You are on page 1of 3

Ipinapakita sa kabanatang ito ang bagong bangon ni

Don Juan na halos mamatay na nagkaroon muli ng


pag-asang mabuhay kahit na ito ay nagtamo ng
maraming sugat. Makikita at mababasa din sa
kabanatang ito ang pagtatagpo muli ni Don Juan at ng
Ibong Adrana na nagsabi sa tunay na nangyari sa
kanya. Mababasa sa kabanatang ito na inawitan ng
magandang awit ng ibon si Don Juan. Ang payo ng
Ibong Adarna kay Don Juan ay ang kalimutan na si
Leonora at pumunta sa Reyno de Los Cristales na
kung saan pipiiliin doon ang mas maganda pang si
Maria Blanca.

Dumating ang lobo sa sugatang Don Juan at ginamot


ito gamit ang tubig galing sa Ilog Herdan. Umakyat na
sila sa balon at iniwan na ng lobo si Don Juan. Habang
naglalakbay si Don Juan, napagod siya at natulog.
Nagising nalang siya na kinakantahan siya ng Ibong
Adarna. Sabi ng Ibong Adarna na may mas maganda

pa kay Donya Leonora, kailangan niyang pumunta sa


delos cristal upang hanapin ito.

Pinuntahan ng lobo si Don Juan sa


loob ng balon, tapos nakita niya na
bali yung mga buto niya at
lumalabas ang dugo sa kanyang ulo.
Kumuha ng tatlong bote ang lobo
tapos pumunta siya sa Ilog Herdan
para kumuha ng tubig para gumaling
si Don Juan. Pagkatapos kumuha ang
lobo ng tubig, pumunta siya agad
kay Don Juan para ipagaling ang
prinsipe. Sobrang masaya si Don
Juan dahil sa ginawa ng lobo para
sa kanya. Nung lumabas na ang lobo
at si Don Juan sa balon, sinabi ng
lobo kay Don Juan na aalis na siya.
Nagdasal agad si Don Juan sa Diyos
na hinihiling ng prinsipe ang
tamang landas na dapat niya
puntahan. Habang naglalakbay ang
prinsipe, napagod at naidlip siya.
Dumating ang Ibong Adarna at
kumanta siya agad pagkadating niya.
Nakita ni Don Juan ang Ibong Adarna
kaya nag-usap sila. Ikinuwento ng
Ibong Adarna kung paano at bakit
siya umalis ng Berbanya. Sinabi rin
ng Ibong Adarna na kalimutan na
niya si Donya Leonara at pumunta
siya sa Reyno de los Cristales para
hanapin Maria Blanca.

You might also like