ARTS 4
UNANG MARKAHAN
MODYUL 2
Kompetensi
Nakikilala ang
kahalagahan ng mga
kultural na komunidad sa
Pagguhit
Luzon. Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan sa Luzon
Nailalarawan ang ibat-
ibang kultural na
pamayanan sa Luzon.
Nakalilikha ng isang sining
na ginagamitan ng mga
disenyo ng Luzon.
Name of Writer: Aileen P. Pimentel
Designation: Teacher-1
School; Labo Elementary School
District; Santa Cruz South
Department of Education • Schools Division of Marinduque
Panimulang Mensahe
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts - Baitang 4 Modyul
bilang 2 para sa araling, Mga Disenyo SA Kultural na Pamayanan sa Luzon.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampublikong institusyon ng Sangay ng Marinduque
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts - Baitang 4 Modyul bilang 2 para sa
araling, Mga Disenyo SA Kultural na Pamayanan sa Luzon
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay ginawa para sa katulad mong mag-aaral na nasa
Ikaapat na Baitang upang magamit mo sa iyong pag-aaral ng Arts. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ito ay pinag-isipan at isinaayos ng may-akda upang maiangkop sa iyong
gulang, interes, at pangangailangan.
Inaasahan ng may-akda ng iyong susundin ang mga sumusunod:
1. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang mga pahina.
2. Huwag sulatan/ guhitan ang balat at mga pahina nito.
3. Iwasang matupi ang gilid ng pahina.
4. Ingatan masira o mapunit ang bawat pahina nito.
5. Huwag gamitin ang modyul na pantakip sa ulo kapag umuulan.
6. Ibalik nang maayos pagkatapos gamitin.
2
PAUNANG PAGSUBOK
A. Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita sa loob ng kahon.
Ifugao Luzon Disenyo komunidad
Gaddang Linya kultura kalikasan
Kalinga hugis
K M O L D I S E N Y O W E R T
A U S D F G H J K B Q E F A Y
Q A L Z C V B M K L P O I S S
M O I T T E Q S V B O I Z I U
I Q A F U B U C F M Z L G D K
F W R F V R M A E N M U L F A
U X C T Q G A A E M H M K G L
G F G U O L U Z O N A G A H I
A S D F I N M A I L O E L J N
O M J Y G A D D A N G C I K G
Z S E X A D R T Q A S D K L A
G F I Y L P M N B V C X A Q V
Q W N R E H K L P A M V S W B
Q I Q E Y I K P B C M A A R N
L M A k O M U N I D A D N A M
3
ARALIN Mga Disenyo sa Kultural na
Pamayanan sa Luzon
Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang ipinagmamalaking
obra. Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng ibat-ibang linya, kulay,at hugis.
Ang mga linya ay maaring tuwid, pakurba, pahalang, at patayo,Kadalasang ang
kulay na ginagamit ay pula,dilaw, berde at itim. Iba’t-ibang hugis ang makikita sa
mga disenyo tulad ng triyanggulo,kwadrado,parisuk at,bilog,at bilohaba. Ito ay hango
sa klalikasan o sa kanilang kapaligiran.
PAGTATALAKAY
Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang
ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa mga kalikasan o sa
kanilang kapaligiran.
Ang mga Ifugao ay naninirahan sa hilagang Luzon. Makikita ang mga disenyo
sa kanilang kasuotan at kagamitan tulad ng araw,kidlat,isda,ahas,butiki,puno,at tao.
4
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga taga Kalinga na matatagpuan
sa pinaka hilagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sa kanila ng mga palamuti sa
katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan. Madalas gamitin ng mga
Kalinga ang kulay na pula, dilaw, berde,at itim
Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa paghahabi ng
tela. Ang Maghahabing Gaddang ay gumagamit ng Tradisyunal na hakbang sa
paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic beads,at
bato. Ilan sa kanilang mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt),aken
(skirt) at abag ( G-String) na gawa sa mga mamahalin at malilit na bato.
5
Suriin
Suriin ang sumusunod ng mga larawan:
May nakikita ba kayong pagkakaiba sa kanilang paggamit ng linya,
hugis,at kulay?
Nakikita rin ba ang paulitulit na disenyo sa kanilang mga gawa?
Tingnan ang mga likhang sining sa ibaba at subuking sagutin ang mga katanungan.
A. B.
1. Ano ang masasabi ninyo sa disenyo ng larawan A?sa larawan B?
2. May pagkakaiba ba sa mga disenyo ng dalawang larawan?Tukuyin at
ipaliwanag ito.
6
Isaisip
Ang mga disenyong kultural sa
pamayanan sa ating bansa ay katangi-
tangi.
Ang mga disenyong kultural na
pamayananay hango sa mga
representasyon nila sa mga bagay at
nilalang na matatagpuan sa kalikasan.
Gumagamit ang mga kultural na
pamayanan ng Luzon ng linya, hugis at
kulay sa kanilang mga produkto na
nagiging bahagi ng kanilang
pagkakakilanlan.
Isagawa
Tayo’y lumikha: Disenyong Kultural sa ibaba ng bawat larawan
Pamantayan sa paggawa:
Ihanda ang mga kagamitan
Iwasan ang pagtayo habang gumagawa
Gumawa ng maayos at malinis
Linisin ang lugar na ginamit matapos gawin ang proyekto
Iguhit ang disenyong Ifugao.
7
Iguhit ang disenyong Kalinga.
Iguhit ang disenyong Gaddang.
8
Pagyamanin
Mga Disenyo sa Karton o Kahon
Kagamitan: Mga bagay na karton gaya ng baso o mga kagamitan
na maaaring makuha sa kalikasan at iba pa, lapis krayola, o oil
pastel.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na
mayroon sa inyong lugar na maaaring gamitin para guhitan
ng mga disenyo.
2. Umisip ng disenyo mula sa mga kultural na pamayanan ng
Luzon tulad ng Ifugao, Gaddang at Kalinga.
3. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang
lapis. Maaari ring gumamit o umisip ng sariling disenyo
gamit ang mga hugis, kulay, linya, at ang prinsipyong paulit-
ulit.
4. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo ang
inyong iginuhit at sundan ito ng krayola o oil pastel para
lalong maging kaakit-akit ang iyong likhang-sining.
5. Kung wala nang idadagdag, puwede nang itanghal ang
ginawang likhang-sining at humanda sa pagpapahalaga.
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin.
Nakasunod sa
Nakasunod sa
pamantayan Hindi
pamantayan
Mga Pamantayan subalit may nakasunod sa
nang higit sa
ilang pamantayan
inaasahan
pagkukulang
1. Natutukoy ko ang iba’t-
ibang disenyo na
nagtataglay ng mga
element at prinsipyo ng
9
sining sa mga gawa ng
mga taga Luzon
2. Nalaman ko aang mga
disenyong kultural na
pamayanan na nagmula
sa Luzon
3. Nakagawa ako ng isang
likhang sining na tulad
ng mga desinyong mula
sa Luzon.
4. Napahahalagahan at
naipagmamalaki ko ang
mga katutubong sining
na gawa ng mga
kultural na pamayanan
sa Luzon
5. Naipamalas ko nang
may kawilihan ang
aking ginawang likhang
sining
Pagtataya
Subukin Natin: Ilagay ang wastong sagot.
1-3 Anu-ano ang mga halimbawa ng kultural na pamayanan?
1.
2.
3.
4-6 Anu-anong elemento ng sining ang matatagpuan sa disenyong
nilikha ng mga kultural na pamayanan sa Luzon?
4.
5.
6.
7-10 Anu-ano ang ang kadalasang kulay ang ginagamit nila sa
kanilang mga disenyo?
7.
8.
9.
10
Karagdagang Gawain
Gumuhit ng mga disenyo mula sa kultural na pamayanan sa Luzon, tulad ng
Ifugao Kalinga at Gaddang.
10
Susi sa Pagwawasto
A. Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita
K M O L D I S E N Y O W E R T
A U S D F G H J K B Q E F A Y
Q A L Z C V B M K L P O I S S
M O I T T E Q S V B O I Z I U
I Q A F U B U C F M Z L G D K
F W R F V R M A E N M U L F A
U X C T Q G A A E M H M K G L
G F G U O L U Z O N A G A H I
A S D F I N M A I L O E L J N
O M J Y G A D D A N G C I K G
Z S E X A D R T Q A S D K L A
G F I Y L P M N B V C X A Q V
Q W N R E H K L P A M V S W B
Q I Q E Y I K P B C M A A R N
L M A k O M U N I D A D N A M
1. Ifugao 6. Luzon
2. Disenyo 7. komunidad
3. Gaddang 8. Linya
4. kultura 9. kalikasan
5. Kalinga 10. Hugis
11
Pagtatataya ( maaaring magkapalit ang sagot)
1-3
1. Ifugao
2. Kalinga
3. Gaddang
4-5 ( maaaring magkapalit ang sagot)
4. Linya
5. Kulay
6. Hugis
7-10 ( maaaring magkapalit ang sagot)
7. Pula
8. Dilaw
9. Berde
10.Itim
Sanggunian
https://www.googlesearch?q=katutubong+kultural ng
Luzonoq=katutubong+&aqs=com.069i59j69157
https/slideshare.com
https://youtube.com.
Musika at Sining Patnubay ng Guro 4
Musika at Sining Kagamitan 4
12
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga
dalubhasang guro at pinaunang-suri ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Ito ay binuo
para matugunan ang pangangailangan ng mga
mag-aaral at matiyak ang kanilang pagkatuto
habang nananatili sa bahay sa panahong ito ng
pandemya. Hindi po perpekto ang pagkakabuo ng
modyul na ito. Kasalukuyan pa po itong nasa
proseso ng pagsusuri, kung kaya’t ang anumang
puna buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga
nilalaman nito ay lubos po naming
pinahahalagahan. Marami pong salamat.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
13