You are on page 1of 1

Alam ba ninyo na maliban sa pagiging mayaman sa likas na yaman ng mga taga Sitio Panuca,

Barangay Butucan, kilala rin ito pagdating sa kakanin na palaging hinahanap ng mga taga Panuca.
Ginagawang handa ito sa kapistahan at mahahalagang araw tulad ng kaarawan at maging sa iba pang
mahahalagang selebrasyon, hindi nawawala sa hapag kainan.

Kasabay ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa paaralan ng Panuca , tampok ang


pagdadala ng mga mag – aaral ng mga masusutansiyang pagkain. May mga nagdala ng mga iba’t ibang
prutas tulad ng nilagang saging at kamote at mga lutong gulay. Isa sa mga pumukaw sa mga mata ng
mga guro at mga magulang ay ang dala ng mag – aaral mula sa baitang apat na si Paul Nathan C. Dela
Cuesta.

Ilan lamang sa mga kakanin na alam natin ay maja blanco, puto, kutsinta at suman, ngunit
kakaiba ang kakanin na ito na tinawag nilang Tilbok. Ito ay gawa ng kanyang lola na si Gng. Benita
Calbayar na mas kilala sa kanilang lugar sa tawag na “Ate Ita” na asawa ng kasalukuyang kapitan. Siya ay
kilala na sa kanilang barangay dahil siya ay gumagawa ng mga kakanin, ngunit ang higit na
ipininagmamalaki niya ay ang kanyang TILBOK.

Nang siya ay interbyuhin tungkol dito “ito po ay aking special recipe, niluluto ko po ito sa loob ng
dalawang oras, ilan po sa mga sangkap nito ay niyog na bukhayuin, gata, galapong, asukal, mantikilya
gatas at vanilla”, pahayag ni Gng. Calbayar

Dagdag pa niya, gusto niya na makilala ang Brgy. Panuca sa mga produkto ng kakanin. Kaya
nagpapaorder rin sya kapag may gusto umorder at may pang espesyal na okasyon

Ayon naman sa mga guro na nakatikim ay tuwiran nilang sinabi na ito ay masarap at talaga nga
naming hahanap hanapin kapag may handaan.

You might also like