You are on page 1of 5

Loi Nor John Rodriguez Riofrio

BEED-IV-2
DETAILED LESSON PLAN
FILIPINO IV

A. Pamantayang Pangnilalaman o Maipamalas ang pag-unawa sa konsepto ng pandiwa.


o Maipakita ang paggamit ng iba’t ibang aspekto ng pandiwa
sa mga pangungusap.

B. Pamantayan sa Pagganap o Maipakita ang wastong paggamit ng pandiwa sa mga


pangungusap.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto o Pagkilala sa iba’t ibang aspekto ng pandiwa


o Paggamit ng pandiwa sa mga pangungusap
o Pag-unawa sa kahulugan ng pandiwa

I. LAYUNIN o Natutukoy ang kahulugan ng pandiwa.


o Nakikilala ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa.
o Naipapamalas ang wastong paggamit ng pandiwa sa mga
pangungusap.

II. NILALAMAN PANDIWA


III. MGA KAGAMITANG
PANGTURO
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa Kagamitang Pang Yamang Filipino 4 pp. 10-12
mag-aaral
2. Mga Pahina sa Textbook Yamang Filipino 4 pp. 10-12

B. Iba pang Kagamitang Pangturo Visual Aid, Larawan


IV. PAMAMARAAN
A. Layunin sa Paghahabi ng Aralin Ipakita ang mga larawan ng taong kumikilos o may ginagawa.
Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa bawat
larawan
Pagkatapos ipakita ang mga larawan, tanungin ang mga mag-aaral
kung ano sa tingin nila ang paksang tatalakayin sa araw na ito at
pagkatapos, talakayin ang paksa sa araw na ito.

B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipakita ang mga halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit
Bagong Aralin ng pandiwa. Itanong sa mga mag-aaral kung anong tawag sa mga
nakasalungguhit na salita na nagpapakita ng kilos o aksyon sa
bawat pangungusap.

1. Si Anna Karenina ay kumakain ng masarap na pagkain sa


restaurant.
2. Tumatakbo siya nang mabilis sa paligsahan.
3. Naglilinis ng bahay sila Rosenda, Rosario, at Rosemarie
araw-araw.
4. Siya ay umiinom ng kape tuwing umaga.
5. Maglalaro kami ng basketball sa park bukas.

C. Pagtalakay ng bagong konsepto at Ipakita ang ang mga aspekto ng pandiwa at ipaliwanag ang mga
paglalahad ng bagong kasanayan ito.

Tatlong uri ng aspekto ng pandiwa:


 Perpektibo
 Imperpektibo
 Kontemplatibo

Magbigay ng mga halimbawa ng mga aspekto ng pandiwa.

Halimbawa:

PERPEKTIBO

Si Mary ay dumating kahapon.


Tumalon kami sa ilog kanina.
Nagpaalam kami sa Nanay mo kagabi.
Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
Naglinis ng bahay ang mga kasambahay ni Perla.
Nagtanong ang guro kung sino ang may lapis.
IMPERPEKTIBO

Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.


Nagbabasa si Taki ng libro sa silid-aklatan.
Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
Si Nanay ay nagluluto ng paborito kong sinigang.
Naglalaba ng uniporme ang aking kapatid.

KONTEMPLATIBO

Kami ay maliligo sa ilog mamaya.


Pupunta sila sa Intramuros kasama si Mara.
Maglalaro na ang paboritong koponan ni Clara sa basketball.
Hahanapin ni Tyra ang tirahan ng kaniyang dating kamag-aral.
Si Elvis ay maghihintay sa iyo sa simbahan.
Magagawa ni Larkin ang kaniyang proyekto bago ang kaniyang
pagsusulit.

D. Paglinang sa kabihasnan (tungo sa


formative assessment) 1. Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop.
2. Magbigay ng mga halimbawa ng pandiwa.
3. Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay
nagaganap pa lang.
4. Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay hindi pa
nasasagawa o nagsisimulan.
5. Ito ang aspekto ng pandiwa na kung saan ang kilos ay natapos o
naganap na.

E. Paglalapat ng aralin sa pang araw- Paano nakakatulong ang pandiwa sa iyong pang araw-araw na
araw na buhay pamumuhay?

F. Paglalahat ng aralin Bakit mahalagang matutunan ang pandiwa at ang mga aspekto
nito?

G. Pagtataya ng aralin A. Panuto: Tukuyin ang mga pandiwa sa mga sumusunod na

pangungusap.

______ 1. Naghuhugas si Rhodora ng pinggan.

______ 2. Umakyat si Jerome sa puno ng mangga.

______ 3. Si Elena ay gumigising ng maaga upang maghanda sa

pagpasok sa eskwela.

______ 4. Si Selma ay umiiyak sa takot.


______ 5. Isinilid ni Rita sa lalagyan ang mga gamit sa pananahi.

______ 6. Ang mga bata ay masayang naliligo sa ulan.

______ 7. Si Marcy ay tumatakbo papuntang botika.

B. Panuto: Tukuyin kung Perpektibo, Imperpektibo, o

Kontemplatibo ang mga salitang nakasalungguhit.

______ 1. Nagtitipon ang mga magkakaibigan dalawang beses sa

isang araw.

______ 2. Si Olga ay nagbihis ng maayos.

______ 3. Tahimik ang mga mag-aaral habang nagpapaliwanag

ang guro sa unahan.

______ 4. Pupunta kami ng Palawan sa Disyembre.

______ 5. Maagang gumigising si Tere araw-araw.

______ 6. Ako ay aalis na bukas ng gabi.

______ 7. Nananahi ng damit ang aking Tiya Isidra.

______ 8. Niyakap ng ina ang kaniyang anak.

______ 9. Sasayaw ang mga mag-aaral sa ikaapat na baitang sa

darating na Marso.

______ 10. Tumaas na naman ang presyo ng mga bilihin.

C. Karagdagang Gawain para sa Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na
takdang-aralin.
pandiwa at ang kanilang aspekto. Isulat ang inyong sagot sa

kwaderno.

1. Iyak (Perpektibo)

2. Nood (Kontemplatibo)

3. Talon (Imperpektibo)

4. Maneho (Perpektibo)
5. Lakad (Kontemplatibo)

6. Pasyal (Imperpektibo)

7. Dinig (Imperpektibo)

8. Sakripisyo (Kontemplatibo)

9. Basa (Imperpektibo)

10. Kumpuni (Kontemplatibo)

You might also like