You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST

ARALING PANLIPUNAN 4
FIRST QUARTER

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang _____________ ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng mga tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kaya makikita ang iisa o pare parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.
a. tao b. bansa c. soberanya o ganap na kalayaan
2. Ang _____________ ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo at gumagalaw
bilang isang lipunan. Sila ang bumubuo ng populasyon ng isang bansa.
a. tao b. bansa c. teritoryo
3. Ang _____________ ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan, kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
a. pamahalaan b. tao c. teritoryo
4. Ang _____________ ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao
na naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ang isang sibilisadong lipunan.
a. teritoryo b. bansa c. pamahalaan
5. Ang _________________________ ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamamahala
sa kanyang nasasakupan. Ito rin ay tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.
a. soberanya o ganap na kalayaan b. bansa c. pamahalaan
6-10. Suriin ang mapa at sagutin ang bilang 6-10.

6. Thailand
a. Hilaga b. Silangan c. Timog d. Kanluran
7. Taiwan
a. Hilaga b. Silangan c. Timog d. Kanluran
8. Japan
a. Hilaga b. Silangan c. Timog d. Kanluran
9. Indonesia
a. Hilaga b. Silangan c. Timog d. Kanluran
10. Isla ng Palau
a. Hilaga b. Silangan c. Timog d. Kanluran
11. Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya noong Nobyembre 7, 1900. Sa kasunduang ito, isinama ang
mga pulo ng Cagayan, Sulu at Sibutu bilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
a. Kasunduan sa Washington b. Kasunduan sa Paris c. Kasunduan sa Espanya
12. Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930. Nagkasundo ang dalawang bansa na ang Pulong Turtle at Kapuluan ng
Mangsee sa pagitan ng Borneo at Sulu ay maging bahagi ng Pilipinas.
a. Kasunduan ng Estados Unidos at Great Britain b. Kasunduan sa Espanya c. Kasuduan sa Washington
13. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa _________ mga pulo.
a. 6,100 b. 7,100 c. 5,100
14. Dito nakabatay ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas.
a. Artikulo 2 ng Saligang Batas 1987 b. Artikulo 1 ng Saligang Batas 1987
15. Ang mga ito ay nakalubog na bahagi ng kontinente o pulo na umaabot hanggang sa malalim na bahagi ng
karagatan.
a. dagat teritoryal b. ilalim ng dagat c. kalapagang insular
16. Dito matatagpuan ang pinakamalawak na kapatagan na tinataniman ng palay.
a. Nueva Ecija b. Visaya c. Mindanao
17. Ang Pilipinas ang tinatawag na ____________ dahil malawak ang mga anyong tubig nito, sa loob man o sa
labas ng teritoryong lupain.
a. pisikal b. Arkipelago C. biodiversity
18. Ito rin ang tawag sa panahon ng tag-ulan.
a. biodiversity b. archipelago c. Monsoon season
19. Ano ang tawag sa mga rehiyong hindi direktang sinisinagan ng araw?
a. Rehiyong polar b. tropikal c. biodiversity
20. Ito ang uri ng klima ng Pilipinas.
a. niyebe b. Tropikal c. rehiyong polar
21. Ito ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura, at
iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.
a. araw at ulan b. klima c. teritoryo
22. Kabundukan, kapatagan, at mga talampas ay mga halimbawa ng _______________.
a. anyong tubig b. anyong lupa c. klima
23. Karagatan, ilog, at mga lawa ay mga halimbawa ng _______________.
a. anyong tubig b. anyong lupa c. klima
24. Ito ay tumutukoy sa katipunan ng mga tao o bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
a. Industriya b. agrikultura c. populasyon
25. Ang _______________ay ang pag-aaral tungkol sa mga katangiang pisikal ng daigdig.
a. sosyolohiya b. agrikultura c. heograpiya
26. Boracay
a. b. c.

27. Chocolate Hills


a. b. c.

28. Bulkang Taal


a. b. c.

29. Bulkang Mayon


a. b. c.

30. Mount Apo

a. b. c.

You might also like