You are on page 1of 21

ARALING PANLIPUNAN

5
UNANG MARKAHAN
MODYUL 1

Kompetensi
A. Maipaliliwanag ang
kaugnayan ng

ANG MUNDO AT ANG


lokasyon sa
paghubog ng
kasaysayan

A.1. Naiisa-isa ang MGA GUHIT NITO


mga pangunahing guhit
sa globo bilang modelo
ng mundo

A.2. Matutukoy ang tiyak


na kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo gamit
ang mapa sa “longhitud at
latitude”

A.3. Maibigay ang


kahulugan ng relatibong
lokasyon.
A.4. Matutukoy ang
relatibong lokasyon (right
and left) ng Pilipinas
batay sa karatig bansa na
nakapaligid gamit ang
pangunahing direksiyon

. A.5. Maisa-isa ang mga


nakapaligid sa Pilipinas
batay sa pangalawang
direksiyon.

Sharon A. Lazares
Teacher II
Maybo Elementary
Boac South

Department of Education • Schools Division of Marinduque


Panimulang Mensahe
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan - Baitang


5 Modyul bilang 1 para sa araling, Ang Mundo at Ang Mga Guhit Nito!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pampublikong institusyon ng Sangay ng Marinduque
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - Baitang 5 Modyul


bilang 1 para sa araling, Ang Mundo At Ang Guhit Nito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.

2
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Paunang Pagsubok

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang wastong paglalarawan ng mga guhit na nasa


Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Ekwador a. Guhit na pahalang paikot sa globo kaagapay ng
Ekwador
2. Prime Meridian b. Guhit na naghahati sa globo sa Silangan at
Kanluran
3. Latitud c. Guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog
4. Longhitud d. Guhit na pinagbabatayan ng oras sa mundo
5. International Date Line e. Guhit na patayo kaagapay ng Prime Meridian
6. ¼ o 25% f. Bahaging lupa ng mundo
7. 0 ° g. Kalahati ng mundo sa hilagang bahagi
8. Hilagang Hating Globo h. Bahaging tubig sa mundo
9. ¾ o 75 % i. Kalahati ng mundo sa timog na bahagi
10. Timong Hating Globo j. Degree ng prime meridian
k. Guhit na nabubuo kapag pinagsama ang guhit
latitud at longhitud

3
ARALIN
Ang Mundo at ang mga Guhit Nito
1.1
Maraming bagay ang malalaman tungkol sa ating mundo. Isa na dito ay ang
mga guhit na matatagpuan dito. Ano nga bang silbi ng mga guhit na ito?
Masasabi nating ang mga guhit na ito ay mga imahinasyon lamang na
pinagbabatayan ng mga distansiya o lokasyon ng mga lugar sa mundo na nagiging
dahilan din ng paghubog sa ating kasaysayan.

Pagtatalakay
Ang globo ay modelo ng mundo. Ang globo ay isang mapa na pabilog.
Nagpapakita ito ng tunay na hugis ng mundo. Nakikita rin sa globo ang mga bahagi
ng mundo. Ito ang bahagi ng tubig at bahagi ng lupa. Kung hahatiin ang mundo sa
apat na bahagi, sangkapat (¼) lamang nito ang lupa. Ang tatlong-kapat (¾) ng mundo
ay pawang bahagi ng tubig.
Ito ay may mga guhit na pinagbabatayan ng layo o lapit ng isang lugar o
lokasyon sa mundo. Ang mga guhit na ito ay mga imahinasyong guhit (imaginary lines)
lamang at hindi nakikita mismo sa mundo. Ang magkabilang dulo ng mundo ay
tinatawag na polo; ang Polong Hilaga at Polong Timog. Ang mga guhit na
matatagpuan sa globo ay Ekwador, PrimeMeridian, International Date Line, Latitud at
Longhitud.
Ang Ekwador ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo. Ito ang guhit na
naghahati sa mundo sa dalawang bahagi ang Hilagang Hatingglobo at Timog
Hatingglobo.
Ang Prime Meridian naman ay patayong guhit na naghahati sa globo sa
Silangang Hatingglobo at Kanlurang Hatingglobo.Tinatawag din itong Greenwich
Meridian sapagkat bumabagtas ito sa Greenwich, England.
Ang International Date Line (IDL) ay imahinasyong guhit na naghahati sa
mundo at matatagpuan sa kabilang panig ng daigdig. Ang mga guhit latitud at
longhitud ang pinagbabatayan ng tiyak na lokasyon.
Ang longhitud ang angular na distansiya pasilangan o pakanluran mula sa
Prime Meridian. Ang latitud naman ang angular na distansiya pahilaga o patimog mula
sa ekwador. Ginagamit ang degree sa pagsukat ng longhitud at latitud.

4
Suriin
Panuto: Tingnan ang globo at suriin ang mga guhit na matatagpuan dito. Lagyan ng
pangalan ang guhit na tinuturo sa globo.

Panuto: Iayos ang mga titik upang makabuo ng mga salita.


1. O R D E W K A- ___________
2. D U T T A I L- ____________
3. D O G H I T U L N- _____________
4. M R E I I A N D E M P R I- ____________
5. E D A T N I T E R A T N A I O L I L N E

Isaisip

Ang globo bilang modelo ng mundo ay may mga


imahinasyong guhit. Ito ay ang mga guhit Ekwador, Prime
Meridian, International Date Line, Guhit latitud at guhit
longhitud.

5
Isagawa
Panuto: Sa isang puting papel (bond paper) iguhit ang globo bilang
modelo ng mundo na makikita ang mga guhit na napag-aralan.

Pagyamanin

A. Panuto: Isa-isahin ang mga guhit sa globo sa pamamagitan ng


isang talata. Ilarawan ang mga guhit na nasa globo
1. ekwador-
2. Longhitud-
3. latitud-
4. Prime Meridian
5. International Date Line

B. Panuto: Lumikha ng isang maikling tula na mababanggit ang


mga pangunahing guhit sa globo.

6
Aralin

1.2
Longhitud at Latitud Batayan ng
Tiyak na Lokasyon

Tayo naman ay dumako sa ikalawang aralin sa linggong ito. Ikaw ba ay


pamilyar sa kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa o globo? Iyong alamin kung paano at
ano ang batayan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar.

Ilan sa mga guhit na atin nang napag-aralan ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak


na kinalalagyan ng isang lugar. Sa modyul na ito ay iyong matutuklasan na mahalaga
pala ang mga guhit na ito sa pagtukoy ng lokasyon.

Saan mang dako tayo maparoon masasabi natin na hindi magkakatulad ang
direksyon. Hindi natin malalaman ang lokasyon ng isang bagay kung walang mapa at
mga guhit nito.

Pagtatalakay
Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa pagtugon ng
pamahalaan sa mga pangangailanagn ng mga tao at pagpapanatili ng kalayaan ng
bansa.

Isa sa maaaring makatulong sa pagtukoy ng kinalalagyan ng Piipinas sa mundo


ay ang globo. Ang globo ay representasyon o modelo ng mundo na may imaginary
lines na nakatutulong sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar.

Ang Pilipinas ang ikalawa sa pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa


rehiyong Timog-silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Ang Asya ang
pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig. Tinagurian ang Pilipinas bilang:
“Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng
kontinente. Nasa pagitan ito ng latitud na 4°-21° hilagang latitud at 116°- 127°
silangang longhitud.

Sa pagtatagpo ng meridian at parallel ay nabubuo ang mga mala-parihabang


espasyon sa ibabaw ng globo. Gamit ito sa pagtukoy sa tiyak na lokasyon ng anumang

7
lugar sa ibabaw ng mundo. Ang pagtatagpo ng mga likhang isip na mga guhit sa
kabuuan ng grid ay ginagamit sa pagtukoy ng eksaktong lokasyon o tiyak na
kinalalagyan ng isang lugar.

Ginagamit ang grid sa pagsukat nito at degree (°) naman ang yunit nito.

Suriin
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na globo.

Tanong:

1. Ano ang nakita ninyo sa globo?


2. Ano ang tawag sa mga guhit na ito?
3. Bukod sa mga guhit, ano pa ang inyong napansin?
4. Mahalaga ba ito sa globo at lokasyon? Bakit?
5. Saan kaya matatagpuan ang Pilipinas?
6. Anong sukat ang dapat tandaan upang makita ang eksaktong lokasyon ng
Pilipinas?

Isaisip
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa pagitan
ito ng latitud na 4°-21° hilagang latitud at 116°-
127° silangang longhitud. Ang grid ang
pinababatayan nito at (°) naman ang ginagamit na
yunit 8
Isagawa
Panuto: Kumuha ng puting papel, lapis at pangkulay. Iguhit ang globo
na makikita ang guhit latitud at longhitud kaakibat ang sukat nito.
Iguhit ang Pilipinas sa tiyak na lokasyon ayon sa napag-aralan gamit ang (°)
degree.

Aralin
Ang Pilipinas sa Relatibong
1.3 Lokasyon

Nalaman na ninyo sa nakaraang aralin ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas gamit


ang latitud at longhitud. Nababatid natin na ang mapa o globo ay naglalaman ng iba’t
ibang lugar na matatagpuan sa mundo. Bilang isang Pilipino mahalagang matukoy mo
ang lokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa nakapaligid dito. Magagamit
mo sa pagtukoy ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon na natutuhan mo
noong ikaw ay nasa Ikatlong Baitang.
Sa modyul na ito ay tutuklasin natin ang mga karatig lugar ng ating bansa.
Maglalakbay tayo sa iba’t ibang direksyon upang tahakin ang mga katabi o kalapit na
lugar ng ating bansa
Ang bawat lugar sa bansa ay may kanya-kanyang lokasyon. Maaaring ito ay
katabi, nasa itaas, o nasa ibabang bahagi ng isang particular na lugar.
Ang ating mga tahanan ay mayroong ding relatibong lokasyon base sa mga
nakapaligid dito. Kaya nating mailarawan at maipaliwanag ang lokasyon ng isa lugar
sa pamamagitan din ng mapa.

Pagtatalakay
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Kontinente ng Asya. Ito ay matatagpuan
sa direksiyong Timog Silangan. Kung ating titingnan ang mapa o globo ay makikita
natin ang mga lugar o bansa, at mga anyong tubig na nakapaligid dito.

Kung ang pagbabatayan ay pangunahing direksyon, matatagpuan sa hilaga


ang mga bansang Taiwan, China at Japan, sa Silangan ang Micronesia at Marianas,
sa Timog ay Brunei at Indonesia, sa kanluran ay mga bansang Vietnam, Laos,
Cambodia at Thailand.

9
Ang mga anyong tubig naman ay Bashi Channel sa Hilaga, Karagatang
Pasipiko sa Silangan, Dagat Celebes at Dagat Sulu sa Timog at Dagat Kanlurang
Pilipinas o Dating Timog China ang sa Kanluran.

Suriin
A. Panuto: Tingnan ang globo at mapa sa ibaba

Tanong:
1. Anu-ano ang nakikita ninyo sa globo?
2. Anu-anong mga bansa ang nakapaligid sa Pilipinas? Isa-isahin
3. Anong direksiyon ang maaaring gamitin upang ang mga bansa na ito ay maging
batayan ng lokasyon ng Pilipinas?

B. Panuto: Suriin ang mapa sa ibaba.

Tanong:
1. Ano ang makikita mo sa mga mapa?
2. Anu-anong anyong tubig ang nakapaligid sa Pilipinas? Isa-isahin ang mga ito.
3. Anong direksiyon ang maaaring gamitin upang mahanap ang eksaktong lokasyon
ng Pilipinas?
4. Mahalaga ba ang mga anyong tubig na ito? Bakit

10
Isaisip

Pangunahing Anyong Lupa Anyong Tubig


Direksiyon

Hilaga Taiwan,China at Japan Bashi Channel

Silangan Micronesia at Maranas Karagatang Pasipiko

Timog Brunei at Indonesia Dagat Celebes at Dagat Sulu

Kanluran Vietnam, Laos,Cambodia Dagat Kanlurang Pilipinas o


at Thailand dating Timog China

Isagawa
Panuto: Iguhit ang ilustrasyon sa papel o kwaderno at isulat ang mga
nakapaligid na bansa sa Pilipinas batay sa pangunahing direksiyon.

B. Panuto: Mga nakapaligid na anyong tubig sa Pilipinas batay sa Pangunahing


Direksiyon

11
Aralin

1.4
Anyong Tubig sa Pangalawang
Direksyon

Ang mga direksiyon ay malaking tulong sa pagtukoy ng lokasyon ng isang


lugar. Ang mga lugar na nakapaligid ay maaaring anyong tubig, anyong lupa o mga
bansa.

Pagtatalakay
May dalawang uri ng direksiyon na ginagamit upang mahanap ang lokasyon ng
isang lugar sa globo o mapa. Ito ay ang pangunahing at pangalawang direksiyon.

Kung pagbabatayan ang pangalawang direksyon ang bansa ay napaliligiran ng


Dagat Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa timog-silangan, mga isla
ng Paracel sa hilagang-kanluran at Borneo naman sa timog-kanluran.

Suriin
.
Panuto: Pag-aralan ang mapa sa ibaba

Tanong:
1. Ano ang sinisimbolo ng kulay asul sa mapa?
2. Anu-anong mga anyong tubig at lupa ang inyong nakikita?
3. Saan-saan ito makikita?
4. Anong direksiyon ang maaari nating gamitin sa mga anyong tubig na ating makikita
sa mapa?

12
B. Panuto: Pag-aralan ang mapa sa ibaba.

Tanong:

1. Ano ang nakikita ninyo sa mapa?


2. Anong mga anyong tubig at lugar ang nakapaligid sa ating bansa?
3. Anong direksyion ang maaari nating gamitin upang mailarawan ang kinaroroonan
ng mga lugar na ito?
4. Madali bang hanapin ang mga ito sa mapa? Bakit?
5. Mahalaga ba ang mga lugar na ito nanakapaligid sa ating bansa? Bakit?

Isaisip

Kung pagbabatayan ang pangalawang direksyon


ang mga sumusunod na lugar ang nakapaligid sa
Pilipinas.

13
Pangalawang Direksyon Mga lugar na nakapaligid sa Pilipinas

Hilagang-silangan Dagat ng Pilipinas

Timog Silangan Isla ng Palau

Hilagang Kanluran Isla ng Paracel

Timog kanluran Borneo

Isagawa
Panuto: Gumawa ng ilustrasyon ng sariling mapa ng mundo na makikita ang
Pilipinas at mga lugar na nakapaligid dito batay sa pangalawang direksyon. Gawin
ito sa puting papel.

Pagyamanin
Panuto: Punan ang bawat bubble ng mga lugar na nakapaligid sa bansa
gamit ang pangalawang direksiyon

14
Pagtataya
Panuto: Punan ang patlang ng mga guhit sa globo.
1. Ang _________ ang naghahati sag lobo sa hilaga at timog hating
globo.
2. _________ ang tawag sa guhit na pahalang kaagapay ng globo.
3. Pinagbabatayan ng oras ang _______________ na matatagpuan sa
kabilang panig ng Prime Meridian.
4. 0° ang sukat ng ______________ na naghahati sa silangan at
kanlurang bahagi ng globo.
5. ___________ ang tawag sa guhit patayo na kaagapay ng Prime
Meridian.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


6. 6. Ang ________ ay matatagpuan sa hilaga ng Pilipinas.
A. Taiwan C. Indonesia
B. Brunei D. Singapore
7. 7. Ang Isla ng Palau ay matatagpuan sa _________ ng Pilipinas
A. Timog Silangan C. Hilagang Silangan
B. Timog Kanluran D. Hilagang Kanluran
8. 8. Saan matatagpuan ang Pilipinas?
A. Hilagang Silangan Asya C. Hilagang Kanlurang Asya
B. Timog Kalurang Asya D. Timog Silangan Asya
9. 9. Ang _____________ ay tumutukoy sa lapit o layo, nakapaligid na
anyong tubig at anyong lupa sa isang lugar.
A. Distansiya C. Direksyon
B. Relatibong lokasyon D. Absolute na lokasyon

10. Napaliligiran ng anyong tubig at __________ ang Pilipinas


A. Anyong lupa C. Ilog
B. Dagat D. Sapa

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang liham sa iyong kaibigan na nagsasaad ng kwento


ng lokasyon ng Pilipinas na binabanggit ang mga lugar na nakapaligid dito.

15
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1.1.

10. I
9. H
8. G
7. J
6. F
5. D 5. latitud

4. E 4. Ekwador

3. A 3. Longhitud
2. B 2. Prime Meridian
1. C 1. International date Line
(Pre-test) Suriin:

Isagawa:
Batayan ng Pagmamarka
Bahagdan Krayterya
40% Nakasunod sa hinihingi ng
panuto
30% Maayos at malinis ang
pagkakagawa
15% Kaaya-ayang tingnan ang
gawa
15% Naipasa sa takdang
panahon
Kabuuan- 100%

Pagyamanin:
Batayan ng Pagmamarka
Bahagdan Krayterya
40% Nabanggit lahat ang mga guhit
sa globo

16
30% Nakasulat ng maayos ayon sa
pamantayan sa pagsulat ng
talata.
15% Malinis at walang bura ang
talata
15% Gumamit ng tamang bantas
sa talatang isinulat.
Kabuuan- 100%

B.
Batayan ng Pagmamarka
Bahagdan Krayterya
40% Nabanggit lahat ang mga guhit
sa globo
30% Nakasulat ng maayos ayon sa
pamantayan sa pagsulat ng
tula.
15% Malinis at walang bura ang
tula
15% Gumamit ng tamang bantas
sa pagsulat ng tula
Kabuuan- 100%

Aralin 1.2
Suriin:
1. Makikita sa larawan ng globo ang mga guhit.
2. Ito ay guhit latitud at longhitud
3. Bukod sa mga guhit latitud at longhitud makikita din ditto ang mga
bilang o numero na may kasamang degree bilang yunit.
4. Mahalaga ito sa globo upang mahanap ang eksaktong lokasyon ng
isang lugar.
5. Ang Pilipinas ang matatagpuan sa pagitan ng 4°-21° hilagang
latitud at 116°- 127° silangang longhitud.

17
Isagawa:

Batayan ng Pagmamarka
Bahagdan Krayterya
40% Naipakita ang globo at mga guhit
latitud at longhitud
30% Wasto ang pagkakalagay ng
mga guhit sa globo
15% Malinis at walang bura ang
iginuhit
15% Nailagay ng maayos ang
eksaktong lokasyon gamit ang
degree
Kabuuan- 100%

5. A
4. C
3. C
2. D
1. B
Pagtataya

Aralin 1.3
Dagat Celebes 4.
Karagatang Pasipiko 3.
Dagat China 2.
Bashi Channel 1.
B.
Timog- Indonesia 4.
Kanluran-Vietnam 3.
Silangan- Micronesia 2.
Hilaga-Taiwan 1.
A.
Suriin:

18
19
Suriin:
A. 1. Sumisimbolo ang kulay asul sa mga anyong tubig na matatagpuan
sa globo
2. Makikita dito ang dagat, isla at bansa.
3. Makikita ang dagat, isla at bansa sa iba’t ibang direksyon.
4. Makikita ang mga ito gamit ang pangalawang direksiyon.
B. 1. Makikita sa mapa ang anyong tubig, isla at bansa.
2. Makikita dito ang Dagat Pilipinas, Isla ng palau, Isla ng Paracel at
Borneo.
3. Magagamit ang pangalawang direksiyon upang matunton ang mga
nakapaligid sa ating bansa.
4. Madaling hanapin ang Pilipinas sa globo o mapa dahil sa mga karatig
lugar at anyong tubig na nakapaligid dito.
5. Mahalaga ang mga lugar na nakapaligid sa ating bansa upan
malaman ang tiyak o eksaktong lokasyon nito.
I. 1. Ekwador
2. latitud
3. International Date Line
4. Prime Meridian
5. longhitud
Pagyamanin: II.
Hilagang-silangan Dagat ng Pilipinas 6.A
Timog Silangan Isla ng Palau 7. A
8. D
Hilagang Kanluran Isla ng Paracel
9. B
Timog kanluran Borneo 10. A
Aralin 1.4
Karagdagang Gawain
Batayan ng Pagmamarka
Bahagdan Krayterya
40% Nailahad ang mga lugar nakapaligid sa Pilipinas sa tamang
direksiyon
30% Naisulat ng wasto ang liham ayon sa pamantayan sa pagsulat ng
liham.
15% Malinis at walang bura ang awtput
15% Nakasunod ng maayos sa panuto
Kabuuan:
100%

SANGGUNIAN
Kagawaran ng Edukasyon, “K to 12 Araling Panlipunan Pilipinas Bilang
Isang Bansa” 2016: pahina 3-15,

Kagawarn ng Edukasyon, “ K to 12 Araling Panlipunan Kagamitan ng


Mag-aaral 4”Unang Edisyon 2015: pahina 8-14

Kagawarn ng Edukasyon” Most Essential Learning Competencies


Matrix” May 2020

Encarta Kids

Mga mungkahing maaaring puntahang website

https://google.com.

20
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga
dalubhasang guro at pinaunang-suri ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Ito ay binuo
para matugunan ang pangangailangan ng mga
mag-aaral at matiyak ang kanilang pagkatuto
habang nananatili sa bahay sa panahong ito ng
pandemya. Hindi po perpekto ang pagkakabuo
ng modyul na ito. Kasalukuyan pa po itong nasa
proseso ng pagsusuri, kung kaya’t ang anumang
puna buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga
nilalaman nito ay lubos po naming
pinahahalagahan. Marami pong Salamat.

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

21

You might also like