You are on page 1of 3

Banga ng Manunggul

Ang Manunggul Jar ay isang pangalawang libing jar excavated mula sa isang Neolitiko
libing site sa Manunggul cave ng Kuwebang Tabon sa Lipuun Point sa Palawan dating
mula 890-710 BC [2] Ang dalawang prominenteng figure sa tuktok hawakan ng kanyang
pabalat ay kumakatawan sa paglalakbay ng kaluluwa sa afterlife.

Banggang Hugis Tao

Mga palayok na hugis at anyong tao ang natagpuan sa kweba ng Ayub sa Pinol,
Maitum sa lalawigan ng Saranggani. Ang mga palayok na itoy ginamit sa pangalawang
paglibing ng Kapanahunang Metal, at tinatayang may edad na 5 B.C. hanggang 225
A.D. Bawat isa sa dalawamput siyam na palayok ay kakaiba. Ang mga takip na hugis
ulo ng tao ay may ibat-ibang mukha: kalungkutan, kali-gayahan, at katiwa-sayan. Ang
mga ulo naman ay iba-iba rin.
Gintong Maskara ng Patay
.

Ang mukha ng namatay ay tinatakpan ng pirasong ginto. Tinatakpan ang mga mata,
ang ilong at ang bibig ng pirasong ginto. Dalawang pirasong ginto ang hinihiwa ng
manggagawa. Ang unang piraso ay pinapatong niya sa isang malambot na bagay tulad
ng putik o waks. Idinidiin niya ang dulo ng matulis na kasangkapan sa ginto upang ito
ay magkaroon ng disenyo. Sa bawat mata ay iba-ibang disenyo ang inilalagay.
Hinuhulma rin niya ang pangalawang pirasong panakip sa ilong. tagpuan ang bilog na
gintong pantakip sa ilong at sa mata sa isang libingan sa San Antonio, Oton, Iloilo
(gitnang bahagi ng Pilipinas).

Daras na Guwang

Ang mga daras na guwang na yari sa tanso ay katangian ng unang bahagi ng


Kapanahunang Metal. Natagpuan ang mga kasangkapang ito sa mga kweba sa Batu
Puti at Uyaw sa Palawan; Sanga-Sanga sa Tawi-Tawi; at sa Batangas. Ang mga ito ay
tinatayang may edad na 300 taon hanggang 500 taon bago ipinanganak si Kristo.
Sinaunang Hikaw at Abaloryo

Ang mga abaloryong yari sa ibat-ibang uri ng balat ng kabibe ay nakuha sa ilang pook tulad ng
kweba sa Arku, Cagayan, sa Ngipet Duldug,Palawan at kweba sa Bato, Sorgogon na kung saan
nakuha ang pulseras na kabibe

Ang balat ng malaking kabya ay nililikhang malalaking abaloryo na may butas sa gitna
samantalang ang palawit sa tainga ay ginigiling mula sa balat ng balisungsong. Ang bilog ay
binubutasan sa gitna.

You might also like