You are on page 1of 15

ARTS 4

Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan ng Pilipinas


A. PRERPARATORY ACTIVITIES

 Panalangin
Panginoon, maraming salamat po sa ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay matuto. Gawaran mo kami ng isang bukas na
isip upang maipasok namin ang mga itinuturo sa amin at maunawaan ang
mga aralin na makatutulong sa amin sa pagtatagumpay sa buhay na ito.
Amen.

 Greetings
 Check Attendance ( Ang guro ay gumagamit ng seat plan para sa pag
tsek ng mga pangalan )

 Motivation
Noong kayo ay nasa ikatlong Baitang , Napag-aralan ba ninyo
ang ibat’ibang uri ng maskara at putong( headdress) na maaaring
gagamitin sa isang selebrasiyon o pagdiriwang
LESSON PROPER
Ngayon May ipapakita akong mga larawan sa inyo Tingnan
mabuti ang mga likhang sining ng ating bansa.
ANAYSIS

 
1. May makikita ba kayong pagkakaiba sa kanilang paggamit ng linya, hugis, at kulay?
 
2. Makikita ba dito sa kanilang gawa ang paulit-ulit na disenyo ?
 

3. May ideya naba kayo ? tungkol sa ating tatalakayin ngayong hapon?


 ABSTRACTION
Mga disenyo sa kultural na pamayanan ng Luzon

Ang mga kultral na pamayanan ay maykani-kanilang ipinagmamalaking obra.


Ang kanilang disenyo ay hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
Ang mga Ifugao ay naninirahan sa Hilagang Luzon. Makikita ang mga disenyo
sa kanilang kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat,isda, ahas, butiki,
puno, at tao
Makukulay ang pananamit ng mga Kalinga na matatagpuan sa
pinakahilahagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sa kanila ang
mga palamuti sa katawan na nagpapakita sa kanilang katayuan sa
lipunan. Madalas gamitin ng mga Kalinga ang kulay na pula,
dilaw, berde, at itim.
Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa agahabi
ng tela. Ang mga manghahabing Gaddang ay gumagamit ng tradisyunal
na hakbang sa paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga
palamuti gaya ng plastic beads, at bato. Ilan sa kanilang
pinagmamalaki ay ang bakwat (belt), aken (skirt), at abag (G string) na
gawa sa mga mamahalin at maliliit na bato.
Mga disenyo sa kultural na pamayanan ng Visayas

Isa sa mga kilalang pangkat mula sa Visayas ay ang mga Panay-Bukidnon. Sila
ay naninirahan sa mga bulubunduking lugar ng Lambunao, Iloilo. Kilala rin sila
sa madetalyeng paraan ng pagbuburda at tinatawagnila itong panubok. Ang mga
damit na may burda ay ginagamit na kasuotan sa isang pagtatanghal sa Iloilo na
tinatawag na Tinubkan fashion show
Mga disenyo sa kultural na pamayanan ng Mindanao

Ang mga Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao, Lanao del Sur,
Lanao del Norte, Lungsod ng Marawi, at Lungsod ng Iligan. Nananatili pa rin
ang kanilang tunay na naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawang ukit,
damit, at banig, at sa kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.
Ang mga T’boli ay matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng tela para sa
damit mula sa t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng abaka. Nagpapahid sila
ng pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot din sila ng maraming hikaw,
kuwintas, maliliit na kampanilya, at binuburdahang damit.
Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim sa Basilan. Sila
ay kilala sa paglalala, na ginagamitan nila ng mga halaman at prutas tulad ng
pinya at abaka. Gumagamit din sila ng mga dagta ng dahoon, ugat at sanga,
bilang pangkulay.Sila rin ay nagtitina ng mga hibla na may iba’t ibang kulay at
disenyo. Lahat ng mga gawang tela ng mga Yakan ay may kakaibang disenyo at
kulay tulad ng table runner, placemat, wall décor, at iba pa
APPPLICATION
Gawain 1. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang tamang titik sa sagutang papel.

1. May tatlong kultural na pamayanan sa Luzon. Ano ano ang tatlong kultural
na pamayanan na ito?

A. Ifugao, Yakan, Gaddang


B. Ifugao, Gaddang, Kalinga
C. Maranao, T’boli, Kalinga
D. Ati, Ifugao, Panay-Bukidnon

2. Gumagamit ng iba’t ibang uri ng kulay, linya, at hugis sa paggawa ng mga


disenyo ang mga kultural na pamayanan. Paano nila ginamit ang iba’t ibang uri
ng linya, kulay, at hugis sa paggawa ng mga disenyo?

A. paulit-ulit
B. pautal-utal
C. malabo
D. pakunti
3. Ang mga Ifugao ay isa sa mga pangkat etniko sa Pilipinas. Saan sila
matatagpuan ?
A. Hilagang Luzon
B. Silangang Luzon
C. Timog Luzon
D. Kanlurang Luzon
 
4. May mga kultural na pamayanan na nakatira sa Mindanao. Saan
matatagpuan ang mga T’boli?
A. Cotabato
B. Surigao
C. Davao
D. Zamboanga 10
5. Bawat kultural na pamayanan ay may kani-kanilang ipinagmamalaking obra.
Anong pamayanang kultural ang gumamit ng tanso sa kanilang mga disenyo?
A. Ifugao
B. Kalinga
C. Maranao
D. Yakan
 
 
ASSESSMENT
 
Mga Disenyo sa Karton o Kahon Kagamitan:
Gumawa ng mga bagay na karton o mga kagamitan na maaaring makuha
sa kalikasan at iba pa, lapis, at krayola. (15 minuto)
Mga hakbang sa paggawa:
 
1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na mayroon sa
inyong lugar na maaaring gamitin para guhitan ng disenyo.
2. Umisip ng disenyo mula sa mga cultural na pamayanan ng Luzon,
Visayas, at Mindanao.
3. Iguhit ang napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang lapis. Maaari
ring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay,
linya, at ang prinsipyong pauli-tulit.
4. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga disenyo ang inyong
iginuhit, at sundan ito ng krayola para lalong maging kaakit-akit ang
iyong likhang sining.
5. Kung wala nang idagdag, puwede nang itanghal ang ginawang likhang-
sining at humanda sa pagpapahalaga.
 
 

You might also like