You are on page 1of 4

Sangay DIVISION OF BATANGAS Baitang Baitang 4

LESSON
Manunulat MARIA ALLEN ANN Asignatura
EXEMPL FILIPINO 4
CASILIHAN
AR
Designation/Petsa TEACHER I / JANUARY 10, 2023 Markahan Ikalawang Markahan

I. LAYUNIN A. nakikilala kung ano ang aspekto ng pandiwa;

B. naipapaliwanag ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa;

A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan

B. Pamantayan sa Pagganap

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) (Kung
mayroon, isulat ang maibabahagi ang mga kaalaman tungkol sa aspeto ng pandiwa
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC

D. Pagpapaganang Kasanayan

(Kung mayroon, isulat ang


pagpapaganang kasanayan.)

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng


Guro

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk Hindi gagamit ng teksbuk sa pagtatalakay

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang - Powerpoint ng tatalakaying paksa sa online


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan - Audio Visual Presentation

- pictures,

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula (Introduction) Ang Napapanahong Pagpapaalala:


● Panalangin

● Pagcheck ng Attendance sa klase / Kamustahan

Balik – Aral

 Pagtatanong sa huling araling tinalakay


1. Anong bahagi ng pananalita ang nagsasaad ng kilos o galaw?
2. Ano ang Pandiwa?

SAGUTIN: Tukuyin ang pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap.

 Si nanay ay nagluluto ng hapunan.


 Binabasa ni tatay ang bagong diyaryo.
 Ang pusa ay humiga sa ilalim ng mesa.
 Bumuhos ang malakas na ulan kanina.
 Bibili ng meryenda si Lara sa tindahan.

B. Pagpapaunlad Pagganyak

(Development)

HALIN, TAYO AY KUMANTA!

 Kantahin natin ang kantang “TAYO, UPO, TAYO, sa saliw ng kantang Leron, Leron
Sinta”
 Ano ano ang mga salitang kilos na nabanggit?
 Ano nga uli ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw?

 Sundin ang mga panuto:

1. Pumili ng mga pangyayari na inyong nasaksihan o nakita nag i agawa ng iyong mga
kaklase sa loon ng silid – aralan.
2. Mula sa inyong nasaksihang ginawa ng inyong kaklase, bumuo ng tatlong pangungusap
ang tamang salitang kilos,
3. Mula sa binuong pangungusap, guhitan ang salitang kilos na ginamit t tukuyin kung ito ay
naganap, nagaganap o magaganap.

 Ipaliwanag ang aspekto ng pandiwa at kung ano ano ang mga ito.

PAGBASA NG KUWENTO

 Pagbasa ng isang kwento na may pamagat na “ Ang Sabado at Linggo”


Nasasabik ako sa tuwing sasapit ang Sabado't Linggo. Ito ang
pinakamasayang araw naming mag-anak dahil magkakasama na
naman kami sa bahay. Mag-uumaga pa lamang ng Sabado gumayak
na si tatay para mamalengke. Sigurado ako bibili na naman si tatay
ng mga paborito kong pagkain. Samantalang hinahanda na ni nanay
ang kaniyang mga labahin. Hiniwalay niya ang puting damit sa mga
de kolor. Si Ate naman ay nagwawalis na ng mga tuyong dahon sa
bakuran. Si kuya naman ay nagtungo sa bodega upang kumpunihin
ang sira niyang bisikleta. Balak kasi niyang sumali sa grupo ng mga
siklista sa aming barangay. Ako naman ay masayang tumutulong sa
paglilinis sa bahay. Nagpupunas at naglalampaso ako ng sahig
hanggang sa kumintab ito. Masaya naming ginagawa ang aming
tungkulin sa bahay. Sa linggo naman ay magsisimba kami. Masaya
kaming buong pamilya sa araw ng Sabado at Linggo.
 Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang paksa sa binasa?

2. Bakit nasasabik ang sumulat tuwing darating ang araw ng

Sabado at Linggo?

3. Ano-ano ang mga gawain ng bawat miyembro ng pamilya sa

araw ng Sabado?

4. Ano naman ang ginagawa nila tuwing linggo?

5. Alin sa mga pangyayari ang naoobserbahan o nakikita mo na

ginagawa rin ng iyong pamilya? ?

6. Itala ang mga salitang kilos na binanggit sa binasang talata.

7. Ano ang iyong napansin sa mga salitang kilos na iyong naitala?

C. Pagpapalihan Tukuyin kung anong aspekto


ng pandiwa ang salitang nasa
(Engagement_ panaklong. Ilagay kung ito ay
naganap, nagaganap o
magaganap.

(wawalisin) 1.

(pumasok) 2.

(kumakatok) 3.

(tumawa) 4.

(dumudulas) 5.
D. Assimilation Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik

(Paglalapat) A, B, o C kung saan:

A – naganap B. nagaganap C. magaganap

______1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay.

______2. Hiniram ni Emily ang aklat ko.

______3. Maglalaro kami ng chess mamayang hapon.

______4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.

______5. Si Ate Minda ang naglinis ng kusina.

______6. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.

______7. Ang mga bata ay nanonood ng Ben 10 sa telebisyon.

______8. Sino ang sumagot ng telepono?

______9. May naisip ka na bang plano?

______10. Tahimik na nagbabasa ang mga mag-aaral.

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kuwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman
o realisasyon gamit ang mga susmusunod na prompt.:
A. (Pagninilay sa mga Uri ng
Formative Assessment na
Ginamit sa Araling Ito)
Naunawaan ko na _______________________.

Nababatid ko na _______________________.

Inihanda ni:

MARIA ALLEN ANN A.CASILIHAN


Grade IV-Teacher
Panuca Elementary School

You might also like