Professional Documents
Culture Documents
I. Pamagat/Pagsusuri
Batay sa pamagat na “Nayon, Lunsod at Dagat-dagatan” maaaring ang maikling-
kuwentong ito ay maaaring tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuhay sa mga lugar na ito. at kung
ano- ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba.
II. May-akda
Si Nestor Vicente Madali Gonzales o mas kilala bilang N.V.M. Gonzales ay isa sa mga
pinagpipitaganang awtor ng panitikan sa wikang Ingles, propesor at peryodista. Iginawad sa
kaniya ang Pamabansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1993. Ang kanyang mga
akdang nobela, maikling kuwento at sanaysay ay naghayag, sumalamin at nag-ambag sa
paghubog ng kultura at sensibilidad ng ating bansa sa paraang hindi madali dahil sa hiniram na
dayuhang wika ang kaniyang naging kasangkapan at sa dekalibreng estilo ng prosa na bihira na
lamang.
https://philippineculturaleducation.com.ph/gonzales-n-v-m/
III. Maikling-kuwento
A. Tauhan
Antonio – pangunahing tauhan sa kuwento at siya ay nakatira sa lunsod
- nagpunta siya sa nayon upang ipagtapat sa mga magulang ni Nena
na iniibig niya ang dalaga
Nena – nakatira siya sa nayon, masunurin sa ama
G. Gomez – ang ama ni Nena na mas piniling manirahan sa nayon kaysa sa
lungsod
Gng. Gomez – ang ina ni Nena, mabait siya at magaling mag-asikaso ng bisita.
B. Tagpuan
sa nayon
C. Suliranin
Batay sa aking pagkakaunawa ang suliranin sa kuwento ay masamang karanasan
ng pamilya Gomez sa lungsod dahilan upang hindi maipagtapat ni Antonio sa mga
magulang ni Nena ang kanyang pag-ibig sa dalaga sapagkat siya ay taga lungsod.
D. Banghay
d.1 Simula
Ang kwento ay nagsimula sa paglalarawan ng pangunahing tauhan sa nayon na
kanyang natatanaw. Ito ay may ilang puno ng niyog at ang kampanaryo ng lumang
simbahang bato.Sa gawing kanan ay naroon ang dagat-dagatan na kinasasalaminan ng
araw na papalubog. Ang murang bughaw na kulay ng tubig ay napalitan ng maningning
na pilak. Ang paniniwala ni Antonio ay sa lunsod lamang may kabuhayan. Ngunit sa
2
paglalakbay niya papunta sa nayon ay kakaiba ang kanyang nakikita. Ito ay ang
kagandahan nito.
d.2 Pataas na Aksyon o Pagkilala sa Suliranin
Sa loob ng isang oras si Nena, ang kayang ama at si Antonio ay nalibang sa pag-
uusap sa may beranda. Maraming nais itaning si G. Gomez kay Antonio. Tinanong din
Nena si Antonio kung hindi ba ito natakot habang naglalakbay siya papunta sa nayon.
Sumagot si G. Gomez at sinabi kay Nena na ang balakid ay namamahay lamang sa guni-
guni. Noon ay maraming guni-guni ang naglalaro sa kanilang isipan noong pumunta sila
sa nayon at ngyon ay unti-unti ng nawawala. Ayon sa kanya akala nila kapag sila ay may
masasakyan pablik ng lungsod ay uuwi na sila ngunit mas pinili na lamang nila tumira at
manatili sa bayan kahit na may bahay sila sa lungsod. Sa sinabing iyon ni G. Gomez ay
nabahala siya sa mga susunod na sasabihin ng kanyang ama.
d.3 Kasukdulan
Ang pasong nasa gitna ng lamesang nakapagitan sa kanila ay inilagay ni
G.Gomez sa tabi at ang mga mata nito’y nag-aala at sinabi na bakit kailangan nilang
umalis sa nayon gayong sagana sila rito sa lahat ng bagay.
d.4 Pababang Aksyon/Kakalasan
Tinanong ni Nena si Antonio kung nagbago na ba ang isip nito. Marahil ang
tintukoy ni Nena ay ang pakay ni Antonio kung bakit siya nagpunta sa nayon at iyun ay
ipagtapat ang pag-ibig nito sa kanyang mga magulang. Sinagot siya ni Tony na hindi
naman nagbago ang kanyang isip. Nag-aalinlangan lamang siya dahil sa mga sinabi ni G.
Gomez na ayaw na nilang bumalik sa siyudad. Maaaring iniisip ni Antonio na baka hindi
siya magustuhan ng ama ni Nena dahil siya ay taga siyudad o kaya naman ay papayag
lamang si G. Gomez sa pag-ibig niya kay Nena kung doon din siya titira sa nayon.
d.5 Wakas
Pupunta sana sina Nena at Tony sa dagat-dagatan ngunit mas pinili ni Tony na
ipagpaliban muna ito at kausapin muna si G. Gomez tungkol sa kanyang pakay
E. Mga Suliraning Panlipunan
Kahirapan, sina Nena ay walang sariling bahay at sila ay nangungupahan lamang.
Polusyon, nabanggit sa kuwento na ang dating kulay ng tubig na pinilakan,
ngayon ay mangitim-ngitim na.
Pag-aakala na sa lungsod lamang matatagpuan ang magagandang oportunidad na
dahilan upang maging masaya ang isang tao.
F. Kabisaan
f.1 Bisa sa Isip
Kahit na maraming oportunidad sa lunsod, hindi lahat ng nakikipagsapalaran dito
ay nagtatagumpay.
f.2 Bisa sa Damdamin
Masaya sapagkat pinapahalagahan ni Tony ang damdamin ng pamilya ng taong
kanyang minamahal. Bilang isang babae ay napakahalag noon para sa atin, ayaw nating
pumasok sa isang relasyon ng walang basbas ng ating mga magulang.
f.3 Bisa sa Kaasalan
3