You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph

Pangalan: _______________________________ Baitang/Pangkat:_____________


Paaralan: ________________________________ Petsa: ________________________

GAWAING PAGKATUTO
ARTS 4 Linggo 4

I. Panimula

Ang mga pangkat-etniko sa bansa ay may iba’t-ibang


kagawian sa kanilang pamayanan. Nagpapakilala ito ng
kanilang kaugalian, wika at paniniwala.
Ang araling ito ay makatutulong para higit na
maunawaan at mapahalahgahan ang mga iba’t-ibang
pamayanang kultural sa pamamagitan ng paggamit ng
natapos na obra. Lubos din maiintindihan ang aralin sa
pagguhit ng disenyong etniko gamit ang elemento ng
sining. Malalaman din natin at maibabahagi ang mga
kaalaman tungkol sa kultural, kagawian ng mga iba’t-
ibang pamayanag kultural.

II. Kasanayang Pampagkatuto


Role plays ideas about the practices of the
different cultural communities – A4PR-le

2
III. Layunin
Pagkatapos sa pagsagot ng Gawaing Pagkatuto,
ang mga bata ay inaasahang:
1. Nakaguguhit ng disenyong etniko sa gamit ang
elemento ng sining.
2. Napahahalagahan ang mga kagawian ng iba’t-ibang
pamayanag kultural sa pamamagitan ng paggamit
ng natapos na obra.
3. Naibabahagi ang mga kaalaman tungkol sa mga
kagawian ng mga iba’t-ibang pamayanang kultural.

IV. Pagtatalakay sa Paksa


Makinig ng mabuti mga bata habang binabasa ko ang
maikling kwentong pinamagatang “Tara sa Casa ”.
Pagkatapos ay sasagutin ang mga tanong.

Tara sa Casa!
ni Leah J. Ablog

Sa bayan ng San Antonio ay


matatagpuan ang hiyas ng kaalaman. Ito
ay ang sentro ng sining na kung saan
mga talentadong bata ay talagang
nagniningning. Tanyag ang munting
museo na ito na kilala bilang Casa san
Miguel.
“Yehey!” Palakpakan ang mga bata
sa klase ni Gng. Amanda.

3
“Gusto ko pong makapasok doon madam,” wika ng
isang bata.
“Oo mga bata. Pupunta tayo doon sa Casa at marami
kayong matututunan doon, wika ng guro para sa isang
lakbay-aral. “Bukas ay magdala kayo ng lapis at papel
upang itala ninyo ang inyong mga makikita doon,” dagdag
pa niya.
Kinabukasan, lahat ay handa na para sa kanilang
lakbay-aral. Ang ibang bata ay may kani-kaniyang dalang
camera upang kuhanan ng larawan ang mg makikita nila.
“Aba! Handang handa na pala kayo,” bungad ni Gng.
Amanda.
Pagdating nila sa bakuran ng Casa ay namangha ang
lahat sa ganda ng lugar. “Mga bata makinig kayo sa
sasabihin ko. Pagpasok natin sa loob ng Casa ay magtala
kayo ng mga bagay na makikita ninyong mga disenyo ng
mga bagay na makikita ninyo at makikinig kayo sa
ipapaliwanag ni Bb. Ann. Siya ang bantay dito, paliwanag
ni Gng. Amanda. Ang mga bata ay pumasok na sa loob at
naupo at nakinig sa paliwanag ni Bb. Ann.
“Magandang araw mga bata! Ikinagagalak namin na
kayo ay namasyal dito. Parte ng aming programa dito sa
Casa ay ang magbigay ng konting kaalaman sa mga batang
maglalakbay-aral dito. Makinig kayo ha,” Wika niya.
“Ang mga sinaunang kagamitan at kasuotan ng mga
pang-kat etniko ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay sa
kanilang pamayanang kultural. Sa ating bansa ay may
kakaibang kaugalian ng kanilang nakagisnan. Halimbawa
ay kapag may namatay sa mahal sa buhay, sila ay nag-
aalay ng mg pagkain upang hilingin sa Diyos ng
4
kamatayan na samahan ang kaluluwa sa pagtawid sa
kabilang buhay. Inilalagak ang labi nito sa Manunggul Jar
na kakikitaan ng masining at kakaibang disenyo.
Naniniwala sila na ang mga nakikita sa kapaligiran tulad
ng bundok, mga halaman, mga hayop, at anumang
makikita sa kalikasan ay mga sagrado at may espirito kaya
madalas ang kanilang pag-aayuno at pag-aalay upang sila
ay mapangalagaan laban sa anumang masamang espiritu.
Ang kanilang paniniwala ay makikita sa mga
masisining na dibuho sa kanilang kasuotan, palamuti sa
katawan, at mga kagamitan. Ang pamayanang kultural na
ito ay yaman ng ating bansa,” pagpapaliwanag ni Bb. Ann.
Nagpakita siya ng isang larawan sa kanila na makikita
sa loob ng Casa. Pansinin ang larawan na ito. “Ang
kanilang kasuotan ay kakikitaan ng mga disenyong etniko
na nagtataglay ng mga maninipis at makakapal na linya.
Ang mapupusyaw na kulay at mga dibuhong kanilang
pinagyaman,” dagdag pa niya.
“Ay ganun pala po ang ibig sabihin ng mga disenyong
nakaguhit sa mga bagay bagay, sambit ng isang bata.
“Oo mga bata, sagot naman ni Gng. Amanda. Ngaung
alam na ninyo ay maari na tayong maglibot at marami pa
kayong makikitang mga iba’t-ibang disenyo at pagkatapos
ay maari na tayong umuwi,” paliwanag niya.
“Maraming salamat Bb. Ann sa napaganda mong
pagpapaliwanag,” pasasalamat ng guro.
“Walang anuman, sagot ni Bb. Ann.
At ang mga bata kasama Si Gng. Amanda ay naglibot-
libot sa loob ng Casa atlalong namanga sa kanilang nakita.
5
Pagkatapos ay masayang umuwi ang buong klase dala-dala
ang mga aral na napulot.

Mga Tanong:

1. Ano-Ano ang mga nakagisnang kaugalian ng ating


pamayanang kultural? ____________________________________

2. Saan nila inilalagay ang mga yumaong mahal nila sa


buhay?_________________________________________________

3. Anong elemento ng sining ang makikita sa mga disenyo


ng kanilang mga damit?________________________________

4. Ano-ano ang mga bagay sa kanilang kapaligiran ang


kanilang ginagamit na disenyo?___________________________

5. Bakit nila ginagamit disenyo ang mga bagay na nakikita


nila sa kalikasan? _______________________________

Sa kwentong inyong nabasa ay makikita ninyo kung


ano ang mga kaugalian nakagisnan ng pangkat-etniko sa
pamayanang kultural na kinabibilangan.
Halimbawa, ang paggamit ng mga bagay na
matatagpuan sa kalikasan na ginagamit bilang disaenyo ng
kanilang mga kasuotan.
Ipinapakita dito ang pagpapahalaga sa kagawian ng
iba’t-ibang pamayanang kultural sa pamayanan.

6
V. Gawain
A. Operasyon FACE-MASK!

Panuto: Dahil sa nararanasan na pandemya ngaun ng


ating pamayanan na COVID-19 ay gumawa ng FACE
MASK sa pamamagitang ng pagguhit ng mga disenyo
ng kinabibilangan mong pamayan.

B. Cellphone case

Panuto: Dahil sa panahon ng online learning


ngaun sa pamayanan na ating kinabibilangan.
Karamihan ay nagsibilihan ng kani-kaniyang
cellphone. Kaya ngayon ay pagandahin natin ang
7
inyong cellphone gamit ang mga 5 disenyong
etniko nasa ibaba. Kulayan ito.

8
C. Imahinasyon!

Panuto: Magtala ng mga bagay sa kalikasan na


ginagawang disenyo ng mga pang-kat etniko at iguhit
ang disenyo nito.
Mga bagay sa
Disenyo
kalikasan
1.

2.

3.

4.

5.

D. Pakaiisipin!
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin
ang sagot sa kahon.

Ang mga sinaunang (1.)___________ at


(2.)__________ ng mga pang-kat etniko ay bahagi ng
9
pang-araw-araw na buhay sa kanilang pamayanang
kultural. Sa ating bansa ay may kakaibang kaugalian
ng kanilang nakagisnan. Naniniwala sila na ang mga
nakikita sa kapaligiran tulad ng(3.)______________, mga
(4.)____________, mga hayop, at anumang makikita sa
kalikasan ay mga sagrado at may espirito kaya
madalas ang kanilang pag-aayuno at pag-aalay upang
sila ay mapangalagaan laban sa anumang masamang
espiritu. Ang kanilang paniniwala ay makikita sa mga
masisining na dibuho sa kanilang kasuotan, palamuti
sa katawan, at mga kagamitan. Ang
(5.)_______________na ito ay yaman ng ating bansa.

Pamayanang kultural kagamitan


kasuotan bundok
Halaman

E. Pinoy Bookmark
Panuto: Sundin ang hakbang na isinasaad sa paggawa
ng bookmark. Gawin ito sa loob ng kahon.

Hakbang sa paggawa:
1. Gumuhit ng parisukat na may sukat na 1 ½
pulgada ang lapad at 5 pulgada ang haba.
2. Pumili ng isang disenyong etniko na nais iguhit sa
bookmark.
3. Kulayan ang iyong ginawa.
4. Sikaping naiiba ang likhang-sining na ginawa.

10
5. Sa ibaba ay sumulat ng isang pangungusap kung
paano mo maipakikita nag pagpapahalaga sa
disenyong etniko na nabuo sa bookmark.

Pagpapahalaga:___________________________________________
________________________________________________________
Pagsusulit
11
Panuto: Iguhit ang dibuho ng araw kung tama
ang isinasaad ng pangungusap at dibuho ng bundok
kung ito at mali. Kung mali ay bilugan ang salitang
nagsasaad na ito ay mali.
_______1. Ang mga pangkat-etniko ay gumagamit ng
disenyo na nakikita sa kalikasan sa paniniwalang sila ay
magiging milyonaryo.
_______2.Ang mga sinaunang kasuotan at kagamitan ng
pangkat-etniko ay bahagi ng kanilang pang araw-araw na
buhay sa kanilang pamayanang kultural.
_______3. Inilalagak ang labi ng yumaong mahal sa buhay
sa kabaong na kakikitaan ng masining na disenyo.
_______4. Ang kanilang paniniwala ay makikita sa mga
masisining na dibuho sa kanilang kasuotan.
_______5. Ang kanilang paniniwala ay makikita sa mga
masisining na dibuho na nagtataglay ng mga makapal at
manipis na linya.

VI. Pangwakas
Panuto: Isapuso ang mga sumusunod sa pamamgitan
ng pagsagot sa mga patlang.

12
May iba’t-ibang nakagisnang
kaugalian ang ating (1.)________ na
makikita pa rin sa kasalukuyang
panahon. Ito ay dapat(2.)_______ at
(3.)_______ upang magamit sa mga
likhang-sining. Ang mga masining
na (4.)______na gawa ng mga
pamayanang kultural. Ito ay
pamanang sining sa (5.___________.

Pamayanang kultural ingatan


mahalin
disenyo lahing Pilipino

13
VII. Mga sanggunian

Musika at Sining ,Patnubay ng Guro Baitang 4.


Manila, Philippines: Book Media Press Inc.

Musika at Sining ,Kagamitan ng Mag-aaral Baitang 4.


Manila, Philippines: Book Media Press Inc.

Inihanda ni:

Leah J. Ablog
Teacher I
San Miguel Elementary School, San Antonio

14
VIII. Susi sa puntos

Pagwawasto
Pagtatalakay sa Paksa Gawain B (rubric)
1. Mga kakaibang
Puntos Pamantayan
kaugalian Nagamit ang5
1
2. Manunggul Jar disenyo.
4 lamang ang
3. Manipis at makapal
1 ginamit na
na linya at disenyo
mapupusyaw na kulay 3 lamang ang
1 ginamit na
4. Bundok, halaman,
disenyo
hayop 2 lamang ang
5. Dahil naniniwala sila 1 ginamit na
sa anumang bagay na disenyo
1 lamang ang
makikita nila sa 1 ginamit na
kalikasan ay mga disenyo
sagrado at may Kabuuang 5
puntos
espiritu na
mapapangalagaan sila
laban sa masamang Gawain C
espiritu. Mga bagay
Disenyo
Gawain A (rubric) sa kalikasan
Puntos Pamantayan
1. araw
Gumamit ng 2.bituin
2 disenyo ng 3.buwan
pangkat-etniko.
-gumamit ng
4.bundok
2 element ng 5.ulap
sining Maari pang magbigay ng ibang
-maayos ang halimbawa ang mga bata.
1
pagkakakulay
Kabuuang 5
nasunod na
hakbang
Pagsusulit
Gawain D 1. magiging milyonaryo
1. kasuotan 2.
2. kagamitan 3. kabaong
3. halaman 4.
4. bundok 5.
5. pamayanang kultural
Ang sagot sa bilang 3 at 4 Reflection
ay maaring magkapalit ng
pwesto 1. Pamayanang kultural
2. ingatan
Gawain E
3. mahalin
Puntos Pamantayan
4. disenyo
Nasunod ang 5
5
hakbang 5. lahing Pilipino
Nasunod ang Ang sagot sa bilang 2 at 3
4
4hakbang ay maaring magkapalit ng
Nasunod ang 3 pwesto
3
hakbang
Nasunod ang 2
2
hakbang
1 1 lamang ang
(Ang bahaging ito ay para sa guro lamang at hindi maaaring
isama sa ibibigay)

You might also like