You are on page 1of 15

7

Filipino
Ikalawang Markahan
Modyul 1
Panitikang Bisaya: Salamin ng
Mayamang Kultura, Tradisyon, at
Kaugalian ng Kabisayaan

0
Panimula
Sa modyul na ito, mababasa ang ilang akdang pampanitikan ng Kabisayaan tulad ng bulong
at awiting-bayan. Ilalahad dito ang tradisyon at kaugalian ng Kabisayaan pagdating sa mga
awitin at paniniwala sa mga laman-lupa sa sinaunang panahon.

ANG PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

F7PN-IIa-b-7- Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais


iparating ng napakinggang bulong at awiting-bayan.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang malaking titik ng
pinakatamang sagot sa sagutang papel.

(Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng iyong pangalan,
taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.)

Pangalan: ____________ Taon/Seksyon: ______ Petsa:__________ Bilang ng Modyul: 1

1. Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng


Pilipinas.
A. awiting-bayan B. bulong C. kulto D. samba

2. Ang mga sumusunod ay ang gamit ng bulong noong unang panahon MALIBAN sa_____.
A. panukso sa mga bata
B. pangkulam o pang-engkanto
C. paghingi ng paumanhin sa mga engkanto
D. panggagamot ng mga matatanda sa mga maysakit

3. Ito ay mga kantang nasa anyong patula ngunit may tugtugin at indayog na ayon sa
damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit sa Pilipinas na nagsimula bago pa man dumating
ang mga Espanyol.
A. awiting-bayan B. bulong C. kulto D. samba

4. Sa anong panahon nagsimula ang awiting-bayan at bulong sa Pilipinas?


A. panahon ng Amerikano C. panahon ng Hapon
B. panahon ng Espanyol D. panahon ng Ninuno

5. “Tabi-tabi po, makikiraan lang po, baka kayo ay mabunggo.” Ito ay isang halimbawa ng
__________.
A. awiting-bayan B. bulong C. kulto D. samba

6. Ito ay awit ng pag-ibig sa Bisaya. Maaaring ang tema nito ay malungkot kung nabigo ang
binatang umaawit at masaya naman kapag may pag-asa ang nanliligaw.
A. Balitaw B. Kundiman C. Pamulinawan D. Uso

1
7. Ito ay awit sa pagpapatulog ng bata.
A. Dalit B. Diona C. Ditso D. Uyayi

8. Awit ito sa mga anito na nagpapakita ng pagsamba at paggalang o imno sa mga diyos-
diyosan ng mga Bisaya.
A. Dalit B. Diona C. Ditso D. Uyayi

9. Ito ay awiting-bayan na pangkasal na inaawit habang isinasagawa ang seremonya.


A. Dalit B. Diona C. Ditso D. Uyayi

10. Awit ito mula sa mga batang naglalaro sa lansangan.


A. Dalit B. Diona C. Ditso D. Uyayi

Para sa bilang 11-15. Basahin ang awiting-bayan.

Si Pilemon, si Pilemon, namasol sa kadagatan


Nakakuha, nakakuha ug isdang tambasakan
Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba
Ang halin pulos kura (2x)
Igo lang gipanuba

11. Batay sa awiting-bayan na nasa itaas, anong uri ng hanapbuhay mayroon sa


Kabisayaan noong unang panahon?
A. pagsasaka B.pangingisda C. pagnenegosyo D. panunuba

12.Sa linya ng awit na “Gibaligya, gibaligya sa merkadong guba, ang halin pulos kura Igo
lang gipanuba”, Ipinakita sa pahayag na ang tauhan ay may katangiang _________.
A. marunong sa negosyo C. mahilig kumain ng isda
B. may adhikain sa buhay D. mahilig uminom ng alak

13. Ano ang kaisipang nais iparating ng awit batay sa nilalaman nito?
A. Ito ay tungkol sa masaganang pangingisda.
B. Ang pagbibenta ng isda ay magandang negosyo.
C. Ang lugar na pinagtitindahan ng isda ay kailangang malinis.
D. Minsan ang pinaghirapang pera sa pangingisda ay mapupunta lamang sa wala.

14. Ang kaugalian na sumasalamin sa awit na “Si Pelimon, si Pelimon”, ay ang _________.
A. hilig sa pagpapautang
B. pagpapanggap na may maraming pera kahit wala
C. pagiging matiyaga sa paghahanapbuhay para sa pamilya
D. kaugaliang kapag nakaswerte sa trabaho, ang kita ay ginagamit sa pagbibisyo

15. Anong damdamin ang nangingibabaw sa awiting-bayang “Si Pelimon, si Pelimon”?


A. pagsisisi B. pangungulila C. pagkagalit D. pagtampo

2
Aralin
1 Bulong

Alamin
Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:
A. naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng nabasang bulong; at
B. nasusuri ang mensahe sa nabasang bulong.

Balikan/Pagganyak

Ibigay ang mga pangalan ng nasa larawan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _________ 2.___________

3. ___________________________

3
Ang mga larawan sa itaas ay tinatawag na mga laman-lupa na pinaniniwalaang
namumuhay na noon pang panahon ng ating mga ninuno. Ayon sa mga nakatatanda may
paraan daw kung paano dapat kinakausap ang mga engkanto o laman-lupa.

Alamin ang mga lumang anyo ng ating panitikan na may kaugnayan sa pakikipag-usap
sa mga laman-lupa na itinuro pa ng ating mga ninuno.

Tuklasin

Suriin ang usapan sa ibaba

Mary Rose may punso ng Opo lolo, tabi-tabi po


nuno. Kausapin mo at nuno ng punso, kami lang
humingi ka ng paalam na po ay dadaan, pasensya
tayo ay dadaan. na kung ikaw ay
mabunggo.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nakita ng maglolo?

________________________________________________________________
2. Bakit humingi ang maglolo ng pahintulot na dumaan sa punso?

________________________________________________________________
3. Anong kaisipan o ideya ang pinakita sa larawan?

________________________________________________________________

Ipinakita sa larawan ang paraan ng pakikipag-usap sa mga laman-lupa na di nakikita, ito ay


tinatawag na Bulong.

4
Suriin / Talakayin

Alam mo na….
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuluan ng Pilipinas. Itinuturing itong isang panalangin dahil sa pagnanais na makamtan ang
isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran. Ayon sa UP
Diksiyonaryong Filipino, ang bulong ay pagsasalita nang mahinang-mahina, karaniwan sa
pamamagitan ng hininga sa halip na sa lalamunan, lalo na sa kapakanan ng paglilihim;
pagsasabi ng masama sa talikuran; mahiwagang salita.

Pinaniniwalaan din itong panlaban sa masasamang espiritu kung kaya ito’y itinuturing
na pangkulam o pang-engkanto ng mga Bagobo ng Mindanao. Ginagamit din ito
magpahanggang ngayon sa Katagalugan at sa Kabisayaan. Halimbawa nito ay kung
napaparaan sa mga daang may punso. Ayon sa matandang paniniwala, ang punso ay bahay
ng mga nuno na kapag natapakan ay magagalit sa nakatapak na siyang magiging sanhi ng
pagkakasakit nito. Upang makaiwas sa ganitong pangyayari, kailangang bumigkas ng bulong
tulad ng “tabi-tabi po” o “bari-bari” sa mga Ilokano. Ginagamit din itong panlunas sa sakit tulad
ng usog, pilay o kagat ng mga hayop.
Halimbawa ng bulong ay ang mga sumusunod:

Ø “Tabi-tabi po, makikiraan lang po, baka kayo ay mabunggo”.


Ø “Dagang malaki, dagang maliit, heto ang ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng
bagong kapalit”.
Ø “Mahal na (pangalan ng santo) tulungan po ninyo kami.”
Ø “Makikihingi lamang po ng kaunting bunga.”

Isaisip

Ang bulong ay isa pa sa mga yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Ito
ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa
tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog at sa iba pang lugar na
pinaniniwalaang tirahan ng engkanto, laman-lupa o maligno. Binibigkas ang bulong para
mabigyang-babala ang mga nilalang na hindi nakikita na may daraan para maiwasang sila’y
matapakan o masaktan. Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga
“nilalang” na ito ay maaari silang magalit o magdulot nang hindi maipaliwanag na
karamdaman. Gumagamit din ng bulong ang mga albularyo sa kanilang panggagamot.

5
Isagawa
Panuto: Ibigay ang mga paniniwala at kaugalian ng Kabisayaan na masalamin sa
bulong na nasa ibaba.

Sa Ilonggo Salin sa Tagalog


Tabi tabi…. Tabi tabi….
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’y masagi namin

PANINIWALA/
KAUGALIAN

__________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Panuto: Bumuo ng isang sariling bulong na kakikitaan ng kaugalian at paniniwala ng


Kabisayaan. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

6
Aralin Awiting-Bayan na Mula sa
2 Kabisayaan

Alamin

Pagkatapos ng araling ito ikaw ay inaasahang:


A. naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng nabasang awiting-bayan; at
B. nasusuri ang mensahe sa nabasang awiting-bayan.

Balikan/Pagganyak

Tinalakay sa aralin 1 tungkol sa Bulong, balikan mo ito sa pamamagitan ng pagbigay ng


dalawang gamit ng bulong sa sinaunang panahon.

1.__________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________

Maliban sa bulong, may isa pang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila, ito ay ang
mga Awiting-Bayan.

Tuklasin

Panuto: Suriin ang awiting-bayan at sagutin ang mga tanong.


MATUD NILA SABI NILA
(Cebuano) (Tagalog)

Matud nila ako dili angay Sabi nila di ako dapat


Nga magmanggad sa imong gugma Maghangad sa iyong pagmamahal
Matud nila, ikaw dili malipay Sabi nila, di ka magiging masaya
Kay wa ako’y bahandi nga kanimo igasa. Pagkat ako’y salat sa yaman.

Gugmang putli mao ray pasalig Wagas na pag-ibig, tanging maipapangako


Maoy bahanding labaw sa bulawan Ito’y yamang higit pa sa ginto

7
Matud nila, ka anugon lamang Sabi nila, sayang lamang
Sa imong gugma ug parayeg. Ang iyong pag-ibig at pagtingin

Dili malubag kining pagbati Hindi maglalaho itong nararamdaman


Bisan sa unsa nga katarungan Maging ano pa ang dahilan
Kay unsa pay bili ning kinabuhi Dahil ano pa ang silbi nitong buhay
Kung sa gugma mo hinikawan. Kung pagbawalan sa iyong pagmamahal.

Ingna ko nga dili ka mutoo Sabihin mong di na naniniwala


Sa mga pagtamay kong na-angkon Sa kanilang mga panlalait sa akin
Ingna ko nga dili mo kawangon Sabihin mong di mo palalampasin
Damgo ug pagsalig sa gugma mo Ang panaginip at tiwala ng iyong pag-ibig.

Pamprosesong tanong:

1. Tungkol saan ang awiting-bayan?


___________________________________________________________________
2. Ano ang mensahe nito?
____________________________________________________________________
3. Anong kultura ng Kabisayaan ang mababakas sa awit na ito?
____________________________________________________________________

Suriin / Talakayin

Alam mo ba na…

Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit
kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na
naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man nasusulat ay sa
isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang mga awit kaya naman
maituturing na walang kamatayan ang mga ito.

Ilan sa mga halimbawa ng Awiting-Bayan sa Kabisayaan:

Si Pelimon, Si Pelimon Si Felimon, Si Felimon


Cebu (Salin sa Tagalog)

Si Pelimon, Si Pelimon Si Felimon, Si Felimon


namasol sa karagatan; Nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha, Nakahuli, nakahuli
Ug isdang tambasakan, Ng isdang tambasakan
Gibaligya, gibaligya Pinagbili, pinagbili
Sa merkado nga guba, Sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, Ang kaniyang pinagbilhan
Ang halin puros Ang kaniyang pinagbilhan
Igo ra i panuba. Pinambili ng tuba.

8
Ili-Ili Tulog Anay Batang Munti Tulog Na
(Uyayi sa Iloilo) (Salin sa Tagalog)

Ili-Ili Batang munti,


Tulog anay, matulog na
Wala diri Wala rito
Imong nanay, ang iyong nanay,
Kadto tienda Siya’y bumili
Bakal papay, ng tinapay
Ili-ili Batang munti,
Tulog anay. Matulog na.

Dandansoy Dandansoy
(Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)

Dandansoy, bayaan ta ikaw Dandansoy, iiwan na kita


Pauli ako sa Payao Babalik ako sa Payao
Ugaling kung ikaw hidlawon Sakaling ika’y mangulila
Ang Payao imo lang lantawon. Sa Payao ikaw ay tumanaw.
Dandansoy, kung imo apason Dandansoy kung ako’y iyong susundan
Bisan tubig di ka magbalon Kahit tubig huwag ka nang magbaon
Ugaling kong ikaw uhawon Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Sa dalan magbubon-bubon. Sa daan, gumawa ka ng munting balon.
Uri ng Awiting Bayan:
a. Uyayi o Hele awit ito sa pagpapatulog ng bata. Ang “uyayi” ay
tumutukoy sa liriko ng awit at ang “hele” ay ang paraan ng pag-
ugoy sa duyan.

b. Soliranin/Talindaw awit ito sa paggaod o pamamangka.

c. Kalusan awit ito sa sama-samang paggawa. Maaaring awitin ito


bago, habang o pagkatapos ng paggawa.

d. Diona awit ito sa kasal habang isinasagawa ang seremonya.

e. Kundiman awit ito ng pag-ibig. Maaaring ang tema nito ay malungkot


kung nabigo ang binatang umaawit at masaya naman kapag
may pag-asa ang nanliligaw. Inaawit ang Kundiman hindi
lamang sa nililigawan bagkus maaari rin itong ialay sa
magulang, kapatid, anak, at kaibigan. Sa Bisaya, tinatawag
itong Balitaw, sa Ilokano ay Pamulinawen, at Uso sa mga
Negrito.

f. Kumintang awit ito bago o pagkatapos ng pakikipagdigmaan.

g. Sambotani awit ito ng pagtatagumpay.

h. Dalit awit ito sa mga anito na nagpapakita ng pagsamba at


paggalang o imno sa mga diyos-diyosan ng mga Bisaya.
i. Dung-aw awit ito ng pagdadalamhati ng mga Ilokano sa patay.

j. Umbay awit ito ng nangungulila dahil sa kawalan ng nagmamahal


na magulang.
k. Ditso awit ito mula sa mga batang naglalaro sa lansangan.

9
Isaisip

Ang mga awiting ito ang tinaguriang mga awiting-bayan. Noon pa mang bago dumating
ang mga mananakop sa ating bansa, bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang mga awit na
nagsimula sa pagsamba at pagdiriwang ng iba’t ibang okasyon. Mahilig talagang kumanta ang
mga Pilipino at likas silang masayahin. Kahit na nakararamdam ng kalungkutan o kabiguan ay
kanila itong idinadaan sa pag-awit.

Mababakas din sa mga awiting-bayan ang mayamang kultura at tradisyon ng iba’t ibang
bayan sa Pilipinas. Halimbawa na lang sa mga kundiman, kitang-kita rito kung paano
magmahal ang mga Pilipino.

Isagawa

Panuto: Ibigay ang paniniwala at kaugalian ng Kabisayaan na masasalamin sa awiting-


bayan na nasa ibaba.

ANG PAGLUBONG ANG PAGLILIBING


(Hiligaynon) (Isinalin NI Om Narayan Velasco)

Adios na mahal cong anak Paalam na, mahal kong anak


Cay cami na ang mataliwan Kami na’y lilisan
Cabay sang dios icao caluoyan Ang Diyos nawa ika’y kaawaan
Pasambitan sang cahimaya-an Biyayaan ng kaligayahan.

Cabay icao paambiton Nawa’y matikman mo


Sang himaya nga waay catapusan Ang walang hanggang kaligayahan
Sa langit nga guinhari-an Sa langit na pinaghaharian
Sang mga calag ng bulahan Ng mga kaluluwang mapalad.

Pabilin ka sa anak co Diyan ka na anak ko


Dira sa imo higda-an Sa iyong hinihigaan
Na masubo nga poluy-an Na malungkot na tahanan
Nga guintigana sa tana Na naghihintay para sa lahat.

PANINIWALA/
KAUGALIAN

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
10
Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kaugalian o paksa sa awiting-bayan. Isulat ang
iyong sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba.

NG PAG
N M
A
RA Y NG M AMAHA
L
PA UHA AG U
G M SA A LANG
LIN AMU OG SAW NAK
A
M P P AT UL A I SA
A
PIN G BAT PAG
AN -IB
IG

Si Pelimon, si 1. Ang 2.
Pelimon Paglubong

3. Ili-ili Tulog 4.
Matud Nila
Anay

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang malaking titik ng
pinakatamang sagot sa sagutang papel.

(Note: Gumamit ng isang buong papel. Huwag kalimutan ang paglagay ng iyong pangalan,
taon/seksyon, petsa at bilang ng modyul. Sundin ang pormat sa ibaba.)

Pangalan: __________ Taon/Seksyon: ______ Petsa:______ Bilang ng Modyul: 1

1. Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan, alin sa mga akdang


pampanitikan na inaawit ng ating mga ninuno noong unang panahon ang lumitaw sa
anyong patula na sumasalamin sa mga kultura at paniniwala ng mga Pilipino?
A. awiting-bayan B. bulong C. nobela D. tula

11
2. Ang Uyayi ay kaugnay ng:
A. ina, hele, at sanggol C. rosas, gitara, at pag-ibig
B. walis, bunot, at basahan D. bangka, pamingwit, at isda

3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:


A. pangangaso
B. pagiging matampuhin
C. paggawa ng mga gawaing bahay
D. panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig

Para sa bilang 4-8: Basahin nang maayos ang awiting-bayan.

Dandansoy Dandansoy
(Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)

Dandansoy, bayaan ta ikaw


Dandansoy, iiwan na kita
Pauli ako sa Payao
Babalik ako sa Payao
Ugaling kung ikaw hidlawon
Sakaling ika’y mangulila
Ang Payao imo lang lantawon.
Sa Payao ikaw ay tumanaw.
Dandansoy, kung imo apason
Dandansoy kung ako’y iyong susundan
Bisan tubig di ka magbalon
Kahit tubig huwag ka nang magbaon
Ugaling kong ikaw uhawon
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Sa dalan magbubon-bubon.
Sa daan, gumawa ka ng munting balon.

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa mensaheng nais iparating


ng awiting “Dandansoy”?
A. Mahirap magtrabaho.
B. Ito ay tungkol sa panunuba.
C. Ito ay pangungulila sa kasintahan.
D. Pagpili ng nais mong gawin para mabuhay.

5. Anong kaugalian ng Kabisayaan ang ipinakita ng awiting-bayang “Dandansoy”?


A. Masunurin ang mga anak sa magulang.
B. Pagpakahirap ng lalaki para sa babaing iniibig.
C. Masipag ang mga anak na lalaki sa paggawa ng balon.
D. Ang lalaki ang tagagawa ng balon noong unang panahon.

6. Anong uri ng awiting-bayan ito?


A. Balitaw B. Dalit C. Ditso D. Uyayi

7. “Dandansoy, kon imo apason, Bisan tubig di magbalon, Ugaling kon ikaw uhawon,
Sa dalan mabubon-bobon”, ano ang ipinahiwatig nito?
A. Nais ng babae na gumawa ng balon ang lalaki.
B. Mas madaling gumawa ng balon kaysa magdala ng tubig.
C. Gusto ng babae na magsumikap muna ang lalaki bago ito sagutin.
D. Ayaw ng babae na magpakahirap pang magdala ng tubig ang lalaki.

8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang maiuugnay sa awiting “Dandansoy”?


A. Si Pia ang bumibisita sa kanyang nobyo.
B. Wala pang isang linggo ay sinagot na agad ni Liera si Dj.
C. Bago sinagot ni Christy si Kenneth ay nanligaw muna siya ng limang buwan.
D.Tinapos muna ni Roxanne ang kanyang pag-aaral bago sinagot ang manliligaw.

12
9. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:
A. pagiging masipag C. pagiging masayahin
B. pagiging mapamahiin D. pagiging matampuhin
10. Ang awiting-bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
A. politika sa isang bayan
B. kultura at kaugalian ng isang bayan
C. pagsurudang dinanas ng isang bayan
D. materyal na kayamanan ng isang bayan

11. Ang mga sumusunod ay ang gamit ng bulong noong panahon MALIBAN sa_____.
A. panukso sa mga bata
B. pangkulam o pang-engkanto
C. paghingi ng paumanhin sa mga engkanto
D. panggamot ng mga matatanda sa maysakit

12. Sa anong panahon nagsimula ang awiting-bayan at bulong sa Pilipinas?


A. panahon ng Amerikano C. panahon ng Hapon
B. panahon ng Espanyol D. panahon ng Ninuno

13. “Mahal na San Roque, tulungan po ninyo kami.” Ito ay isang halimbawa ng
__________.
A. awiting-bayan B. bulong C. kulto D. samba

14. Ito ay awit ng pag-ibig sa Bisaya. Maaaring ang tema nito ay malungkot kung nabigo ang
binatang umaawit at masaya naman kapag may pag-asa ang nanliligaw.
A. Balitaw B. Kundiman C. Pamulinawan D. Uso

15. Ang awiting-bayan at bulong ay naipasa ng ating mga ninuno sa pamamagitan ng ____.
A. pagprinta C. pagsulat sa papel
B. pasalindila D. pag-ukit sa mga bato

Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral sa modyul na ito. Natitiyak kong


napatunayan mong nasasalamin ang mga paniniwala at katangian ng mga tao sa Kabisayaan
sa kanilang bulong at awiting-bayan. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman
dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda sa
paglalakbay sa mundo ng Antas ng Wika.

Sanggunian:
Pinagbatayang Aklat:
§ Pinagyamang Pluma 7 pahina 141-155
§ Baybayin 7: Paglalayag sa Wika at Panitikan pahina 102-111

Mga Larawang ginamit:


§ https://thumbs.dreamstime.com/b/little-girl-short-dress-19000945.jpg
§ https://www.kindpng.com/picc/m/187-1878308_standing-line-art-muscle-old-man-
clipart-black.png
§ https://img.lovepik.com/original_origin_pic/18/11/02/e0d801949d3beb572eaf9af8
28d63da4.png_wh860.png
§ https://pbs.twimg.com/media/EHW7k7rUYAAi4IX.jpg
§ https://i.pinimg.com/236x/6d/42/8c/6d428ccd03ccbe59e1b30d6cc3972e3c--
philippine-mythology-supernatural-beings.jpg

13
14
Aralin 2- Pagyamanin
1. MALING PARAAN NG
PAMUMUHAY
2. PAGMAMAHAL NG
MAGULANG SA ANAK
3. SAWI SA PAG-IBIG
4. PINAPATULOG ANG
BATA
5.
Aralin 1- Isagawa
Aralin 2- Isagawa
Paniniwala at paggalang sa
Pagluksa at pagbigay ng maayos mga laman-lupa o elemento na
na libing sa mahal sa buhay.
di nakikita.
Aralin 2- Tuklasin
1. Sawi sa pag-ibig Aralin 1- Tuklasin
2. Ang tunay na nagmamahal 1. Punso ng Nuno / Nuno ng
ay ipaglalaban ang taong Punso / Bahay ng Nuno o
mahal niya kahit sino pa Duwende
ang hahadlang nito. 2. Upang hindi masaktan o
3. Hahamakin ang lahat sa mabulabog ang mga nuno /
ngalan ng pag-ibig. duwende.
3. Pagbigay galang sa mga
Aralin 2- Balikan/Pagganyak laman-lupa na di nakikita.
Ø pangkulam o pang-
engkanto
Aralin 1- Balikan/Pagganyak
Ø paghingi ng paumanhin sa
mga engkanto 1. Nuno / Duwende
Ø panalangin 2. Tikbalang
Ø panggagamot ng mga
3. Diwata o Engkantada
matatanda sa mga maysakit
Susi sa Pagwawasto
dern-music-notes-brush-pack-photoshop-brushes.jpg
https://static.brusheezy.com/system/resources/previews/000/020/602/non_2x/mo §
D
rce=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCIC0sJ3gtuwCFQAAAAAdAAAAABA
wand&psig=AOvVaw0LXqYBqzHlDT727iBUHbZG&ust=1602856584590000&sou
mage%2F105694%2Ffairy-with-
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.iconspng.com%2Fi §

You might also like