You are on page 1of 8

LESSON SCHOOL: KAPALARAN ELEMENTARY SCHOOL Grade: III

EXEMPLAR
TEACHER: Learning ARALING
ARLENE C. SON
Areas: PANLIPUNAN
DATE: APRIL 29, 2022 Quarter: Q3 WEEK 1
CHECKED
RHOANIE L. BUSTOS - MT 1
BY:

I . Layunin
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipapamalas ang pag- unawa at pagpapahalaga sa pagkakakilanlang
Pangnilalam kultural ng kinabibilangang rehiyon.

B. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakapagpapahayag ng may pagmamalaki at pagkilala sa nabubuong


Pagganap
kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon

C. Pinakamahalagan *Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon


g Kasanayan sa
Pagkatuto ( MELC ) ( AP3PKR-IIIa-1 )

D. Enabling PIVOT 4A WEEK 1


Competencies
II. Nilalaman *Nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon

III.Kagamitang
Panturo
A. Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa
PIVOT4A ARALING PANLIPUNAN pp.7-10
Gabay ng Guro
2.Mga Pahina sa
Kagamitan Pangmag- PIVOT4A ARALING PANLIPUNAN PP. 7-10
aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Listahan ng mga YOUTUBE
Kagamitang Panturo Powerpoint presention, MELC P.7-10
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction Ang mga Panimula ng Gawain ng Guro
(PANIMULA ) a. Panalangin
b. Pagbati ng guro
c. Checking of Attendance
d. Online Class Reminder
TEACHING APPROACHES: COSTRUCTIVIST APPROACH
BALIK - ARAL ( REVIEW OF THE PAST LESSON )
TANONG:
Saang Rehiyon tayo nabibilang?
REGION 4A - CALABARZON
Cavite
Laguna
Batanggas
Rizal
Quezon
Pagmasdan ang mga Larawan

Ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?

MOTIVATION:
REGION IV-A CALABARZON
https://youtu.be/cZ_9n3hothg

B. Development
(Pagpapaunlad) Ang Kultura sa Aming Rehiyon
Mahalaga na malaman mo ang iyong kultura at iba’t ibang aspekto nito tulad ng
tradisyon, kaugalian, paniniwala, pagpapahalaga, wika, at batas. Sa aralin na
ito, matututuhan mo ang mga aspekto ng kultura.

Ano ang Kultura?


 ay ang kabuoang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng
komunidad o lipunan.
 Ito rin ang kabuoan ng mga paraan kung paano ginagawa ng isang
pangkat ng mga tao ang mga bagay upang mabuhay.
Ang Kultura ay maaring makita sa kanilang:
 Kaugalian
 Wika
 Tradisyon
 Panitikan
 Paniniwala
 Pagkain
 Sining tulad ng musika at sayaw

Iba’t-ibang Aspekto ng Kultura


 Tradisyon
 Kaugalian
 Paniniwala
 Pagpapahalaga
 Wika
 Batas

TRADISYON
 ay tumutukoy sa mga gawain tulad ng ritwal at pagdiriwang.

Higantes Festival - Angono Hamaka Festiva- Taytay Pahiyas Festival - Quezon

KAUGALIAN
 ang inaasahang pag-uugali ng mga pangkat ng tao
 mga inaasahang kilos at gawi na dapat sundin
 Halimbawa:
 paggamit ng “po” at “opo” at “pagmamano”

PANINIWALA
 ay idea, pananaw, at saloobin ng grupo o lipunan
 ito ay kanilang pinanainiwalaan ayon sa karanasan ng kanilang pangkat o
lipunan.
 Ito ay matatagpuan sa mga pabula, salawikain, alamat , mga tradisyon,
pamahiin, edukasyon, at iba pang nakaiimpluwensya sa kanilanng mga
idea, damdamin at saloobin.

PAGPAPAHALAGA;
 ang pamantayan ng lipunan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama
 May kinalaman ito sa bagay o gawaing naiibigan o naiiwasan

WIKA
 ang mga pananalitang ginagamit ng mg atao sa pakikipag-usap, pakikipag
komunikasyon,
 ang pinakamahusay na paraan upang matiyak kung nagkakaunawaan ang
bawat isa

BATAS
 ay mga alituntunin, regulasyon, at patakaran na ipinatutupad sa isang
lipunan.
 ang paglabag sa mga batas ay may kaparusahan, tulad ng pagpatay ng
kapwa, pananakit, pangaabuso, pagnanakaw, at iba pa.
 Ang mga gawain labag sa
batas ay itinuturing na krimen
at ang taong lumalabag sa
batas ay tinatawag na
kriminal.
RPMS: OBJECTIVE 10
Adapted and used culturally appropriate teaching
strategies to address the needs of learners from
indigenous groups
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Alam niyo ba na maraming iba’t ibang Kultura ang ating Bansa hindi
lamang sa ating Rehiyon. Isinasabuhay din ito ng iba’t ibang Katutubong
Grupo at ito ay kani kanilang pinapahalagahan.
Isang halimbawa ay ang Katutubong Grupo ng mga Mangyan na
naninirahan sa Isla ng Mindoro na parte ng Region IV-B.Ngunit sa
paglipas ng panahon ay makikita rin natin sila dito sa ating lugar dahil na
rin sa iba’tt ibang hanapbuhay na meron sila. Ang salitang Mangyan sa
pangkalahatan ay lalaki, babae o tao na walang pagtukoy sa
nasyonalidad.
Ating tatatandaan na iba iba man ang ating kultura o tradisyon o gawi
ay lagi nating igagalang ang ating kapwa lalo na ng ating mga
kababayang katutubo.

SUBUKIN NATIN:
Tukuyin ang mga hinihingi ng mga sumusunod.Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

Paniniwala Kultura
Tradisyon
Batas Pagpapahalaga

_____ 1. Ito ay ang mga pamantayan ng lipunan kung ano ang tama, mali,
mabuti o masama.
_____ 2. Matatagpuan sa mga pabula, salawikain, alamat, mga tradisyon,
pamahiin, edukasyon, at iba pang nakaiimpluwensiya sa kanilang mga idea,
damdamin, at saloobin.
_____ 3. Ipinatutupad sa isang lipunan ang mga alituntunin, regulasyon at
patakaran.
_____ 4. Tumutukoy sa mga gawain tulad ng ritwal at pagdiriwang.
_____ 5. Ang kabuoang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng
komunidad o lipunan.

PAGSASANAY 2:

Piliin sa Hanay B ang konsepto ng kultura na nasa Hanay A. Isulat ang iyong
sagot sa isang malinis na papel.

HANAY A HANAY B
1. Tagalog a. Paniniwala
2. Pagmamano sa matanda b. Tradisyon
C. Engagement
( Pagpalihan ) 3. Pagdiriwang ng mahahalagang araw c. Batas
4. Bawal magnakaw d. Kaugalian
5. Kapag may isinuksok may madudukot. e. Wika

PANGKATANG GAWAIN:
Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain:

1. Basahing mabuti ang Panuto.

2. Makilahok sa Gawain ng Grupo

3. Tapusin ang gawain sa loob ng 5 minuto.

4. Sabay sabay na magsisimula ang bawat grupo .

PANGKAT 1:

Pagsasadula: Ang mga bata ay kasalukuyang pinag uusapan ang mga pamahiin / paniniwala na
kanilang natutunan sa mga lolo at lola nila.
PANGKAT 2:
Pagbuo ng chart na naglalarawan sa kultura ating lalawigan:

PANGKAT 3:
Pumili ng isang aspekto ng kultura at ilarawan ito sa pamamagitan ng isang malikhaing sining
tulad ng pag awit/rap .

D. Generalization Ano ang Kultura?


 Ito ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi
ng komunidad

Anu-ano ang mga aspekto ng Kultura?


 Tradisyon
 Kaugalian
 Paniniwal
 Pagpapahalaga
 Wika
 Batas
Bakit nga ba mahalagang malaman ang kultura ng ating rehiyon?
 Ang pag alam ng sariling kultura ay kinakailangan upang higit nating
maunawaan ang kahalagahan nito.
PANGHULING GAWAIN:
Buoin ang talata sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang ____________ ang nagpapakita ng _______________ ng isang
pangkat ng tao. Mahalagang marami ang iyong nalalaman tungkol
sa sariling kultura upang mas makilala ang iyong _________ at maging
ang iyong kinabibilangang ___________.

A. Reflection Para sa ating pagtatapos nais kong kayo ay mamili sa 1-4 na emojie sa pagkakatuto ninyo sa
ating aralin.

Alam na alam ko ito,


nararamdaman kong kaya kong
ituro ito sa iba
Pakiramdam ko alam ko ito ng
lubos,nakuha ko ang halos lahat ng
mga katanungan sa unang
pagkakataon
Pakiramdam ko natututo pa rin ako
nito,mayroon pa akong mga
katanungan at hindi sigurado kung
minsan
Marami akong mga katanungan, hindi
ako sigurado kung ano ang gagawin
sa lahat ng oras.

ARLENE C. SON
Teacher 1
OBSERVER:

RHOANIE L. BUSTOS
Master Teacher 1

You might also like