You are on page 1of 25

3

Araling Panlipunan
Kultura ng mga Lalawigan sa
Kinabibilangang Rehiyon
Ikatlong Markahan, Unang Linggo
Developer: Carmela L. Ansiong
Intervention and Supplementary Enhancement Material (ISEM)

Sangay ng mga Paaralan ng Benguet • Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Pahina ng Karapatang-ari
2021

Isinasaad ng Batas Pambansa 8293, Seksiyon 176 ang ganito:

“Walang umiiral na karapatang-ari sa anumang likha ng Pamahalaan ng Pilipinas.


Gayunman, kailangan muna ang pagpayag ng tanggapan ng ahensiya ng pamahalaang
lumikha nito para sa paggamit ng anumang likha upang pagkakitaan. Ang naturang ahensiya
o tanggapan ay maaaring maningil ng karampatang bayad. Ang mga hiram na materyal gaya
ng mga awit, kuwento, tula, larawan, pangalan at tatak ng mga produkto, at iba pa na kasama
sa modyul na ito ay pag-aari ng mga lumikha nito. Naisagawa ang lahat ng paraan upang
matukoy ang mga nagmamay-ari ng mga materyal at makahingi ng pahintulot para sa
paggamit nito. Hindi inaangkin ng tagapaglimbag at mga manunulat ang pagmamay-ari ng
mga ito.”

Ang materyal na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID). Maaari itong kopyahin para sa
layuning edukasyonal na may pagkilala sa mga pinagkunan at paghingi ng pahintulot sa
nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang
ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

Inilimbag ng:

Kagawaran ng Edukasyon
Tanggapan ng Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Curriculum Implementation Division

Paunang Salita
Ang Intervention and Supplementary Enhancement Material (ISEM) ay proyekto
ng Curriculum Implementation Division (CID), Sangay ng mga Paaralan ng Benguet,
Rehiyong Administratibo ng Cordillera bilang pagtugon sa implementasyon ng K to 12
Curriculum.

Ang materyal sa pagkatuto ay pag-aari ng CID, Sangay ng mga Paaralan ng Benguet,


Kagawaran ng Edukasyon. Nilalayon nitong mataya ang pagganap ng mga mag-aaral sa
asignaturang Araling Panlipunan sa bawat baitang.

Petsa ng Paglikha : Pebrero 7, 2022


Lokasyon : Mount Pulag Elementary School
Kabayan
Disiplina : Araling Panlipunan
Baitang : 3
Uri ng Kagamitang : Modyul
Pampagkatuto
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Ikatlong Markahan/Unang Linggo
Kasanayang Pampagkatuto/Koda : Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon. AP3PKR-IIIa-1
Pagkilala at Pasasalamat

Ang manunulat ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng kontribusyon, suporta, at


gabay mula sa mga tagapayo, kaibigan, at kasamahang guro upang maging matagumpay ang
pagkakabuo ng modyul na ito.

Buong-pusong pasasalamat at pagkilala din ang ipinararating sa sumusunod na


personalidad:

Mga Kasangkot sa Paglinang


Tagalinang: Carmela L. Ansiong
Tagaguhit: Oliver Ngiwas
Tagasuri: Macarthy B. Malanes
Lupon ng mga Tagapamahala:
Gloria B. Buya-ao
Carmel F. Meris
Rizalyn A. Guznian, EdD
Marilyn Tolbe
Macarthy B. Malanes
Sonia D. Dupagan, EdD
Antionette D. Sacyang
Melvin L. Alfredo
Talaan ng Nilalaman
Pahina
Pangmukhang Pahina I
Pahina ng Karapatang-ari Ii
Paunang Salita Iii
Pagkilala at Pasasalamat Iv
Talaan ng Nilalaman V
Alamin Natin 1
Sukatin Natin 2-3
Balikan Natin 4
Tuklasin Natin 5-11
Talakayin Natin 12
Palawakin Natin 13-15
Tandaan Natin 16
Ilapat Natin 17
Tayahin Natin 18-19
Talasanggunian 20
Susing Sagot 21
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Hangad nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
pagkakataon sa pagkatuto sa kabila ng kasalukuyang pandemya.
Pag-aaralan mo sa modyul na ito ang tungkol sa kultura ng mga
lalawigan sa Rehiyong CAR.

Para sa Magulang o Tagagabay:


Bigyan ng kaukulang patnubay ang bata sa mga gawain sa
modyul na ito. Kung may kahirapan sa mga gawain o panuto, huwag
mag-atubiling sumangguni sa guro sa pamamagitan ng text messages o
kaya’y pagtawag.

Para sa Mag-aaral:

Pagkatapos ng aralin, inaasahan kang:


1. Naibibigay ang kahulugan ng kultura at mga kaugnay na konsepto;
2. Nakapagtutukoy ng mga halimbawa ng ilang aspekto ng kultura
ng sariling lalawigan o lungsod; at
3. Nakapaglalarawan ng kulturang nagpapakilala ng sariling lalawigan.

1
Sukatin Natin

Basahin ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Anong aspeto ng sinaunang kultura ng ating mga ninuno ang kalun kung
saan ipinagkakasundo ang anak sa mapapangasawa?
a. paniniwala b. sining c. caugalian d. pamahalaan
2. Ano ang tawag ng ating mga ninuno sa Panginoon o Diyos?
a. anito b. Kabunyanc. Bathala d. diwata
3. Ito ang tawag sa pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao sa
isang lugar na kumakatawan sa kanilang paniniwala, sining, kaugalian,
pamamahala at kabuhayan.
a. edukasyon b. pamahalaan c. Kultura d. tradisyon
4. Alin sa sumusunod ang itinuturing na katutubong putahe o katutubong luto
na unang nagmula sa Cordillera?
a. adobo b. lechon c. pinakbet d. pinikpikan
5. Bakit kailangang pag-aralan ang sariling kultura?
a. upang may maipagyayabang sa ibang pangkat
b. upang mapahalagahan ang pagkakakilanlan
c. upang may maikukuwento sa ibang tao
d. upang sabihing tayo ay matalino

PAALALA: Kapag nakakuha ng 100% binabati kita! Ipagpatuloy para


lalong madagdagan ang iyong kaalaman sa araling ito. Kung 0-4 naman ang
nakuha, huwag malungkot dahil tutulungan ka ng modyul na ito at ng inyong
magulang upang lalo pang matutuhan ang ating aralin.

2
Balikan Natin
Naaalala mo pa ba ang inyong napag-aralan sa nakaraang modyul tungkol
sa mga sining na nagpapakilala sa mga katangi-tanging lalawigan sa ating
rehiyon? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong pagdiriwang ang ginugunita ng Benguet sa tuwing buwan ng
Nobyembre?
a. Adivay Festival
b. Fruit Festival
c. Sili Festival
d. Strawberry Festival
2. Ang sumusunod ay pangunahing industriya sa Benguet maliban sa isa.
a. Pagmimina
b. Produksiyon ng gulay
c. Produksiyon ng bulaklak
d. Produksiyon ng langis
3. Ano ang kahulugan ng bilog na Gangsa na makikita sa selyo ng
Benguet?
a. kasaganaan
b. kagandahan
c. pagkakaisa
d. pagtutulungan
4. Ano ang ipinapakita ng bundok na may tanim sa selyo ng
Benguet?
a. pagtitinda ang pangunahing hanapbuhay sa Benguet
b. pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay sa Benguet
c. pangangaso ang pangunahing hanapbuhay sa Benguet
d. pangingisda ang pangunahing hanapbuhay sa Benguet
5. Saang bayan ng Benguet nagmumula ang karamihan sa mga produktong
gulay?
a. Bakun c. Itogon
b. Buguias d. Sablan

3
Tuklasin Natin

Subukin nating pag-aralan kung ano ang kultura, mga aspeto nito at
mga halimbawa na nagpapakilala sa ating lalawigan.

Bawat lugar ay may kinagisnang pamamaraan ng


pamumuhay na nagpasalin-salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa
kasalukuyan. Ang mga ito ay makikita sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar. Ito ang tinatawag nating
kultura. Kabilang na rito ang mga tradisyon, paniniwala, pagdiriwang,
kaalaman, kagamitan, kasuotan, pagkain, awit, sining, wika, katawagan,
pamamahala at kabuhayan.
Ang Rehiyong Cordillera ay maituturing nang mayaman sa kultura
bago pa ang pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas. Sa katotohanan,
marami ang ebidensiya na may natatanging kultura ang mga taga-
Cordillera na napanatili sa kabila ng pananakop. Bagama’t may
magkakaiba sa katutubong wika, ang kulturang ito ng mga pangkat ng
tao sa rehiyon ay pangunahing nakabatay sa mga gawaing tumutugon
sa kanilang pangangailangan at katutubong pananaw.
Ang salitang Cordillera ay galing sa salitang Espanyol na cuerda
na nangangahulugang tanikala. Ito ay tumutukoy sa Kabundukang
Cordillera na tila tanikala ng mga bundok kaya parang spinal cord o
tinaguriang gulugod ng Hilagang Luzon. Batay sa National Commision
on Indigenous Peoples (NCIP), ang mga naninirahan sa Cordillera ay
binubuo ng mga iba’t ibang pangkat-etniko o katutubong mamamayan
gaya ng (1) Applay sa Mt. Province, (2) Ayangan sa Ifugao, (3)
Balangao sa Mt. Province, (4) Bontoc sa Mt. Province, (5)
Isnag/Isneg/Yapayao sa Apayao, (6) Itneg/Tinguian sa Abra, (7) Ibaloy

4
sa Benguet, (8) Kankanaey sa Benguet at Mt Province, (9) Karao sa
Benguet, (10) Kalanguya sa Benguet at Ifugao, (11) Kalinga sa
Kalinga, (12) Iowak sa Benguet, at (13)Tuwali sa Ifugao.
Ang kanilang kultura ang nagbubuklod-buklod sa bawat pangkat
ng mga katutubo na bunsod na rin ng magiting na pagtatanggol sa
lupaing ninuno.
Sa kabila ng mga pagbabago sa Cordillera dala ng
industriyalisasyon at modernisasyon ay napananatiling buhay pa rin ang
katutubong kultura at sinisikap na magpapatuloy pa sa mga susunod na
henerasyon. Ito ay dahil sa pagpapahalaga sa sariling pagkakakilanlan.
Ang palatandaan ng kultura ng ating mga ninuno ay nauuri sa
materyal at di-materyal. Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga
materyal na bagay na nabuo upang tugunan ang kanilang
pangangailangan. Samantala, ang di-materyal na kultura ay palatandaan
din ng mataas na antas ng kaalaman ng ating mga ninuno.
Materyal na Kultura Di-materyal na Kultura
1. kagamitan o kasangkapan 1. edukasyon
2. kasuotan 2. kaugalian
3. pagkain 3. pamahalaan
4. tirahan 4. paniniwala
5. relihiyon o pananampalataya
6. sining o agham
7. wika

Alamin natin ang mga halimbawa ng mga ito.


Materyal na Kultura
1. Kasangkapan

5
May mga kasangkapan ang ating mga
ninuno bago pa dumating ang mga mananakop.
Ang mga ito ay inukit, hinasa, pinakinis at
nililok. Sa paglipas ng panahon ay natuto silang
gumawa ng iba’t ibang kagamitan sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
by: Ambrosio Agcio
2. Kasuotan
Ang pananamit ng ating mga ninuno ay katangi-tangi at
magkakaiba ayon ito sa pinagmulan at klima ng kapaligiran.Sa mga
pormal na okasyon ay nagsusuot ang nga tao ng modernong kasuotang
etnikong hinabi. Ito ang nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga taga
Cordillera. Tingnan ang mga halimbawa.

Mga Katawagan sa Katutubong Kasuotan


Pambabae
Kimona-pantaas na kasuotan
Dingwa- pang-ibabang kasuotan na
karaniwang yari sa telang piningitan

Panlalaki
Baag- tawag sa pang-ibabangkasuotan
Pambabae
Sa’dey- pantaas na kasuotan
Devit-pang-ibabang kasuotan
Sunstar Baguio Photo
Panlalaki
Pambabae
Ku’val-pang-ibabang kasuotan
Pambabae
Alugandi-pantaas na kasuotan
Lamma- pantaas na kasuotan
Ginamat- pang-ibabang
Gitap-pang-ibabang kasuotan na
kasuotan

Panlalaki
Panlalaki
Wanes-tawag
Baag- pang-ibabang kasuotan
sa pang-ibabangkasuotan

6
Pambabae
Badio-pantaas na kasuotan
\
3. Tirahan
Ang bahay noong sinaunang panahon ay yari sa
kahoy, kawayan, sawali at kugon. Ang silong
nito ay imbakan ng panggatong, kagamitan sa
pagsasaka, at kulungan ng mga alagang hayop.

7
Sa kasalukuyan, kadalasang mga modernong
disenyo na
yari sa mas matibay at makabagong materyales
Tirahan noong unang
pahanon. -- Ambrocio ang tirahan ng mga taga-Cordillera.
Agcio
4. Pagkain
Noon, pangangaso at pangingisda ang paraan ng
pagkuha ng pagkain. Nanggagaling sa mga
kagubatan, karagatan at kailugan ang mga
pagkain.

Ilan sa mga pagkaing inihahain sa Cordillera


ang pinikpikan, etag, kamote, saba, binungor,
sinapan at mais. Nadagdagan man ang mga
putaheng niluluto pero nananatili pa rin ang
mga ito na naging bahagi ng ating kultura.

by: Ambrosio Agcio


Di-materyal na Kultura

1. Edukasyon
Noong unang panahon, ang mga magulang ang nagtuturo sa
kanilang mga anak ng mga gawaing bahay, pangangaso, pangingisda, at
pagsasaka. Sa kasalukuyan, may pormal na edukasyon kaya pumapasok
na sa paaralan ang mga bata para matuto. Subalit ang mga pagkatuto sa
gawaing bahay ay patuloy pa ring isinasabuhay at itinuturo ng mga
magulang.

2. Kaugalian

Noong unang panahon, ang isang halimbawa ng kaugalian sa


Benguet ay ang kalun. Ito ay kasunduan ng mga magulang ng binata at
ng dalaga kasama ang mga matatanda tungkol sa pagpapakasal ng
kanilang mga anak. Sinusunod ito ng mga anak bilang paggalang sa
matatanda.
8
Samantala, kapag may namatay, nagkakatay ng mga hayop ang
mga katutubo para sa lahat ng nagsipaglamay. Tuwing naglalamay ay
may mga nagkukuwento tungkol sa kabutihang nagawa ng namatay.
May umaawit ng day-eng sa mga kankanaey, ba’diw sa mga Ibaloy,
bayya-o sa Mt. Province at iba pa.
Kung may trabaho naman tulad sa pagpapatayo ng bahay may
tinatawag na da’ngah sa mga Kalanguya. Boluntaryong
nagsisipagtulungan ang mga tao para tumulong sa gawain nang walang
inaasahang kabayaran.

3.Sistema ng Pamamahala

Noong unang panahon, ang mga matatandang may kaalaman ay


iginagalang ng pamayanan. Sila ang kinokonsulta sa panahong may
hidwaan o di pagkakaunawaan sa komunidad. Halimbawa, likas na
sistema ang dayalogo na pinangungunahan ng mga matatanda na
tinatawag na tongtong sa Benguet. Sa patnubay ng pilosopiyang
INAYAN, natatakot ang sinuman na gumawa ng masama. Batay sa
Inayan, ang anumang gawa ay may kaakibat na kahihinatnan. Ang
masamang gawa ay nagdudulot ng masama samantalang ang mabuting
gawa ay nagdudulot din ng kabutihan.
Ngayon, ang pamamahala ay naaayon din sa batas at sistema ng
pamahalaan ng Pilipinas subalit malaki pa rin ang pagtalima ng mga
taga-Cordillera sa kanilang katutubong sistema na nakatutulong sa
pagpapanatili ng kaayusan sa mga pamayanan.

4. Paniniwala at Relihiyon

Noong unang panahon, si Kabunyan ang itinuturing na panginoon


ng ating mga ninuno. Pinaniniwalaan nilang siya ang
9
pinakamamakapangyarihan sa lahat. Naniniwala rin sila sa
kapangyarihan ng mga espiritung tagabantay sa kalikasan tulad ng mga
anito.
Sa paglipas ng panahon, niyakap ng maraming katutubo ang
Kristiyanismo. Gayunman, nanatili pa rin ang katutubong paniniwala sa
maraming lugar lalo na sa paniniwalang may mga ispiritu pa ring
nagbabantay sa mga ilog, gubat, bundok at iba pang bahagi ng
kalikasan. Ang paniniwalang ito ay nagbunga ng pangangalaga sa
kalikasan.

5. Wika
Sa Cordillera ay may kani-kaniyang wika katutubong wika ang
bawat lugar na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Bagama’t ang wikang
Iloko ay nagsisilbi ring panrehiyong wika, nananatiling may kaniya-
kaniyang wika ang bawat lalalawigan. Sa Benguet pa lamang ay apat
ang pangunahing lokal na wika dito: ang Kankanaey, Ibaloy,
Kalanguya at Karao.

6. Sining at Agham

Noon pa man ay may palatandaan ng kaalaman ang mga ninuno sa


agham at sining. Halimbawa, ang pagkakagawa ng mga rice terraces
ay palatandaan ng kaalaman sa engineering at irigasyon. Isa pang
halimbawa ang paggawa ng tapey, isang inumin na natuklasan ng ating
mga ninuno gamit ang prosesong fermentation. Nilagagay ito sa banga
at iniinom kapag may okasyon.
Sa larangan naman ng sining ay makikita ang mga ukit at disenyo
ng ating mga ninuno sa mga bahagi ng bahay at mga kagamitan. May
iba’t ibang disenyo at hugis tulad ng krus, bulaklak, triyangulo, ahas,
butiki at iba pa.

10
Ang pagkahilig ng iba sa sining ay makikita rin sa mga tattoo. Ito
ay isang simbolo ng katayuan sa buhay o katapangan ng mga
mandirigma.
Itinuturing ding sining ang mga katutubong awit, bugtong,
kuwento at iba pang katutubong panitikan.

Talakayin Natin

Basahin ng magulang ang mga tanong. Ipasagot ng pabigkas sa


bata.

1. Ano ang kahulugan ng kultura?


2. Ano ang dalawang uri ng kultura?
3. Ano ang iba’t ibang aspeto ng kultura?
4. Bakit itinuturing na malikhain ang ating mga ninuno?
5. Bilang mag-aaral, paano mo mapananatili ang minanang
kultura?

Palawakin Natin

PAGSASANAY 1

Buoin ang tsart na naglalarawan ng kultura sa sariling lalawigan.


Isulat sa sagutang papel.

_____________________________
___________________________ 2. (kaugalian)
1. (Ang aming wika)

11

Ang aming Kultura


____________________ _______________________

3. (kagamitan) 4. (kilalang pagkain)

PAGSASANAY 2

Hanapin sa Hanay B ang aspeto ng kulturang nasa Hanay A. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Mga pasiking, kayabang, at iba A. edukasyon
pang gamit na yari sa kahoy at
kawayan ang mga kagamitan ng mga
ninuno. B. pagkain
2. Tapis at bahag ang kasuotan ng
mga ninuno
3. Ang mga magulang ang nagtuturo C. kasangkapan
sa kanilang anak ng mga gawaing
bahay, pangangaso, pangingisda at
12
pagsasaka.
4. Ang pinikpikan ay tanyag na D. sining
pagkain sa Cordillera
5. Ang mga bahay o kagamitan ay
may disenyong ahas, butiki, at krus. E. kaugalian

F. kasuotan

PAGSASANAY 3
Gumuhit ng isang materyal na kultura na nagpapakilala sa ating
lalawigan. Kulayan kung kinakailangan. Maaari ring gawin ito sa isang
bond paper kung kulang ang espasyo sa ibaba

13
RUBRIK NG GAWAIN
Katangian Puntos
1. May kaugnayan sa temang naibigay 5
2. Malinaw at malinis ang natapos na 5
Gawain
Kabuuan 10

Tandaan Natin

Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang diwa ng talata. Piliin
ang sagot sa loob ng kahon.

materyal pahalagahan kultura

di-materyal maunawaan

14
Ang bawat lalawigan/lungsod ay may paraan ng
pamumuhay at tinatawag itong __________________. Ang
Ilapat Natin

Sagutin sa dalawa o tatlong pangungusap ang tanong.

Paano mo maipagmamalaki o pahahalagahan ang iyong


kinagisnang kultura?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
__________

15
Tayahin Natin

Basahin ang tanong at intindihin. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong aspeto ng kultura ang tumutukoy sa pagtutulungan ng mga tao sa


isang gawain na tinatawag na da’ngah sa Kalanguya?
a. sining b. Paniniwala c. Kaugalian d. agham

2. Anong inumin ang ginagawa gamit ang prosesong fermentation?


a. etag b. tapey c. pinikpikan d. suka

3. Sino ang itinuturing na Panginoon ng ating mga ninuno?


a. anito b. Kabunyanc. Bathala d. diwata

4. Ano ang tawag sa pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao


sa isang lugar?
a. kaugalian b. paniniwala c. kultura

16
5. Bakit maituturing na malikhain ang ating mga ninuno?
a. marami silang kuwento
b. marami silang disenyo na makikita sa kanilang kasangkapan
c. palipat-lipat sila ng tirahan
d. may mga pagbabago sa kanilang pamumuhay

Talasanggunian

Kagawaran ng Edukasyon, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng


Mag-aaral: Cordillera Administrative Region. Unang Edisyon 2019.
Kagawaran ng Edukasyon, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-
aaral: Unang Edisyon 2014

17
Susing Sagot

Subukin Natin Balikan Natin

1. C 4. D 1. A 4. B

2. B 5. B 2. D 5. B

3. C 3. C

Pagsasanay 1 (maaaring magkakaiba ang sagot.)

Kalanguya Ubbo/Da’ngah

Ang aming kultura

pinikpikan

tiklis

Pagsasanay 3
Pagsasanay 2 Pagsasanay 3

1.
1. Mali
C 4. BTama
4. iskor ay batay sa rubrik

2. FTama
2. 5.DTama
5.
3.
3. Mali
A

Tandaan Natin Tayahin Natin

1.kultura 1. C 4. C

2. materyal 2. B 5. B

3. di-materyal 3. B

4. maunawaan

5. pahalagahan

18
Para sa mga tanong at mungkahi, maaaring sumulat o tumawag sa:

Address: Wangal, La Trinidad, Benguet


Telephone Number: (074) 422-6570
Email: benguet@deped.gov.ph
Facebook Page: DepEd Tayo Benguet

19
20

You might also like