You are on page 1of 1

Mga Tauhan sa Ibong Adarna

Don Juan – siya ang bunsong anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo, siya ang pinakamahal
ni Don Fernando dahil siya ay mabait. Mahal na mahal din niya ang kanyang mga kapatid. Matulungin siya sa
mga nangangailangan at kailanma’y di humihingi ng kapalit, kaya naman siya ay hinahangaan.

Don Diego – Siya ang pangalawang anak nina Haring Fernando at Donya Valeriana. Siya ang pinakatahimik
sa mga magkakapatid. Lagi siyang sumusunod sa utos ng kanyang ama at sa kanyang kapatid na si Don
Pedro kahit na ito ay masama.

Don Pedro – Siya ang panganay na anak ni Haring Fernando at Donya Valeriana. Sa tatlo siya ang
pinakamacho ang katawan at maganda ang postura. Magaling siyang magsinungaling at pinagtaksilan niya
ang kanyang kaptid na si Don Juan.

Haring Fernando- Siya ang hari ng Berbanya. Asawa niya si Donya Valeriana. Mayroon siyang tatlong anak na
lalaki sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Siya ay nagkasakit dahil sa kanyang masamang panaginip
kung saan ang tanging lunas ay ang awit ng Ibong Adarna.

Reyna Valeriana – Siya ang asawa ni Don Fernando. Siya ang reyna ng Berbanya. Anak niya si Don Pedro,
Don Diego at Don Juan. Kilala siya sa pagiging maganda at mabait.

Prinsesa Leonora – Siya ay kapatid ni Prinsesa Juana. Nakatira sa loob ng mahiwagang balon. Umibig at
hinintay niya si Don Juan nang mahabang panahon ngunit sa bandang huli ay si Don Pedro ang kanyang
naging asawa.

Prinsesa Juana – Siya ang unang prinsesang natagpuan ni Don Juan sa ilalim ng balon. Niligtas siya ni Don
Juan mula sa higante. Si Don Diego ang kanyang napangasawa.

Prinsesa Maria Blanca – Siya ay isang magandang prinsesa sa kaharian ng Reyno de los Cristales. Gumamit
siya ng puting mahika. Anak siya ni Haring Salermo. Sa bandang huli ay naging asawa niya si Don Juan.

Haring Salermo – Siya ang ama ni Donya Maria Blanca. Gumamit siya ng itim na mahika. Siya ang hari ng
Reyno De Los Cristales. Tutol siya sa pag-iibigan ng kanyang anak na si Maria Blanca at Don Juan.

Leproso – Siya ang tumulong kay Don Juan upang makarating ito sa Piedras Platas. Binigyan siya ni Don
Juan ng pagkain.

Unang Ermitanyo – Siya ay isang matandang lalaki na nakatira sa kabundukan at tumulong kay Don Juan
upang mahuli ang Ibong Adarna at iligtas ang kanyang mga kapatid.

Ikalawang Ermitanyo – Siya ang ermitanyo na may mahabang balbas na nagsabi kay Don Juan na hanapin
ang isa pang Ermitanyong tutulong sa kanya.

Ikatlong Ermitanyo – Siya ang huling ermitanyo na tumulong kay Don Juan. Pinasakay niya si Don Juan sa
likod ng isang malaking ibon upang makarating ito sa Reyno delos Cristales.

You might also like