You are on page 1of 5

Paaralan DARAGA COMMUNITY COLLEGE Baitang IKAAPAT NA BAITANG

Guro LOI NOR JOHN RODRIGUEZ RIOFRIO Asignatura FILIPINO


Petsa/Oras Markahan UNANG MARKAHAN

A. Pamantayang • Maipamalas ang pag-unawa sa iba’t ibang aspekto ng pandiwa.


Pangnilalaman • Maipakita ang paggamit ng iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa mga pangungusap.

B. Pamantayan sa • Maipakita ang wastong paggamit ng mga aspekto ng pandiwa sa mga pangungusap
Pagganap
C. Kasanayan sa • Nakikilala ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.at nagagamit ang mga ito sa
Pagkatuto pangungusap. F4WG-III-e-9

I. LAYUNIN • Natutukoy ang kahulugan ng mga aspekto ng pandiwa


• Naipapamalas ang wastong paggamit ng mga aspekto ng pandiwa sa pangungusap.

II. NILALAMAN Aspekto ng Pandiwa


III. MGA
KAGAMITANG
PANGTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa Curriculum Guide p. 23-26
Gabay ng Guro
B. Iba pang Kagamitang Powerpoint, Laptop
Pangturo
IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Balik-aral sa
1. Ano ang ibig sabihin ng pandiwa? Nagsasaad ng kilos o galaw
nakaraang
aralin/Pagsisimula ng Sumasayaw, Kumakanta,
2. Magbigay ng mga halimbawa ng pandiwa at
Bagong Aralin nagwawalis…..
gamitin ito sa pangungusap
B. Paghahabi ng Layunin
ng Aralin “Ang paksang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol
sa aspekto ng pandiwa.”
”Ang pandiwa ay may tatlong aspekto. Una ang aspektong
perpektibo, pangalawa ay ang aspektong imperpektibo at
panghuli ang kontemplatibo. Ating talakayin at pag aralan
ang aspekto ng pandiwa”
APEKTO NG PANDIWA-nagpapahayag kung kailan
naganap o nangyari ang isang kilos o galaw.
Ito ay may tatlong aspekto: Perpektibo, Imperpektibo, at
kontmplatibo.
“Ating talakayin ang tatlong aspekto ng pandiwa”
Perpektibo/Naganap:

Ito ang nagsasabi na natapos o naganap na ang


sinimulang kilos.

Halimbawa:

Si Anna Karenina ay dumating kahapon.

Tumalon kami sa ilog kanina.

Nagpaalam kami sa Nanay mo kagabi.

Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.

Naglinis ng bahay ang mga kasambahay ni Perla.

Imperpektibo/Nagaganap:

Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o


kasalukuyang nagaganap.

Halimbawa:

Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.

Nagbabasa si Clodette ng libro sa silid-aklatan.

Ngayon ang kuhanan ng aming kard.

Si Nanay ay nagluluto ng paborito kong sinigang.

Naglalaba ng uniporme ang aking kapatid.

Nagmimisa ang pari ngayong simbang-gabi.

Kontemplatibo/Magaganap:

Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan,


nasasagawa, o nangyayari ang isang kilos.

Halimbawa:

Kami ay maliligo sa ilog mamaya.

Pupunta sila sa Intramuros kasama si Fritz.

Maglalaro na ang paboritong koponan ni Clara sa


basketball.
C. Pag-uugnay ng mga
Ngayon, may ipapakita akong mga salita. Tukuyin
halimbawa sa Tutukuyin ng mag-aaral kung
kung ano ang kanilang mga aspekto.
Bagong Aralin. snong aspekto ng pandiwa
ang mga sumusunod na salita
1. Natapos
2. Kumakain
3. Naglakbay
4. Aawitin
5. Hinihiwa
6. Magguguhit
7. Sumisigaw

D. Pagtalakay ng Matapos matukoy kung ano ang aspekto ng


bagong konsepto at pandiwa ang mga salita, gamitin naman ang mga Gagamitin ng mga mag-aaral
paglalahad ng ito sa pangungusap. ang mga salita sa
bagong kasanayan pangungusap.
#1
1. Natapos
2. Kumakain
3. Naglakbay
4. Aawitin
5. Hinihiwa
6. Magguguhit
7. Sumisigaw

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto at
paglalahad ng 1. Ano ang nagpapahayag kung kailan naganap
bagong kasanayan o nangyari ang isang kilos o galaw?
#2 Aspekto ng pandiwa
2. Ibigay ang tatlong aspekto ng pandiwa.
Perpektibo, Imperpektibo,
Kontemplatibo
3. Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan
ang kilos ay nagaganap pa lang. Imperpektibo

4. Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan Kontemplatibo


ang kilos ay hindi pa nagagawa o Perpektibo
nasisimulan.

5. Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan


ang kilos ang natapos o naganap na.
F. Paglinang sa Pangkatang Gawain:
kabihasnan (tungo sa
formative Panuto: Isulat ang tamang banghay ng pandiwa sa mga
assessment) sumusunod na aspekto.
Salitang Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
ugat Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3
awit
salita
tayo
kain
bihis
laba
ligo
takbo
buksan
dalaw

G. Paglalapat ng aralin Ibigay ang kahulugan ng tatlong aspekto ng pandiwa:


sa pang araw-araw Bibigyan ng kahulugan ang
na buhay Perpektibo, Imperpektibo, at Kontemplatibo tatlong aspekto ng pandiwa

H. Paglalahat ng Aralin
Balikan natin ang ating mga natutunan sa
araw na ito.
Ano ang aspekto ng pandiwa?
Kailan nangyayari ang perpektibo?
Ano ang imperpektibo?
Ano ang kontmplatibo?

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Tukuyin kung Perpektibo, Imperpektibo, o
Kontemplatibo ang salitang nakasalungguhit.

______ 1. Nagtitipon ang mga magkakaibigan

dalawang beses sa isang araw.

. ______ 2. Si Olga ay nagbihis ng maayos.


______ 3. Tahimik ang mga mag-aaral

habang nagpapaliwanag ang guro sa unahan.

______ 4. Pupunta kami ng Palawan sa

Disyembre.

______ 5. Sasayaw ang mga mag-aaral sa


ikaapat na baitang sa darating na Marso

J. Karagdagang
Gawain para sa Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod
takdang-aralin at
remediation na pandiwa at ang kanilang aspekto. Isulat ang inyong

sagot sa kwaderno.

1. Iyak (Perpektibo)

2. Nood (Kontemplatibo)

3. Talon (Imperpektibo)

4. Maneho (Perpektibo)

5. Lakad (Kontemplatibo)

6. Pasyal (Imperpektibo)

7. Dinig (Perpektibo)

8. Takbo (Perpektibo)

9. Tawa (Imperpektibo)

10. Kumpuni (Imperpektibo)

You might also like