Sa Laguna de Bay ay may naninirahang mahirap na mangingisda. Siya na ang mag-isang
nagpalaki sa dalawang anak nilang babae na sina Mangita at Larina. Magkaibang-magkaiba ang kanilang mga ugali. Si Mangita ay mabait,masayahin,mapagbigay,maawain at masipag. Samantalang si Larina ay ubod ng tamad at maghapon lamang nagsusuklay ng kanyang buhok. Isang araw, Isang matandang babaeng pulubi ang nagtungo sa kanilang kubo upang humingi ng kanin, hindi nagustuhan ni Larina ang pang-aabala ng pulubi. Sinigawan niya at itinulak palayo. Nabagok ang ulo sa bato ng matanda. Tinulungan ni Mangita ang pulubi, Ginamot niya ang sugat nito. Pagkatapos sumandok siya ng kanin at pinuno ang mangkok ng pulubi. “Maraming-maraming salamat sa iyong kabutihan. Hindi ko malilimutan ang iyong kabaitan at pagiging maawain,” ang sabi ng matandang babae. Isang araw, lumuwas ang kanilang ama sa lungsod upang ipagbili ang mga huli niyang isda subalit sa kanyang pagbalik ay nahawa siya ng sakit at hindi na nalunasan. Nang namatay ang ama nila ay Gumawa si mangita ng magagandang kagamitan mula sa mga kabibe at kanyang ipinagbibili. Subalit ang kinikita niya’y halos hindi sapat ipambili ng pagkain. Napilitan si Mangita na magtrabaho nang magtrabaho. Dahil sa sobrang pagod ay nanghina ang kanyang katawan, nagmamakaawa siya kay Larina na alagaan subalit hinayaan lamang lumala ang kanyang kalagayan. Nang mamatay na si Mangita ay bumalik ang matandang pulubi na may dalang supot ng mumunting buto ng halaman at nagsimulang bumuti ang kalagayan ng dalaga. Inihabilin ng matanda ang supot ng buto kay Larina. “Subuan mo siya ng buto oras-oras hanggang sa pagbalik ko” Naiwan ang mga buto kay Larina ngunit hindi niya binigyan si Mangita. Itinago ni Larina ang mga buto sa kanyang buhok. Dahil dito’y muling lumala ang sakit ni Mangita, Bumalik ang pulubi. “Bakit hindi siya gumaling”? Sinubuan mo ba siya ng buto tulad ng bilin ko? Tanong niya kay Larina. “Oo! Heto pa nga ang supot eh,” Hinalughog ng pulubi ang kubo at bakuran subalit wala siyang nakitang itinapon na buto. Batid ng pulubi ang pagsisinungaling ni Larina kaya’t sa sandaling iyo’y biglang nagliwanag. Nang maglaho ang liwanag ay hindi na pulubi ang kaharap niya kundi isang magandang diwata. “Ako ang pulubing humingi ng kaunting kanin subalit ipinagtabuyan mo,” “Ninais kong matalos kung ang kagandahan ng iyo’y mukha’y siya ring ganda ng iyong puso subalit nagkamali ako. Si Mangita ay malinis ang puso kaya isasama ko siya sa aking tahanan sa pulo nitong lawa. Ikaw ay masama kaya mula ngayon, luluhod ka habampanahon sa ilalim ng lawa at magsusuklay upang masuyod ng walang katapusan ang mga butong itinago mo sa iyong buhok!” ang galit na wika ng diwata. Pumasok ang ilang bulilit at hinatak patungo sa pusod ng lawa si Larina. “Halika,umuwi na tayo!” bulong ng diwata kay Larina at mula noon, doon na sa magandang tahanan ng diwata namalagi si Mangita at nabuhay silang masaya at mapayapa. Si Larina naman ay nasadlak sa ilalim ng lawa,walang tigil niyang sinusuyod ang kanyang buhok upang isa-isang matanggal ang mumunting butong itinago niya rito. Mula sa mga buto sumibol ang mga luntiang halamang lumutang sa tubig at tinatawag na ngayong water lily.Tuwing nakikita ng mga tao ang mga halaman ay naaalala nila si Larina at ang kanyang kasamaang nagsadlak sa kanyang kaawa- awang kalagayan.