You are on page 1of 21

3

MAPEH-Sining
(Paggawa ng Stencil Print)

Ikatlong Markahan, Ikaapat na Linggo

Intervention and Supplementary Enhancement Material (ISEM)


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Pahina ng Karapatang-ari
2021

Isinasaad ng Batas Pambansa 8293, Seksiyon 176 ang ganito:

“Walang umiiral na karapatang-ari sa anumang likha ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pagpayag ng tanggapan ng ahensiya ng
pamahalaang lumikha nito para sa paggamit ng anumang likha upang pagkakitaan.
Ang naturang ahensiya o tanggapan ay maaaring maningil ng karampatang bayad.
Ang mga hiram na materyal gaya ng mga awit, kuwento, tula, larawan, pangalan at
tatak ng mga produkto, at iba pa na kasama sa modyul na ito ay pag-aari ng mga
lumikha nito. Naisagawa ang lahat ng paraan upang matukoy ang mga nagmamay-
ari ng mga materyal at makahingi ng pahintulot para sa paggamit nito. Hindi
inaangkin ng tagapaglimbag at mga manunulat ang pagmamay-ari ng mga ito.”

Ang materyal na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12


Curriculum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID). Maaari
itong kopyahin para sa layuning edukasyonal na may pagkilala sa mga pinagkunan
at paghingi ng pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito
ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal na
lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang
layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

Inilimbag ng:

Kagawaran ng Edukasyon
Tanggapan ng Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Curriculum Implementation Division

ii
Paunang Salita

Ang Intervention and Supplementary Enhancement Material (ISEM) ay


proyekto ng Curriculum Implementation Division (CID), Sangay ng mga Paaralan ng
Benguet, Rehiyong Administratibo ng Cordillera bilang pagtugon sa implementasyon
ng K to 12 Curriculum.

Ang materyal sa pagkatuto ay pag-aari ng CID, Sangay ng mga Paaralan ng


Benguet, Kagawaran ng Edukasyon. Nilalayon nitong mataya ang pagganap ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino sa bawat baitang.

Petsa ng Paglikha : Oktubre 2021


Lokasyon : Miguel Palispis Elementary School,Tuba
Disiplina : MAPEH-Sining
Baitang : 3
Uri ng Kagamitang : Gawaing Pampagkatuto
Pampagkatuto
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Ikatlong Markahan / Linggo 4
Kasanayang : Executes the concept that a print design can
Pampagkatuto/Koda be duplicated many times by hand or by
machine and can be shared with others
A3PL-IIId (MELC)

iii
Pagkilala at Pasasalamat

Lubos na nagpapasalamat ang may akda sa lahat na nagbigay


inspirasyon, suporta, tulong at kooperasyon upang maisagawa ang
modyul na ito. Una, sa ating Poong Maykapal na pinagmulan lahat ng
biyaya gaya ng magandang kalusugan, katalinuhan at kalakasan. At sa
mga sumusunod na nagbigay puna, mungkahi, masusing pagsusuri at
pagwawasto upang mapabuti ang kagamitang ito. Ang katuparan ng
modyul na ito ay napagtagumpayan dahil sa kanila.

Mga Kasangkot sa Paglinang


Tagalinang: Josie D. Quilang
Tagaguhit:
Pag-aanyo:
Tagasuri: Warden A. Baltazar
Lupon ng mga Tagapamahala:
Gloria B. Buya-ao, EdD
Samuel T. Egsaen,Jr. EdD
Rizalyn A. Guznian, EdD
Name of PSDS/CP In-charge
Warden A. Baltazar
Sonia D. Dupagan, EdD
Antionette D. Sacyang
Melvin L. Alfredo

iv
Talaan ng Nilalaman
Page Number
Pangmukhang Pahina i
Pahina ng Karapatang-ari ii
Paunang Salita iii
Pagkilala at Pasasalamat iv
Talaan ng Nilalaman v
Alamin Natin 1
Sukatin Natin 2
Balikan Natin 3
Tuklasin Natin 4
Talakayin Natin 5 – 6
Palawakin Natin 7 – 10
Tandaan Natin 11
Ilapat Natin 11
Tayahin Natin 12
Karagdagang Gawain 13
Susing sagot 14
Talasanggunian 15

v
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang lalong


mahubog ang iyong kasanayan sa paggawa ng stencil print
design. Inaasahang gagamitin mo ito ng buong kasiyahan at
mapalawak pa ang iyong imahinasyon.

Pagkatapos mong pag-aralan ang paksang ito, makakaya


mo nang gawin ang mga sumusunod:

 Nakikilala ang halaga ng stencil printmaking


 Nakagagawa ng stencil para magamit sa pagprinta.
 Nakalilikha ng print design gamit ang stencil.

1
Sukatin Natin

Bago mo gawin ang modyul, may simpleng pagsubok


muna upang subukin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag


at M Kung mali.

______1. Ang stencil ay isang papel, plastik o metal na


may butas ng mga hugis, letra o disenyo.

_____2. Ang pagguhit at pagkulay ng bagay sa papel


gamit ng krayola ay paggawa ng disenyong
print gamit ang stencil.

_____3. Ang print design ay maaaring paramihin sa


pamamagitan ng kamay o makina
.
_____4. Maaaring ipahiram o humiram ng stencil na
ginawa upang mapagyaman ang disenyong
print.

_____5. Ang pagguhit ng disenyo sa materyal na


gagamitin gaya ng karton o folder ang unang
hakbang sa paggawa ng stencil .

2
Balikan Natin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay paris na kulay na kung magkatabi ay lalong titingkad


ang bawat isa.

A. matitingkad na kulay C. pangunahing kulay

B. pangalawang kulay D. komplimentaryong kulay

2. Ang mga komplimentaryong kulay ay ang mga


________________ sa gulong ng kulay.

A. magkaibang kulay C. magkatabing kulay

B. magkahawig na kulay D. magkatapat na kulay

3. Alin ang hindi kabilang sa komplimentaryong kulay?

A. dilaw at lila C. berde at pula

B. itim at puti D. asul at dalandan

4. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo ng pangunahing


kulay?

A. asul, berde, at pula C. berde, dalandan, at lila

B. itim, puti at tsokolate D. lahat na matitingkad na


kulay
5. Ang tawag sa kulay berde, dalandan at lila ay
_________.

A. pangunahing kulay C. pangatlong kulay


B. pangalawang kulay D. matitingkad na kula

Tuklasin Natin

Activity 1
Ang bawat grupong etniko sa ating bansa ay
mayaman sa mga disenyo na nagpapakita ng pagkakaiba ng
bawat isa.Ang mga disenyong etniko ay gawa ng mga tribung
etniko gaya ng Maranao, Ifugao, Bagobo at iba pa. Nakikita
ang mga disenyong ito sa mga kasuotan, tela at bagay.
https://i.pinimg.com/originals/77/b9/76/77b97682f343f82683ab83f5c6aa8614.jpg

https://www.pinterest.ph/pin/307722587014152915/
https://i.pinimg.com/originals/4e/be/f8/4ebef893360417fa11fc6d33dccb5ecb.jpg
4 mula sa Teacher”s Manual, MAPEH—Art

Talakayin Natin
Ang stencil print making ay proseso ng paglilipat ng
teksto, imahe o disenyo sa papel o sa ibang materyales.
Ginagamit ito upang lagyan ng disenyo ang isang bagay gaya
ng kasuotan, tela, papel at iba pang bagay.
Pagmasdan ang mga larawang ginamitan ng print.
Paano kaya ginawa ang mga disenyong ito?

https://clipground.com/images/cloth-tablecloth-clipart-2.jpg

Pictures from Learner’s Material

Ang imahe o hugis ay naililipat sa pamamagitan ng


stencil. Ang disenyong print ay maaaring ulit-ulitin sa
pamamagitan ng kamay o makina. Ang stencil na gagawin mo
ay maaari mo itong ipamahagi sa inyong mga kaklase o sa iba.
5

Ito ay halimbawa ng makina na ginagamit sa paggawa


ng disenyong print.

https://itnh.com/wp-content/uploads/2018/07/surecolor_f7200_angle_with_print.png

Pag-aralan mo ngayon ang paggawa ng disenyong stencil print gamit ang iyong
kamay. Narito ang rubriks na maging gabay mo sa paggawa ng aktibidad na ito.
Puntos
Maayos at malinis ang pagkakagunting ng mga disenyo ng
3 stencil.
4 Nakabuo ng kaaya-ayang sariling disenyong print gamit ang
ginawang mga stencil .
Maayos at malinis ang pagkukulay ng disenyong print gamit
3 ang tamang combinasyon ng mga kulay.
10

6
Palawakin Natin

Gawain 1: Paggawa ng Stencil

Panuto: Una mong pag-aralan ang paggawa ng stencil.


Intindihin ng mga hakbang sa paggawa ng nito.
Kailangan mo ng lapis, gunting at karton o folder

A. Planuhin at lumikha ng mga hugis, imahe o disenyo sa


isipan.
B. Iguhit ito sa karton o folder

C. Gupitin nang maayos ang iginuhit na mga disenyo.


Halimbawa 1
Iguhit ang disenyo at guntingin.

Natapos na dissenyo

7
Halimbawa 2

Iguhit ang hugis


o disenyo at
guntingin

natapos na stencil

Pagtatasa 1
Panuto: Gumawa ng mga stencil. Sundin ang mga hakbang
sa paggawa nito. Gumawa ng sariling disenyo.
8
Gawain 2 : Paggawa ng Print Design
Nakagawa ka na ng stencil. Ngayon pag-aralan mo
kung paano gumawa ng disenyong print gamit ang ginawa
mong stencil. Narito ang mga hakbang sa paggawa ng
disenyong print. Kakailanganin mo ng water color o acrytic
paint at puting papel o coupon bond.

A. Pag-isipan at bumuo ng disenyong gagawin gamit ang


mga stencil na ginawa mo. Pumili ng mga kulay na
gagamitin.
B. Ilagay ang stencil sa ibabaw ng puting papel

C. Pahiran ang mga butas ng stencil ng water color o pintor


ayon sa kulay na napili
D. Marahang alisin ang stencil.

E. Ulit-ulitin ang paggawa ng print upang makabuo ng


Kaaya-ayang disenyo sa puting papel. Ipatuyo
pagkatapos.

Halimbawa 1

stencil

puting papel

natapos na

disenyo
9
Halimbawa 2

stencil

natapos na disenyo

Pagtatasa 2
Panuto: Gamitin mo ang inyong mga stencil sa paggawa ng
Disenyong print na maaari mong gamiting pantakip
ng aklat, notebook o kartong lalagyan. Sundin ang
mga hakbang sa paggawa nito. Maaari mong ulit-
ulitin ang iyong disenyo upang makagawa ng
kaaya-ayang sining. Maaari ka ring humiham ng
disenyo ng kaklase mong kapitbahay upang
mapagyaman mo ang inyong gagawing sining. Maaari
ring ipamahagi ang ginawa mong stencil.
10
Tandaan Natin

Panuto: Punan ng angkop na salita upang mabuo ang


kaisipan.Piliin ang sagot sa kahon.

ipamahagi makina stencil


kamay

Ang __________________print design ay maaaring


ulit-ulitin nang ilang beses sa pamamagitan ng
__________________ o __________________ at
maaari itong ______________________ sa iba.

Ilapat Natin

Panuto: Gamitin mong pantakip ng aklat, notebook o


Lalagyang karton ang ginawa mong disenyong stencil
print.

11
Tayahin Natin

Panuto: Iayos ang mga sumusunod na hakbang sa paggawa ng


stencil print design sa pamamagitan ng pagsulat ng
numerong 1,2,3,4 at 5 sa patlang.

_____ A. Mag-isip ng disenyo gamit ang mga stencil na


ginawa. Maaaring ulit-ulitin ang mga ito upang
makabuo ng kakaya-ayang gawaing sining.

_____ B. Marahang alisin ang stencil. Ipatuyo ang


ginawang sining

_____C. Ilagay ang ginawang stencil sa ibabaw ng coupon


bond ayon sa naisip na disenyo.

_____D. Pahiran ng water color o acrylic na pintor ang


mga butas ng stencil sa napiling kulay.

_____E. Gumawa ng mga stencil sa pamamagitan ng


pagguhit ng naisip na mga hugis o disenyo sa
folder. Guntingin ang mga ito

12

Karagdagang Gawain:
Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang
mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Piliin ang
tamang sagot sa kahon.

disenyong print kamay


ipamahagi makina stencil

1. Ang ___________________________ ay proseso ng

paglilipat ng teksto, imahe, o disenyo sa papel o sa ibang

materyales.

2. Ang ___________________________ ay papel, plastic

o metal na may butas ng mga hugis, letra, o disenyo na

ginagamit sa paggawa ng disenyong print

3. Ang disenyong print ay maaaring ulit-ulitin sa

pamamagitan ng _________________________ o

________________________.

4. Ang stencil ay maaaring _______________________

sa kaklase o sa iba upang mapagyaman ang gawaing sining.

13

Susing Sagot

KARAGDAGANG GAWAIN
Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Piliin
ang tamang sagot sa kahon.
14

Talasanggunian
1. Kagawaran ng Edukasyon, MAPEH 3,Patnubay ng Guro
Quezon City: Book Media Press, Inc.,2015
2.Kagawaran ng Edukasyon, MAPEH 3,Kagamitan ng Mag-aaral, 2015
3. Google. Com
https://i.pinimg.com/originals/77/b9/76/77b97682f343f82683ab83f5c6aa8614.jpg

https://i.pinimg.com/originals/e7/8a/2d/e78a2dbd91826b5156af76ed1daf4418.jpg

https://i.pinimg.com/originals/4e/be/f8/4ebef893360417fa11fc6d33dccb5ecb.jpg

https://www.pinterest.ph/pin/307722587014152915/

https://clipground.com/images/cloth-tablecloth-clipart-2.jpg

https://free.clipartof.com/1702-Free-Clipart-Of-A-Pair-Of-Scissors.jpg

https://free.clipartof.com/1702-Free-Clipart-Of-A-Pair-Of-Scissors.jpg

http://res.freestockphotos.biz/pictures/12/12540-a-paint-brush-isolated-on-a-white-background-pv.jpg

https://itnh.com/wp-content/uploads/2018/07/surecolor_f7200_angle_with_print.png

BALIKAN
1. D
2. D.

3. B

4. A

5. B
15
Para sa mga tanong at mungkahi, maaaring sumulat o tumawag sa:

Address: Wangal, La Trinidad, Benguet


Telephone Number: (074) 422-6570
Email: benguet@deped.gov.ph
Facebook Page: DepEd Tayo Benguet

16

You might also like