You are on page 1of 21

Module 2:

1. Disenyo sa Kultural na Pamayanan ng


Luzon, Visayas at Mindanao

2. Pinoy Bookmark ng Disenyong


Etniko

ARTS 3. Mga Katutubong Disenyo sa


Kasuotan at Kagamitan

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
ARTS
INAASAH
AN! Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga bata ay inaasahang:

• Makikilala ang • Mailalarawan ang iba’t


kahalagahan ng mga ibang kultural na • Makalilikha ng isang sining
kultural na komunidad pamayanang sa Luzon, na ginagamitan ng mga
sa Luzon, Visayas, at disenyo ng Luzon, Visayas,
Visayas, at Mindanao
Mindanao at ang at Mindanao; matutukoy
ayon sa kanilang
kanilang pagkakaiba sa ang pagkakaiba ng mga
 pananamit,
 pananamit, disenyo na may motif
 palamuti sa katawan at mula sa Luzon, Visayas,
 palamuti sa katawan at  paraan ng at Mindanao
 paraan ng pamumuhay;
pamumuhay;

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
ARTS
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A
SA ARALIN
Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang mga pangkat-etniko
ay may kaniya-kaniyang katutubong sining o motif na higit nilang napapaunlad at napayaman
hanggang sa ngayon. Ilan sa mga kilalang pangkat mula sa Luzon ay ang mga Ifugao, Kalinga, at
Gaddang; sa Visayas ay ang Panay-Bukidnon ;at sa Mindanao ay ang mga Maranao, Yakan, at T’boli.

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-


kanilang ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay
ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay at hugis. Ang mga linya
ay maaaring tuwid, pakurba, pahalang, at patayo. Kadalasan ang
kulay na ginagamit ay pula, dilaw, berde, at itim. Iba’t ibang disenyo
tulad ng triyanggulo, kwadrado, parisukat, bilog, at bilohaba na
hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
SA A R A LLIKHANG
MGA IN SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN
SA LUZON, VISAYAS, AT MINDANAO

Ang mga ito ay nagpapakita ng iba’t ibang linya, kulay, at hugis ng disenyo
na makikita sa kanilang mga kasuotan. Sa pamamagitan nito makikilala natin
ang kanilang angking galing sa larangan ng sining.

LUZON
LUZON
Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang
ipinagmamalaking obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o
sa kanilang kapaligiran. Ang mga Ifugao ay naninirahan sa hilagang Luzon. Makikita
ang mga disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda,
ahas, butiki, puno, at tao.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
S A MGA
ARA L I N SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON, VISAYAS,
LIKHANG
AT MINDANAO

LUZON
LUZON
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga Kalinga na
matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sa kanila
ang mga palamuti sa katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa
lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang kulay na pula, dilaw, berde, at
itim.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
S A MGA
ARA L I N SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON, VISAYAS,
LIKHANG
AT MINDANAO

LUZON
LUZON
Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa
paghahabi ng tela. Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit
ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi na may mabusising
paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic beads , at bato. Ilan sa
kanilang mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt),
aken (skirt) at abag (G-string) na gawa sa mga mamahalin at maliliit
na bato.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
S A MGA
ARA L I N SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON, VISAYAS,
LIKHANG
AT MINDANAO

VISAYAS
VISAYAS
Isa sa mga kilalang pangkat mula sa Visayas ay ang
mga Panay-Bukidnon. Sila ay naninirahan sa mga
bulubunduking lugar ng Lambunao, Iloilo. Kilala rin
sila sa madetalyeng paraan ng pagbuburda at
tinatawag nila itong panubok. Ang mga damit na may
burda ay ginagamit na kasuotan sa isang pagtatanghal sa
Iloilo na tinatawag na Tinubkan fashion show.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
S A MGA
ARA L I N SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON, VISAYAS,
LIKHANG
AT MINDANAO

MINDANAO
MINDANAO
Ang mga Maranao ay nakatira sa
paligid ng Lawa ng Lanao, Lanao del Sur,
Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi, at Lungsod
ng Iligan. Nananatili pa rin ang kanilang tunay na
naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga
gawang ukit, damit, at banig, at sa kanilang mga
kagamitang gawa sa tanso.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
S A MGA
ARA L I N SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON, VISAYAS,
LIKHANG
AT MINDANAO

MINDANAO
MINDANAO
Ang mga T’boli ay matatagpuan sa
Cotabato. Gumagawa sila ng tela para sa damit
mula sa t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng
abaka. Nagpapahid sila ng pulut-pukyutan sa
mukha, nagsusuot din sila ng maraming
hikaw, kwintas, maliliit na kampanilya, at
binurdahang damit.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
M A I K L I N G PA G PA PA K I L A L A ARTS
S A MGA
A R LIKHANG
A L I N SINING NG IBA’T IBANG KULTURAL NA PAMAYANAN SA LUZON, VISAYAS,
AT MINDANAO

MINDANAO
MINDANAO
Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat
ng mga Muslim sa Basilan. Sila ay kilala sa paglalala,
na ginagamitan nila ng mga halaman at prutas tulad ng
pinya at abaka. Gumagamit din sila ng mga dagta ng
dahon, ugat at sanga, bilang pangkulay. Sila rin ay
nagtitina ng mga hibla na may iba’t ibang kulay at
disenyo. Lahat ng mga gawang tela ng mga Yakan ay
may kakaibang disenyo at kulay tulad ng table runner,
placemat, wall décor, at iba pa.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
ARTS
Maikling pagpapakilala ng
a r a l iMGA
n HALIMBAWA NG DISENYO NG PAMAYANAN SA
LUZON, VISAYAS AT MINDANAO

LUZON
LUZON VISAYAS
VISAYAS MINDANAO
MINDANAO

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
ARTS
Maikling pagpapakilala ng
aralin MGA KATUTUBONG DISENYO
Ang mga disenyong etniko ay gawa ng iba’t ibang uri ng pangkat- etniko
sa mga kultural na pamayanan sa bansa. Ang kanilang talino at kasanayan sa
paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan,
gaya ng palayok, mangkok, at banga sa mga hinabing tela, kumot, at
banig. Magaganda rin ang kanilang mga palamuti sa katawan tulad ng
alahas, kwintas, at hikaw. Ang mga bagay sa kapaligiran at maging sa
kalikasan ay ang mga pangunahing pinaggagayahan ng kanilang mga
disenyo tulad ng araw, buwan, bituin, dahon, bulaklak, dagat, hayop, at tao.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
Maikling pagpapakilala ng ARTS
aralin
MGA KATUTUBONG DISENYO

Mga Dibuhong Araw

Kalinga Maranao Ifugao Bagobo

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
Maikling pagpapakilala ng ARTS
aralin
MGA KATUTUBONG DISENYO

Mga Dibuhong Bituin

Bagobo Maranao Tagbanua Agta

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
Maikling pagpapakilala ng ARTS
aralin
MGA KATUTUBONG DISENYO

Mga Dibuhong Tao

Taong Sumasayaw Taong Palaka

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
Maikling pagpapakilala ng ARTS
aralin
MGA KATUTUBONG DISENYO
Mga Dibuho

Dibuhong puno Agila Butiki Kidlat

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
Maikling pagpapakilala ng ARTS
aralin
MGA KATUTUBONG DISENYO
Mga Dibuho

Pako
Unggoy Ahas Obid -obid
Maranao

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
ARTS
G AWA
I NGAWAIN 1 Pinoy
Bookmark
Kagamitan: lapis, krayola, gunting, ruler, at lumang karton o cardboard
Hakbang Sa Paggawa
1. Ihanda ang mga gamit na kailangan.
2. Gupitin ang lumang karton o cardboard sa sukat na 1
½ pulgada ang lapad at 5 pulgada ang haba.
3. Pumili ng isang disenyong etniko na nais iguhit sa bookmark.
4. Iguhit ito sa inihandang cardboard na gagawing bookmark.
5. Kulayan ang iyong iginuhit.
6. Sikaping naiiba ang iyong likhang-sining.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
G AWA
I NGAWAIN 2
Disenyo Sa Crayon ARTS

Etching
Kagamitan: oslo paper o lumang cardboard, lapis, krayola, paper clip o toothpick bilang pangguhit
Mga Hakbang Sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Diinan nang maigi ang pagkukulay sa buong papel. Punuin ang papel ng iba’t ibang kulay ng krayola.
3. Patungan ng kulay itim na krayola ang buong bahagi ng papel.
4. Maaaring gumamit ng paper clip o toothpick na magsisilbing pangguhit.
5. Pumili ng disenyo na nais iguhit mula sa mga larawang ipinakita ng guro (hal.: dibuho ng araw, bituin at tao.)
6. Maaaring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang iba’t ibang linya at hugis para sa gagawing likhang-
sining.
7. Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at orihinal na disenyo.
8. Kapag tapos na ang ginawang likhang-sining maaari na itong ipaskil at ipasuri sa guro.

MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2
ARTS
MAPEH 1 S T
QUARTER
GRADE 4: MODULE 2

You might also like