You are on page 1of 8

7

Filipino
Ikalawang Markahan-Unang Linggo

MGA PILYEGO NG GAWAING


PAMPAGKATUTO
(Learning Activity Sheets - LAS)

Mga Awiting-Bayan mula sa


Kabisayaan

Mga Manunulat:

VICIO, MABLE A.
TIU, MARIE LYN R.
BONONO, ANALYN E.
Mataas na Paaralang Pambansa ng Del Carmen
Sangay ng Siargao
Panimula
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity Sheets –
LAS) ay disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa Ikapitong Baitang
upang maipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat, bahagi ng akda, at teksto
tungkol sa epiko sa Kabisayaan .

Ang mga gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang


natutukoy ang kultura ng isang lugar batay sa mga detalyeng nakapaloob sa awiting-
bayan.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:

Aralin 1: Mga Awiting Bayang at Bulong mula sa Kabisayaan

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nakapagbibigay ng mga detalye tungkol sa pangyayaring naganap sa
pangunahing tauhan;
2. Naibibigay ang mga pangunahing kaisipan tungkol sa kinahihinatnan ng
mga pangyayari sa awiting-bayan;
3. Natutukoy ang kultura ng isang lugar batay sa mga detalyeng nakapaloob
sa awiting-bayan;
4. Napangangatwiranan/nabibigyang hatol ang kahalagahan ng tradisyon at
kultura bilang salamin sa pag-unlad ng mga taga-Bisaya.
Pag-aralan ( Key Concepts)

PAKSA:MGA AWITING BAYAN SA KABISAYAAN

Ang awiting –bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit
kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta.Sa ganitong paraan,
higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito.Hindi man
nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang
mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang mga ito.

Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantahing-bayan ay isa sa mga uri ng


sinaunang panitikang Pilipino na naging popular na bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Ang awiting-bayang ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang
binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.

Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na


lalo pang pinagaganda ng mga katutubong panitikan.Sa araling ito ay binibigyan
pansin at itatampok ang mga awiting- bayang Bisaya o Visayan folksongs at mga
bulong sa Bisaya .Sa ibaba ay mababasa ang iba’t ibang awiting bayan.

Halina’t tuklasin ang kagandanhan ng awiting bayan mula sa Visayas,

Si Pelimon

Si Pilemon, si Pilemon namasol sa kadagatan.


Nakakuha, nakakuha og isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba—
Ang halin pulos kura, ang halin pulos kura,
Igo lang ipanuba.

Dandansoy Ili-Ili Tulog Anay

Dandansoy, bayaan ta icao Ili-ili tulog anay,


Pauli aco sa Payao Wala diri imong nanay.
Ugaling con icao hidlauon Kadto tienda bakal papay.
Ang Payaw imo lang lantauon. Ili-ili tulog anay.

ili ili tulog anay

Dandansoy, con imo apason wala diri imo nanay

kadto tienda bakal papay


Bisan tubig di magbalon
Ili-ili tulog anay.
Ugaling con icao uhauon
mata kana tabangan mo.
Sa dalan magbobonbobon.
ikarga ang nakompra ko.

kay bug-at man sing putos ko.


Convento, diin ang cura?
tabangan mo ako anay..
Municipio, diin justicia?
kay bug-at man sing putos ko..
Yari si dansoy maqueja.
tabangan mo ako anay...
Maqueja sa paghigugma
ili ili tulog anay

wala diri imo nanay

Ang panyo mo cag panyo co kadto tienda bakal papay

Dala diri cay tambijon co Ili-ili tulog anay...

Ugaling con magcasilo

Bana ta icao,asawa mo aco.


Mga Gawaing Pampagkatuto
( Learning Activities)

Pangkalahatang Panuto: Isulat ang mga sagot sa hiwalay na papel

Gawain 1
Panuto : Ilang salitang bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa
katumbas nitong salitang Filipino . Hanapin sa kahon ang katumbas ng salitang
nakasulat ng italisado at isulat ito sa sagutang papel.

Nangisda Ipinadala Nahulog masamain Pumunta


Lumangoy init natumba Natutu Asim
Naligo paos magbaon Nagturo Daanan
Ipinagdamot minamahal Nag-ahit Mag-ayos Pagsabihan
magsaing pait Mag-aral ipinagbila Narinig

_______________1. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa


kanyang bangka at pumalaot. Siya ay namasol. Ang namasol ay……

_______________2. Sinabihan siya ng kanyang asawang si Aling Selya na


magbalon para hindi gutumin. Ang magbalon ay………
_______________3. Ang mga huli niya ay guibaligya niya sa mga kapitbahay. Ang
guibaligya ay………..
_______________4.Nagluto siya ng sinigang. Gustong- gusto niya kasi ang sabaw
na may aslom. Ang aslom ay…….
_______________5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang
gihigugma. Ang gihigugma ay…..
GAWAIN 2
PANUTO: Makilala mo kaya ang kaisipang nais iparating ng awiting-bayan?
Bilugan ang titik ng tamang sagot at saka ipaliwanag ito.
1. “Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan,Nakahuli, nakahuli ng isdang
tambasakan” Isinasaad ng mga linyang ito na…
a. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda.
b. Libangan ng mga tao sa Bisaya ang pangingisda.

Ito ang kaisipang napili ko


dahil_______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________
2. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke.Ang kanyang pinagbilhan,
pinambili ng tuba”
Isinasad ng mga linyang ito…
a.ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba
b. ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba

Ito ang kaisipang napili ko


dahil__________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________

3. Batang munti, batang munti, matulog ka na, Wala rito ang iyong ina, Siya ay
bumili ng tinapay, Batang munti, batang munti, matulog ka na.

Isinasaad ng awiting-bayanng ito na….


a. Ang pag-awit para sa sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya
b. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para maging mahusay na mang-
aawit.

Ito ang kaisipang napili ko


dahil_______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________
Gawain 3
Panuto: Masasalamin sa awiting-bayang “Lawiswis Kawayan” ang ilang tradisyon
ng mga taga-bisaya lalo na pagdating sa pag-ibig. Bumuo ng sariling paghahatol o
pagmamatuwid kaugnay ng mga ideyang nakapaloob sa awit.

Lawiswis Kawayan
(Saling Tagalog na inawit ng Mabuhay Singers)
Sabi ng binata halina O hirang
Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan.

Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw


Sasabihin pa kay Inang ng malaman
Binata’y nagtampo at ang wika ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.

Ang dalaga naman ay biglang umiyak


Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.

1. Makikita sa awit ang kaugaliang pagpapaalam muna ng isang dalaga sa


kanyang ina bago siya sumama o pumayag sa paanyaya ng kasintahan. Ang
pananaw ko sa kaugaliang ito
ay____________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________________________________

2. Naging mabilis ang paghingi ng patawad ng binata sa kasintahang nasaktan


sa kanyang ginawa o nasabi. Makikita rito ang pagiging maginoo ng binata.
Ang pananaw ko sa kaugaliang ito
ay__________________________________________________________
3. Sa ikatlong saknong ng awiting-bayang “Lawiswis Kawayan”anong pag-uugali
ng isang binata ang pinahalagahan ng awitin? Likas bas a mga taga Bisaya
ang pag-uugaling ito? Ipaliwanag.

Paglalahat / Repleksyon
A. Natutuhan ko sa araling ito ang mga sumusunod:
1. ___________________________________________
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1 nangisda
2 magbaon
3 ipinagbili
4 asim
5 minamahal

Gawain 2. Nasa pagpapasya ng guro.

Gawain 3. Nasa pagpapasya ng guro

SANGUNIAN
Mula sa aklat:
Dayag ,Alma M. et al 2015 Pinagyamang Pluma 7 Quezon city. Phoenix Publishing
House Inc.
Mula sa Internet
https://www.slideshare.net/christine25/bulong at awiting bayan

You might also like