You are on page 1of 3

PAGSUSURING PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 5

Pangalan: _____________________________________________ _____ Petsa:_______________


Pangkat: __________________________________ Guro: ________________________
I. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Ayon sa mga guhit latitud, ang Pilipinas ay nasa _______________.
a. 4 H at 21H latitude b. 6H at 25H latitude c. 3H at 12H latitud d. 14H at 21H latitude
____2. Ang kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa mga guhit longhitud ay ___________.
a. 110S at 125S longhitud c. 116S at 127S longhitud
b. 118S at 12S longhitud d. 115S at 126S longhitud
____3. Ito ang pagtukoy ng eksaktong lokasyon ng isang lugar sa pamamagitan ng longitud at latitud o paggamit ng
sistemang grid.
a. Relatibong Lokasyon b. Absolute location c. Lokasyon Bisinal d. Insular
____4. Ito ang tawag sa pagtukoy ng kinaroroonan ng ating bansa batay sa karatig bansa na nakapaligid dito gamit ang
pangunahin at pangalawang direksiyon.
a. Lokasyong Bisinal c. Absolute Location
b. Lokasyong Insular d. Tiyak na Lokasyon
____5. Ito ang tawag sa pagtukoy ng kinaroroonan ng ating bansa batay sa nakapalibot na anyong tubig gamit ang
pangunahin at pangalawang direksiyon.
a. Lokasyong Insular c. Absolute Location
b. Lokasyong Bisinal d. Tiyak na Lokasyon
____6. Bakit kailangang malaman ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa malalaking anyong tubig na nakapaligid
dito (ang lokasyong insular)
a. upang maipagtanggol laban sa kaaway c. upang malaman kung saan pwedeng maligo
b. upang malaman ang sakop na teritoryo ng Pilipinas. d. upang lumawak ang sakop
____7. Ito ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig ng isang lugar.
a. klima . b. temperature c. panahon d. humidity
____8. Tumutukoy sa paiba-ibang direksiyon ng ihip ng hangin na batayan kung saan ang mas malamig o mas mainit na
lugar.
a. hanging amihan b. hanging habagat c. hanging monsoon d. hanging Tyson
____9. Malamig na hangin buhat sa Hilang Silangan.
a. hanging amihan b. hanging habagat c. hanging monsoon d. bagyo
____10. Mainit na hangin na mula sa timog-kanluran.
a. hanging amihan b. hanging habagat c. hanging monsoon d. hanging Tyson
____11. Ang pangkalahatang klima ng Pilipinas ay _____
a.Tropikal b.Temperate c.Maulan d.Mainit
____12. Naglalarawan sa Pilipinas bilang bansang archipelago.
a. mayaman sa likas na yaman c. hiwa-hiwalay ang mga pulo
b. daanan ng bagyo d. may pamahalaang demokrasya
____13. Teoryang ginamit sa pag-aaral sa paraan ng pagkakabuo ng Pilipinas na kung saan batay dito ang bansa ay
nabuo sa mga ibinugang bato, lupa, buhangin at iba pa ng isang bulkang nasa ilalim ng Karagatang Pasipiko.
a. Teorya ng Tulay na Lupa b. Continental Shelf c. Teorya ng Bulkanismo d. Teorya ng Asyatiko
____14. Teoryang ginamit sa pag-aaral sa paraan ng pagkakabuo ng Pilipinas dahil sa paggalaw ng mga malalaking tipak
na malalapad na baton a tinatawag na platong tektonik
a. Teorya ng Tulay na Lupa b. Continental Shelf c.Teorya ng Bulkanismo d. Teorya ng Asyatiko
____15. Ang sinasabing pinagmulan ng lahing Pilipino na nagmula sa Madagascar at Taiwan hanggang New Zealand.
a. Malay b. Austranesyano c. Indones d. Negrito
____16. Siya ang antroplogong nag-aral sa pinagmulan ng lahing Pilipino gamit ang Teorya ng Pandarayuhan.
a. Dr. Henry Otley Beyer b. Bailey Willis c.Prof. Felipe Landa Jocan d. Alfred Wegener
____17. Pinabulaanan ni Prof. Felipe Landa Jocano ang pahayag ni Dr. H.O.Beyer tungkol sa pinagmulan ng lahing
Pilipino. Gumamit siya ng ibang teorya at ito ay ang ___________.
a. Teorya ng Pandarayuhan c. Teorya ng Tulay na Lupa
b. Teorya ng Ebolusyon d. Teorya ng Pagsamasama ng mga Korales
____18. Pamahalaang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol
a. Kaharian b. Nasyonal c. Balangay d. Barangay
____19. Ito ang sistema ng pamamahala na ipinakilala ng mga Muslim.
a. Bayan b. Sultanato c. Barangay d. Lungsod

AP5 page 1
____ 20. Ang mga sumusunod ay mga pahayag ukol sa kolonyalismo, MALIBAN sa isa, alin ito?
a. isang sistemang pang-ekonomiya na ang basehan ng yaman ng isang bansa ay sa dami ng ginto at pilak.
b. aktuwal na pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa na ang pangkalahatang
pakay ay pag-angkin ng pinagkukunang yaman.
c. nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
d. tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang mapagsamantalahan ang yaman nito.
____ 21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa layunin ng Espanya sa pagpapadala ng ekspedisyon?
a. Matamo ang karangalan ng pagkakatuklas at pagkakaroon ng mga lupain
b. Makatuklas ng mga bagong kagamitang pandigmaan
c. Mapalaganap ang Katolisismo
d. A at C
____ 22. Alin sa mga sumusunod ang di-mabuting epekto ng kolonyalismo?
a. Pag-usbong ng damdaming nasyonalismo c. Napaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino
b. Natuto ng mga makabagong makinarya d. Higit na nakinabang mga mananakop sa likas na yaman
____ 23. Alin ang naghudyat sa kolonyalismong magtatagal sa Pilipinas ng higit 300 taon?
a. Pagpapadala ng ekspedisyon ni Magellan c. Ang naganap na labanan sa mactan
b. Pagdaos ng kauna-unahang misa sa Limasawa d. Ang pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi
____ 24. Sino ang matagumpay na nakasakop sa Pilipinas at unang gobernador-heneral
a. Ferdinand Magellan b. Miguel Lopez de Legazpi c. Sebastian Cabot d. Alvaro Saavedra
____ 25. Ano ang naging kasangkapan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas?
a. bala at rosaryo b. lakas at tapang c. espada at krus d. kayamanan at relihiyon
____ 26. Ang paglilipat sa mga Pilipino sa bagong panirahan.
a. Reconquista b. Ayuntamiento c. Reduccion d. Encomienda
____ 27. Pahintulot sa isang Espaol na pangasiwaan ang isang teritoryo at ang mamamayang dito.
a. Encomienda b. Kasama c. Inquilino d. Monopolyo ng Tabako
____ 28. Bilang kolonya ng hari ng Espanya, ang mga Pilipino ay sapilitang paggawa sa ngalan ng hari sa pamamagitan ng
anong patakaran?
a. Reduccion b. Encomienda c. Polo Y Servicio d. Tributo
____ 29. Ito ay maaaring bayaran ng salapi o produkto.
a. tributo b. bandala c. polo d. encomendar
____ 30. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga lupain na masasakop ng mga Espanyol ang isa sa pangunahing
motibo ng kanilang kolonisasyon. Sa Pilipinas, itinalaga ang Arsobispo ng Maynila ng hari ng Espanya bilang
pangkalahatang tagapangasiwa ng Katolisismo sa Pilipinas. Ano ang tawag sa kapangyarihang ito?
a. Ayuntamiento b. Patronato Real c. Real Audiencia d. Consejo de las Indias
____ 31. Noong panahon ng mga Espanyol, kasamang nakipaglaban ang mga kababaihan sa pagsulong ng kalayaan ng
ating bansa. Ano ang tawag sa mahalagang ginampanan ng mga babae noong panahon ng mga Espanyol?
a. di-tradisyunal b. matapang c. huwaran d. tradisyunal
____ 32. Ang paggawa ng makabagong tirahan ay itinuro ng mga Espanyol sa ating mga ninuno. Anong uri ng bahay ito?
a. Bahay Kubo b. Bahay Bahayan c. Bahay ni Lola d. Bahay na Bato
____ 33. Ito ay binubuo ng mga inapo ng mga datu, nagmamay-ari ng lupa at pinuno ng bayan.
a. principalia b. ilustrado c. encomendero d. misyonero
____ 34.Ito ay binubuo ng mga tagapangasiwa ng lupa ng mga panginoong may lupa.
a. principalia b. karaniwang tao c. inquilino d. peninsulares
____ 35. Ano ang ibang tawag sa kalakalang galyon?
a. Kalakalang Pilipinas-Mexico c. Kalakalang Maynila-Madrid
b. Kalakalang Maynila-Acapulco d. Kalakalang Pilipinas-Espanya
____ 36. Alin sa mga sumusunod ang di-mabuting epekto ng kalakalang galyon?
a. Tiyak na pagkukunan ng pondo
b. Napanatili ang likas na yaman ng bansa
c. Nabuksan ang Pilipinas sa makabagong ideya ng teknolohiya
d. Iilan lamang sa mga Espanyol at Pilipino ang yumaman
____ 37. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol na nahati sa dalawang antas pamahalaang sentral at
pamahalaang lokal?
a. Diktatoryal b. Sentralisado c. Komonwelt d. Totalitaryan
____ 38. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na suspendihin o hindi sundin ang batas galing sa hari ng Espanya na
hindi angkop sa kalagayan ng bansang kanyang pinamumunuan?
a. alahero b. basagulero c. asukarero d. cumplase
____ 39. Ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng mga Espanyol?
a. Royal Audiencia b. Visitador c. Sprite de Santo d. Wala sa nabanggit
____ 40. Ano ang pangunahing layunin ng pagkakatatag ng monopolyo ng tabako?
a. Upang mapunan ang kaulangan sa tabako c. Upang lumaki ang kita ng pamahalaan
b. Upang magamit ang tabako ng mga Espanyol d. Upang ipagbili sa mga Pilipino

AP5 page 2
____ 41. Sinong gobernador-heneral ang nagpatupad ng monopolyo ng tabako?
a. Jose Basco b. Carlos Maria dela Torre c. Miguel Lopez de Legazpi d. Rafael Izquierdo
____ 42. Sino ang nagtatag ng Kapatiran ng San Jose o Cofradia de San Jos matapos tanggihan siya na maging pari?
b. Magat Salamat b. Hermano Pule c. Francisco Dagohoy d. Francisco Maniago
____ 43. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espaol?
a. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
b. Mabuting pakikitungo ng mga Espaol sa mga katutubo.
c. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espaol.
d. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubong Pilipino.
____ 44. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Espaol?
a. Wala silang pinuno. c. Wala silang pagkakaisa.
b. Wala silang mga armas. d. Wala silang sapat na dahilan.
____ 45. Ano ang naging epekto ng pagbubukas ng Maynila sa Kalakalang pandaigdig?
a. Bumagal ang pagdating ng impormasyon
b. Namulat ang mga Pilipino sa kalagayan ng mga malalayang bansa
c. Walang natutunan ang mga Pilipino
d. wala sa nabanggit
____46. Sinong gobernador-heneral ang nagdala ng liberal na pamamahala sa Pilipinas?
a. Jose Basco b. Pascual Enrile c. Carlos Maria Dela Torre d. Miguel Lopez de Legazpi
____47. Mga Pilipinong nag-aral sa Europa.
a. Ilustrado b. encomendero c. principalia d. iskolar
____48. Isang sistemang pang-ekonomiya na nakasalalay ang kapangyarihan sa dami ng ginto at pilak.
a. Monopolyo b. barter c. merkantilismo d. kalakalang galyon
____ 49. Ano ang sekularisasyon?
a. Ang paring sekular lamang ang maaaring magdaos ng misa
b. Ang pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya.
c. Papalayain ang mga sekular
d. Aalis na bilang pari ang mga paring sekular
____50. Bagamat nabigo ang mga unang pag-aalsa, ano ang napatunayan ng lahing Pilipino?
a. Paglaban sa mga Espanyol kahit hindi handa
b. Pagwawalang kibo sa mga pang-aapi ng mga Espanyol
c. Pagmamahal sa kalayaan
d. Pakikipagtulungan sa mga Espanyol

May saysay ang kasaysayan.

AP5 page 3

You might also like