You are on page 1of 6

Ibong Adarna

Mga Tauhan:
Don Fernando
Si Don Fernando ay ang hari ng Berbanya. Siya ay ang asawa ni
Donya Valeriana at ang ama ni Don Pedro, Don Diego at si Don
Juan. Kinalala ng ibang tao na siya ay isang maginoo
Donya Valeriana
Si Donya Valeriana ay ang asawa ni Don Fernando. Kinala ng
ibang tao na siya ay mabait at maganda
Don Pedro
Si Don Pedro ay ang panganay ni Don Fernando at Donya
Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamacho ang katawan at
kaiman ang postura
Don Diego
Siya ang pangalawang anak ni Don Fernando at Donya
Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakatahamik. Lagi siyang
sumusunod sa mga utos ni Don Pedro
Don Juan
Si Don Juan ang bunso ni Don Fernando at ni Donya Valeriana.
Sa tatlo, siya ang pinakamahal ni Don Fernando dahil siya ay
puno ng kabaitan. Mahal na mahal rin ni Don Juan ang mga
kapatid niya
Ang Manggagamot
Siya ay nanggamot kay Don Fernando. Sinabi niya na ang Ibong
Adarna ang gamot sa sakit niya
Ang Leproso
Siya ay dinaanan ni Don Juan upang humingi ng pagkain. Isa
siyang tao na may sakit na tinatawag na lerprosyo
Ermitanyo
Isa siyang tao na naninirahan sa bundok. Tumulong siya kay
Don Juan upang hulihin ang Ibong Adarna
Ang matanda
Pinahiran ng matanda ng gamot ang sugat ni Don Juan
pagkatapos nang marinig ng matanda ang dasal ni Don Juan.
Masasabi mo na isa siyang “Good Samaritan” dahil sa ginawa
niya
Donya Juana
Siya ay isang magandang princesa sa Armenya. Humahanga ang
prinsipe sa kanyang kagandahan
Higante
Siya ay isang dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana
Leonora
Katulad ni Donya Juana, siya ay isang magandang princesa sa
Armenya. Siya ang kapatid ni Donya Juana
Serpyenteng May Pitong Ulo
Siya ay isang serpyente na may pitong ulo. Kapag pinatulan mo
ang isa, matutubo muli ang ulo. Nagbabantay siya kay Leonora
Ang Unang Ermitanyo
Siya ay tinanong ni Don Juan upang makarating siya sa Reyno
De Los Cristales
Pangalawang Ermitanyo
Siya ay tinukoy ng unang ermitanyo na puntahin. Binigyan nito
ng isang pirasong tela kay Don Juan para mabigay nito sa tatlong
ermitanyo
Tatlong Ermitanyo
Siya ang binigyan ng pirasong tela mula sa
pangalawang ermitanyo.Sa pagbigay nito, tinanong ni Don Juan
kung saan yung Reyno De Los Cristal. Siya ang kapatid ng
pangalawang Ermitanyo
Donya Maria Blanca
Siya ay isang magandang princesa sa Reyno De Los Cristales.
Gumagamit siya ng puting majika. Siya ang tinukoy ng Ibong
Adarna kay Don Juan
Haring Salermo
Siya ang ama ni Donya Maria. Gumagamit siya ng itim mahika
Tagpuan:
Bundok Tabor- Dito naninirahan ang Ibong Adarna
Berbanya- Kaharian ni Haring Fernando
Bundok Armenya- Kung saan nanirahan si Don Juan
Mahiwagang Balon- May kaharian ng dalawang na Prinsesa
Reyno De los Cristales- Kaharian ni Haring Salermo
Banghay:
Panimula- Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian.
Doon naninirahan ang pamilya ni haring Don Fernando.
Nagkasakit siya, at ang tanging lunas sa karamdaman niya ay
ang tinig ng Ibong Adarna. Inutusan niya ang mga anak na
hanapin ang Ibong Adarna. Umuna si Don Pedro, ngunit nabigo
at siya’y naging bato, sumunod si Don Diego pero naging bato
rin. Nang si Don Juan na ang sumunod, may nakasalubong
siyang matandang ermitanyo. Tinuruan siya kung ano ang dapat
gawin upang hindi maging bato at mabigo sa pagkuha ng Ibong
Adarna. Nang makuha na niya ito, pinuntahan na niya ang mga
kapatid upang gamutin sa pagkakabato. At sa huli ng bahagi,
bilang pasasalamat ng ermitanyo ay ginamot niya ang mga sugat
nito.
Pataas na aksyon- Nang mailigtas na ang dalawang
kapatid, at habang papa-uwi na sila dala-dala ang ibon, naisipan
nina Don Pedro at Don Diego na saktan si Don Juan at hayaang
mamatay sa daan. Nagising si Don Juan na puno ng sugat sa
katawan at dahil dito nagdasal siya ng mataimtim. Hanggang sa
natagpuan siya ng isang matandang ermitanyo at tinulungan siya
na mapagaling ang sarili. Nang makauwi na siya sa Berbanya,
pinarusahan ang kanyang mga kapatid ng kanyang ama, pero
pinatawad lang din. Pinabantayan ng hari ang ibon sa mga anak,
at hanggang sa isang araw na habang nakatulog sa pagod si Don
Juan sa pagbabantay sa Ibon, pinakawalan ito ng kanyang mga
kapatid at sinisi siya dahil dito. Dahil doon, umalis si Don Juan
sa Berbanya hanggang sa narating niya ang mahiwagang balon ng
Armenya.
Kasukdulan- Si Don Juan ay tinaksilan ng kanyang mga kapatid
at hinayaan hanggang siya ay mamatay sa pagkahulog sa balon na pasapasa ang
maraming sugat. Nagkita sila ng Ibong Adarna muli at
binigyan ng mensahe na siya ay dapat pumunta sa Reyno de los
Cristales at hanapin si Maria Blanca.
Pababang aksyon- Ayon kay Don Juan, hinahanap niya ang
kaharian ng Delos Cristal, ngunit wala naman nakakaalam kung saan
ito. Sinabi ng ermitanyo na magpunta siya sa ikapitong bundok na
kinaroroonan ng isang matandang ermitanyo at doo'y magtanong.Nang
makarating na siya sa matandang ermitanyo, tinanong niya kung saan
makikita ang kaharian ng Delos Cristal. Ngunit hindi din alam nito kung
saan matatagpuan iyon. Kaya’t tinanong ng ermitanyo ang kanyang mga
alagang ibon at isang agila. Sinabi ng agila kung saan matatagpuan ang
kaharian. Laking tuwa ni Don Juan dahil makikita na niya ang kaharian
ng Delos Cristal at higit sa lahat si Donya Maria Blanca na may higit na
kagandahan.Sumakay si Juan sa likod ng agila at sila ay lumipad na.
Narating nila ang kaharian ng Delos Cristal. Ang kagandahan ni Donya
Maria ay talagang kaakit-akit. At nagsimula nang magbihis sila galling
sa pagliligo ngunit hindi makita ni Donya Maria ang kanyang damit,
kaya siya nagalit.Tinuro niya ang mga kabalyero na naging bato dahil
hindi sila nakatupad sa iniatas ng kanyang amang hari.Sinabi ni Maria
kay Juan, Mamayang ika-lima, ang aking ama ay magigising at ikaw ay
makikita. Kapag tinanong ka kung ano ang sadya mo dito. Sabihin mong
hihingin mo ang kamay ng isa sa mga prinsesa. Kapag niyaya kang pumanik sa
palasyo
ay tumanggi ka sapagkat mamamatay ka. Kung ikaw ay magpapatuloy, kahit na
ano ang ipagawa sa iyo ng aking ama ay tanggapin mo. Ako ang bahala!
Wakas- Natuklasan na ni Donya Maria ang kataksilan ni Don Juan dahil sa
gagawing pagpapakasal sa ibang prinsesa. Nag-alimpuyo sa galit ang kanyang
dibdib.Lulan ng karosang ginto, nagpanggap na emperatriz si Donya Maria
upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nang dumating si
Donya Maria na naka-bihis emperatriz, namangha ang lahat. Maganda ang gayak
ni Maria at litaw ang kanyang kagandahan. Ang pakay niya ay pigilin ang
pagiisang dibdib ng dalawa. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang
pagdalo
ng emperatriz. Subalit hindi nakilala ni Don Juan na ang emperatriz ay walang
iba kundi si Donya Maria. Nakiusap si Donya Maria sa hari na bago ikasal sina
Don Juan at Donya Leonora ay magdaos muna ng munting palabas sa harap ng
lahat. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay nagawang isalaysay ng mga negrito at
negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na
ibinigay ni Haring Salermo. Pinalo ng negrita ang negrito at tinanong kung
naaalala nito ang mga ginawang pagtulong ni Donya Maria sa kanya sa kaharian
ni Haring Salermo na kanyang ama. Sa tuwing papalo ang negrita ay hindi
nasasaktan ang negrito kundi ay si Don Juan. Kaya naman, unti-unting nagbalik
ang mga alaalang nangyari sa kanila ni Donya Maria. Noon din ay pinatotohanan
ni Don Juan na ang lahat ng nasaksihang dula-dulaan ng mga negrito at negrita sa
palasyo ay pawang mga katotohanan.

You might also like