You are on page 1of 3

ST.

MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA


PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2
PANGALAN
BAITANG AT SEKSYON
GURO Ms. Roselle A. Laylo
MODYUL BILANG 11 TRACKING NUMBER

MODYUL 11 PAKSA: PAGSUSURI SA KULTURA NG AWITING-BAYAN

A. PAMANTAYANG Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang


PANGNILALAMAN pampanitikan ng Kabisayaan
B. PAMANTAYANG Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting - bayan gamit ang
PAGGANAP wika ng kabataan
C. MOST ESSENTIAL Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting-bayan. (F7PB-Iii-12)
LEARNING COMPETENCIES
YUNIT 2 PANITIKANG BISAYA: REPLEKSIYON NG KABISAYAAN

POKUS NA ARALIN
Ang Kultura ay binubuo ng mga katutubo at katangi-tanging wika, kaugalian,
tradisyon, paniniwala, gawi, pamumuhay at mga batas ng isang bansa. Ito ang mga
masasalamin sa mga akdang pampanitikan na maaaring ang mga ito ay nakasulat at di-
nakasulat at nasa anyong patula at tuluyan. Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa kultura
ng isang bansa sapagkat dito makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon at sa
kasalukuyan. Kaya isa ito sa dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa
mga paaralan sa bawat rehiyon o bansa.
Bawat rehiyon ay may natatanging awiting-bayan na naglalarawan ng makukulay na
anggulo at kalikasan ng buhay. Bagamat ang mga ito ay maaaring nagkakaiba-iba sa
panahon at lugar ng pagkakatha, masasalamin pa rin ang magkakaugnay-ugnay na
kulturang nakapaloob dito, mula sa pinakaluma hanggang sa pinakabagong kabihasnang
narating nito.
Gaya ng awiting-bayan ng mga Kabisayaan na kasasalaminan ng kanilang kulturang
pagkakakilanlan sa kaibahan nila sa ibang rehiyon o bayan. Isang halimbawa nito ay ang
“Dandansoy” ng mga Ilonggo na kilalang awiting-bayan sa Kabisayaan.
Awiting-Bayan – isang katutubong panitikan na nasa anyong patula ngunit may mga
tugtugin at indayog na naaayon sa kultura, damdamin at himig ng pag-awit noong unang
panahon. Karamihan sa mga awit na ito ay naririnig pa hanggang sa kasalukuyan.

GAWAIN 1: “MUSIC ANALYSIS”

Panuto: Pakinggang ang mga awiting-bayan gamit ang link na nasa ibaba.
Ipaliwanag kung ano ang iyong naramdaman matapos mo itong mapakinggan.

https://www.youtube.com/watch?v=irydqcYOY5c

KASANAYANG PAMPANITIKAN: AWITING-BAYAN

Karamihan sa mga Pilipino ay nahihilig sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan


pero pagkatapos basahin ay kanila itong sinusuri bilang pagpapahalaga. Masasabing kaya
nila sinusuri ay dahil sa nagandahan at naibigan nila, sapagkat tumama ito sa kanilang
panlasa. Kundi nais din nilang purihin at bigyang ng puna ang may-akda at ang likha niya;
ang kalakasan at kahinaan nito. Ito’y nagpapahalaga sa lalong ikauunlad ng panitikan na rin
sa kabuoan.

ANO NGA BA ANG PAGSUSURI?

PAHINA 1 MODYUL 11
ST. MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA
PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2
Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas
maunawaan ang maliliit na mga bahagi; upang makatanggap ng isang mas mainam na
pagkaunawa rito.

Mga Mungkahing Paraan sa Pagsusuri ng Kultura ng mga


Akdang Pampanitikan (Awiting-bayan)

1. Lyriks (liriko) –sa bahaging ito susuriin ang salitang ginamit , bilang ng saknong,
taludtod at pantig.
2. Nilalaman – sa bahaging ito susuriin ang kulturang nakapaloob sa awit: pinagmulan
ng awit (lugar),tradisyon,kaugalian,pamumuhay at kasaysayan.
3. Kaisipan – ito ang mahalagang aral o mensahe ng awit.

GAWAIN 2: “AWITINIG”
Panuto: Panoorin at pakinggan ang isang awiting-bayan ng Kabisayaan na
pinamagatang “Si Pilemon” na makikita sa link na ito,
https://www.youtube.com/watch?v=irydqcYOY5c. Kung hindi mapanood ay basahin at
unawaing nang mabuti ang awiting-bayan na nasa ibaba na may salin sa Tagalog.
Pagkatapos ay suriing itong mabuti batay sa Paraan ng Pagsusuri ng Awitng-Bayan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Si Pelimon (Felimon) Si Pelimon (Filemon)

Si Pilemon , si Pilemon Si Pilemon , si Pilemon


Namasol sa karagatan Nangisda sa karagatan
Nakakuha , nakakuha Nakakuha , nakakuha
Sang isdang tambasakan Ng isda na tambasakan
Guibaligya , guibaligya Pinagbili, pinagbili
Sa merkado nga guba Sa sira-sirang palengke
Ang binta niya’y wala Ang kinita konting pera
Ang binta niya’y wala Ang kinita konting pera
Guibakal sang tuba Sakto pambili ng tuba

Mga Paraan sa Pagsuri sa Awiting-Bayan “Si Pilemon”

1. Lyriks (suriin wika/salitang ginamit, bilang ng saknong, taludtod, pantig, tugma) (3 puntos)
2. Nilalaman (susuriin ang pinagmulan ng awit at kulturang sinasalamin ng awit.) (4 puntos)
3. Kaisipan (susuriin ang mensahe/aral na hatid ng awit) (3 puntos)

GAWAIN 3: “HAMBING LINING”


Panuto: Suriin ang awiting-bayan ayon sa kanyang kultura, lyriks : bilang ng saknong,
taludtod, pantig at wikang ginamit, at kaisipan . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. MAGTANIM AY ‘DI BIRO


Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko a. Liriko ________________________
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo
Braso ko’y namamanhid b. Kaisipan _______________________
Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagbabad sa tubig. c.Kultura ________________________

PAGYAMANIN
GAWAIN NATIN EFFECT”
4: “REFLECT
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1.Dapat bang bigyan ng halaga at pangalagaan ang kultura ng isang rehiyon o bansa?
Pangatuwiranan ang sagot.
2.Kailangan bang alamin ang kultura ng iba’t ibang rehiyon ng bawat awiting-bayan na iyong

PAHINA 2 MODYUL 11
ST. MARY MAGDALENE COLLEGES OF LAGUNA
PUROK 1, UWISAN, CALAMBA CITY
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FILIPINO 7- YUNIT 2
babasahin/pag-aaralan. Ipaliwanag ang sagot.
3.Sa pag-aaral at pagtangkilik natin sa mga awiting-bayan, ano-ano ang mga mabubuting
dulot nito sa ating kulturang Pilipino at sa ating Panitikan.

PAGYAMANIN
PANGWAKAS NANATIN
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa isang malinis na papel bilang iyong sagutang papel

1. Saang pulo ng Pilipinas nagmula ang awiting-bayan na Dandansoy?


a. Luzon b. Mindanao c. Panay d. Visayas
2. Ito ang kulturang masasalamin sa awitng-bayan na “ Dandansoy “.
a. konserbatibong panliligaw c. pagiging makabayan
b. paggalang sa magulang d. paggalang sa relihiyon
3. Ito ang nagpapatunay kung saang lugar nanggaling ang kulturang sinasalamin ng
isang awiting-bayan.
a. dayuhan b. relihiyon c. rehiyon/bayan d. tradisyon
4. Sa pamamagitan nila kaya hanggang ngayon at sa susunod pang panahon ay
patuloy na inaawit o aawitin at tatangkilin ang ating mga awiting-bayan.
a.panulat b. aklat c. kayamanan d. salinlahi/henerasyon
5. Ang paraan ng panliligaw ay ang kulturang sinasalamin sa awiting-bayan na
“Dandansoy,” anong uri ng kultura nabibilang ito?
a. kaugalian b. pamumuhay c. paniniwala d. tradisyon
6. Ang pagsasaka ay ang kulturang sinasalamin sa awiting-bayan na “Magtanim ay di
Biro” anong uri ng kultura nabibilang ito?
a. kaugalian b. pamumuhay c. paniniwala d. tradisyon
7. Awit ng mga sinaunang Pilipino na maging sa panahon ngayon ay inaawit pa rin.
Awiting-bayan b. Bulong c.Dalit d. Pasyon

________________________
LAGDA NG MAG-AARAL
Mga Sanggunian:
Oracion,Leonora Dela Cruz. Gantimpala-Pinagsanib na Wika at Panitikan 7. Guarantor Press,
Inc.,2014.ph.120- 127.

PAHINA 3 MODYUL 11

You might also like