalaban
Nang lumapit siya sa palasyo, may nakita siyang babae. Ang pangalan
ay Donya Juana. Nahulog kaagad ang kalooban ni Don Juan kay
Donya Juana at pinupuri siya sa kagandahan niya. Natatakot si Donya
Juana kaya pinahintulutan siya na wag siyang iwan. Nang dumating
ang higante, hinamon ito ni Don Juan sa isang laban. Nagwagi si Don
Juan at papaalis na sila. Subalit biglang natandaan ni Donya Juana ang
kanyang kapatid na si Donya Leonora kaya pinuntahan ito ni Don
Juan.

Kabanata 15: Kahit Pito Ulo ng Serpyente


Pumasok si Don Juan sa palasyo na gawa sa ginto’t plaka.
Nakita niya si Donya Leonora at muling
napaibig. Nang tinginan muna sila at biglang tinanong ni Donya
Leonora kung bakit nandoon si Don Juan. Dumating ang serpyenteng
may pitong ulo na nagbabantay kay Donya Leonora. Muli, naglaban si
Don Juan at ang serpyente. Sa bawat pinuputol na ulo ni Don Juan ay
tumutubo ulit ito. Inabot niDonya Leonora ang basalmo na ilalagay sa
ulo ng serpyente sa bawat putol. Hindi na rin tumubo ang ulo ng ahas
at nakatakas na sila Don Juan at si Donya Leonora
Kabanata 17: Hanggang Kailan
Ipinahanap ni Don Fernando ang nawawala niyang bunso na si Don
Juan. Itinanong niya si DonPedro at Diego kung anong nahanap nila.
Lahat daw ay pinuntahan nila at wala naman sila nakita kundi ang
dalawang prinsesa. Hiningi din ni Don Pedro na pakasalan siya ni
Donya Leonora. Ayaw ni Donya Leonora kasi mahal pa rin niya si Don
Juan. Samantalang si Don Diego and Donya Juana ay ikakasal na.
Kabanata 18: Muling Paghahanap, Muling Pagtatagpo
Napagaling ng lobo si Don Juan at idinala ito paakyat. Nagkita sila ng
Ibong Adarna at sinabi ng Ibong Adarna kung ano nangyari.
Pagkatapos, sinabi ng Ibong Adarna na puntahan nalang ang Reyno
de los Cristales upang hanapin si Maria Blanca.

Kabanata 20: Magpakailan Pa Man


Sa kabanata na ito nagaaway sina Donya Leonora at Don Pedro. Ang
tanging mahal parin ni Donya Leonara ay si Don Juan. Tuwing
binibisita ni Don Pedro si Donya Leonora , sila ay nagaaway. Pinipilit
naman ni Don Pedro na mahalin siya ni Donya Leonara ngunit ayaw
talaga nito.Sa huli , umalis si Don Pedro na may sakit sa dibdib dahil sa
pagkabigo.

REAKSYON SA KWENTO NG IBONG ADARNA


Sa Ibong Adarna makakaramdam ka ng iba’t ibang klase ng
emosyon, may masaya, malungkot, nakakatawa at nakakakilig
habang binabasa ang kwento, tunay nga na “makakrelate ka”
dahil kung pagaganahin mo ang iyong malawak na imahinasyon,
aakalain mong parang ikaw mismo ang nakakaranas ng mga
pangyayari sa kwento, at ikaw ang pangunahing tauhan dito.  
Dito mo makikita ang realidad ng buhay. Hindi parating masaya
at mapayapa, darating at darating pa rin ang mga panahon na
haharap tayo sa mga pagsubok at suliranin na magpapatatag sa
ating pagkato. May mga pagkakataong na nagawa mo na lahat
ang iyong makakaya ngunit bigo ka pa rin, pero normal lang ang
mabigo, kasama ito sa hamon ng buhay, laban lang at tumayo
tayo ay madadapa.  

You might also like