You are on page 1of 24

Name: _______________________ Grade and Section: _________________

MAPEH
GRADE 4
Kaalama’y Pagsikapan Tungo sa Magandang
Kinabukasan

Quarter 1 Week 1 Module 1


Most Essential Learning Competencies:
1. Distinguishes aurally and visually between sound and
silence
2. Relates visual images to sound and silence using quarter
note , beamed eighth notes and quarter rest in a
rhythmic pattern
3. Discusses the rich variety of cultural communities in the
Philippines and their uniqueness
4. Describes the physical activity pyramid.
5. Explains the indicators for fitness
6. Assesses regularly participation in physical activities
based on physical activity pyramid
7. Explains the importance of reading food labels in
selecting and purchasing food to eat

0|Page
MUSIKA 4
LESSON 1: Iba’t-ibang Nota at Pahinga
Inaasahan Sa araling ito bibigyang pansin ang iba’t ibang
nota at pahinga.
Makikilala ang iba’t ibang nota at pahinga.

Balik-tanaw (Pagtutulungan at Pagkamalikhain)

Bawat komposisyong musikal ay binubuo ng iba’t ibang nota at


pahinga at ng iba pang simbolong pangmusika. Ang bawat nota ay
may katumbas na pahinga. Sa araling ito, matututuhan ang
pakikinig, pagkilala, pagbasa, paggalaw, at pagsulat ng hulwarang
ritmo gamit ang iba’t ibang nota at pahinga.
Panuto: Ipalakpak ang hulwarang ritmo sa dalawahan, tatluhan, at
apatang kumpas.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

1|Page
Ang bawat nota ay may katumbas/katapat na pahinga. Ang
bilang ng kumpas na tinatanggap ng nota ay siya ring bilang ng
kumpas na tinatanggap ng kaugnay na pahinga.

Ano-ano ang nakikita mong notes?


Hanapin ang katumbas ng notes at rest.
Ilan ang bilang ng kumpas at pahinga ng bawat notes at rest?

Gawain (Pagkamalikhain at Malalim na Pag- iisip)

Suriin ang iskor ng awiting “Magandang Araw”. Basahin ang titik ng


awit at awitin sa pangunguna ng guro.

2|Page
Kilalanin ang mga nota at pahinga na makikita sa awit. Pag-aralan
kung paano napangkat ang mga nota at pahinga sa bawat sukat.
Basahin ang titik ng awit. Tungkol saan ang awit?

Tandaan

May mahaba at maikling tunog sa isang awitin dahil sa mga


uri ng nota na ginagamit. May bahagi ring walang tunog at
ang ginagamit na simbolo nito ay pahinga.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang hitsura ng kapat na nota? Iguhit mo ang iyong sagot.
2. Ano ang katumbas na bilang ng dalawang kawalong nota?
3. Anong nota ang katumbas ng dalawang kawalong nota?
4. Ano-ano ang mga nota na nasa ikatlong sukat ng awiting
“Magandang Araw”?
5. Ano ang hitsura ng kapat na pahinga? Iguhit mo ang iyong sagot.

SINING 4
LESSON 1:

3|Page
Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa
Luzon
Inaasahan
Sa unang modyul na ito ay makikilala ng mga bata ang
kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Luzon tulad ng
Ifugao, Kalinga at Gaddang. Mailalarawan din ang mga
komunidad na ito ayon sa ng kanilang pananamit, palamuti sa
katawan at kaugalian.

Balik-tanaw
Panuto: Gamit ang “Hanap-Salita”, maghanap ng mga salitang
tumutukoy sa iba’t-ibang uri ng kulay at hugis.

“HANAP-SALITA”

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

4|Page
Ang mga kultural na pamayanan sa Luzon tulad ng Gaddang

ng Nueva Viscaya, Ifugao at Kalinga ng hilagang Luzon ay may

kani-kanilang pinagmamalaking obra.

Ang kanilang mga disenyo ay ginagamitan ng iba’t-ibang

linya, kulay at hugis.

Ang mga linya ay maaring tuwid, pakurba, pahalang at

patayo.

Ang kadalasang mga kulay na kanilang ginagamit ay maaring

pula, dilaw, berde at itim. Iba’t-ibang hugis din ang makikita sa

mga disenyo tulad ng triyanggulo, parihaba, parisukat, bilog at

biluhaba. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa

kanilang kapaligiran.

Mga Kultural na Pamayanan na


Matatagpuan sa Luzon

KATUTUBONG IFUGAO

Naninirahan sila sa Hilagang Luzon.


Makikita ang kanilang mga disenyo sa
kanilang mga kasuotan at kagamitan.
https://earthpop.files.wordpress.com/2014/02/ifugaonorchel-maye-camacho.jpg

5|Page
Ilan sa kanilang mga disenyo ay araw, kidlat, isda, ahas, butiki, puno

at tao.

Pagmasdan ang mga halimbawang disenyo ng mga Ifugao.

KATUTUBONG KALINGA

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcT6hIey
BktpDLzxElUIiq5Cwtp_Cy6TMW_RJFBularnhU5Gk1Lj&usqp=CAU

Makukulay ang mga palamuti ng mga Kalinga na

matatagpuan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Ang kanilang mga

palamuti sa katawan ay nagpapakita sa kanilang katayuan sa

lipunan.

Madalas gamitin ng mga

Kalinga ang kulay na pula,

dilaw, berde at itim.

https://yannadiron.files.wordpress.com/2016/09/kalinga -

history-part.jpg?w=736&h=312&crop=1

6|Page
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng disenyong Kalinga

KATUTUBONG GADDANG

https://files.pia.gov.ph/opengraph/2019/03/27/final-1.png

Ang mga Gaddang sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa

paghahabi ng tela. Ang mga maghahabing Gaddang ay gumagamit

ng tradisyunal na hakbang sa paghahabi na may mabusising

paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic beads at bato.

Pagmasdan ang halimbawa ng kanilang mga disenyo.

7|Page
https://i.pinimg.com/originals/18/14/ https://upload.wikimedia.org/wikipedia

aa/1814aaebc80abc668d87ee0b4aa63711.jpg

/commons/b/b5/Hat_from_Gaddang_in_northern_

Luzon%2C_Honolulu_Museu m_of_Art_8393.1.JPG

Gawain

MGA DISENYO SA KARTON O KAHON

Kagamitan:Mga Bagay sa Karyon gaya ng baso o mga kagamitan na

maaaring makuha sa kalikasan at iba pa, lapis, krayola o oil pastel.

Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na mayroon

sa inyong lugar na maaaring gamitin para guhitan ng mga disenyo.

2. Umisip ng disenyo mula sa kultural na pamayanan ng Luzon

tulad ng Ifugao, Gaddang at Kalinga.

8|Page
3. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang lapis.

Maaari ring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga

hugis, kulay , linya at ang prinsipyong paulit-ulit.

4. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo ang inyong

iginuhit at sundan ito ng krayola o oil pastel para lalong maging

kaakit-akit ang inyong likhang sining.

5. Kung wala nang idadagdag, sagutan ang tanong sa ibaba at


ibahagi ito sa iyong pamilya.

. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa mo iyong sariling

likhang sining? Iku wento mo sa iyong pamilya.

(Pakikipagtalastasan at Pagbuo ng Katauhan)

________________________________ ________________________________

________________________________ ________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

Tandaan

Ang mga disenyong kultural ng pamayanan sa Luzon ay isa

sa mga pamana ng sining sa ating bansa. Kaakit-akit at kanais

nais sa paningin ang kanilang mga likhang disenyo na ginagamitan

9|Page
ng iba’t ibang linya, hugis at kulay. Ilan sa mga ito ay ang mga

inukit o nililok na kahoy at mga damit na may iba’t ibang burda.

Karamihan ng kanilang mga ginagawang disenyo ay hango sa

kalikasan tulad ng dahon, tao, bundok at mga hayop.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Iguhit ang ( )bituin kung TAMA ang pahayag sa mga sumusunod

at ( ) bilog naman kung HINDI.

_______1. Ang pula ang isa sa mga kulay na ginagamit ng mga


katutubong Ifugao sa kanilang mga disenyo.

_______2. Ang mga katutubong Gaddang ay matatagpuan sa Hilagang


Luzon.

_______3. Kadalasang ang mga kulay na ginagamit ng mga


katutubo sa kanilang disenyo ay pula, dilaw, berde at itim.

_______4. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o


kapaligiran.

_______5. Ang mga


EDUKASYONG PANGKATAWAN 4 Kalinga ay kilala
at bantog sa
LESSON 1:
paghahabi ng tela.

Ang Physical Activity Pyramid Guide para


sa Batang Pilipino
Inaasahan
Sa araling ito, bibigyang pansin ang pag-unawa sa Physical
Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Ipapaliwanag din dito
ang kahalagahan ng mga gawaing pisikal at ang dalas ng paggawa ng
mga ito.

10 | P a g e
Balik-tanaw

Panuto: Lagyan ng tsek (♥) ang mga gawain kung ginagawa mo ito
araw-araw, 3-5 beses, 2-3 beses, o 1 beses sa loob ng isang linggo.
Kopyahin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain Arawaraw 3-5 2-3 1beses
beses beses
Paglalakad papuntang
Paaralan

Pagtulong sa gawaing
bahay

Pagpapakain sa alagang
hayop

Pagjogging

Paglalaro ng basketball o
volleyball
Paglalaro ng habulan,
patintero, taguan, at iba
pang mga laro
Pagsasayaw ( modern
dance o ballroom)
Pamamasyal (sa Mall sa
plaza, sa parke o kung
saan pa)
Pamamalagi ng matagal sa
panonood ng tv
Paglalaro sa computer ng
matagal

Sagutin ang sumusunod:

1. Alin sa mga gawaing nasa itaas ang madalas mong gawin o araw-
araw mong ginagawa?
________________________________________________________________ 2.
Alin sa mga gawaing nasa itaas ang hindi mo ginagawa?
________________________________________________________________ 3.
Alin sa gawaing nasa itaas ang paborito mong gawain?
________________________________________________________________ 4.
Anong mga gawain ang mas madaling gawin?

11 | P a g e
________________________________________________________________ 5.
Anong mga gawain ang mahirap gawin?
________________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin(Pakikipagtalastasan)

Ang larawan ay nagpapakita ng Physical Activity Pyramid Guide


para sa Batang Pilipino. Ito ay gabay upang maging mas aktibo at
malusog ang pangangatawan ng mga batang katulad mo. Ito ay
hango sa Pyramid Guide. Mapapansin na ito ay hugis pyramid na
hinati sa apat na antas (level) kung saan nakasulat din ang
rekomendadong dalas ng paggawa (frequency).
Kabilang din dito ang iba’t-ibang gawaing pisikal (physical activity).
Habang ginagawa ang gawaing pisikal ay kinakailangan ng enerhiya
(energy) upang makakilos ang katawan.
Enerhiya ang kailangan ng katawan upang makakilos. Mayroong
mga gawaing hindi kinakailangan ng matinding buhos ng enerhiya
tulad ng pagbabasa at pagsusulat samantalang may mga gawain
namang kailangan ng matinding buhos nito tulad ng pagsayaw at
pagtakbo.
Dalas ng pagggawa (frequency) ay tumutukoy sa bilang ng paggawa
ng isang gawain. Mayroon mga gawain na mas madalas ginagawa at
mayroon ding mas madalang gawin. Ang pag-alam at pagsunod sa
wastong dalas ng paggawa ng isang gawain ay makatutulong upang
mapaunlad ang kalusugan.
Antas (level) ay ang paghahati batay sa dali at hirap ng isang gawain.
Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay
nahahati sa apat na antas.

12 | P a g e
Rekomendadong dalas ng paggawa ng gawain at batay sa antas
nito
Ang pang- araw-araw na gawain- ang mga madadali at simpleng
gawain na nakatutulong sa iyong kalusugan dahil kinakailangang
kumilos ng katawan. Halimbawa: pagtulong sa gawaing bahay,
paglalakad at pagpulot ng mga kalat.
Ang pinakababang antas

araw-araw

Ang mga gawaing 3-5 beses na ginagawa sa isang linggo ay lubos


na nakapagpapabilis ng tibok ng puso at naglilinang ng kalusugan
dahil patuloy na kumikilos ang katawan. Halimbawa: pagtakbo,
pagbibisikleta, paglalaro
Ang pangalawang antas mula sa

3-5 beses/ linggo

Ang mga gawaing 2-3 beses na ginagawa sa isang linggo ay


nagpapainam ng kundisyon ng katawan. Hindi lamang nakapokus
sa pagpapabilis ng tibok ng puso ang mga gawaing 2-3 beses
ginagawa kung hindi kinukundisyon din nito ang kalamnan

Ang ikatlong antas mula sa baba

2-3 beses/
linggo

(muscle). Halimbawa: pagtumbling, push-up at pagsasayaw.

13 | P a g e
Ang mga gawaing 1 beses lamang ginagawa sa isang linggo ay
itinuturing na sedentary activities o gawaing hindi nangangailangan
ng matinding paggalaw at namamalagi lamang
Ang tuktok na antas

1
beses/
linggo

sa isang lugar. Ito ay mga gawaing hindi nakabubuti sa kalusugan


kung kaya’t nirerekomendang 1 beses lamang ito gawin sa loob ng
isang linggo.
Tandaan na ang batang katulad mo ay dapat isaisip at isaalang-
alang ang kalusugan. Suriin ng mabuti ang gawaing palagiang
ginagawa at siguraduhing nababatay ito sa rekomendasyon ng
Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Upang
mapanatiling malusog ang pangangatawan, maging aktibo sa
gawaing isports o makilahok sa programang sayawan sa paaralan.
Sa pamamagitan nito ay magagabayan kang maigi ng iyong guro
upang lubos mong maunawaan ang kahalagahan ng physical fitness.
Kung kasalukuyang hindi gaanong aktibo ang iyong katawan ay
huwag bibiglaing sundan at gawin agad ang rekomendadong antas
at dalas ng paggawa ng gawaing pisikal. Maaring magsimula sa ilalim
ng pyramid at unti-unting damihan ang paggawa. Kung ikaw naman
ay aktibo, makabubuting ipagpatuloy ito, dagdagan pa ang antas ng
gawain at sundin maigi ang Physical Activity Pyramid Guide para sa
Batang Pilipino.

Gawain
Panuto : Balikan muli ang naunang sinagutang tsart patungkol sa
Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Batay sa
iyong naunawaan, lagyan ng tsek (  ) ang dalas ng paggawa sa mga
gawaing. Gumamit ng ibang kulay ng ballpen sa pagsulat.
Gawain Arawaraw 3-5 2-3 1beses
beses beses
Paglalakad papuntang
Paaralan

Pagtulong sa gawaing
bahay

14 | P a g e
Pagpapakain sa alagang
hayop

Pagjogging

Paglalaro ng basketball o
volleyball
Paglalaro ng habulan,
patintero, taguan, at iba
pang mga laro
Pagsasayaw ( modern
dance o ballroom)
Pamamasyal (sa Mall sa
plaza, sa parke o kung
saan pa)
Pamamalagi ng matagal
sa panonood ng tv
Paglalaro sa computer ng
matagal

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Anong mga gawain ang ginagawa ng madalas o araw-araw?
___________________________________________________________

___________________________________________________________ 2.
Bakit kailangan gawin ang mga gawaing ito araw-araw?
___________________________________________________________

___________________________________________________________

3. Anong mga gawain ang ginagawa ng minsan o isang beses


lamang sa isang linggo?
___________________________________________________________

___________________________________________________________
4. Bakit ginagawa lamang ng minsan o isang beses sa isang linggo
ang mga gawaing ito?
___________________________________________________________

___________________________________________________________
5. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa dalas ng paggawa batay
sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino?
___________________________________________________________
15 | P a g e
___________________________________________________________
Tandaan (Pagbuo ng Katauhan)

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino


ay nakatutulong upang maging mas aktibo ang mga bata.
Mahalagang isaalang-alang kung ano ang gagawin at gaano
kadalas itong gagawin para maging mas maganda ang kalusugan.
Hindi limitado ang mga gawaing maaaring gawin sa mga
rekomendadong gawain na nasa pyramid. Maaaring magdagdag ng
iba pang gawain na naaayon sa rekomendadong dalas ng paggawa
tulad ng paglalaro ng ibang isports at iba pang mga gawain.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: Punan ang Physical Activity Pyramid Guide ng mga gawain


na naaayon sa rekomendadong dalas ng paggawa.

1 beses

2-3 beses

3-5 beses

araw-araw

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 4
LESSON 1:

16 | P a g e
Mga Impormasyong Makikita sa Food Label
Inaasahan
Makikita ang iba’t ibang bahagi ng Food Label sa pagkain
o inumin. Makatutulong ang modyul na ito upang:
• masuri ang mga impormasyong nakalimbag sa pakete ng
pagkain o inumin;
• maunawaan ang mga Food Label sa pagkain o inumin.

Simulan natin.
Mag- isip at gumawa!

Balik-tanaw
Panuto: Punan ang mga nawawalang letra upang mabuo ang
mga salitang may kinalaman sa paksa.

F __ O ___
L ___ B E ___

Sagot:_______________________________________________________________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Narito ang mga bagay na DAPAT makita o nakalimbag sa pakete ng


pagkain:
1. Name of food (pangalan ng pagkain)

17 | P a g e

ginagamit upang makilala ang isang pagkain o inumin
2. Net Weight


saktong timbang o bigat ng pagkain o inumin
3. Date Mark


petsa kung kailan ginawa at masisira/ kung hanggang kailan
na lang pwedeng kainin ang pagkain
4. Ingredient List


mga sangkap na ginamit sa pagkain o inumin
5. Nutrition Facts


ang nagbibigay ng impormasyon ng produkto tulad ng
serving size, calories, total fat, saturated fat, cholesterol,
protein, carbohydrate, at vitamin content ng isang pakete
6. Allergy Warning


pagbibigay paalala sa mga may allergy sa pagkunsumo ng
pagkain o inumin
7. Name or Address of Manufacturer/ Distributor


pangalan o lugar kung saan ginawa ang pagkain o inumin
8. Storage Instruction


nagbibigay ito ng impormasyon kung paano gamitin at itago
ang pagkain upang mapanatili ang magandang kalidad nito
9. Lot or Batch Number


eksaktong dami/ bilang ng nagawang produkto

10. Bar Code


ito ay ginagamit para mapabilis ang kanilang pag- checkout
pati na rin ang pag- inventory

Gawain 1 (Malalim na Pag- iisip)


Panuto: Suriin natin ang mga nakalimbag sa pakete na nasa
larawan. Tukuyin kung anong bahagi ng food label ang tinutukoy sa
bawat patlang.

18 | P a g e
Gawain 2 (Malalim na Pag- iisip)
Panuto: Punan ang patlang ng bawat pangungusap.
1. Ang ____________________ ay ginagamit para mapabilis ang
kanilang pag- inventory.
2. Ginagamit ang ____________________ upang madaling makilala
ang pagkain o inumin.
3. Makikita sa __________________________ ang mga sangkap na
ginamit sa pagkain o inumin.
4. Ang Date Mark ay ang ___________________ kung kalian ginawa o
masisira ang pagkain o inumin.
5. Ang _____________________ ay ang eksaktong bilang ng nagawang
produkto.

Tandaan
Suriin nang mabuti ang mga larawan. Tignan ang mga larawan
upang mas maunawaan kung saan bahagi ng pakete maaaring
nakalimbag o makikita ang bawat bahagi ng food label:

19 | P a g e
Pag-alam sa mga Natutuhan
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.
Isulat sa patlang bago ang bilang kung ano ang isinasaad sa bawat
pangungusap.
_____________1. Bahagi ng Food Label na nagbibigay impormasyon
tungkol sa mga sustansyang makukuha sa pagkaing
nakapaloob sa pakete.
_____________2. Bahagi ng Food Label kung saan makikita ang
impormasyon kung kailan ginawa o masisira ang
isang pagkain o inumin.

20 | P a g e
_____________3. Bahagi ng Food Label kung saan makikita ang
saktong timbang o bigat ng pagkain o inumin.
_____________4. Bahagi ng Food Label kung saan nagpapaalala sa
mga kakain o iinom nito ay maaaring magkaroon ng
allergic reaction sa katawan.
______________5. Bahagi ng Food Label kung saan makikita ang
pangalan o lugar kung saan ginawa ang pagkain o
inumin.

Pangwakas na Pagsusulit (Malalim na Pag- iisip)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Anong uri na simbolo sa musika ang kumakatawan sa tunog?
A. Limguhit B. Clef
C. Nota D. Pahinga

2. Ilang kawalong nota ang katumbas ng hating nota?


A.apat B. dalawa C. walo D. isa

3. Piliin sa mga simbolo ng pahinga ang may pinakamahabang


katahimikan sa musika.

A. B. C. D.
4. Ang mga sumusunod ay tatlong kultural na
pamayanan na matatagpuan sa Luzon, alin ang HINDI kabilang sa
mga ito?
A. Gaddang
C. Ifugao
B. Kalinga
D. Panay-Bukidnon

5. Saang bahagi ng Luzon makikita ang mga Ifugao? A. Hilagang


Luzon C. Katimugang Luzon
B. Nueva Viscaya D. Nueva Ecija

6. Alin sa mga susumunod ang halimbawang disenyo ng mga


Gaddang?

21 | P a g e
A.

B.

C.

D.

7. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita


ng katatagan ng puso at baga.
A. Coordination
B. Cardiovascular Endurance
C. Mascular Endurance
D. Power

8. Ang gawaing pang physical fitness test na sumusubok sa


kakayahang makagawa ng kilos sa maiksing panahon.
A. Speed
B. Agility
C. Power
D. Reaction time

9. Ang paulit-ulit na paghagis bola sa larong batuhang bola upang


matamaan ang lahat ng kasapi ng kabilang koponan ay
nakapagpapunlad naman ng _______________.
A. Coordination
B. Cardiovascular Endurance
C. Mascular Endurance
D. Power

10. Bahagi ng Food Label na nagbibigay impormasyon tungkol sa


mga sustansyang makukuha sa pagkaing nakapaloob sa pakete.
A. Nutrition Facts
B. Date Markings
C. Name of Food
D. Net Weight
22 | P a g e
11. Ito ay bahagi ng Food Label na ginagamit upang makilala ang
isang pagkain o inumin.
A. Nutrition Facts
B. Date Markings
C. Name of Food
D. Net Weight

12. Bahagi ng Food Label kung saan makikita ang saktong timbang
o bigat ng pagkain o inumin.
A. Nutrition Facts
B. Date Markings
C. Name of Food
D. Net Weight

23 | P a g e

You might also like