You are on page 1of 22

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 2.2
Panitikan: Alamat
Teksto: “Alamat ng Pitong Islang Makasalanan”
Wika: Mga Pahayag sa Paghahambing
Bilang ng Araw: 6 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-IIc-d-8


 Naihahayag ang nakitang mensahe ng napakinggang alamat.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-IIc-d-8


 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
kabisayaan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-IIc-d-8


 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit ulit na
ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) F7PD-IIc-d-8


 Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa
mga elemento nito.

PAGSASALITA (PS) F7PS-IIc-d-8


 Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang
alamat.

PAGSULAT (PU) F7PU-IIc-d-8


 Naisusulat ang alamat sa anyong komiks.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-IIc-d-8


 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing.

Ikalawang Markahan| 24
TUKLASIN
I. LAYUNIN

. PANONOOD (PD) F7PD-IIc-d-8


 Naihahambing ang binasang alamat sa napanood na alamat ayon sa mga
elemento nito.

II. PAKSA

Panitikan: Pagkilala sa Elemento ng Alamat


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Magpapanood ang guro ng videoclip ng isang alamat.
ALAMAT NG BUKO
https://www.youtube.com/watch?v=Kv23h22Ns_U

Gabay na Tanong:
a. Isa-isahin ang mga damdaming namayani sa inyo sa panonood ng
alamat.
b. Ano-ano ang mga pangkalahatang mensahe ng nabasang alamat?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ikalawang Markahan | 25
Ano-ano ang mga elemento ng isang alamat?
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng mga mag-aaral ang isang alamat.

ANG PINAGMULAN NG TAGALOG

Ayon sa sali’t-salin sabi, ang pagkakatawag ng TAGALOG sa mga mamamayang


nasa pinakapuso ng GITNANG LUZON, ay likha ng isang pagkakataon lamang. Umano
nang panahon ng mga Kastila, ay may isang nayong nasa may hanggahan ng lalawigang
Bulacan at Nueva Ecija. Ang nayon ay napabantog hindi dahil sa may maliit na batis ito,
na dinadaluyan ng malinaw na tubig; at may matatabang lupaing natatamnan ng
maraming namumungang punungkahoy; kundi dahil sa pagsilang doon ng isang
napakagandang dalaga, na ang pangalan ay Talya.
Dahil sa pambihirang kagandahan ni Talya, ang nayong iyon ay pinagdarayo ng
mga binatang nagbubuhat pa sa iba’t ibang pook at bayan. Sa nayong iyon si Talya
lamang ang may pinakamaraming binata na pawang namimintuho at nakikipagsapalaran
sa pag-ibig ng dalaga.
Bagama’t si Talya ay walang sinumang sinasagutan sa mga binatang nanunuyo
sa kanya, magiliw naman niyang pinakikiharapan ang lahat. Sapagka’t wala siyang
malamang piliin, ay gumawa siya ng paraan upang minsanang matipon sa kanilang
tahanan ang mga binatang iyon at saka niya sinasabi ang ganito. “Sinuman sa inyo ang
unang makapagdala sa aking harap ng isang malaki, malakas at buhay na sawa, ay siya
kong iibigin at pakakasalan. Halos lahat ng kaharap niyang binata ay pawang natigilan at
hindi nakapagsalita. Nguni’t anu-ano ay isang tinig ang bumasag sa katahimikang yaon.
“Ako ang nangangako sa iyo Talya”... – matatag na sagot ng binatang si ILOG, na
kilala nilang lahat sa katapangan. Sa pagkakatigagal ng mga kaharap na binata ay umalis
sa ilog noon din, nagbulung-bulungan ang mga binatang naiwan. Tinitiyak nilang hindi na
makababalik si ilog. May ilang oras na nakararaan ay hindi nga nagbabalik si Ilog.
Nangangamba naman si Talya at ikalulungkot niyang mapahamak ang binatang
matapang at masunurin.
Nguni’t walang anu-ano ay dumating si Ilog, na hawak ang leeg at sa buntot ang
isang malaking sawa. Namangha ang mga binatang dinatnan at pati naman ng mga taong
nagdaraan nang makitang hawak-hawak ni Ilog ang napakalaking sawa.”Talya”! – ang
malakas na sigaw ni Ilog, - narito ang sawang pinahahanap mo. Ano pa ang ibig mong
gawin sa sawang ito upang mapaligaya ka? Tagain mo ang sawang iyan: - ang sigaw ni
Talya. Binitawan ni Ilog ang sawa sa pagkakapigil nito sa buntot; at hinugot sa baywang
at hinugot sa baywang ang matalim na gulok. Tinaga ang dakong buntot na sawa.
Siyang pagdaraan noon ng dalawang kasadores na Kastila. Dahil sa nagkakagulo
ang mga manonood kay Ilog, ang akala ng mga iyon ay may itinatanghal sa nayong iyon.
“Ano bang palabas iyan, at ano bang bayan ito – ang tanong  ng dalawang
Kastila?, na napatingin pa kay Talya. Nagkataon naming nakita ni Talya, na ang sawa ay
ibig bumawa ng huling pagtatanggol sa sarili. Nang maputulan ng buntot ay namilipit ito
sa binti ni Ilog, kaya’t sa takot nitong malingkis ang binata napasigaw si Talya: Taga,
Ilog!... Taga Ilog- na ang ibig sabihin ng dalaga ay tagain pa uli ni Ilog ang nasabing
malaking sawa. At kung patay na naman iyon ay handa na siyang pakasal sa matapang
na binata.
          Ang akala naman ng dalawang Kastila, ay sinagot sila ni Talya sa kanilang
itinatanong; kaya’t isinaulo pa nila ang mga katagang: Tagailog, Tagailog! Hindi na
hinintay ng dalawang Kastila na matapos pa ang akala nila’y palabas sa pook na iyon.
Nang dumating sila sa kabayanan ay isiniwalat ang kanilang nasaksihan, na naganap sa
bayan ng Tagailog, na nang lumaon ay na tinawag na TAGALOG
Ikalawang Markahan| 26
ANALISIS

1. Bahagi na ba ng kulturang Pilipino ang pagbabasa ng mga alamat?


Patunayan.
2. Mayroon bang kultura, paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino ang
masasalamin sa mga alamat? Isa-isahin ito.
3. Suriin ang alamat na napanood at nabasa batay sa mga elemento.

ELEMENTO ALAMAT NG BUKO ALAMAT NG TAGALOG


Tauhan
Tagpuan
Buod
Mensahe

4. Nakatulong ba ang mga elemento sa pagpapalutang ng mga katangian ng


alamat? Paano?
5. Paano ninyo mapapahalagahan ang mga alamat sa ating bansa?

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

KATUTURAN NG ALAMAT
Ang salitang alamat o legend ay mula sa salitang Latin na legendus
na nangangahulugang “upang mabasa”. Isang mahalagang bahagi ng
kulturang Pilipino ang mg alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano
nagsimula ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga
kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari. Ang karaniwang
paksa ng alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian at
kapaligiran.

MGA ELEMENTO NG ALAMAT

1. Tauhan- ang mga taong gumaganap sa kuwento. May dalawang uri


ng tauhan, ang protagonista na siyang itinuturing na bida at ang
antagonista na itinuturing na kontrabida sa akda.

2. Tagpuan- ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa


akda.

3. Buod/ Banghay- ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


akda. Nahahati ito sa mga pangyayari. Ang simula, pataas na
aksyon, kasukdulan, pababang aksyon at wakas.

4. Mensahe- ang aral na nais ipabatid ng akda.

Ikalawang Markahan | 27 Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( BUKONSEPT)


Ilagay sa puno ng buko ang tamang pahayag na tutugon sa mga elemento ng
alamat.

ARAL

TAGPUAN

Lugar kung saan naganap ang mga


Mga taong gumaganap sa kuwento. pangyayari sa akda.
TAUHAN
Pagkakasunod-sunod ng mga Aral na nais ipabatid ng akda.
pangyayari sa akda.
BANGHAY

http://previews.123rf.com/images/iimages/iimages1502/iimages150200627/36011333-Coconut-trees-at-the-beach-across-the-parola-Stock-Vector.jpg
https://img.clipartfest.com/b66ff80fc2ecb6980a4e892b3f5149b9_coco20clipart-buko-clipart_1300-1300.jpeg

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (CREATE YOUR OWN)


Gagawa ang mga mag-aaral ng sarili nilang alamat tungkol sa larawang
ipakikita ng guro. Ang alamat ay nararapat na kakitaan ng iba’t ibang
elemento.

http://3.bp.blogspot.com/-lWlYR9864WQ/UO01H9qWfLI/AAAAAAAAAC0/gVsBhuChEro/s1600/batangas+coffee.jphttp://www.25travels.com/wp-content/uploads/2011/10/Taal.jpg

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang alamat na inyong tinalakay noong elementarya.


2. Suriin ang mga elemento ng alamat na ito.
3. Basahin at unawaing mabuti ang alamat na “Alamat ng Pitong Islang
Makasalanan” pagkatapos ay isulat ang buod nito. Humanda sa talakayan.

LINANGIN
I.LAYUNIN

Ikalawang Markahan| 28
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F7PN-IIc-d-8
 Naihahayag ang nakitang mensahe ng napakinggang alamat.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) F7PB-IIc-d-8


 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
kabisayaan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) F7PT-IIc-d-8


 Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit ulit na
ginamit sa akda.

PAGSASALITA (PS) F7PS-IIc-d-8


 Nanghihikayat na pahalagahan ang aral na nakapaloob sa binasang
alamat.

II. PAKSA

Panitikan: Mensahe ng Alamat- “Alamat ng Pitong Islang Makasalanan”


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (BIBLE STORY)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip na may pamagat na “Alibughang
Anak”, isang parabula.

ANG ALIBUGHANG ANAK


https://www.youtube.com/watch?v=BiXh9RncUKg

Gabay na Tanong:
a. Ano-ano ang inyong mga saloobin sa napanood?
b. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng napanood.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

Ikalawang Markahan | 29
2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano ang mensaheng nais iparating ng akdang “Alamat ng Pitong Islang


Makasalanan?”

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (ANONG INTERPRETASYON MO)


Ibibigay ng mga mag-aaral ang sariling interpretasyon sa mga salitang
ginamit sa akda.
Baybayin Nimpa Lulan
Humagulgol Naghahangad Pumalaot

4. Paghihinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WHAT DO YOU KNOW)


Magbibigay ng mga mahahalagang impormasyon ang mga mag-aaral tungkol
sa salitang kasalanan at ipaliliwanag ito.

KASALANAN

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (DUGTUNGANG PAGBASA)


Babasahin ng ilang piling mag-aaral ang pabula.

Ikalawang Markahan| 30
ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang


pitong anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanang nakaharap sa
baybayin ng dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas,
Isla ng Panay. Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa
ng mga gawaing-bahay o kaya namay nasa dalampasigan at nagtatampisaw o
masayang lumalangoy, naghahabulan, at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang
kay gaganda habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan
kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang
kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha
ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang
mga anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman
sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring maglayo sa kanya. “Sana,
kung makahahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito
lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama
sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak na abala sa mga
gawaing bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal
ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binata ang
kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para
sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng
magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa dalaga. Naging mabilis ang
pagkakaunawaan ng pitong dalaga sa pitong batang estranghero. Inanyayahan
nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad namang
nagsipayag.
Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang ama.
“Hindi nyo pa kilala ng lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama? Hindi
ako papayag”. Ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang kanyang mga
anak na sumama sa mga binata.
Isang araw, habang nasa dagat at nagingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapanagahas na pasya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa
ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang mangisda. Bitbit ang
kani-kanilang pansariling gamit ay sumakay na ang mga suwail na anak sa
tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nagingisda
ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan
ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para
mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang
kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero
kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.
Ikalawang Markahan | 31
Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “ Mga
anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang
katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya sa
6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)

Ikalawang Markahan| 32
Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng
mga flow chart.

Ang Kagandahan
ng Pitong dalaga sa
isla

Pagdating ng
mga lalaki sa
Isla

Pag-alis ng mga dalaga


sa isla at pagsama sa
mga lalaki

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa alamat
na binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:
Katangian ng Alamat Paksa:

2
Sariling interpretasyon sa mga
Mungkahing Estratehiya:
Akrostiks
Paggawa ng akrostiks mula sa
1 salitang ginamit sa akda
Mungkahing Estratehiya:
Pantomina
salitang ALAMAT na naglalaman Pagtatanghal ng pantomina na
ng mga katangian ng akdang nagpapakita ng interpretasyon sa
tinalakay mga salitang ginamit sa akda

Paksa: Paksa:
Pagpapahalaga sa mga aral na Mensahe ng Alamat
nakapaloob sa binasang alamat
Mungkahing Estratehiya:
Usapan 3 Mungkahing Estratehiya:
Hugot Lines
4
Pagtatanghal ng usapan na nagpapakita Paggawa ng mga hugot lines na
ng pagpapahalaga sa mga aral na nagpapakita ng mensahe ng
nakapaloob sa binasang alamat
alamat

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

Ikalawang Markahan | 33
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan ng
Mahusay Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa binasa. Ano-ano ang mga


positibo at negatibong katangiang taglay nila?
2. Bakit hindi pumayag ang ama nang magpaalam ang kanyang mga anak
na sasama sa mga binatang bago pa lang nilang nakikilala?
3. Ipaliwanag ang mahahalagang mensaheng nangibabaw sa akda.
Makatutulong ba ito sa bawat isang mambabasa? Pangatwiranan.
4. Kung ikaw ang isa sa mga dalaga, susunod ka ba sa iyong ama? Kung
ikaw naman ang ama, ano ang gagawin mo para mapasunod mo ang
iyong anak sa iyong kagustuhan?
5. Bakit naging alamat ang akdang tinalakay? Ano- ano ang masasabi mo sa
lugar na Bisayas batay sa binasa?

ABSTRAKSYON

Ikalawang Markahan| 34
Mungkahing Estratehiya ( PICTURE CONCEPT)
Mula sa larawang ipapakita ng guro ay bubuo ang mga mag-aaral ng
pangunahing konsepto ng aralin.

http://cdn.rainbowresource.netdna-cdn.com/products/032336.jpg

Ang mensaheng nais iparating ng akdang “Alamat ng Pitong Islang


Makasalanan” ay ____________

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (THINK AND SHARE)


Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungang inihanda ng guro.

Paano mo pahahalagahan ang aral na nakapaloob sa alamat na


tinalakay?
a. Bilang isang anak
b. Bilang isang mag-aaral
c. Bilang isang mamamayan

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Paano naiiba ang alamat sa ibang akdang pampanitikan?

a. Ito ay inaawit at itinatanghal sa tanghalan.


b. Ito ay naglalahad ng mga totoong pangyayari.
c. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay.
d. Nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan.

Ikalawang Markahan | 35
2. Ano ang slogang angkop sa mensahe ng binasang alamat na “Pitong
Islang Makasalanan”?

a. Kapwa ko, Mahal ko! c. Magulang mo, mahalin mo!


b. Kapag may tiyaga, may nilaga. d. Tapat ko, Linis ko.

3. Ang pitong dalaga’y tila mga ___________ dahil sa taglay nilang


kagandahang hinahangaan ng madla. Ano ang angkop na salita sa
pangungusap?

a. baybayin c. lulan
b. nimpa d. humagulgol

4. Bakit nasawi ang mga anak sa akdang “Alamat ng Buko”?

a. Dahil sa kanilang kapabayaan


b. Dahil sa kanilang itinagong lihim
c. Dahil sa kanilang pagsusuwail
d. Dahil sa kanilang pag-aagawan sa isang babae

5. Paano mo gagamitin ang mensahe ng nabasang alamat sa pang-araw


araw na pamumuhay?

a. Sumunod sa mga magulang dahil hangad lamang nila ang iyong


kabutihan.
b. Mag-aral ng mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan.
c. Magkaroon ng disiplina sa sarili at ito ang susi sa kaunlaran.
d. Maging matulungin sa kapwa dahil ito ay may mabuting kapalit.

Sagot:
C C B D A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang alamat mula sa Luzon. Basahin ito at isa-isahin ang mga
aral na napulot mula sa aralin na makatutulong sa inyo bilang mga kabataan.
2. Ano-ano ang mga pahayag sa paghahambing? Isa-isahin ang mga ito.

Ikalawang Markahan| 36
PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) F7WG-IIc-d-8


 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing.

II. PAKSA

Wika: Mga Pahayag sa Paghahambing


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip tungkol sa lugar na Isla Verde.
ISLA VERDE
https://www.youtube.com/watch?v=w6xXvk4fOLI

Gabay na Tanong:
a. Ilarawan ang Isla Verde bilang isang “tourist spot” sa lungsod Batangas.
b. Ihambing ang ganda nito sa iba pang lugar na inyong napuntahan.

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa paghahambing?

Ikalawang Markahan | 37
3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (READ AND LEARN)


Babasahin ng piling mag-aaral ang alamat nang may kasiningan.

Ikalawang Markahan| 38
Ilalagay ng mga mag-aaral ang mga salitang naglalarawan sa binasang
alamat.

higit lalo
mas

pinaka
magsing-

http://www.batangascity.gov.ph/web/about-the-city/city-profile/batangas-city-map

ANALISIS

1. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga salitang inilagay sa


mapa.
2. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito na naglalarawan?
3. Mahalaga ba ang paggamit ng mga salitang naglalarawan sa
pangungusap? Patunayan.
4. Pansinin ang mga salitang nasa labas ng mapa. Gamitin din ito kasama
ng mga salitang naglalarawan.
5. Ano ang iyong masasabi sa mga pangungusap na ginamitan ng ganitong
pahayag?

Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M AN- (FOR YOUR INFORMATION)

KATUTURAN NG PANG-URI

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa


pangngalan o panghalip. Narito ang iba’t ibang kaantasan ng pang-uri.

1. LANTAY- anyo ng pang-uri na naglalarawan lamang sa isang


pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
Maliwanag ang sikat ng araw.
Ikalawang Markahan | 39
2. PAHAMBING- naghahambing o nagtutulad ng dalawang pangngalan o
panghalip.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( MAP CONCEPT)


Bubuuin ng mga mag-aaral ang mapa ng Isla Verde upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin

paggamit pahayag

Mahalaga
mabisa
AP
LI paghahambing KA
S YO
N
paglalarawan

Ikalawang Markahan| 40

Mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa paghahambing sa mabisang


Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (PABORITONG PASYALAN)

Alin sa iba pang lugar sa probinsya o lungsod ng Batangas ang iyong


narating na? Ilarawan ang lugar na ito gamit ang mga pang-uri sa iba’t
ibang kaantasan.

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN)
Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit sa bawat pangungusap.
Pagkatapos ay suriin ang kaantasan nito.

1. Ang dalisay na pagmamahal ng mga magulang ay kailangan ng mga


anak.(lantay)
2. Mas makabubuti sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa
palakihin sila sa layaw. (pahambing)
3. Magsinghalaga ang ina at ama sa buhay ng mga anak. (pahambing)
4. Maraming libangan ang nagtuturo ng maling pagpapahalaga sa kabataan.
(lantay)
5. Pinakamahirap iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang telebisyon
dahil lagi itong nakikita sa isang pindot lang sa remote ay bubukas na ito.
(pasukdol)
EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pang-uri?


a. Magbibigay siya ng ticket para sa kanilang pamamasyal.
b. Sagana sa luntiang mga kahoy at pananim ang lugar.
c. Mayroon siyang binabalak na pamamasyal sa ibang lugar.
d. Ang mag-anak ay naghahanda para sa kanilang family outing.

2. Piliin ang pangungusap na may wastong gamit ng kaantasan ng pang-uri.


a. Sa ngayon, maraming kabataan na ang nalululong sa paglalaro ng
videogames kaysa noong mga nagdaang panahon.
b. Ang tamang paggabay sa mga anak ay mainam pa ring paraan ng pagtuturo
kaysa sa labis na pamamalo o pananakit ng bata.
c. Lahat ng maaaring gawin ng anak ay pinakamasakit sa isang magulang.
d. Kaya pilitin nating maging masunurin ngayon kaysa noon.

Panuto: Tukuyin ang tamang pang-uri na pupuno sa diwa ng pangungusap.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

3. Ang (buti) anak ay marunong sumunod sa payo ng magulang.


a. mas mabuti b. mabuti c. pinakamabuti d. mapagbuti

Ikalawang Markahan | 41
4. Natutunan natin mula sa binasang alamat na sa lahat pala ng maaaring gawin ng
anak, ang (masakit) sa isang magulang ay ang pagsuway ng anak na
humahantong sa sarili nitong kapahamakan.
a. mas masakit b. nakasasakit c. pinakamasakit d. parehong masaki
5. Ang ating mga magulang ang (dalisay) magmahal sa lahat ng taong
makakasalamuha natin.
a. pinakadalisay b. mas dalisay c. dinadalisay d. parehong dalisay

Sagot:
B C B C A

Pagkuha ng Index of Mastery


SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magdikit ng isang larawan ng lugar na iyong napuntahan na o nais puntahan sa


bansa. Gumawa ng talatang naglalarawan sa lugar na ito. Gumamit ng mga
pang-uri sa iba’t ibang kaantasan.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.2.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) F7PU-IIc-d-8


 Naisusulat ang alamat sa anyong komiks.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.2


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

Ikalawang Markahan| 42
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (ALAMAT NG BATANGAS)


Magpapabasa ang guro ng isang alamat.

Ikalawang Markahan | 43
Gabay na Tanong:
Suriin ang alamat batay sa elemento nito.
TAUHAN
TAGPUAN
BUOD/ BANGHAY
ARAl/ MENSAHE

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS

GOAL: Naisusulat ang alamat sa anyong komiks.

ROLE: Isa kang mahusay na manunulat ng komiks.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang komiks na “KWENTONG BATANGUENO” ay


nangangailangan ng mga magsusulat ng isang komiks na
nagsasalaysay ng alamat nito.

PRODUCT: Alamat ng Batangas sa anyong komiks

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng komiks. nilalaman ng komiks. mga naisulat na
(4) (4) (3) komiks.(1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa komiks. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) komiks. salitang ginamit sa
(2) komiks.(1)
Lubos na kinakitaan Kinakitaan nang Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG nang maayos at maayos at maayos at
TALATA organisadong talata ang organisadong talata organisadong talata
(3) naisulat na komiks. ang naisulat na ang naisulat na
(3) komiks. (2) komiks.(1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa
pagkakasulat.

Ikalawang Markahan| 44
IV. KASUNDUAN
1. Manood sa youtube ng isang halimbawang alamat sa Pilipinas. Ibigay ang
buod ng inyong napanood.
2. Ano ang dula bilang akdang pampanitikan? Ibigay ang kahulugan nito.

Ikalawang Markahan | 45

You might also like