You are on page 1of 3

“Bagoong ng Pangasinan”

Kilala ang mga Pilipino sa pagkahilig sa iba't ibang pampalasa. Karamihan sa atin ay
hindi makakain nang hindi gumagamit ng mga pampalasa. Kabilang sa mga sikat na pampalasa
tuwing tayo ay nagluluto ay ang toyo, patis, suka, ketchup at syempre hindi mawawala ang
bagoong. Sa tekstong ito, tatalakayin natin ang maraming gamit ng ating kilalang bagoong at
kung paano ito ginagawa.

Ang bagoong ay kilalang pampalasang ginagamit sa mga pagkaing Pilipino. Ito ay gawa
sa maliit na isda tulad ng dilis, na nilinis at ibinuro sa asin, na maaaring tumagal mula ilang
linggo hanggang ilang buwan. Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng
Ilocos. Kilala ang Pangasinan sa dalawa nitong pangunahing produkto, ang asin at bagoong.
Hindi magiging kumpleto ang pagbisita o pagmamaneho mo sa Pangasinan nang hindi
napapansin ang mga iba’t ibang tindahan at stalls ng iba't ibang mga pasalubong sa Pangasinan,
sa mga bote na tinatawag na bagoong at patis, ngunit mas nakasasabik kung ang isang maikling
pagbisita sa isang pabrika ng bagoong, partikular sa Lingayen, ay gagawin para sa isang
maikling cultural tour ng paggawa ng bagoong.

Ang bagoong ay karaniwang kulay kape, ngunit maaari din naman itong lagyan ng ibang
pampakulay. Nakasalalay sa pagkasariwa ng isda ang magandang uri ng bagoong. Pagkatapos
iburo ang isda sa asin ay magiging bagoong na ito ngunit mayroong manipis na likidong
makikita sa ibabaw nito, at tinatawag itong patis. Ang patis ay ginagamit rin bilang sangkap sa
pampalasa ng ibang pagkain. Magkapareho ang lasa at amoy ng patis at bagoong at maaaring
gamitin ang isa bilang panghalili sa isa pa sa pagluluto. Karaniwang ipinagbibili ang bagoong na
nakalagay sa mga bote, ngunit sa ilang probinsya ay ipinagbibili ito ng nakalagay sa mga banga.
Mayroong bagoong na mayroong kalabnawan ang texture at mayroon din namang mga klase ng
bagoong na mayroong butil ng binurong isda, kasama ng sabaw.

Karaniwang ginagamit ang bagoong na panghalili sa asin o di kaya naman ay sa toyo


bilang pampalasa ng pagkain. Madalas gamitin ng mga Pilipino ang sangkap na ito sa iba’t ibang
putaheng Pilipino. May iba’t ibang parte ng bansa kung saan mayroong mga putaheng kasama
ang bagoong bilang pangunahing sangkap. Ilan sa mga tradisyonal at kilalag putaheng
ginagamitan ng bagong ay ang pinakbet, inabraw at kinilat. Hindi kumpleto ang mga hilaw na
mangga at singkamas kung walang bagoong na sawsawan. Lalong masarap kung may dagdag na
sili. Ang kare-kare ay laging masarap sa ginisang bagoong. Huwag ding palampasin ang
paggamit ng bagoong bilang pampalasa kapag kumakain ng pritong isda sapagkat nababagay ito
nang husto. Napakasarap din ng paghahalo ng bagoong sa pinasingaw na talong, kamatis at
sibuyas. Magkakaroon ka ng ensalada, na kilala rin bilang pampagana

Ang mga taga-Pangasinan ay magaling gumawa ng bagoong kaya ginagawa nila itong
hanap-buhay at marami ring ibang bayan sa Pangasinan ay gumagawa ng bagoong pero ang
pinakasikat gumawa ng bagoong sa buong Pangasinan ay ang Lingayen. Nagsimula ang
paggawa ng bagoong sa lugar dahil sa dami ng isdang nahuhuli sa mga karagatang nakapalibot
dito. Ibinuro sa asin ng mga ninuno ng mga taga-Pangasinan ang mga isdang hindi nailuto at
nagamit at mula doon ay naging tradisyon na ang paggawa ng bagoong. Itinuturing na iba sa
panlasa ang bagoong mula sa Pangasinan dahil sa paraan ng pagburo sa mga ito, kung saan
inilalagay ang isda at asin sa mga banga. Ang mga sangkap ng bagoong ay isda lamang
(karaniwang galunggong (round scad), dilis (anchovy) at tirong (katulad ng dilis)), solar salt
(natural na evaporated na asin mula sa tubig-dagat na pangunahing nagmula sa mga bayan ng
Bolinao at Anda, Pangasinan) at tubig, na pinaghalo at iniiwan upang mag-ferment ng ilang
buwan sa mga kalderong lupa na tinatawag na burnay sa Ilocos. Ito ay isang proseso kung saan
ang patis ay dito rin nililikha. Sa pinaghalong isda, asin at tubig na nagbuburo sa loob ng mga
kalderong luwad (ang burnay), sa loob lang ng ilang buwan ay nagreresulta sa kakaibang aroma
na gustung-gusto ng marami ngunit kinasusuklaman ng ilan. Ipares lang natin ito sa calamansi ay
isang tunay na sawsawan ng mga Pilipino para sa halos lahat ng ulam na kung saan abot kaya
kahit sa mga mahihirap nating kababayan.

Sa paggawa ng bagoong, ito ay dumadaan sa iba’t ibang proseso. Una, kailangang linisin
ang isda. Sunod, gilingin ang isda upang makagawa ng natural nitong lasa. Pagkatapos, ilagay
ang grounded fish sa isang malinis na mangkok na may stirrer. Magdagdag ng eksaktong dami
ng asin at ihalo nang pantay upang maiwasan ang paglaki ng mga mikroorganismo sa panahon
ng pagbuburo. I-ferment sa loob ng 13 araw at ihiwalay ang brown ferment na likido para
makagawa ng sarsa ng isda. Ang solidong pink-ish fermented fish ay ang bagoong alamang.
Pagkatapos ay ilagay ang hiwalay na bagoong sa magkaibang lalagyan. Sa mga prosesong ito ay
makabubuo ka na ng bagoong.
Ang bagoong ay mahal na mahal ng mga Pilipino kaya karaniwan nang makita ito sa mga
paliparan na sinusubukang “ipuslit” ang mga bote na dala-dala lamang upang maharang sa mga
destinasyong paliparan sa ibang bansa sapagkat gusto pa rin nila itong matikman kahit wala na
sila sa Pilipinas. Ang bagoong ay bahagi ng bawat talahanayan ng mga Pilipino at pati na rin sa
ating tradisyon. Mula sa anumang antas ng pamumuhay dito, ang bagoong ay talagang dapat
tikman ng pagkain.

Bagoong, ang mabahong patis ng Pangasinan: Amoy impiyerno pero langit ang lasa.

You might also like