You are on page 1of 4

LEARNING ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 3
IKAAPAT NA MARKAHAN, IKA-3 LINGGO

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________


Baitang at Seksyon: ______________________

Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan


Ang mga tao sa lalawigan ng Bulacan ay bihasa sa paggamit ng purong wikang Tagalog. Ang
bantog na Balagtasan na isang uri ng debate ay tagisan ng talino sa isang paksa sa paraan na
patula. Halimbawa ng paksa: “Alin ang mahalaga, Karunungan o Kayamanan?” Ang paksa ng
Balagtasan ay maaaring nakasentro sa pagpapahalaga sa kultura. Kadalasan ang Balagtasan ay
masasaksihan sa mga palabas sa mga tanghalan tuwing may pagdiriwang sa mga bayan at sa
paaralan.
Ang Rehiyong III ay may iba’t ibang mga katutubong awit at sayaw na itinatanghal sa mga
pagdiriwang ng kapistahan at sa mga paaralan na nagmula sa iba’t ibang lalawigan gaya ng Aurora,
Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales. Ang mga sayaw na ito ay naaayon
sa pagnananis na mapanatili upang patuloy na maitanghal sa mga paaralan at sa komunidad kung
may mga pagdiriwang.

1
Ang pagguhit ng larawan ay isang paraan upang maipabatid ang ibig ipakahulugan ng
alagad ng sining hindi lamang sa pamamagitan ng salita.
Ang paligsahan sa pagguhit ay nilalahukan ng mga mag-aaral na naging atraksyon sa
mamamayan at ilang dumarayong mga turista.
Maliban sa awiting Atin Cu Pung Singsing ng Pampanga, nakilala naman ang awiting
Buhay ng Mandaragat ng Aurora at Ang Huni ng Ibong Pipit ng Bataan. Ang awiting bayan
naman na sumikat mula sa Lupao, Nueva Ecija ay may pamagat na Ilocana.
Narito ang iba pang awiting bayan ng mga lalawigan ng Rehiyon III.

Awiting Bayan ng Aurora:


Buhay ng Mandaragat
Mahirap mabuhay tulad ng isang mandaragat
Maghapong nasa dagat kinakalaban ay habagat
Lalo na’t amihan at mainit pa ang araw
Halos mabali ang baywang sa lakas ng pananagwan
Kundiman ng Bulacan:

Sa Dilim Ng Gabi
Sa dilim ng gabi, mapanglaw ang buhay
Tinatawagan ka irog ikaw ba’y nasaan?
Sadian? Nasaan ka irog? Nasaan ka buhay ko
At natitiis mo sa gitna ng lagim
Manong maawa ka sa nahihirapan
At mamamatay na hirang ikaw ang dahilan
Awiting Bayan ng Bataan:

Ang Huni ng Ibong Pipit


Ang huni ng ibong pipit sa itaas ng kalumbibit

2
Pag daw ang dalaga’y masungit
bagong tao’y nabubwisit
Ang huni ng bato-bato sa itaas ng mabolo
Pag daw ang dalaga’y mabango
bagong tao’y naglululukso
Ang huni ng ibong kulyawan sa itaas ng kawayan
Pag daw ang dalaga’y mainam
bagong tao’y nagsasasayaw
Ay langit
Ay buhay na sayo ay paalam
O minumutya kong sinta
Kapilas man din ng langit
Mata’y ititig sa aking pag-alis
H’wag mo sanang pabayaan
Ang pag-alis ko’t pagpanaw
Manong ‘sang sulyap lamang
Ako’y iyong bahaginan
Ay langit
Ay buhay na sa’yo ay paalam
Awiting Bayan ng Zambales:
Hay Ka-Ilangan Nin Mitata-Anak
Hay ka-ilangan nin mitata-anak
Bali ya maganda
Ginawa ni tatay
Pinalibutan, alal kawayan
Tinam-nan masitas, tinam-nan et golay
No mahilem hana, anti na hi tatay
Ampanandale ibat ha paliyan
Hiko boy hi kaka, ibat nag-aaral
Homakbat hi nanay, bibi na hi totoy.

Awiting Bayan ng Lupao, Nueva Ecija:


Ilocana
Awan ngatan ti babae a naiduma
Kinagaget, kinasingpet ken kina emma
Awan ngatan nadaldalus panag puspuso na
No saan a ni Ilocana a daydayawen da
Ta Ilocana ti natarnaw a pagsarmingan
Dagiti isu amin a babae ditoy pagilian
Ta naimbag a galad ti inda sinalimetmetan
Tarnaw urna a u-ong ala ket ti inda nagtuladan

Awiting bayan ng Pampanga:


Atin Cu Pung Singsing
Atin cu pung singsing
Metung yang timpucan
amana que iti
Quing indung ibatan
Sangcan queng sininup
Quing metung a caban
Me wala ya iti
E cu camalayan

3
Ing sucal ning lub cu
Susucdul quing banua
Mi curus cung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manaquit
Quing singsing cung mana
Calulung pusu cu
Manginu ya kaya.
Learning Competency: Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng mga
kultura gamit ang sining na nagpapakilala sa lalawigan at rehiyon (e.g. tula, awit, sayaw, pinta, atbp.)

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang T kung tama ang isinasaad ng


pangungusap at M naman kung mali.
______1. Pag-aaral ng sining ng sariling lalawigan at rehiyon.
______2. Pagtangkilik at panonood ng banyagang palabas.
______3. Pagsayaw at pag-awit ng mga katutubong himig.
______4. Pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling sining.
______5. Pagbibigay ng donasyon para sa pangangalaga sa mga likhang sining na pinamana
ng ating mga ninuno.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang wastong
salita o mga salita mula sa pagpipilian na nakalagay sa loob ng kahon upang
mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

Prepared by:
ANALIZA J. ISON
Subject Teacher

You might also like