You are on page 1of 44

MGA INSTRUMENTONG

RONDALYA
MUSIC 5-WEEK 5
PREPARED BY: MARY ANN M. BASE
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga instrumentong kinakalabit
at ekis (x) ang hindi kinakalabit.

________1. Snare drum ________ 6. Bass drum


________2. Bandurya ________ 7. Oktabina
________3. Tenor drum ________ 8. Gitara
________4. Cymbals ________ 9. Bell lyre
________5. Laud ________ 10. Baho de arko
Panuto: Isulat ang mga uri ng tinig na iyong
natatandaan.

1._____________________
2._____________________
3. _____________________
4._____________________
Panuto: Isulat sa mga patlang bago ang aytem ang pangalan
ng instrumentong isinasaad sa pangungusap. Piliin ang tamang
sagot sa mga salitang nasa loob ng panaklong.

__________1. Ang instrumentong ito ay kabilang


sa rondalya na may anim na kwerdas.
(gitara, laud, oktabina)
__________2. Ang instrumentong ito ay ang
pinakamalaki sa rondalya.
(oktabina, baho de arco, laud)
___________3. Ang instrumentong ito ay hugis peras.
(laud, gitara, bandurya)
___________4. Ang instrumentong ito ay may labing-
apat na kwerdas at ginagamitan ng pick.
(gitara, oktabina, baho de arco)
___________5. Ang instrumentong ito ay kahawig
ng bandurya ngunit mas maliit ang katawan.
(baho de arco, piccolo bandurya, bandurya)
ANO ANG
RONDALYA ?
Ang Rondalya
-ay kilala rin bilang Filipino String Band. Ito
ay isa sa mga impluwensya na nakuha natin
mula sa Espanya noong ika-18 siglo.
- Ang salitang rondalya ay mula sa salitang
Espanyol na ronda na nangangahulugang
harana o serenade. Ito ay binubuo ng mga
orihinal na instrumento tulad ng gitara,
mandolin, at lute.
Sa kalaunan, nakabuo ang mga
Pilipino ng mga instrumentong
gaya ng mga dala ng taga-Espanya
mula sa mga kahoy na
matatagpuan sa Pilipinas gaya ng
Molave, Yakal, Narra at
Kamagong.
Ang mga Instrumentong Rondalya
Larawan ng Pangalan ng Katangian
Instrumento Instrumento
Ang katawan ng bandurya
ay hugis peras. Ito ay may
labing- apat na kuwerdas.
Bandurya Ang tinutugtog nito ay ang
pangunahing himig o
melodiya.

Ang instrumentong
piccolo bandurya ay
Piccolo kahawig ng bandurya
Bandurya na hugis peras ngunit
mas maliit ang
katawan at mataas ang
tunog.
Ang instrumentong laud ay
Laud kahawig ng bandurya na
hugis peras ngunit mas
mababa ng isang oktaba ang
tunog

Ang katawan ng oktabina ay


katulad ng sa gitara. Ito ay
Oktabina may labing-apat na
kuwerdas. Ang tunog nito ay
mas mababa ng isang
oktaba sa bandurya.

Ang gitara ay may anim na


kuwerdas. Ang
Gitara instrumentong ito ang
nagbibigay ng akorde sa
rondalya. Ito rin ang
nagsisilbing saliwan sa
melodiya ng awitin.
Ang Baho de arco na
tinatawag ding Baho de
Baho de arco Uñas ang
pinakamalaking
instrumento ng rondalya
na may mababang
tunog. Ito ay may apat
na makapal na
kuwerdas na tinutugtog
sa pamamagitan ng
paggamit ng pagkalabit
ng mga daliri. Ito ang
katangi-tanging
instrumento sa rondalya
na walang frets.
Gawain 1. Kilalanin mo ako!
Panuto: Bilugan ang mga instrumento ng rondalya
sa bawat bilang.

1.cymbals laud bell lyre


2.baho de arco bass drum tenor drum
3.cymbals piccolo bandurya bandurya
4.oktabina bell lyre tenor drum
5.bell lyre gitara cymbals
Panuto: Punan ng sagot ang patlang sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng pinaghalo-halong letra.
Ang (AYLADNOR) 1.__________ ay
kilala bilang Filipino String (DNAB)
2._________. Ito ay binubuo ng (MINA)
3.________ na instrumentong
kwerdasan. Ito ay ang (AYRUDNAB)
4.___________, piccolo (DAUL)
5.__________, gitara, baho de arco at
oktabina.)
Panuto: Tukuyin ang mga instrumento ng rondalya
na nakikita sa larawan. Isulat ang sagot sa loob ng
kahon na nasa kanang bahagi.
Panuto: A. Piliin mula sa Hanay B ang mga pangalan ng
instrumento sa mga larawan na nasa Hanay A. Gamitin ang guhit
na linya sa pagsagot.
B. Piliin mula sa kahon ang sagot at isulat ito sa
patlang na nakalaan bago ang bilang.
laud baho de arco oktabina
gitara piccolo bandurya bandurya
___________ 6. Ang instrumentong ito ay kahawig ng bandurya na hugis
peras ngunit mas maliit ang katawan at mataas ang tunog.
___________ 7. Ang instrumentong ito ay ang pinakamalaki sa rondalya at
may mababang tunog.
___________ 8. Ang instrumentong ito ay kahawig ng bandurya na hugis
peras ngunit mas mababa ng isang oktaba ang tunog.
___________ 9. Ang katawan ng instrumentong ito ay katulad ng sa gitara
ngunit may labing-apat na kwerdas at ginagamitan ng pick.
___________ 10. Ang instrumentong ito ay ginagamit sa pagtugtog ng
akorde.
Karagdagang Gawain
Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang
instrumento ng rondalya? Gumawa ng slogan ukol dito. Gamitin
ang kahon sa ibaba.
ARTS WEEK 5
Prepared by: Mary Ann M. Base
Variations ng
Paglilimbag Gamit
ang Iba’t Ibang
kulay
Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa paglikha ng disenyo, 1 ang
pinakauna at 10 ang pinakahuli na paraan. Isulat sa patlang ang
iyong sagot.
SAGOT:

852314679
Panuto: Lagyan ng Tsek (✓) ang patlang kung ang
tinutukoy na bagay ay gamit sa paglilimbag at Ekis (x)
naman kung hindi.

_____ 1. Dahon
_____ 2. Lapis
_____ 3. Papel
_____ 4. Pangkulay
_____ 5. Posporo
Panuto: Pagmasdan ang larawan at sagutin ang
mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang.

1.Ano ang masasabi mo sa larawan?


2.Sa tingin mo, kaya mo bang lumikha ng ganito?
Paano?
3.Iyan ang ating gagawin sa aralin na ito! Handa na ba
kayo?
Ang paglilimbag ay isang gawaing pansining
na magbibigay ng pagkakataon upang lalong
malinang ang iyong pagiging malikhain at
maging kapakipakinabang ang iyong kakayahan
sa paggawa ng mga disenyo. Maraming bagay
ang maaaring ilimbag at gamitin sa paglilimbag
tulad ng bungang gulay at mga patapong bagay.
Ang mga disenyong inilimbag ay ginagamitan ng
iba’t ibang linya, tekstura at kulay upang mas
mapaganda pa ito
Ang teorya sa pagkulay ay
mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng
buhay sa bawat guhit. Ito ang
nagbibigay gabay kung anu-anong
kulay ang nababagay na pagsamahin
sa isang larawan. Ginagawa nitong
makulay at kaaya-aya ang isang
guhit o larawan.
COLOR WHEEL
-Ito ang color wheel chart, ginagamit ito
upang matukoy ang iba’t ibang teorya ng
kulay.
Ang mga sumusunod ang iba’t ibang teorya ng kulay:

COLOR FAMILY

Pangunahin (Primary) Pangalawa Pangatlo


(Secondary) (Tertiary)
Pula (Red) Berde (Green) Dilaw-Berde (Yellow Green)
Dilaw-Kahel (Yellow Orange)
Dilaw(Yellow) Kahel (Orange) Asul-Berde (Blue Green)
Asul (Blue) Lila (Violet) Asul-Lila (Blue Violet)
Pula-Lila (Red Violet)
Pula-Kahel (Red Orange)
COLOR PROPERTIES

Hue - ang pangalan ng isang purong kulay, tulad ng


pula, asul o dilaw.
Value - gaan o kadiliman ng isang kulay. Ang value
ng isang kulay ay maaaring mabago sa pamamagitan
ng pagdaragdag ng itim o puti.
Intensity - ang ningning/tingkad o mapurol na
kulay. Ang mga dalisay na kulay ay mga kulay na
may mataas na intensity. Ang mga mapurol na kulay
ay mga kulay na may mababang intensity.
COLOR ASSOCIATION

Warm Colors
- Ang mga mainit na kulay ay
mga kulay na nagpapaalala
sa atin ng mga bagay na
mainit: pula, dilaw at kahel.
Ang mga kulay na ito ay
mabilis nating nakikita at
matukoy sa ating kapaligiran
at mga likhang sining.
Cool Colors
- Ang mga malalamig na kulay
ay nagpapaalala sa atin ng mga
bagay na naiugnay sa lamig
kagaya ng asul, lila at berde. Ang
mga kulay na ito ay mabagal na
nakakarating sa ating mga mata.
Nagagawa nitong magmukhang
malayo ang mga imahe sa isang
gawang sining.
COLOR HARMONY
Monochromatic
- naglalaman o gumagamit lamang
ng isang kulay.
Complementary
- Dalawang kulay na nasa
magkabilang tapat ng color wheel. Ang
kumbinasyong ito ay nagbibigay ng
isang mataas na kaibahan at mataas
na epekto ng kumbinasyon ng kulay,
pag magkasama ang mga kulay na ito
ay lilitaw na mas maliwanag.
Triad
- Binubuo ng tatlong mga kulay na
pantay ang puwang sa color wheel. Ang
dalawang pinakapangunahing triad ay
ang pangunahing pula, asul at dilaw at
ang pangalawang kulay na kahel, lila at
berde.
Analogous
- Mga kulay na magkakatabi sa
color wheel. Karaniwan silang
tumutugma nang maayos at
lumilikha ng matahimik at
komportableng mga disenyo.
Ang mga inilimbag na likhang-sining o
printed artwork ay ilan sa mga produktong
kayang gawin ng mga Pilipino. Ang mga
inilimbag na bagay na ito ay nagpapaganda sa
ating mga bahay o isang lugar kung kaya’t ito
ay maaaring mapagkakakitaan upang
makatulong sa kita ng pamilya at bansa.
Ang paglilimbag ay nagagamit na epektibong
paraan ng pagpapakita ng makabuluhang imahe
at mensahe tungkol sa sarili, pamayanan at
kapaligiran.
Narito ang mga paraan sa paglikha ng iba’t ibang variations ng
paglimbag gamit ang iba’t ibang kulay.

1.Iguhit ang disenyo sa pamamagitan ng lapis.


2.Maglagay ng lumang diyaryo sa ilalim ng
papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
3.Lumikha ng tekstura o linya sa mga bagay
na maaaring ukitan gamit ang cutter. (Mag-
ingat sa paggamit ng cutter
4. Pumili ng mga kulay upang ipakita ang teorya sa
pagkulay.
5. Pintahan ng kulay ang inukit na bagay gamit ang
isinawsaw na brush sawater color at idiin ito sa
disenyong ginawa. (puwede ka rin gumamit ng ibang
coloring materials gaya ng krayola, acrylic paint o iba’t
ibang kulay ng tinta)
6. Patuyuin ito.
7. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.
8. Ipaskil ang mga inilimbag na disenyo.
Ang sumusunod ay mga kasiglahan at
kasanayan sa buhay na maaaring
makatulong upang mapanatiling
malusog ang katawan at isip sa
pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit
ng gateway drugs.
1. Maglaan ng oras sa iyong sarili. Ang
modernong buhay ngayon ay puno ng
stress, na nagdaragdag sa taong
mapanganib na gumamit at abusuhin
ang gateway drugs. Maiiwasan ang
stress sa pamamagitan ng pagpahinga at
pagaalaga sa sarili
2. Mamuhay ng malusog at balanseng
buhay.Ang malusog na pamumuhay ay ang
pagkain ng ng masustansya, regular na pag-
ehersisyo at masayang makipaghalubilo na
walang inuman at paninigarilyo. Ito rin ay
nagbibigay kasiyahan at tumutulong
mabawasan ang pagkatukso sa paggamit ng
mga gateway drugs.
3. Matutong tanggapin nang malusog ang mga
pagsubok sa buhay. May mga taong umaabuso sa
paggamit ng gateway drugs upang malimutan ang
kanilang mga problema. Ang pinakamabuting gawin
ay harapin ito nang may maluwag sa kalooban.
Kabilang dito ang pakikipag-usap sa taong malapit
sayo, pagsulat ng talaarawan, pag-eehersisyo at iba
pa. Sa pamamagitan ng tamang pagkaya ng isipan at
damdamin, ang isang tao ay hindi matutukso sa
paggamit ng mga gateway drugs.
4. Umiwas sa mga taong naninigarilyo at umiinom
ng alak.Ang pakikipaghalubilo ay importanteng
aspeto sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Sa
pamamagitan ng pagpili ng mga kaibigan at kasapi
ng pamilya na nagbibigay ng pagmamahal,
suporta at positibong kapaligiran, ang isang tao
ay hindi mag-iisip na gumamit ng gateway
drugs.
5. Matutong harapin ang panggigipit ng ibang tao.
Huwag padadala sa sapilitang utos ng isang tao kung
ikaw ay malalagay sa kapahamakan lalo na ang iyong
kalusugan. Magkaroon ng kumpiyansa at positibong
pananaw sa buhay. Magtiwala sa iyong sarili at
manindigan. Ang taong may malakas na tiwala sa sarili
ay hindi nakakaramdam ng pangangailangan na
masiyahan ng sinuman lalo na kung ang kahihinatnan
nito ay kaguluhan.
6. Panatilihin ang iyong sariling kaalaman sa
mga bagong pangyayari. Ang kaalaman ay
kapangyarihan. Ito ay totoo pagdating sa
paggamit ng gateway drugs. Ang kaalaman
tungkol sa banta sa kalusugan, mga
kahihinatnan, at iba pang panganib ng
gateway drugs ay magbibigay sa tao ng
matinding dahilan upang iwasan ang
paggamit nito.
7. Sumali sa mga makabuluhang
gawain.Mga makabuluhang gawain
katulad ng pagmumuni-muni
(meditation), pagpunta sa gym at pag
“yoga” ay nakakatulong upang
pamahalaan ang mga negatibong
emosyon, bawasan ang stress, mapabuti
ang kalusugan at buong pagkatao.

You might also like