You are on page 1of 3

Masusuing Banghay Aralin sa ESP 6

Josefa Cariño Elementary School

Ika-10 ng Hulyo taong 2019

I. Layunin
A. Pamantayang Nilalaman
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga
tamang hakbang bago makagawa ng desisyon para sa ikabubuti ng lahat.
B. Pamantayan sa pagganap
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan nang loob para
sa ikabubuti ng lahat.
C. Kasanayansa pagkatuto
Nakapagbibigay ng kahalagahan ng pagkamapagpasensiya

II. Nilalaman
Pagsasabuhay sa mga tamang desisyon gamit ang pagkamapasensiya para sa
ikabubuti ng lahat.

III. Kagamitang Pangturo


1. Sanggunian

 K to 12 Gabay Pangkurikulum, Edukasyon sa Pagpapakatao May 2016,


pahina 81
 Ang gintong plato-https://youtu.be/BbchxS721N8
 https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-material-in-
esp-q1q4
2. Iba pang Kagamitang Panturo
Powerpoint presentation

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral:
Ano ang ibig sabihin ng pagkamapasensiyang tao?
Ano ano ang mga sagot niyo sa ating seatwork kahapon?

B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak
Ang buong klase ay manonood ng isang maikling kwento na
pinamagatang Ang gintong plato.

2. Pagtatalakay
Sabihin: Batay sa napanood ninyo;
 Sino sino ang mga tauhan sa kuwento?
 Ano ang hiling ng pangunahing tauhan sa kwento?
 Anong klaseng buhay ang naranasan ng pangunahing
tauhan nang matupad na ang kaniyang hiling?
 Sa katapusan ng kuwento, ano ang hiniling ng pangunahing
tauhan at kaniyang mga kaibigan sa huli?

4.) Paglalahat
Isapuso natin:
Mula sa mga nakaraang gawain, pagnilayan kung ano ang tumimo sa
inyong mga puso.Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Naipakita ko na ba ang ugaling mapagpasensiya?
2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman?
3. Kaya ko ba itong magawa sa ngayon?
4. Paano ko ito dapat isagawa?
5. Bakit mahalaga ang pagiging mapagpasensiya?

V. Pagtataya
Pangkatang Gawain
Bumuo ng ilang eksena na nagpapakita ng pagiging mapagpasensiya. Bigyan
ng pansin ang nararapat na gawin o tamang pagpapasya sa bawat eksena.
Ipakita ito sa pamamagitan ng dula-dulaan.

Batayan sa pagpupuntos:

VI. Takdang aralin


Isulat sa kwaderno.
Paano mo maipapakita ang tamang pagdedesisyon gamit ang
pagkamapasensiya sa loob ng inyong tahanan? (Magbigay ng dalawa)

Sa iyong paaralan? (Magbigay ng dalawa)

You might also like