You are on page 1of 10

5

PANGALAN:____________________________________
BAITANG/SEKSYON:__________________________
_

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter III – Linggo 2
Paglinang sa Ating
Angking Talino

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 5
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III – Linggo 2: Paglinang sa Ating Angking Talino
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Shirley A. Cudilla


Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Editor ng Wika: Violah A. Villon
Tagawasto: Loida A. Sernadilla PhD
Mga Tagasuri: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD.
Mga Tagaguhit: Marinella L. Castro at Aries Jhon N. Necio
Tagalapat: Aries Jhon N. Necio
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang, EPS-EsP
Loida A. Sernadilla PhD PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald S. Brilliantes, Mary Jane J. Parcon,
Armor T. Magbanua, Maricel A. Zamora,
Charles Andrew M. Melad, Glenda T. Tan
at Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 2
Paglinang sa Ating Angking Talino

MELC: Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw, awit, at


sining gamit ang anumang multimedia o teknolohiya.
(EsP5PPP IIIb-24)

Mga Layunin:
1. Naipapamalas ang pagkamalikhain sa pagbuo ng mga sayaw
awit at sining gamit ang anomang multimedia.
2. Naipapakita ang pagiging responsable sa pagbuo ng sayaw awit at sining
gamit ang anomang multimedia at teknolohiya.
3. Makakagawa ng plano sa paglinang ng talento sa pagiging malikhain.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

______1. Ito ay isang anyo ng sining biswal kung saan gumagamit ang isang tao ng
ibat ibang instrumento sa pagguhit para may marka
A. Pagguhit C. Pagkamalikhain
B. Pag-awit D. Pag sayaw sa saliw ng tugtugin

______2. Ang mga talento ay maaring mawala sa tao kung ito’y ating ____________.
A. Babaliwalain C. Pababayaan nalang
B. Patuloy na lilinangin D. Gamitin sa masama

______3. May parangal man o wala gamitin ang talento para sa kapuwa para mas
lalo itong _________________.
A. Maibahagi sa iba C. Masarili lamang
B. Mapakinabangan natin D. Mawala sa atin

_______4. Kung ikaw ay isang tanyag na mang-aawit, ano ang dapat mong
ipakita sa mga tao?
A. Maging responsable sa pakikitungo sa mga tao.
B. Maging mayabang sa kapuwa.
C. Maging mapang asar sa kapuwa mang aawit.
D. Gamitin para yumaman.

_______5. Kapag ikaw ay nanonood ng isang palabas sa entablado ano ang


nararapat mong gawin?
A. Igalang ang kanilang palabas.
B. Iwasan ang pagsigaw kapag nanonood.
C. Huwag natin silang papansinin.
D. Huwag kang pumalakpak.
1
Ating Alamin at Tuklasin
Paghahawan ng Balakid

Pagkamalikhain - ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng isang


bagay.
Teknolohiya - agham o pag-aaral sa praktikal o pang industriyang sining na
makakatulong upang mapabilis ang gawain ng mga tao.
Multimedia - ay nilalaman na gumagamit ng isang kumbinasyon ng iba’t ibang
mga form ng nilalaman tulad ng teksto at audio.

Ang ating talino ay biyaya mula sa Diyos na nagagamit natin sa mga


kapakipakinabang na paraan kaakibat ninnmnjn
sa gawaing ginagamitan ng talino ay ang
ating pagiging malikhain. Sa panahon ng mga kabataan ngayon nasasalamin ang
angking talino sa pag sayaw, pag-awit at pagguhit.

May pagkakataon ba na naipapakita mo ang pagkamalikhain sa inyong


tahanan o sa paaralan?
Narito ang mga paraan kung paano maipakikita ang mabuting pagtanggap
sa mga dayuhan at katutubo.

Batang umaawit Batang sumasayaw

Batang gumuguhit Batang naggigitara

2
Narito ang mga angking talino na dapat nating pagyamanin.
Pagguhit - ay isang anyo ng sining biswal kung saan gumagamit ang isang tao ng
ibat –ibang instrumento sa pagguhit o para makamarka.
Pagsayaw - ay tumutukoy sa isang kilos na may sinusunod o sistematikong
galaw na karaniwang isinasagawa sa saliw ng tugtugin.
Pag-awit - ay isang gawain ng paglikha ng mga tunog pangmusika ng tinig na
kadalasang salungat sa pagsasalita.
(Pinagkunan: Zenaida R. Ylarde, at Gloria A. Peralta, EdD.,
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 5, Pasig City: Department of Education, 2016, 74.)

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Isulat ang mga letra sa loob ng kahon para makabuo ng salita.

1. tiwa

2. yawsa

3. ningsi

4. totalen

5. nangligap

Ano ano ang talento ang kaloob ng Diyos sa iyo?

3
Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglagay ng tsek ( √ )
kung ang pahayag ay tama at ekis (X) naman kung hindi.

Mga Pahayag X √
1. Ang ating mga talento ay biyaya ng Diyos.
2. Hindi na kailangan pang linangin ang ating mga talento.
3. Dapat maging responsable sa paggamit ng angking talino.
4. Gamitin para sa sarili lamang ang ating mga talento.
5. May parangal man o wala gamitin ang talento para sa
kapuwa.

Ano ang nararamdaman mo kung nagagamit mo nang tama ang iyong


angking talento?

Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat ang PM kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagkamalikhain
at HPM kung hindi.

______1. Paggawa ng saranggola gamit ang lumang diyaryo.

______2. Pagbobolontaryo sa pag-awit sa simbahan.

______3. Inaaksaya ni Jose ang kanyang oras sa paglalaro ng Mobile Legends:


Bang Bang sa halip na magsagot ng modyuls.

______4. Ginagamit ng labandera na panlinis ng banyo ang tubig na


pinagbanlawan ng labada.

______5. Si Nilo ay ginagamit ang oras sa loob ng computer shop sa halip na


magsagot ng modyul.

Ano ang nararamdaman mo sa tuwing nagagamit mo ang iyong oras sa


tama?

4
Gawain 2
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Piliin sa kahon at isulat ang tamang sagot
sa patlang.

awit sayaw sining


pagkamalikhain pagguhit

______ 1. Ito ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng isang bagay.

______ 2. Tumutukoy sa isang kilos na may sinusunod o sistematikong galaw


na karaniwang isinasagawa sa saliw ng tugtugin.

______ 3. Isang anyo ng sining biswal na kung saan gumagamit ang isang tao
ng iba’t ibang instrument sa pagguhit o para may marka.

_______4. Ito ay isang gawain ng paglikha ng mga tunog pangmusika ng tinig


na kadalasang salungat sa pagsasalita.

______ 5. Ang __________ ay iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, nadidinig o kaya
isang pagtatanghal na ipinakikita ang kahusayan ng isang manlilikha?

Paano mo mapauunlad ang iyong angking talento ?

Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito


sa bawat patlang.

Awit sayaw pagkamalikhain


sining pagguhit

1. Ang _____________ ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng


isang bagay.

2. Ang _____________ ay iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, nadidinig o kaya


isang pagtatanghal na ipinapakita ang kahusayan ng isang manlilikha.

5
3. Isang anyo ng sining biswal kung saan gumagamit ang isang tao ng
iba’t ibang instrumento sa pagguhit o para may marka ___________________.

4. Ang paglikha ng ng mga tunog pang musika ng tinig na kadalasan salungat


sa pagsasalita ay isang ____________________.

5. Ito ay tumutukoy sa isang kilos na may sinusunod na sistematikong galaw


na karaniwang isinasagawa sa saliw ng tugtugin. Ano ito?_________________.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

______1. Lumahok sa mga paligsahang makatutulong upang lalong mahasa


ang iyong __________________.
A. Kakayahan
B. Pag-uugali
C. Pakikisama
D. Talento

______2. Para mas lalong mapakinabangan ang iyong talento sa pagsayaw


kailangan mo itong __________________.
A. Kayanin
B. Linanging mabuti
C. Saka na ako mag ensayo
D. Hayaan ko lang muna

______3. Ito ay tumutukoy sa talento o kakayahan sa paglikha ng isang bagay.


A. Pag-Awit
B. Pagguhit
C. Pagkamalikhain
D. Pagsayaw

______4. Ito ay isang kilos na may sinusunod o sistematikong galaw na karaniwang


isinasagawa sa saliw ng tugtugin.
A. Awit
B. Pagguhit
C. Sayaw
D. Sining

______5. Ang _________ay may iba’t ibang uri ng paglikha ng biswal, nadidinig
o kaya isang pagtatanghal na ipinakikita ang kahusayan ng isang
manliliikha.
A. Pag-awit
B. Pagsayaw
C. Sining
D. Pagtula

6
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Subukin

Gawain 1 1. A 2. A 3. A 4. A 5. A

1. awit 2. sayaw 3. sining 4. talento 5. paglinang

Gawain 2

1. X 2. X 3. X 4. √ 5. √

Ating Pagyamanin

Gawain 1

1. NP 3. HNP 5. HNP Ang Aking Natutuhan


2. NP 4. HNP
1. pagkamalikhain
Gawain 2
2. sining
3. pagguhit
1. pagkamalikhain 4. awit
2. awit
5. sayaw
3. pagguhit
4. sayaw
5. sining

Tayahin

1. D 2. B 3. C 4. C 5. C

Sanggunian
Aklat

Ylarde, Zenaida R. at Gloria A. Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang


Aklat 5. Pasig City: Department of Education. 2016.

7
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS Modyul na ito. Hangarin


nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like