You are on page 1of 3

Mga Hari/Reyna/Prinsipe/Prinsesa.

March 3, 2011
Don Fernando Siya ang hari ng kahariang Berbanya, asawa ni Donya Valeriana, ama ng
tatlong lalaki. Sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Nagkasakit siya ng isang araw dahil sa
isang panaginip, na si Don Juan ay pinatay ng dalawang tampalasan. Dahil sa matinding sakit ni
Don Fernando, Inutos niya ang kanyang mga anak na pumunta sa Bundok Tabor at kunin ang
Ibong Adarna. Nakapagaling siya dahil sa Ibong Adarna at pinarusahan niya, sina Don Pedro at
Don Diego dahil sa ginawa nila kay Don Juan.
Donya Valeriana Asawa ni Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
Don Pedro Panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana. Siya ang unang
naglakbay papuntang Mount Tabor. Nakarating siya sa Piedras Platas ngunit hindi niya nakita
ang Ibong Adarna dahil nakatulog siya sa pagod. Napatakan siya ng tae ng Adarna at naging bato
siya. Noong naligtas siya ni Don Juan at pabalik na sila sa Berbanya, kasama ni don Diego,
binugbog nila si Don Juan. Ilang beses pa niyang tinaksilan si Don Juan pagkatapos nito.
Pinakawalan niya ang Ibong Adarna noong pinababantay ni Haring Fernando ang Ibong Adarna
sa mga magkakapatid para mapahiya o mapagalitan si Don Juan. Noong pabalik na rin sila galing
Armenya papuntang Berbanya, pinutol niya ang tali kayat nahulog ulit si Don Juan sa balon.
Ginawa niya ito dahil nagselos siya kay Donya Leonora na iniligtas ni Don Juan sa loob ng balon
na iyon kasama ni Donya Juana, ang kapatid ni Donya Leonora. Sa wakas ng kwento ay naging
asawa nga talaga ni Don Pedro si Donya Leonora at silay naging hari at reyna ng kaharian ng
Berbanya.
Don Diego Pangalawang anak ni Haring Fernando at Donya Valeriana. Pangalawang
naglakbay papuntang Tabor, di rin siya nagtagumpay sa paghuli sa Ibong Adarna dahil
nakatulog siya sa kanta ng Ibong Adarna. Naging bato din siya. Tinulungan niya si Don Pedro sa
pagtataksil niya kay Don Juan. Pero mabuti rin siyang tao dahil sa plano ni Don Pedro, papatayin
niya sana si Don Juan pero dahil kay Don Diego, umiba rin ang plano niya kayat binugbog
nalang nila si Don Juan. Ikinasal sila ni Donya Juana. Bihira lang si Don Diego lumabas sa
kwento, madalas lang siya naging importante sa may simula ng kwenyo.
Don Juan Si Don Juan ay ang bunsong anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana. Siya
lang ang nagtagumpay sa paghuhuli ng Ibong Adarna dahil sa tulong ng leproso at ng ermitanyo.
Siya lang rin ang nakaligtas ng dalawang prinsesa. Pinatay niya ang serpyente at ang higanteng
nagbabantay sa dalawang prinsesa. Marami siyang minahal na babae. Sina Donya Juana, Donya
Leonora, at Donya Maria. Nakilala niya si Donya Maria dahil sinabihan sya ng Ibong Adarna na
pumunta sa Reynos de los Cristal. Nakarating naman siya dito dahil sa mga tulong ng mga
Ermitanyo, mga nilalang at mga iba pang mga tao. Binigyan siya ng maraming pagsubok ng ama
ni Donya Maria para makasalan niya siya. Tinulungan naman ni Donya Maria si Don Juan gamit
ang kanyang mahiwagang kapangyarihan. Sa wakas ay naging asawa na niya si Donya Maria at
silay naging hari at reyna ng Reynos de los Cristal. **Si Don Juan, sa simula ng kwento, ay isa

pang inosenteng bata, ngunit sa may wakas ay siyay naging totoong lalaki na. Si Don Juan ay
ang bida.
Donya Juana Kapatid ni Donya Leorona, Nakatira siya sa isang palasyo sa loob ng balon, siya
ang unang mahal ni Don Juan. Mas tanda siya kasa kanyang kapatid. Naligtas siya sa higante
dahil pinatay ang higante si Don Juan. Sa huli, siya ang asawa ni Don Diego.
Donya Leorona Kapatid ni Donya Juana, Nakatira siya sa isang palasyo sa loob ng balon, siya
ang ikalawang mahal ni Don Juan. Mas bata siya kasa kanyang kapatid. Tinulungan niya si Don
Juan habang siyay naglalaban ang serpyente. Sa huli, siya ang asawa ni Don Pedro.
Haring Salermo Ama ni Donya Maria, may kapanyarihang siya gumamit ng mahika. Siya ang
hari ng Reyno de los Cristales. Ama siya ng tatlong babae. Dahil sa tinding mahal niya para kay
Donya Maria, ayaw niya ikasalan sina Donya Maria at Don Juan. Binigyan niya si Don Juan mga
imposibleng pagsubok para ipayagan magkasal sina Maria at Don Juan. Sa huli, tumakas sina
Maria at Juan, pero sinumpa niya si Donya Maria dahil sa pagtatakas niya at namatay siya sa
lungkot.
Donya Maria Anak ni Haring Salermo, may kapangyarihang siya gumamit ng mahika. Siya
ang bunso sa mga kapatid niya. Ang mahal niya ay si Don Juan, tinulungan niya si Don Juan sa
mga pagsubok binigyan sa kanya kay Haring Salermo, Sa tinapay, sa paghuli ng mga Negrito, sa
paglipat ng bundok, sa pagtayo ng kastilyo, sa paghanap ng singsing sa ilalim ng dagat.
Pinapahirapan ang sarili niya para kay Don Juan. Sa huli, ang asawa ay si Don Juan at silay
naging hari at reyna ng Reyno de Los Cristales.
Mga kapatid ni Donya Maria May kapangyarihang sila gumamit ng mahika. Tinulong nila si
Don Juan para mapagod ang kabayo. Sila rin ay kasali sa pagpili kung sino ipapakasalan ni Don
Juan.

Mga sumusuportang tauhan


March 3, 2011
Lobo
Lumabas ang tauhan na ito sa huli ng kabanata 16 at sa una ng kabanata 17 .ang kanyang may-ari
ay si donya Leonora. Linigtas niya si Don Juan dahil binuhus niya si Don Juan ng tubig galing sa
Ilog Jordan. Ang lobo ay isang importanteng tauhan dahil kung wala siya mamatay si Don Juan
sa ilalim ng balon.
Higante
Ang higanteng nasa kuwento ay isang masamang higante na nakatira ng balon. Binabantayan
nito si Donya Juaana. Pinatay din naman ang higanteng ito ni Don Juan.
Serpyente

Ang nilalang na ito ay makikita lang sa kabanata 15 sa palasyo sa ilalim ng balon.May pitong ulo
ang serpyente. Binantay ng serpyente si Donya Leonora. Lumaban sina Don Juan at Serpyente,
sa wakas nanalo si Don Juan at niligtas niya si Donya Leonora.
Olikornyo
Makikita ang nilalang na ito sa kabanata 21. Dinala niya si Don Juan sa ika-tatlong ermitanyo.
Inutos to ng ika-dalawang ermitanyo. Alaga ng 500 tanong Ermitanyo. (pangalawa)
Matandang leproso
Ang matandang tumulong kay Don Juan noong papunta siya sa unang Ermitanyo sa Tabor.
Ermitanyo sa tabor
Tumulong kay Don Juan sa paghuli ng Adarna.
Unang Ermitanyo
Nagbigay kay Don Juan ng puting tela.
Pangalawang Ermitanyo
Tinulungan si Don Juan na pumunta sa pangatlong Ermitanyo.
Pangatlong Ermitanyo
Tinawag ang Agilang nagdala kay Don Juan sa Reyno Delos Crystales.
Malaking agila
Nagdala kay Don Juan sa Reyno Delos Crystal. Alaga ng 800 taong matanda na nakasalubong ni
Don Juan sa paglalakbay Olikornyo isang mahiwagang malaking ibon. Alaga ng 500 taong
matanda na nakasalubong ni Don Juan sa paglalakbay.

You might also like