You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 1
SCHOOLS DIVISION OFFICE I PANGASINAN

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7


Mayo 22, 2023

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, 100% ng mga mag-aaral sa Filipino 6 ay inaasahang
maisasagawa ang mga sumusunod :
A. Naipapaliwanag kung ano ang pandiwa,
B. Makikilala ang Iba’t ibang aspekto ng pandiwa,
C. Napag- iiba ang tatlong aspekto ng pandiwa.
II. Paksang – Aralin
A. Pamagat: ASPEKTO NG PANDIWA
B. Sanggunian : Internet/ Modyul sa Filipino
C. Kagamitang Pampagtuturo: Visual Aids, kompyuter, vidyu, tsart
III. Proseso ng Aralin:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpapanatili ng Kaayusan at Kalinisan
4. Pagtsek ng Atendans
5.energizer
B. Pagganyak / Introduksyon
Ipapakita ang Iba’t ibang larawan ng kilos o galaw.
1. Ano ang tawag natin sa mga salitang kilos?
* Pandiwa ang tawag natin sa mga salitang kilos o galaw.
2. Sino sa inyo ang makapagbibigay ulit ng kahulugan ng Pandiwa?
* Ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay buhay sa isang
lipon ng mga salita. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.
C. Paglalahad ng Aralin
1. Pagtalakay sa Paksa.
*Tatalakayin ng Guro ang paksang aralin tungkol sa tekstong Aspekto ng
Pandiwa.
2. Mga Katanungang Inihanda.
* Ano ang ibig sabihin ng aspekto?
- Aspekto- Nagpapakita kung kalian nangyari, nagyayari o ipagpapatuloy pa ang
kilos. Ito ay nagsasaad o nagpapahayag kung ang kilos ay nasimulan o tapos na, o
sisimulan o sisimulan.
*Ano naman ang ibig sabihin ng pawatas?
- Pawatas – ang tawag sa mga pandiwang hindi pa nababanghay sa iba’t ibang
aspekto.
ASPEKTO NG PANDIWA
1. Aspektong Perpektibo/ Panagdaan(Past Tense)
- nagsasaad na tapos na ang gawain
- nagsasaad ng kilos na naganap na.
2. Aspetong Imperpetibo / Pangkasalukuyan (present tense)
- ito ang kilos o galaw nangyayari o nagaganap
- ginagawa nangyayari o nagaganap sa kasalukuyan
3. Aspektibong Kontemplatibo/Panghinaharap(Future Tense)
- kilos o galaw na hindi pa nangyayari o nagaganap
- Ang kilos ay gagawin pa lamang
D. Pagpapaskil ng Rubriks
Interpretasyon
26 – 30 -Napakagaling
16 – 25 -Magaling
11 – 25 -Di gaanong Magaling
0 – 10 -Nangangailangan ng tulong

E. Pangkatang Gawain
PANGKAT 1
Gumawa ng isang kanta na ginagamitan ng pandiwa. Bigyan ng diin ang mga pandiwang
ginamit.
Tuntunin: Mayroon lamang limang (5) minuto para sa paghahanda. Gumawa ng hudyat kung
tapos na (maaring yell o palakpak)

PANGKAT 2
Gumawa ng isang dula-dulaan na ginagamitan ng mga pandiwa. Bigyang diin ang mga
pandiwang ginamit.
Tuntunin: Mayroon lamang limang (5) minuto para sa paghahanda. Gumawa ng hudyat kung
tapos na (maaring yell o palakpak)
PANGKAT 3
Gumuhit ng mga larawan na nagsasaad ng 3 aspekto ng pandiwa.
Tuntunin: Mayroon lamang limang (5) minuto para sa paghahanda. Gumawa ng hudyat kung
tapos na (maaring yell o palakpak)
PANGKAT 4
Gamit ang rubriks. Bigyan ng marka ang tatlong pangkat.
Interpretasyon
26 – 30 -Napakagaling
16 – 25 -Magaling
11 – 25 -Di gaanong Magaling
0 – 10 -Nangangailangan ng tulong

F. Pagbibiogay ng Fidbak
Tama at maayos ang ginawang pangkatan ng bawat pangkat. Naipakita nila ang iba’t ibang
aspekto ng pandiwa.
G. Sintesis
Muli ano ang pandiwa at aspekto nito?

IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay nasa
aspekyong kontemplatibi, imperpektibo at perpektibo.
1. Kaarawan ng aking minamahal ngayon, ibibili ko siya ng tsokolate at bulaklak.
2. Magkakamping sa isang linggo ang mga batang iskwat.
3. Nabitiwan ni Rizza ang hawak niyang cellphone nang mapadaan sa kanyang tagiliran si
Lysa.
4. Ang tagal namanag dumating ni Nanay, marahil siya ay nasa trabaho.
5. Ang tubig ulan ay dumadaloy sa alulod ng aming bahay.
6. Maraming puubi ang nanghihingi ng limos sa kalye.
7. Balitang-balita ang paghahanda ni Don Santiago ng hapunan sa isa sa huling araw ng
Oktubre.
8. Sa panahon ngayon, marami na sa ating gobyerno ang nangungurakot.
9. Nakausap ni Padre Damaso ang isang Espanyol na mapula ang buhok.
10. Si Tiya Isabel ang tumatanggap ng mga regalo ko mula sa mga panauhin.

V. Kasunduan
Pagganyak: Ano ang kahalagahan ng mga kababaihan sa isang bansa?
Gawain: Basahin ang akdang “Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos” Magtala ng 3-5
mahahalagang mensahe ni Dr. Jose Rizal sa mga kabataan.

Inihanda ni:

Bb. Joanna Marie F. Pagal


Aplikante

You might also like