You are on page 1of 6

Sangay DIVISION OF IMUS CITY Baitang Baitang 4

LESSON
Manunulat DWAIN ALLEN B. Asignatura
EXEMPL FILIPINO 4
QUIMOYOG
AR
Designation/Petsa Teacher III / JULY 07, 2020 Markahan Unang Markahan

I. LAYUNIN (Wala na pong isusulat dahil makikita ito sa mga kasanayan na nasa ibaba)

A. Pamantayang Pangnilalaman Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin

B. Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng talatang pasalaysay

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili


Pagkatuto (MELC) (Kung
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC

D. Pagpapaganang Kasanayan
Pagsulat ng talata tungkol sa sarili
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang kasanayan.)

III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng Pinagyamang Pluma, Alma M. Dayag


Guro
Phoenix Publishing House

Pahina 39-46

b. Mga Pahina sa Kagamitang


Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk Hindi gagamit ng teksbuk sa pagtatalakay

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Kagamitang - Powerpoint ng tatalakaying paksa sa online


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan - audio

- pictures,

- cut-outs,
- bank note at

- google meet access.

IV. PAMAMARAAN

A. Panimula (Introduction) Ang Napapanahong Pagpapaalala:

● Magbibigay ang guro ng gabay at patnubay sa klase.

● Ipapaalala ng guro sa mga bata ang mga panuntunan sa online learning.

Balitaan muna Tayo:

Optional/ maaaring review of the past lesson

Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)

1. Show and Tell

Ipalabas sa mga mag –aaral ang larawan ng isang bakasyon o pamamasyal na hindi nila
malilimutan. (Ang pagdadala ng larawan ay maaaring ibigay bilang takdang aralin ilang araw
bago ang pagtatalakay nito.)

Ipapakita ng mga mag- aaral sa klase ang kanilang dinalang larawan. Isa- isang magsasabi ang
mga mag- aaral tungkol sa lugar na kanilang pinuntahan at ang mga naging karanasan nila sa
bakasyong ito.

Paghahabi sa mga Layunin

Itatanong ng guro: Naranasan mo na ba t ng iyong pamilya ang makapamasyal o


makapagbakasyon sa isa sa magagandang lugar sa bansa? Kung OPO ang sagot mo, isulat sa
kahon ang lugar kung saan nangyari ang bakasyong hindi mo malilimutan. Kung HINDI PO,
isulat mo sa kahon ang lugar na pinapangarap mo sanang mapuntahan kasama ang iyong pamilya.
Ilarawan o magsabi ng tungkol sa lugar na isinulat mo sa kahon. Bakit naging espesyal ito sa iyo?

Iuugnay ng guro ang gawaing ito sa pagtalakay ng aralin.

B. Pagpapaunlad Pagganyak (Pag- aralan ang tula)

(Development)

Isang Bakasyong Di Malilimutan

Sabi ni nanay, kami ay lugar na papasyalan

Naku, lahat kami’y ganoon na lang ang katuwaan

Sa sasakyan, hindi magkamayaw ang kuwentuhan

Sa kung ano kaya ang mga bagong mararanasan

Pagdating sa lugar, agad kaming nagsibaba

Nagtakbuhan sa tabi at malinaw na lawa

Masayang nagsisakay sa mumunting Bangka

Nagtulong gumaod mga bata at matatanda

Pagsakay sa kabayo ang sunod na inatupag

Nang magsawa, bisikleta naman ang hinarap

Walang kapagurang nagpapatakbo sa may patag

Puno ng tawanan, mga puso’y nagagalak

Sa gabi, manonood n asana ng telebisyon

Ayaw magbukas, may problema ang cable ngayon

Gadget ay inilabas upang sa wifi sanay kumonekta

Subalit internet ay wala, ang koneksyon daw ay sira

Kaya naman walang magawa, naglabasan muna

Sa maliwanag na buwan, lahat ay napatingala

Mumunting alitaptap, sa mga puno ay nakita

Ang kalikasan pala, kahit sa gabi ay napakaganda


Sa damuhan naupo at saka nagkuwentuhan

Di matapos- tapos ang masasayang tawanan

Pwede palang TV at internet ay mawala minsan

Lalo pa’t nasa gitna ng magandang kalikasan

Isa itong bakasyong hindi malilimutan

Sa halip na mall, matatanaw ay kabundukan

Kasama’y mga puno, hayop, lawa at halaman

Malinis ang hangin at tahimik ang kapaligiran

Balang araw ang lugar na ito ay aking babalikan

Sana mapanatili ang taglay na kagandahan

Hindi sana ito masisira sa ngalan ng kaunlaran

Upang makita at maranasan iba pang kabataan

Halungkat Kaalaman:

Ipababasa sa mga bata ang mga tanong.

1. Anong balita mula sa nanay ang ikinatuwa ng mga anak?

2. Ano- anong bagay ang ginawa nila sa lugar na pinuntahan?

3. Paano nagawa ng pamilyang maging masaya at hindi malilimutan ang kanilang bakasyon?

4. Ano- anong mga bagay ang napansin nila nang gabing nasa gitna sila ng isang magandang
kalikasan?

5. Bakit kaya hindi na napapansin ang mga bagay na ito kapag tayo ay nasa lungsod o
malaking bayan na?

6. Ano ang inaasam ng bata sa kanyang muling pagbabalik sa lugar na iyon?

C. Pagpapalihan

(Engagement_ Pagtitibayin ng guro ang sa kabuuan ng aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay.
Susubukin ng mga mag- aaral na ilahad nang patalata ang mga karanasan ng bata at ng kanyang
pamilya sa kanilang pamamasyal. Isulat ito sa kanilang sulatang papel.

● Paglinang sa Kabihasnan

Ihahanda ng guro ang bata sa muling pagsasanay upang maipakita sa bata ang natutuhan sa aralin.

Sasabihin ng guro: Susulat ang bawat mag- aaral ng tatala tungkol sa kanilang sariling karanasan.
Maaari silang pumili ng isa sa mga pamagat sa ibaba para sa kanilang bubuuing talata. Maaaring
bumuo ng sariling pamagat basta’t ang ppaksa ay tungkol sa pagmamahal sa kapaligiran.

ISANG BAKASYONG HINDI KO MALILIMUTAN

AKO AY BAYANI NG KALIKASAN

HALINA’T MAGTANIM TAYO

Ang talata ay dapat magtaglay ng pamantayang nasa ibaba.

MARKA PAMANTAYAN

4 Napakaangkop at nararapat ang ginamit na mga salita at talagang kitang kita sa


isinulat ang paksang tungkol sa pagmamahal sa bayan

3 Angkop at nararapat ang ginamit na mga salita at malinaw na makikita sa isinulat


ang paksang tungkol sa pagmamahal sa bayan

2 Hindi gaanong angkop ang ginamit na mga salita at hindi rin gaanong nakita sa
isinulat ang paksang tungkol sa pagmamahal sa bayan

1 Hindi angkop ang ginamit na mga salita at hindi rin nakita sa isinulat ang
paksang tungkol sa pagmamahal sa bayan

D. Assimilation 1. Post test/ pangwakas na pagtataya

(Paglalapat)

2. Karagdagang gawain

3. Paglalahat sa Aralin

Ipapatala ng guro ang tamang sagot sa gawaing ito sa kuwaderno at ipapakita sa kanyang kamag-
aral.

Naging isang hindi malilimutang karanasan ang bakasyon ng bata. Napanatili kasi ng mga tao sa
lugar na pinuntahan nila ang kagandahan ng kalikasan. Ikaw, paano mo maipapakita ang pagiging
mapagmahal sa kalikasan? Magtala ng limang paraan kung paanong isang batang katulad mo ay
magiging bayani rin ng kalikasan?

Maaari akong maging bayani ng kalikasan sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:

● ____________________________________________________

● ____________________________________________________

● ____________________________________________________

● ____________________________________________________

● ____________________________________________________

Gamitin ang rubrics na ito upang maisaayos ang sulatin.

Naibigay nang buong linaw ang hangarin ng pagsulat 5 puntos

Nagamit nang tama ang mga salita 3 puntos

Nagamit nang wasto ang mga bantas 4 puntos

May kalinisan at kaayusan sa pagkakasulat 3 puntos

15 puntos

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kuwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman
o realisasyon gamit ang mga susmusunod na prompt.:
A. (Pagninilay sa mga Uri ng
Formative Assessment na
Ginamit sa Araling Ito)
Naunawaan ko na _______________________.

Nababatid ko na _______________________.

Inihanda ni:

DWAIN ALLEN B. QUIMOYOG


Grade IV-Teacher
Buhay na Tubig Elementary School

You might also like