You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA SINING IV

I. Layunin

A. Nakikilala ang kahalagahan ng mga kultural na komunidad sa Luzon at ang


kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa katawan at paraan ng pamu- muhay.
( A4EL-la)
B. Nailalarawan ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa Luzon ayon sa uri ng
kanilang pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao, Kalinga, at
Gaddang. (A4EL- at lb)
C. Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo ng Luzon. (A4EL-la)

II. Nilalaman:
A. Paksa: Aralin 1: Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon
B. Sanggunian: Musika at Sining 4 pahina 145-147
C. Kagamitan: visual aid, picture, basong karton (paper cups) o mga bagay na
pwedeng guhitan tulad ng kawayan, tuyong dahon atbp., lapis, krayola o oil pastel

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral
A. Panimulang Gawain
Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po Teacher!
Panalangin
Pag tsek ng attendance
Ice breaker/Warm up exercise

B. Balik Aral sa nakaraang paksa


Sabihin: Noong kayo ay nasa Ikatlong
Baitang napag-aralan
ninyo ang iba’t ibang uri ng maskara at
putong (headdress) Halimbawa po ay gawa sa karton at
na maaaring gamitin sa isang kinukulayan ito.
selebrasyon o pagdiriwang.
Magbigay ng mga halimbawa nito.

C. Pagganyak:
Pagmasdan ang mga larawan sa inyong
libro sa pahina 145.

Ano-anong pangkat etniko kabilang ang


mga disenyo?

Disenyong Ifugao
Disenyong Gaddang
Disenyong Kalinga
Ang kanilang mga disenyo ay
Paano nyo mailalarawan ang kanilang
ginagamitan ng iba't-
paggamit ng linya, hugis, at kulay?
ibang linya, kulay at hugis.

Ang mga linya ay maaring tuwid,


pakurba, pahalang at patayo Kadalasan
ang mga kulay ay ginagamitan ng pula,
dilaw, berde at itim.

Anong mga desinyo ang kanilang ginuhit?


Ang kanilang mga disenyo ay hango sa
sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
D. Paglalahad

Ang mga kultural na pamayanan ay may


kani-kanilang ipinagmamalaking obra.
Ang kanilang mga disenyo ay
ginagamitan ng ibat ibang linya, kulay, at
hugis. Ang mga linya ay maaaring tuwid,
pakurba, pahalang at patayo. Kadalasang
ang kulay na ginagamit ay pula, dilaw,

berde at itim. Ibat ibang hugis ang


makikita sa disenyo tulad ng tatsulok,
parisukat, parihaba, bilog at bilohaba. Ito
ay hango sa kalikasan o sa kanilang
kapaligiran.

 Ang mga Ifugao ay naninirahan sa


hilagang Luzon. Makikita ang mga
disenyo sa kanilang mga kasuotan
at kagamitan tulad ng araw, kidlat,
isda, ahas, butiki, puno at tao
 Makukulay ang pananamit at
palamuti ng mga Kalinga na
matatagpuan sa pinakahilagang
bahagi ng Luzon. Napakahalaga
sa kanilang katayuan sa lipunan.
Madalas gamitin ng mga Kalinga
ang kulay na pula, dilaw, berde at
itim.
 Ang Gaddang naman sa Nueva
Viscaya ay kilala at bantog sa
paghahabi ng tela. Ang mga
manghahabing Gaddang ay
gumagamit ng tradisyonal na
hakbang sa paghahabi na may
mabusising paglalagay ng
palamuti gaya ng plastic beads at
bato. Ilan sa kanilang produktong
ipinagmamalaki ay ang kawat
(belt) aken (skirt) at abag (g-string)
na gawa sa mga mamahalin at
maliit na bato.

Naintidihan ba ng lahat? Opo Teacher!

E. Paglinang ng Aralin

Gawin:
Mga Disenyo sa Karton o Kahon

Kagamitan;
Mga bagay na karton gaya ng baso o
mga kagamitan na maaaring makuha sa
kalikasan, lapis, krayola, o oil pastel.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba
pang bagay na mayroon sa inyong lugar
na maaaring gamitin para guhitan ng mga
desinyo.
2. Umisip ng mga desinyo mula sa mga
kultural na pamayanan ng Luzon tulad ng
Ifugao, Kalinga at Gaddang.
3. Iguhit ang napiling desinyo sa karton o
kahon gamit ang lapis. Maaari ring
gumamit o umisip ng sariling desinyo
gamit ang mga hugis. Kulay, linya a ang
prinsipyong paulit-ulit.
4. Kulayan at punuin ang mga espasyo
ng mga desinyo ang inyong iginuhit at
sundan ito ng krayola o oil pastel para
lalong maging kaakit akit ang iyong
likhang sining.
5. Kung wala nang idadagdag puwede
nang itanghal ang ginawang likhang
sining at humanda sa pagpapahalaga.

F. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat

Batay sa inyong natutunan ano ang 3


disenyong kultural ang nabanggit sa ating Disenyong Ifugao
aralin? Disenyong Gaddang
Disenyong Kalinga

2. Pagpapahalaga

Bakit mahalaga na matutunan natin ang (Dahil isa rin itong paraan para maipakita
paggawa ng mga desinyo na maaaring natin ang pagpapahalaga at pagmamahal
batay sa ating kultura? sa ating kultura.)

3. Paglalapat

Paano mo ginagamit ang ibat ibang uri ng Ginagamit ko ang iba't ibang uri ng linya
linya, kulay at hugis sa paggawa ng mga sa paglikha ng mga ibat ibang hugis
desinyo? disenyo, samantalang ginagamit ko
naman ang kulay upang mas makulay
ang aking pagkakagawa at ginagamit ko
ang hugis sa paggawa ng mga disenyo
upang mas mapaganda pa nito ang aking
nilikha.

At tandaan ang mga desinyong kultural


ng pamayanan ng Luzon ay isa sa mga
pamana ng sining sa ating bansa. Kaakit
akit at kanais nais sa paningin ang
kanilang mga likhang desinyo bna
ginagamitan ng ibat ibang linya, hugis at
kulay. Ilan dito ay ang mga inukit at nililok
na kahoy at mga damit na may burda.
Karamihan sa mga ginawang desinyo ay
hango sa kalikasan o maging sa
kapaligiran tulad ng dahoon, tao bundok
at mga hayop.

Ito ba ay maliwanag na sainyo?


Maliwanag na po Teacher!

IV. Ebalwasyon:
Pangkatang Gawain

Pangkat 1
Gumawa ng maikling awit na naglalahad ng pagkakilala sa kahalagahan ng mga
kultural na komunidad sa Luzon at ang kanilang pagkakaiba sa pananamit, palamuti sa
katawan at paraan ng pamumuhay.
Pangkat 2
Gawan ng jazz chant ang iba’t ibang kultural na pamayanan sa Luzon
ayon sa uri ng kanilang pananamit, palamuti sa katawan at kaugalian tulad ng Ifugao,
Kalinga,
at Gaddang.
Pangkat 3
Nakalilikha ng isang sining na ginagamitan ng mga disenyo ng Luzon.

V. Takdang Aralin:

Pag aralan at mag saliksik tungkol sa Disenyong Kultural ng Pamayanan sa Visayas at


magbigay ng halimbawa ng mga disenyo sa Visayas. Isulat sa inyong kwaderno ang
inyong nasaliksik.

Inihanda ni:

John Rico E. Malasaga


BEED III 6

You might also like