You are on page 1of 33

LAYUNIN:

Naipaliliwanag ang mahalagang


detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng napakinggang bulong,
awiting-bayan, alamat, bahagi ang
akda at teksto tungkol sa
Kabisayaan.
Halimbawa ng mga awiting-bayan
mula sa Kabisayaan:
1. Lawiswis Kawayan (awiting-
bayan mula sa Samar-Leyte)
2. Dandansoy (awiting-bayan
mula sa Negros Occidental)
3. Ay Kalisud (awiting-bayan ng
mga Ilonggo)
4. Ili-Ili Tulog Anay (awiting-
bayan ng mga Ilonggo)
5. Si Pilemon (awiting-bayan ng
mga Cebuano)
Ang bulong ay ginagamit pa rin
ng marami nating kababayan sa
pagpapasintabi kapag
napaparaan sa tapat ng nuno sa
punso, sa kagubatan, sa tabing-
ilog
at sa iba pang lugar na
pinaniniwalaang tirahan ng mga
engkanto, lamang-lupa, o
maligno. Binibigkas ang bulong
para mabigyang-babala ang mga
“nilalang na hindi nakikita” na
may daraan para
maiwasang sila’y matapakan o
masaktan. Pinaniniwalaan kasing
kapag hindi sinasadyang nasaktan
ang mga “nilalang” na ito ay
maaari silang magalit, manakit, o
magdulot ng hindi maipaliwanag
na karamdaman.
Sa Ilonggo
“Tabi-tabi…
Maagi lang kami
Kami patawaron
Kon kamo masalapay namon.”
Salin sa Tagalog
“Tabi-tabi…
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’y masagi namin.”
Makikilala mo kaya ang
kaisipang nais iparating
ng awiting bayan?
Panuto: Piliin ang titik
ng tamang sagot at saka
ipaliwanag ang iyong
sagot.
1.“Si Pilemon, si Pilemon,
nangisda sa karagatan,
nakahuli nakahuli ng isdang
tambasakan”
Isinasaad ng mga linya na ito
na . . .
a. Isa sa mga pangunahing
kabuhayan sa Bisaya ang
pangingisda.
b. Libangan ng mga tao sa Bisaya
ang pangingisda.
Ito ang kaisipang napili ko dahil
____________________________
2. “Pinagbili, pinagbili sa sa isang
munting palengke
Ang kanyang pinagbilhan, ang
kanyang pinagbilhan, pinambili ng
tuba.”
Isinasaad ng mga linya na ito na
...
a. Ang tauhan ay nagnenegosyo ng
tuba
b. Ang tauhan ay mahilig uminom
ng tuba
Ito ang kaisipang napili ko dahil
____________________________
____
3. Batang munti, batang munti,
matulog ka na,
Wala rito ang iyong ina,
Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti,
matulog ka na,
Isinasaad ng mga linya na ito na
...
a. Ang pag-awit para sa sanggol ay
bahagi ng kulturang Bisaya
b. Ang pag-awit sa sanggol ay
paraan para maging mahusay na
mang-aawit
Ito ang kaisipang napili ko
dahil
____________________________
____
4. Ay, ay Kalisud, kalisud sang
binayaan
Adlaw gab-I pirmi kita guina
tangisan
Isinasaad ng mga linya na ito na
...
Isinasaad ng awiting-bayang
ito na . . .
a. Masakit ang mabigo sa
ngalan ng pag-ibig
b. Ang pagluha ay isa sa mga
katangian ng tao
5. “Dandansoy, iiwan na kita
Babalik ako sa payaw
Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw.”
Isinasaad ng mga linya na ito
na . . .
a. Pinaglalapit ng isang awit
ang dalawang magkalayong
nagmamahalan
b. Napakahirap sa kalooban
ang pagkakahiwalay ng
dalawang nagmamahalan

You might also like