You are on page 1of 23

ESP

ARALIN 2
IKATLONG MARKAHAN

Pagpapamalas ng
Pagkamalikhain
Ang pagkamalikhain ng isang Pilipino ay tumutukoy
sa talento o kakayahan sa paglikha ng isang bagay.
Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang angking
talento tulad ng pag-awit, pagsayaw at pagguhit na
binigay ng Maykapal na gagamitn natin sa iba’t
ibang paraan para maging kapaki- pakinabang.
Maraming paraan din ang maaari nating gamitin
upang malinang ang mga kasanayang ito. Isa na rito
ang paggamit ng multimedia o teknolohiya na
nagpapakita rin ng ating pagiging malikhain.
Ganoon din ang pagsali sa mga paligsahan upang
mapaunlad ito.
Nasubukan ninyo na bang sumayaw ng
carińosa? Ating alamin ang kasaysayan ng
sayaw na carińosa. Karamihan sa mga
sayaw ng mga Pilipino ay nagpapahayag ng
matitinding emosyon o damdamin kaya ito
ay isinasagawa ng may kaukulang pag-
iingat. Isang halimbawa nito ay ang
cariñosa. Magiliw na sayaw ang cariñosa na
kung saan ang magkaperahang babae at
lalaki na animo’y nasa aktong nagliligawan..
Ito ay hango sa salitang
mapagmahal. Isa ito sa mga sikat na
sayaw na isinasagawa tuwing araw ng
kapistahan noong panahon ng
pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, na magpahanggang ngayon
ay isinasagawa pa rin ng mga Pilipino
tuwing sumasapit ang Linggo ng Wika.
Taong 1992 nang palitan nito ang tinikling bilang
pambansang sayaw ng Pilipinas. Ang babaeng
mananayaw ay karaniwang nakasuot ng ating
pambansang kasuotan na sinamahan ng
pamaypay na na ginagamit upang itago ang
kanilang mukha kasabay ng pinong
pagsasakilos ng sayaw. Ang lalaking
mananayaw naman ay may hawak na panyo
habang nakatingin sa mata ng kaparehang
babae upang ipakita ang kaniyang
pagmamahal.
Ang sayaw na ito ay nagpapabatid
sa mga manonood kung gaano
kamahal ng magkapareha ang isa’t
isa. Sa makabagong panahon,
marami na ang iba’t-ibang paraan
ng pagsasayaw, ngunit mahalaga
pa rin na alam natin ang kahulugan
at kasaysayan nito.
Sa makabagong panahon, marami na ang
iba’t-ibang paraan ng pagsasayaw, ngunit
mahalaga pa rin na alam natin ang
kahulugan at kasaysayan nito.
1.Kailan naging pambansang sayaw ang
cariñosa?
2.Ano ang ibig sabihin ng salitang cariñosa?
3.Paano ito isinasayaw?
4.Bakit mahalaga na alam natin ang
kasaysayan nito?
Ang pagsasayaw ay isa lamang
sa mga talentong ipinagkaloob sa atin
ng Panginoon. May mga taong
mahusay umawit, magpinta, gumuhit,
umarte, at iba pa. Ang mga talentong
ito ay likas na sa bawat isa sa atin.
Ikaw, ano ang iyong talento? Paano
mo ito ginagamit o pinapaunlad?
PAGSUSULIT:
Panuto : Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng tama at ekis (x) naman kung mali. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.
______ 1. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung
siya ay nagkamali.
______ 2. Hindi na dapat pang linangin ang ating mga
talento.
______ 3. Lumahok nang buong tapat sa mga paligsahan.
______ 4. Gawin ang lahat upang manalo sa patimpalak
kahit sa maling paraan.
______ 5. Tanggapin ang pagkatalo ng maluwag sa
kalooban.
__________ 6. Magpasalamat sa namanang
talento sa pagguhit.
__________ 7. Gumamit ng video effects upang
higit na mapaganda ang iyong likhang sining.
__________ 8. Magpraktis upang mapaunlad
ang talento sa pag-awit.
__________ 9. Sumunod sa alituntunin ng mga
paligsahan o patimpalak.
__________ 10. May parangal man o wala,
gamitin ang talento sa tama.
PERFORMANCE TASK NO.2
Mag-isip ng isang talento meron ka.
Habang ginagawa mo ang iyong
talento videohan mo ang iyong sarili.
Halimabawa ng talento meron
ka..SAYAW, PAGKANTA, PAGLUTO,
PAGLARO NG BASKETBALL o VOLLEYBALL,
PAGGUHIT, PAGGAMIT NG COMPUTER at
kahit ano pang talento meron ka.

You might also like