You are on page 1of 3

Gwyneth Nicole A.

Maraña

BTE – Computer Technology

GE 12-KULTURANG POPULAR NG
PILIPINAS
Gawain 1

Panuto: Sa iba’t ibang Katutubong sayaw mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, alin sa
mga sayaw na ito ang nakikilala at napahahalagahan mo pa hanggang ngayon.
Kailangan pa bang panatilihin ang mga sayaw na ito sa kabila ng modernisasyon?
Gawan ito ng maikling sanaysay na may 2-3 talata. Pansinin ang sumusunod na
krayterya sa ibaba upang magabayan sa gagawing pagmamarka.

Sa iba’t ibang katutubong sayaw mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, ang Tinikling ang
nakikilala at napapahalagahan ko pa hanggang ngayon sapagkat ito ang kadalasan kong nakikita
at nasasayaw sa paaralan noon. Ang Tinikling ay mahalagang sayaw sa Pilipinas sa iba't ibang
paraan. Sa pamamagitan ng natatanging props, damit, at entertaining na mga kilos, ito ay
kumakatawan ng marami sa mga pinahahalagahang balyus sa Pilipinas tulad ng likas na
katangian at buhay. .

Kailangan pang panatilihin ang mga sayaw na ito sa kabila ng modernisasyon dahil
pinapanatili nitong buhay ang kultura na tayo ay nakilala. Pinapanatili nito ang kultura ng
Pilipinas at ipinapasa ito sa susunod na henerasyon. Mahalagang panatiliin ang ating kultura,
dahil pinananatili nito ang ating integridad at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

GAWAIN II

Panuto: Pumili ng isang katutubong sayaw na nailahad sa leksiyon at gumawa ng


sariling malikhaing sayaw na may 2-3 minuto. Maaaring gumamit ng kahit na
anumang props na angkop sa sayaw at tema ng kantang gagamitin. Pansinin ang
sumusunod na krayterya sa ibaba upang magabayan sa gagawing pagmamarka.

LINK: https://youtu.be/Cl3wn8LkkW8
I. PAGKILALA

Panuto: Kilalanin ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa inilaang
patlang bago ang bilang. (5pts.)

Katutubong Sayaw 1. Ito’y pagpapahayag ng iba’t-ibang saloobin at damdamin.

Francisca Aquino 2. Siya ay kinilala bilang “Ina ng Filipinong Sayaw”.

Banga 3. Ang sayaw na ito ay naglalarawan na biyaya ng isang tribo kung saan kilala bilang
mabangis na mga mandirigma.

Escotis 4. Ginaganap sa anumang panlipunang pagtitipon ng mga taong naninirahan sa mga


bundok ng Capiz.

Kandingan 5. Ito ay binubuo ng mga pigura at hakbang batay sa klasiko at tradisyunal na


mga porma ng sayaw ng India.

II. PAGPAPALIWANAG

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. (Limang puntos bawat bilang na may
kabuuang 15 puntos).

1. Bakit mahalagang pag-aralan pa rin ang katutubong sayaw kahit na may marami ng
naglipanang mga modernong mga sayaw? Pangatwiranan.

Kailangan pang panatilihin ang katutubong sayaw kahit na may marami ng


naglipanang mga modernong mga sayaw dahil pinapanatili nitong buhay ang
kultura na tayo ay nakilala. Dapat itong pahalagahan sapgkat isa ito sa kumakatawan
ng Kulturang Pilipino noon paman at pinapaalala din nito kung sino at saan tayo
nanggaling.

2. Batay sa iyong sariling pananaw o paniniwala, ano-ano pa ang maidaragdag mo na


kahalagan ng katutubong sayaw? Ipaliwanag.

Ang maidaragdag ko na kahalagan ng katutubong sayaw ay dahil isa itong


paraan ng pagpapahayag na higit pa sa pagsasalita at naipapakita nito ang
damdamin, sama-samang alaala, at layunin ng mga Pilipino. Pinapahayag din nito
ang ating mensahe at intensyon.

3. Sa anong aspekto nagkakaiba-iba ang katutubong sayaw ng Luzon, Visayas at


Mindanao? Ipaliwanag.
Nagkakaiba-iba ang katutubong sayaw ng Luzon, Visayas at Mindanao hindi lang
sa kanilang gamit, paggalaw, kasuotan at iba pang pisikal na aspeto, pati na rin sa
mensahe na gusto nitong ipahayag at kung bakit ito nabuo.

TAKDANG-ARALIN

Panuto: Ano-ano ang mga panibagong kaalaman na iyong natutuhan mula sa pag-
aaral ng leksiyong ito? Isalaysay. (15 puntos)

Sa pag-aaral ng leksyong ito, natutunan ko na biniyayaan ang mga Pilipino ng


mga magagandang talento sa pag-sayaw. Sa kadalihanang ito, hindi
maipagkakailang mahilig ang karamihan ng mga Pilipino sa panonood ng iba’t-
ibang klase ng sayaw hindi lang ang mga matatanda, maging ang mga kabataan.
Natutunan ko rin na ang Katutubong Sayaw ay ang pagpapahayag ng iba’t-ibang
saloobin at damdamin. Ito’y isang uri ng pagpapakita ng matinding kaligayahan at
kung minsan ay pakikipaglaban. Sa bawat pagsayaw ng katutubong sayaw nakikita
dito ang mga ugali ng Pilipino katulad ng pagiging mahiyain, talusaling, mahinhin,
mabagal at matimpi na maaaring makita ng mga taga ibang bansa sa mga kapwa
nating Pilipino na sumasayaw nito. Nagkakaiba-iba ang katutubong sayaw ng Luzon,
Visayas at Mindanao hindi lang sa kanilang gamit, paggalaw, kasuotan at iba pang
pisikal na aspeto, pati na rin sa mensahe na gusto nitong ipahayag at kung bakit ito
nabuo. Kailangan pang panatilihin ang mga sayaw na ito sa kabila ng modernisasyon
dahil pinapanatili nitong buhay ang kultura na tayo ay nakilala. Pinapanatili nito ang
kultura ng Pilipinas at ipinapasa ito sa susunod na henerasyon. Mahalagang
panatiliin ang ating kultura, dahil pinananatili nito ang ating integridad at
pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

You might also like