You are on page 1of 2

Kabanata 18

Si Don Juan ay natamo ng maraming sugat at malapit ng mamatay.


Dahil siya ay sadyang pinutulan ng lubid ni Don Pedro nang pababa siya
sa balon upang hanapin ang singsing ni Leonora. Ang lobo ni Donya
Leonora ang tumulong kay Don Juan. Kumuha ng tubig ang lobo sa Ilog
Herdan at ito ang siyang nilagyan at pinahiran sa buong katawang
sugatin ni Don Juan hanggang sa gumaling ito. Naging malusog
nanaman si Don Juan. Nakalabas siya ng balon at nagpaalam na ang
lobo sa kanya. Handa na si Don Juan bumalik sa Berbanya. Ngunit sa
pagpapahinga niya sa daan habang nakatulog, nakita siya ng Ibong
Adarna. Nagising si Don Juan sa magandang awit ng ibon at pinayuhan
siya ng Adarna na ikalimutan na si Leonora at tumuloy na lang siya
upang hanapin ang Reyno de los Cristales at doon niya matatagpuan si
Maria Blanca na siyang mas maganda pa kay Loenora.

Kahalagahan: Sa kabanata na ito ipinakita ang bagong bangon ni Don


Juan na halos mamatay na nagkaroon muli ng pagasa. Dito rin ang
pagtagpo muli ni Don Juan at ng Ibong Adrana na nagsabi sa tunay na
nangyari sa kanya at ang payo niya kay Don Juan na kalimutan na si
Leonora at pumunta sa Reyno de Los Cristales para pipiliin ang
magandang Maria Blanca.
Mga halimbawang pagsusuri ng mga saknong:

Sa laki ng katuwaan

Ang Lobo ay nilapitan,

Niyakap at pinayamang

Parang batang minamahal.

Tayutay: Pagtutulad (Parang batang minamahal)

Kahulugan: Sinasabi ng linya , na talagang minamahal ng lobo si Don


Juan.

“Manalig kang walang hirap

Na di nagtatamong-palad,

Pagmasda mo’t yaong ulap

Hinahawi ng liwanag.

Tayutay: Aporismo

Kahulugan: Sa lahat ng mga hirap, laging may gantimpala sa wakas.

Mga Tanong:

1. Paano ipinaligtas ng lobo si Juan?

2. Anong pangyayari ang nakapagpahit sa disisyon ni Don Juan na


huwag pang umuwi sa Berbanya?

You might also like