You are on page 1of 12

5 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 2:
Pagiging Malikhain, Iyong Taglayin!

May-akda: Analyn C. Clarianes


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat para sa iyo. Ito ay may layunin na


mapaunlad ang pagiging malikhain gamit ang anumang multimedia at
teknolohiya. Gagabayan kang maipamalas ito upang hubugin pa ang
iyong kakayahan sa paglikha ng isang bagay.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

➢ maipamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit


ang anumang multimedia o teknolohiya.

Subukin

Sagutan ang isang maikling pagsusulit na ihinanda para iyo. Makakatulong ito
upang madagdagan ang iyong kaalaman sa mga susunod na bahagi ng modyul.
Handa ka na ba?

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagkamalikhain


at MALI naman kung hindi.
__________1. Nag-download sa YouTube ng kanta si Rebecca na gagamitin niya sa
pag-eensayo at pagsusulat ng sariling awitin.

__________2. Kumopya si Leandro ng tula sa Internet upang ipasa sa kanyang guro


sa Filipino.

__________3. Ginamit ni Lina ang talento sa pagkanta upang kumita ng malaking


halaga at makuha ang lahat na naisin.

__________4. Gumagawa ng panibagong putahe si Anthony mula sa natirang ulam


kagabi.

__________5. Si Bb. Ana Clarianes ay gumugupit ng mga larawan na mula sa lumang


dyaryo para gamitin sa kanyang pagtuturo.

__________6. Ang mga mag-aaral ay nagtatalo kung paano gagawin ang proyekto.

__________7. Ginamit ng grupo ni Alex ang makabagong speaker sa pagsasanay ng


sayaw na napanood sa YouTube.

__________8. Si Vicente ay nagtatahi ng mga basahan na gawa sa mga pinagtabasang


tela.

__________9. Si Anne ay nagsusulat ng kuwento at ipino-post niya ito sa social media.

__________10. Si Beng ay gumagawa ng panibagong blog mula sa kanyang sinulat na


kanta.

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Pagiging Malikhain...Iyong
1 Taglayin!

Kumusta? Matagal na rin ang pananatili mo sa tahanan. Nainip ka ba? Bakit?

Sa panahon na ang bansa natin ay nasa lockdown ng ilang buwan dahil sa


pandemya na dulot ng COVID-19, ang mga tao ay nasa loob lamang ng kani-kanilang
tahanan. Marami ang tumigil at nawalan ng trabaho, marami ang nabahala at
nalungkot kaya naman ang iba ay umisip ng paraan kung paano nila mapapasaya
ang sarili habang naka-lockdown gamit ang social media. Isa na rito ang tiktok.

Ikaw, marunong ka bang mag-tiktok?


Sige nga! Gawin mo ito, maaaring isama mo ang iyong mga kapatid at mga magulang.

Alam mo ba na sa paggawa ng tiktok ay naipapamalas mo ang


pagiging malikhain dahil naipakikita mo dito ang iyong kakayahan
o talento.

Tanong: Ano-ano pa ang iyong kinahihiligang gawin upang maipakita ang iyong
talento o kakayahan? Paano mo naipamamalas ang pagiging malikhain ayon sa
iyong kakayahan?

Ibahagi din ito sa iyong kasama sa bahay.

Balikan
Ating tunghayan kung natatandaan mo pa ang ating nakaraang aralin tungkol
sa pagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino.

Punan ang katapat na kolum ng angkop sa gawain o aksyon sa bawat nakalista sa


kaliwa.
SITWASYON ANO ANG IYONG GAGAWIN?
1. May dumating na panauhin sa
inyong bahay.
2. May mga kabataang naglilinis ng
basketball court sa inyong barangay.
3. Dumating ang iyong nanay galing
sa ibang bansa.
4. Maysakit ang iyong matalik na
kaibigan.
5. Nasalubong mo ang iyong nanay
na maraming pinamiling gulay.

MAHUSAY! Dahil sa ipinakita mong kagalingan alam ko na talagang natuto ka


sa nakaraang aralin.
2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

Halina’t basahin natin ang maikling kuwento na tiyak na iyong magugustuhan.


Pagkatapos, sagutan ang mga tanong na inihanda tungkol dito.

Buwan ng Wika sa Paaralan


Analyn C. Clarianes

Agosto na naman. Ang mga guro at mag-aaral ay magiging abala na naman sa


paghahanda para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang programang ito ay
karaniwang ipinagdiriwang sa iba’t ibang paaralan sa ating bansa.

Kinausap ni Bb. Ana Clarianes ang kanyang mga mag-aaral upang maghanda
ng palabas para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika dahil magkakaroon ng
paligsahan tungkol sa pag-awit, katutubong sayaw, pagguhit at pagbigkas ng tula.

“Magkakaroon tayo ng mga palabas para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa


susunod na linggo. Magkakaroon ng paligsahan sa pagtula, pag-awit, sayaw at
pagguhit. Ang layunin ng paligsahang ito ay ang maipamalas ang inyong talento sa
tulong ng paggamit ng anumang multimedia o teknolohiya. Handa na ba kayo sa
gagawing programa?”, wika ni Bb. Clarianes sa kanyang mga mag-aaral.
“Opo, Ma’am Clarianes, kakausapin ko po ang aking mga kaklase upang
mapaghandaan po naming ang programang ito sa ating paaralan ngayong Buwan ng
Wika. Nasisiguro ko po na lahat ay matutuwa sa pagsali sa programang ito”, sagot
ni Mariel.
“Sasali rin po ako, Ma’am!”, ang natutuwang sabi naman ni Princess.
“Mabuti naman kung ganoon, para mapag-usapan na ninyo ang inyong gagawin
sa darating na linggo”, ani ni Bb. Clarianes.

Nag-usap-usap na ang mga mag-aaral ni Bb. Clarianes para sa mga dapat gawin
sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

“Mga kamag-aral, ngayon ay pag-usapan natin ang mga dapat nating gawin
kaugnay ng pagdiriwang ng sa Buwan ng Wika sa ating paaralan. Magkakaroon ng
paligsahan sa pagtula, pag-awit, pagguhit at pagsayaw. Sino-sino sa inyo ang nais
sumali?”, tanong ni Mariel sa kanyang mga kamag-aral.
“Ako ay sasali sa pagbigkas ng tula. Mag-eensayo akong mabuti para maging
maganda ang aking presentasyon”, sabi ni Jaylord.
“Ako naman ay sasali sa pag-awit. Gagamitin ko ang mga teknik sa pag-awit na
napapanood ko sa T.V”, sabi naman ni Alliyah.
“Kami rin ay sasali sa pagpapamalas ng katutubong sayaw. Magsasanay kami
nang mabuti para manalo sa paligsahan. Maghahanap kami sa YouTube ng mga

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
halimbawa ng katutubong sayaw”, ang tugon naman ni Danrey na isasama ang
kanyang grupo.

Dumating na ang araw ng paligsahan. Tuwang-tuwa ang lahat sa mga palabas


na inihanda ng mga mag-aaral. Naging matagumpay ang palabas na isinagawa sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa paaralan.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang maikling kwento? __________________________________________


______________________________________________________________________________
2. Anong pagdiriwang sa paaralan ang isinasagawa tuwing buwan ng Agosto?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang ginawa ni Bb. Clarianes sa kanyang mga mag-aaral para paghandaan
ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano pinaghandaan ng mga mag-aaral ni Bb. Clarianes ang paligsahan sa
Buwan ng Wika?______________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Dapat ba ninyo silang tularan? Bakit? ________________________________________
______________________________________________________________________________

Suriin

Ikaw ba ay nagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit


at sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya? Ang araling ito ay
gagabay pa sa iyo upang higit na mapaghusayan mo ang angking talino at
kakayahan.

Bawat isa sa atin ay mayroong angking


talento at kakayahan na dapat linangin at
paunlarin. Ang mga gawaing ginagamitan ng
talento ay ang ating pagiging malikhain. Katulad
ng pagsusulat ng kanta, pagkanta, pagsayaw,
pagguhit at iba pa. Sa paggawa nito, maaari kang
gumamit ng multimedia o teknolohiya na
kilalang-kilala ng gamitin sa ngayon.

Ang pagiging malikhain ay naipamamalas


natin sa pagbuo ng sayaw, awit at sining. Ito’y
lalo pa nating mapaghuhusayan sa
pamamagitan ng paggamit ng multimedia o
teknolohiya. Ito ay tumutukoy din sa ating
angking talento at kakayahan sa paggawa ng
isang bagay na kapaki-pakinabang katulad ng sa
uri ng mga sining.
4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa pamamagitan ng angkop na paggamit ng
iyong angking talento at kakayahan ay
makatutulong ka sa pag-unlad hindi lamang sa
bayan maging sa buong daigdig.
Ang multimedia at teknolohiya ay isang
kasangkapan sa paghubog ng iyong kakayahan at
talento Maraming mga bagay na sa tingin natin ay
mahirap at hindi kayang gawin, pero sa tulong ng
makabagong teknolohiya ito ay nagagawa. Ang
imposible ay nagiging posible.

Paano mo maipamamalas ang iyong pagiging malikhain? Ano-ano ang


ginagawa mo upang malinang ang iyong talento? Pag-usapan at ibahagi mo
ang iyong sagot sa iyong kasama sa bahay.

Pagyamanin

Tunghayan ang maikling pagsasanay na ihinanda para iyo. Higit pang


madadagdagan ang iyong kaalaman sa mga susunod na bahagi ng modyul.
Handa ka na ba?

Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin ang kasunod nitong tanong.

1. Nais mong maipakita nang buong husay ang iyong talento sa pagsayaw. Anong
paghahanda ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Nasa bahay ka lang dahil sa pandemya kaya naisipan mong matutong magpinta,
paano mo magagamit ang makabagong teknolohiya mayroon tayo ngayon upang
maipamalas ang iyong pagkamalikhain?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Nais mong matutunan ng iyong mga kamag-aral ang sayaw na Lerion. Mayroon
kang na-download sa YouTube. Paano mo ito maituturo sa iyong mga kamag-aral
kahit nasa bahay lang kayo? Ano ang dapat mong gawin?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Ikaw ay may angking talento sa pagkanta at nabigyan ka ng pagkakataong sumali


sa paligsahan, ano ang iyong gagawin upang mas maging malikhain ang estilo mo
sa pagkanta?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Nakahiligan mong gumuhit habang nasa bahay. Natutuhan mo na rin ang iba’t
ibang teknik sa pagguhit at nag-download ng halimbawa ng art application. Paano
mo ito ibabahagi sa iyong kaibigan na nais matutong gumuhit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Isaisip
Mas lalo pang palawakin ang iyong kaalaman sa pagpapamalas ng iyong
pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing inihanda para sa iyo.

Isulat sa loob ng speech bubble ang mga paraan mo upang maipamalas ang
pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya.

TANDAAN: Mahalagang maipamalas natin ang pagiging malikhain


sa anumang gawain, tulad ng pagbuo ng sayaw, pag-awit
at maging sa larangan ng sining. Ang pagiging malikhain
ay magandang katangian na dapat taglayin. Ang
paggamit ng makabagong teknolohiya ay makatutulong
ng malaki sa pagbuo o paglikha ng sayaw, awit at sining.

Isagawa
Nagiging malikhain ka na sa anumang paraan. Mas lalo pa nating dagdagan ang
iyong kaalaman sa pamamagitan ng inihandang gawain para sa iyo.

Piliin sa mga sumusunod na larawan ng mga kakayahan ang kaya mong gawin.
Lagyan ng tsek (/) sa loob ng maliit na kahon. Sa iyong mga napili, papaano mo
maipamamalas ang malikhaing pamamaraan gamit ang multimedia o teknolohiya.

Pagbigkas ng Tula o Pagguhit o poster


Declamation making
6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagkanta
_________________________ __________________________ __________________________
_________________________ __________________________ __________________________
_________________________ __________________________ __________________________
_________________________ __________________________ __________________________
_________________________ __________________________ __________________________
___________________ ______________ ______________

Pagsusulat
Pagsayaw
ng tula, awit, kwento at iba
____________________________________ pa
__________________________________
____________________________________ __________________________________
____________________________________ __________________________________
____________________________________ __________________________________
________

Tayahin
Natuto ka ba sa ating aralin? Tingnan natin kung iyong naintindihan ang aralin.
Sagutan ang pagtatasa na inihanda para sa iyo. Galingan mo!

Lagyan ng tsek (√) kung ang isinasaad ng pangungusap ay pagpapamalas ng


pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya at ekis (X) naman kung hindi.

___________1. Si Jennelyn ay gumagawa ng blog tungkol sa pag-eensayo sa sayaw ng


kanyang grupo gamit ang lamang ang kanyang cellphone.
___________2. Mahilig magsulat ng nobela si Analie at ina-upload niya agad ito sa
kanyang Facebook Page upang ibahagi sa ibang kabataang tulad niya.
___________3. Kinokopya ni Mandy ang mga magagandang tula na nababasa niya sa
social media.
___________4. Palaging nanonood si Alex ng mga blog sa YouTube tungkol sa pag-awit
upang mas mahasa pa ang kanyang kakayahan sa pagkanta.
___________5. Ipinapagawa ni Anthony sa kanyang kapatid ang kanyang Performance
Task dahil alam niya na magaling ito pagdating sa computer.

Karagdagang Gawain

Ipamalas ang iyong pagkamalikhain ayon sa iyong kakayahan, halimbawa may


kakayahan kang umawit, magsulat ng isang kanta at awitin ito. Kung may malakas
na koneksyon sa internet, maaari itong i-upload sa youtube at iyong mga wala naman,
maaari itong ibahagi sa kasama sa bahay.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Natamong
Krayterya Puntos Puntos

Nilalaman Naipamalas nang maayos ang 5


pagkamalikhain sa paggawa.
Kaangkupan Maliwanag at angkop ang 3
ng konsepto mensahe.
Pagkamanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa 2
(originality) ng blog.
KABUUAN

______________________________________
Lagda ng Magulang o Tagapag-alaga

BINABATI KITA! Napagtagumpayan mo na naman ang isa nating


aralin. Humanda ulit sa mga susunod pa na modyul at lalo mo pa
itong galingan!

Sanggunian
Ylarde, Zenaida and Peralta, Gloria. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5.
Place: Vibal Group, Inc., 2016

mga mag-aaral.
iba ang sagot ng aaral.
➢ Maaaring iba- sagot ng mga mag- aaral.
Karagdagang Gawain ➢ Maaaring iba-iba ang
ng mga mag-
Isagawa
iba ang sagot
5. x ➢ Maaaring iba-
4. / mag-aaral.
Balikan
3. x ang sagot ng mga
2. / ➢ Maaaring iba-iba
1. / Pagyamanin 10. Tama 5. Tama
Tayahin 9. Tama 4. Tama
mag-aaral. 8. Tama 3. Mali
ang sagot ng mga 7. Tama 2. Tama
mga mag-aaral. ➢ Maaaring iba-iba 6. Mali 1. Tama
iba ang sagot ng Subukin
➢ Maaaring iba- Pagsagot sa mga tanong:
Isaisip Tuklasin

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
IKATLONG MARKAHAN
Maikling Pagsusulit- Modyul 2
I. Basahin ang mga sitwasyon. Bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Sina Lemuel at Anthony ay mahusay umawit. Tinuturuan nila ang kanilang mga
kaklase gamit lamang ang video presentation dahil bawal silang lumabas. Anong
katangian ang kanilang ipinamalas?
A. Pagkamalikhain sa pagbuo ng awit.
B. Pagiging masunurin sa iniatas ng guro.
C. Magiliw na pagtanggap sa ibinigay na gawain.
D. Walang pakialam sa mga kamag-aral na hindi marunong.

2. Mahilig magpinta si Lemuel. Naisipan niyang magpinta tungkol sa kanyang


naging karanasan ngayong may COVID-19. Ang mga sumusunod na gawain ay
ang mga dapat niyang gawin upang mas lalong maipamalas ang kanyang
angking talento, MALIBAN SA ISA.
A. Manood ng balita sa TV tungkol sa COVID-19.
B. Manood sa YouTube channel ng mga teknik sa pagpipinta.
C. Magtanong sa kaibigang mahilig magpinta ng mga makabagong katha.
D. Palaging manood ng mga video ng paborito at kilalang pintor sa internet.

3. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay mga paraan upang maipamalas ang


pagiging malikhain sa pagbuo ng sayaw, kanta at sining gamit ang multimedia o
teknolohiya, MALIBAN SA ISA. Alin ito?
A. Nagsusulat si Jay-R ng tula para sa isang aklat lalo na kung alam niyang
kikita siya rito.
B. Si Salve ay lumikha ng awit tungkol sa pagbibigay-pugay sa mga fronliners
at nagustuhan ito ng marami nang i-post niya ito sa social media.
C. Gumawa ng isang poster si Ivan ukol sa pinag-aralan niya sa bahay.
Gumamit siya ng computer software para mas lalo itong mapaganda.
D. Magaling sumayaw si John Mark kaya gumawa siya ng dance video tutorial
upang maituro din ito sa kanyang kapuwa mag-aaral na nais matuto sa
pagsayaw.

4. Nagkumustahan kayo ng iyong mga kamag-aral sa video chat. Pinarinig mo ang


kanta na ginawa mo noong may ECQ at labis ang kanilang papuri sa iyo. Ngunit
alam mong di ka masyadong bihasa sa pagkanta. Ano ang gagawin mo upang
mahasa pa ang iyong talento?
A. Ipagpapatuloy lang ang pagsusulat ng kanta.
B. Palaging manood sa TV ng mga paligsahan sa pagkanta.
C. Magpasa ng video ng kanta sa online Tawag ng Tanghalan Audition.
D. Magsanay nang mabuti sa tulong ng YouTube tutorial ng iba’t ibang teknik sa
pag-awit.

5. Naisip mong regaluhan ang iyong bunsong kapatid ng laruang kotse sa nalalapit
niyang kaarawan. Maraming mga natirang piraso ng kahoy sa ginawang upuan
ng iyong kuya. Ano ang gagawin mo?
A. Uutusan ang kapatid na gawin ito.
B. Itapon na ang mga ito at bumili na lang ng laruan.
C. Magpatulong sa nakababatang kapatid sa paggawa.
D. Sundan ang napanood na video kung paano gumawa ng kotseng laruan
gamit ang mga natirang kahoy.

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
II. Isulat ang Tama o Mali sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapamalas ng
pagkamalikhain sa pagbuo ng sayaw, awit at sining gamit ang anumang multimedia
o teknolohiya.
_________ 6. Gamit ang google meet, pinulong ni Nicole ang kanyang mga ka-grupo
sa MAPEH upang pag-usapan ang gagawin nilang virtual dance
presentation.
__________7. Sinundan ni Amy sa YouTube ang tamang pagluluto ng kare-kare
upang higit na matuto dito.
__________8. Sa tuwing nagsusulat ng kanta si Rebecca, nilalapatan niya ito lagi ng
tono gamit ang kanyang gitara.
__________9. Ginaya ni Vic ang nahanap niyang painting sa google at ipinasa sa
kanyang guro sa Arts.
__________10.Pinagawa ni Jeffrey sa kanyang kaibigan ang kantang ipinasa niya sa
guro sa Musika.

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Analyn C. Clarianes (Guro, H. Bautista Elementary School)


Tagasuri: Marah- Vida S. Codon (Guro, Sto. Niňo Elementary School)
Tagasuri - Para
Panloob: Leilani
sa mga N. Villanueva
katanungan (Superbisor
o puna, sa EsP)
sumulat o tumawag sa:

Tagaguhit at Tagalapat:
Schools Mary Jane B. Roldan
Division (Guro,Marikina
Office- Jesus Dela Pena
CityNHS)
Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
Tagapamahala:
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like