You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay, Maynila
Seksyon ng Filipino
MATAAS NA PAARALANG MANUEL G. ARAULLO
Daang Taft., Maynila

LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA FILIPINO 7


IKALAWANG MARKAHAN- UNANG LINGGO

Petsa: NOBYEMBRE 14, 2023- MARTES

Antas/Pangkat/Oras

Grade 7- Mabini 12:15-1:00 Grade 7- Osmeña 2:45- 3:30

Grade 7- Malvar 1:45- 2:30 Grade 7- Lakandula 3:30- 4:15

Grade 7- Luna 4:15- 5:45


I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga bulong at awi
ting -bayan sa Visayas ganoon din ang pagtalakay sa antas ng wika
batay sa pormalidad
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ang sariling bulong at/o awiting-bayan na naglalaman, sumasalamin sa
tradisyon ng mga taga-Visayas
C. Kasanayang Pampagkatuto
Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng
napakinggang bulong at awiting-bayan (F7PN-lla-b-7)
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na
sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Visayas (F7PB-lla-b-7)

MGA TIYAK NA LAYUNIN


1. Nakikilala ang mga uri ng Awiting-bayan at Bulong
2. Naipaliliwanag ang mensahe at kaisipang nais iparating ng napakinggang awiting-
bayan at bulong
3. Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan at bulong

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: LINANGIN-PANITIKAN- AWITING-BAYAN AT BULONG MULA
SA KABISAYAAN

TAONG PANURUAN 2023-2024 LP BLG. 52

B. Sanggunian: Mapped MELCs Filipino 7, DBOW Ikalawang Markahan


Dibisyon ng Maynila Modyul 1-Ikalawang Markahan,
Kayumanggi 7, p.2-8.
https://www.youtube.com/watch?v=F3G5CKxen5U
https://www.youtube.com/watch?v=irydqcYOY5c
https://www.youtube.com/watch?v=l7LVvr6J33c
https://www.youtube.com/watch?v=reffH9YQzXk
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, projector, speaker, whiteboard, whiteboard
marker, Youtube video link
D. Pagpapahalaga: Patuloy na pagpapalaganap sa mga awiting-bayan at bulong sa
kasalukuyang henerasyon
E. Integrasyon ng mga Kasanayan: Edukasyon sa Pagpapakatao, Araling
Panlipunan, Pananaliksik, Musika at Sining.

III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin at isulat sa kuwaderno ang
tamang sagot.

“Tra, la, la, la,


Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay,
Di naglao’t namunga,
Ang bunga’y naging binhi”.

1.1 Anong mensahe ang nais na iparating ng awit?


A. Nagpapakita ng kasiyahan sa pagtatanim
B. Ipinapanalangin ang masaganang ani
C. Nanghihimok na tayo ay magtanim
D. Nagpapasalamat sa kalikasan

1.2 Paano naiiba ang awiting-bayan sa bulong?


A. Paulit-ulit na binubulong
B. Nilalapatan ng himig
C. Dinadasal
D. Orasyon

1.3 Saan ginagamit ang bulong?


A. Panlaban sa masasamang espiritu
B. Pagpapasintabi o pagbibigay galang sa mga lamang lupa
C. Pangkulam sa mga tao
D. Panggamot sa mga may karamdaman

1.4 Habang papauwi na si Nena ay nakakita siya ng malaking balite. Ito


ang kaniyang sinambit, “tabi-tabi muagi ko kadali”
A. Bulong sa pagsumpa
B. Bulong para iwas usog
C. Bulong sa paghingi ng bagong ngipin
D. Bulong sa pasintabi

1.5 Maraming nahuhumaling sa kagandahan ni Ella kaya maraming


pumupuri sa kaniya. Iisa lamang ang lagi niyang tugon, “purya buyag
mo diraa uy!”
A. Bulong sa pagsumpa
B. Bulong para iwas usog
C. Bulong sa paghingi ng bagong ngipin
D. Bulong sa pasintabi
2. Balik-aral/Tukoy-alam
Panuto: Gamit ang istratehiyang KWHL, sagutin ang mga katanungan

Anong pag-uugali ng mga mamamayan ng Visayas ang


K alam ko?

Anong pag-uugali ng mga mamamayan sa Visayas ang


W gusto kong malaman o mapatunayan?

Masasalamin ba sa panitikan ng Visayas ang kanilang


L natatanging kultura?

Isa-isahin ang mga akdang pampanitikan ng Visayas na


H kasasalaminan ng natatanging kultura nila.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Tukuyin ang mensaheng ipinakikita sa mga kasunod na larawan.

2. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat
bilang at gamitin ito sa sariling pangungusap.

a. Binata’y naawa lumuhod kaagad, nagmakaawa na humingi ng patawad.


Kahulugan: ___________________________________________________
Pangungusap: ________________________________________________

b. Batang munti matulog na.


Kahulugan: ___________________________________________________
Pangungusap: ________________________________________________
c. Gibaligya niya ang nahuling isda.
Kahulugan: ___________________________________________________
Pangungusap: ________________________________________________
3. Panonood/Pagbasa sa Akda (Integrasyon sa Pagbasa/Interbensyon sa Pagbasa-
BUS- Basa, Unawa, Sulat)

Mayaman ang Pilipinas sa mga pasalin-dilang panitikan. Ang Kabisayaan ay


nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang pinaniningning ng
mga katutubong panitikan. Ginigising nito ang ating kamalayan upang makilala at
maunawaan natin ang mga paniniwala, pamahiin at uri ng pamumuhay ng ating mga
ninuno.

Pamatnubay na Tanong:
Bakit mahalagang hindi makalimutan at patuloy na awitin ang ating mga awiting-
bayan? Ang mga bulong?

Pagbasa/panonood sa ilang awiting-bayan

Bulong mula sa Visayas

Amping kanunay
Tabi-tabi
Maagi lang kami
Kami patawaron
Kun kamo masalapay naman
Kon patawaron

4. Pagtalakay sa Akda
 Tungkol saan ang mga awiting-bayang napakinggan?
 Anong damdamin ang naramdaman mo habang inaawit ang mga ito?
 Ano ang mensaheng ipinahahayag ng mga awiting-bayan at bulong?
 Bakit nga ba mahalaga ang pag-aaral ng awiting bayan at bulong ng
Kabisayaan?
 Patunayang masasalamin ang magagandang kaisipan/paniniwala,
pamahiin, uri ng pamumuhay at damdamin sa mga awiting-bayan at bulong
ng mga taga- Visayas?

5. Pagbibigay-input ng guro

Iba’t ibang Uri ng Awiting-bayan

 KUNDIMAN- ito ay ang mga awit ng pag-ibig. Ang isa pang uri nito ay
PANANAPATAN, mga awiting inaawit kapag dumadalaw o naghaharana.
 BALITAW- ito ay mga awit ng pag-ibig inaawit ng mga Bisaya.
 DALIT o HIMNO- awit na panrelihiyon o himno ng pagkadakila sa
Maykapal.
 DUNG-AW- awit ng mga Ilokano para sa patay.
 KUMINTANG- awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.
 OYAYI o HELE-awiting panghele o pampatulog ng bat ana tinatawag na lullaby
sa Ingles.
 DIYONA- awit sa kasal o pamamanhikan
 SOLIRANIN- awit ng mga manggagawa
 KUTANG-KUTANG- mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan.
 TALINDAW- isa pang uri ng awit sa pamamangka.
 PANGANGALULUWA- awit sa araw ng patay ng mga tagalog
 SAMBOTANI- awit ng pagtatagumpay.
 MALUWAY- awit sa sama-samang paggawa.

MGA HALIMBAWA;
Bahay Kubo Dandansoy
Ili-ili Tulog Anay Tuldok Pamulinawen
Leron-leron Sinta Manang Biday
Malinak Kay Labi Dalagang Bukid
Masdan Mo Ang Kapaligiran Bahay Kubo

BULONG- ay isang sinaunang katawagan para sa mga orasyon noong


unang panahon.

Mga halimbawa;
1. Tabi, tabi po, ingkong
2. Makikiraan po
3. Mano po
4. Paabot po
5. Paalam
6. Ingat lagi
7. Lumayo kayo, umalis kayo at baka mabangga kayo

6. Ginabayang Pagsasanay

Panuto: Isaayos ang mga titik upang matukoy ang uri ng awiting-bayan

TILAD
6.1 Awit ito na nagpapakita ng pagkadakila sa Maykapal
OIYYA

6.2 Inaawit bilang pampatulog ng bata. Katumbas ito ng lullaby sa


Ingles.

NMAIDKUN
6.3 Ito ang mga awit ng pag-ibig o awit ng panghaharana ng binata
sa kanyang nililiyag.

YODINA

6.4 Madalas itong inaawit sa panahon ng kasal o pamamanhikan.

NIBOTASAM

6.5 Ito ay awiting-bayan na inaawit kapag nagtatagumpay ang isang


tao o pangkat.

7. Pangkatang Gawain (SEL Integration)

Pangkat 1- - # Kapag nasa Katwiran Ipaglaban Mo!


Basahin ang mga pahayag sa ibaba at lagyan ng tsek ang hanay ng napiling
sagot at bigyang-katwiran ito.

Pahayag Sang- Di-Sang- Katwiran


ayon ayon

1.Ang bulong ay dapat


gamitin sa kaawaY.

2.Repleksiyon ng
kultura ang awiting
bayan at bulong.

3.Ang orihinal na
himig ng mga awiting
bayan ay dapat
palitan.

Pangkat 2- #Awit Sa’yo

Lapatan ng choreo ang awiting-bayang ‘Si Felimon’.


Pangkat 3- - IKAW ANG HUMATOL!
Ibigay ang sariling hatol sa sitwasyong pinagtatawanan ng
kabataan ang naririnig na mga awiting-bayan at bulong.
Ipaliwanag ang hatol.

HATOL: __________________________________________________
__________________________________________________

Pangkat 4- Iskor Mo, Show Mo!

 Pag-uulat ng bawat pangkat


 Pagbibigay ng feedback
 Pagmamarka (Numeracy Integration)

Rubriks sa Pagmamarka

(DIMENSYON) NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN


(10) (8) (6)

PAGKAKAISA Aktibo ng nakilahok Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok


ang lahat ng mga ang nakarami ang ilang kasapi
kasapi

Lubhang malinaw ang Naging malinaw ang Di- gaanong malinaw


PAGSASALITA AT pagbigkas at paghatid ng mensahe ang mensahe
PAGBIGKAS paghahatid ng mensahe

Lubos na nagpamalas Naging malikhain sa Di- gaanong nagging


PAGKAMALIKHAI ng pagkamalikhain paghahanda malikhain sa
N sapaghahanda paghahanda
C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)

1. Pagninilay/Sintesis (SEL Integration)

Panuto: Dugtungan ang mga bitin na pahayag sa loob ng ulap.

Ang natutuhan ko
ngayong araw ay …

Nais ko pang
Naramdaman kong…
matutuhan ang …

2.

3.

Ang natutuhan ko
ngayong araw ay … Nais ko pang matutuhan
ang …
2. Pangwakas na Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat sa kuwarderno ang sagot.

1. Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa pagpapaalam ng dalaga sa


Ina bago sumama sa binata sa pamamasyal sa awit na Lawiswis Kawayan?
A. Pagpapahalaga sa sarili
B. Pagpapahalaga sa kapwa
C. Pagpapahalaga sa pamilya
D. Pagpapahalaga sa kalikasan

2. Ang binata ay agad na humingi ng tawad sa kasintahang nasaktan sa kanyang


ginawa at nasabi. Anong katangian ng binata ang ipinakita rito?
A. Maginoo
B. Mapagmahal
C. Maalalahanin
D. Mapagmataas

3. “Tabi-tabi po, makikiraan po.” Anong kaisipan ang ipinakikita sa bulong na ito?
A. Naniniwala sa mga di-nakikita
B. Nagpapasintabi sa dinaraanan
C. Nagpapakita ng pagkamagalang sa kapwa
D. Nagpapakita ng paggalang sa hindi nakikita

4. Alin sa mga sumusunod ang ipinakikita sa mga awiting-bayan?


A. Pagkamasiyahin ng mga Pilipino
B. Pagiging makata ng mga Pilipino
C. Pagkamakabayan ng mga Pilipino
D. Pagkahilig ng mga Pilipino sa musika

5. Ano ang layunin ng nagsasalita sa bulong?

Dagang malaki,
Dagang maliit,
Heto ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan ng bagong kapalit.

A. Ipinaaayos ang ngipin sa daga


B. Ibinibigay ang lahat ng ngipin sa daga
C. Pinapapalitan ang lahat ng ngipin sa daga
D. Hinihiling na palitan ng mas maganda ang pangit at sirang ngipin

IV. TAKDANG- ARALIN


 Basahin at sagutan ang mga gawain sa Kayumanggi: Batay sa Kurikulum na K-
12 (Baitang 7- Ikalawang Markahan), ph. 5- 9
 Maghanda sa klase bukas.

Inihanda ni:

MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I

IV. TAKDANG-ARALIN

Inihanda ni:

MARISSA E. SUASBA
Dalubguro I

You might also like