Professional Documents
Culture Documents
LP Music2
LP Music2
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO CITY
DISTRICT I – ILOILO CITY PROPER
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL
I. Layunin:
Content Standard
Demonstrates basic understanding of pitch and simple melodic patterns of concepts pertaining to
melody.
Performance Standard
Analyzes melodic movement and range and be able to create and perform simple melodies
Most Essential Learning Competencies
Natutukoy ang daloy ng melody tulad ng inuulit, pataas na pahakbang, pababa na pahakbang,
pataas na palaktaw, at pababa na palaktaw
(identifies the movement of the melody as: - no movement - ascending stepwise - descending stepwise -
ascending skipwise - descending skipwise)
-MU4ME-IId-4
II. Paksang-Aralin
A. Paksa : Mga Simbolong Pangmusika at Konsepto ng Daloy Melodiya
B. Lunsarang Awit : “Run and Walk”, G, 2, do
4
“Nagtanom Ako Pinya” C, 4, mi
4
“Batang Masipag”, C, 4, so
4
C. Sanggunian : K to 12 Curriculum Guide, MUSIC 4 MELC(-MU4ME-IId-4)
Patnubay ng Guro sa Musika at Sining 4, p.45-50
Kagamitan ng Mag-aaral Musika at Sining 4, p.37-41
D. Kagamitan : Laptop, Television, Visual Aids, Powerpoint Presentation, Vidoes
E. Pagpapahalaga : Sa buhay minsan tayo ay nasa itaas minsan din ay nasa ibaba, minsan din
pantay lang, kaya dapat tayong maging mapagkumbaba at maging mapagmahal sa kapwa tulad
ng pagmamahal natin sa ating Poong Maykapal.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
- Pagmamahal sa kapwa, tulad ng Pagmamahal Diyos
P.E. - Malikhaing paggalaw ng katawan.
- Hindi lang sa Math, English at Filipino ginagamit ang accent o diin, sa Musika ito rin ay
may mahalagang papel na ginagampanan upang maging kaaya-aya ang tunog ng isang
awitin o tugtugin
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
- Magpapanuod ang guro sa mga bata ng isang video ng roller coaster.
- Sino na ba sa inyo ang nakasakay sa roller coaster?
- Paano mo mararamdaman kung ikaw ay papataas o papababa sakay sa roller coaster?
(Kung parang may tumutulak sayo papataas at kung para kang mahulog)
2. Paglalahad
Ang ating pag-aralan ngayon ay ang Ibat ibang daloy ng melodiya na maihahalintulad sa
roller coaster.
Base sa inyong napanood, ano ang galaw ng roller coaster?
- Ilahad ang aralin, “Ibat ibang Daloy ng Melodiya”
Ang daloy ng awit at tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaring pababa at pataas na
pahakbang, pababa at pataas napalaktaw at maari ding inuulit.
Ang pagkakasunod-sunod na daloy o direksyon ng melody ang nagbibigay damdamin at
kabuluhan sa musika.
- Ano ang melody?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO CITY
DISTRICT I – ILOILO CITY PROPER
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL
3. Pagtatalakay
-Magbigay ng halimbawa ng isang kilos o Gawain na ginagawa ninyo sa araw-araw na
maihahalintulad natin sa pataas at pababa na pahakbang, palaktaw na pataas at pababa at inuulit
o pantay
(pag akyat at pagbaba sa hagdan, paglukso, paglakad)
-Ano ang pagkakaiba ng Pahakbang sa palaktaw?
-Magbigay ng halimbawa ng tonog o linya ng awit na Inu-ulit,
Pahakbang Pataas at Pababa?Palaktaw na Pataas at Pababa?
- Tingnan sa sumusunod na slide at tukuyin kung ano daloy ng melodiya ang makikita sa
slide at maririnig
4. Paglalahat
-Ipabasa sa mga bata ang iba’t ibang daloy ng melody.
Ang Iba’t ibang daloy ng melody ay pataas at pababang pahakbang, pataas at pababang
palaktaw o kaya nama’y pantay o inuulit.
Ilang daloy ng melodiya ang ating napag -aralan ngayon? (5)
- Pangkatin ang mga bata sa tatlong pangkat. Pumili ng lider ang bawat pangkat at
magpadrawlots ng kanilang gawain.
(ipaliwanag sa bawat pangkat ang kanilang napiling gawain, gabayan ng guro ang bawat
pangkat )
- Ipakita sa slide ang Rubriks ng kanilang gagawin.
Rubriks
Pangalawang Pangkat
Gumawa ng malikhaing komposisyon tungkol sa covid kung paano maiwasan ito, sa
pamamagitan ng pagpalit -awit, sa inyong napiling kanta na my kaugnay sa daloy ng
melodiya na ating napag aralan ngayon.
Pangatlong Pangkat
Awitin ang “Batang Masipag” at sundan ang daloy ng melody sa pagsasakilos nito.
6. Repleksiyon
Ang buhay natin ay parang daloy din ng melody, kung minsan tayo ay nasa itaas, kung
minsan sa ibaba,kung minsan biglaang pagbagsak o pagtaas ng ating kabuhayan at
ekonomiya ng bansa lalong lalo na sa panahon ngayong pandemya, kailangan nating
magtulungan, at magmahalan upang mabuhay at makaahon sa kasalukuyang pagsubok.
1. 2. 3.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ILOILO CITY
DISTRICT I – ILOILO CITY PROPER
RIZAL ELEMENTARY SCHOOL
4. 5.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik sa internet o sa aklat ng isang iskor ng awit .Sa inyong kwaderno, ipagkit ang
napiling iskor ng awit, at tukuyin ang daloy ng melodiya na makikita sa iskor ng awit. Kulayan ang
sumusunod na measure na inyong napiling piyesa.
1.Pula - pataas na pahakbang, 2. Berde – Pababang Palaktaw
3.Asul – Pababang pahakbang 4. Dilaw- Inuulit o pantay 5. Dalandan- pataas na palaktaw
Inihanda ni:
LIEZL M. VILLAR
Teacher I
Rater:
MAILA O. SUMILE
Master Teacher I
Noted:
MARILYN G. TALLO
Principal III