You are on page 1of 5

PHIL-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 11

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwentio. Pagkatapos, basahin


ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Talambuhay Ni Benigno Aquino Jr.

Si Benigno Aquino Jr. o kilalang si Ninoy Aquino ay ipinanganak noong Nobyembre 27,
1932 sa Concepcion, Tarlac. Kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit tumigil siya at
sa halip ay kumuha siya ng Journalism. Pinakasalan niya si Corazon Aquino at nagkaroon sila ng
limang anak.
Siya ay naging alkalde ng Concepcion, Tarlac at pinakabatang bise- gobernador ng Tarlac.
Sa edad na 34, nahalal siya bilang senador. Siya ay naging mahigpit na kritiko ni Pangulong
Marcos at ng asawa nitong si Imelda Marcos. Kilala siyang kalaban ni Pangulong Marcos tuwing
halalan. Nang ideklara ang Martial Law, si Benigno Aquino ang isa sa mga unang dinampot ng
militar upang ikulong.

Noong 1980, siya ay inatake sa puso at kinailangang operahan. Pinayagan siya ni Imelda
Marcos na lumabas ng bansa para magpagamot sa kundisyong siya ay babalik at hindi
magsasalita laban sa pamahalaan ni Marcos. Si Aquino ay namalagi sa Estados Unidos ng tatlong
taon.Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Pangulong Marcos, ipinasya ni Aquino na umuwi upang
bigyan ng pag-asa ang mga taong naghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.

Noong Agosto 21, 1983, bumalik siya sa Maynila subalit sa paliparan pa lang ay binaril
siya sa ulo. Ang libing ni Ninoy Aquino ay nagsimula ng ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi.
Mahigit dalawang milyong tao ang nag-abang sa pagdaan ng karosa ng kabaong ni Ninoy papunta
sa Manila Memorial Park.

1. Kailan ipinanganak si Ninoy Aquino? (Literal)


a. Nobyembre 27, 1942
b. Nobyembre 27, 1932
c. Agosto 21, 1983
d. Agosto 21, 1973

2. Saan ipinanganak si Ninoy Aquino? (Literal)


a. Tarlac, Tarlac
b. Capas, Tarlac
c. Camiling, Tarlac
d. Concepcion, Tarlac

3. Alin sa sumusunod ang naging posisyon sa pamahalaan ni Ninoy Aquino? (Literal)


a. presidente, bise-presidente, senador
b. konsehal, kongresista, gobernador
c. alkalde, bise-gobernador, senador
d. bise-alkalde, konsehal, pangulo

4.Sinabi sa talata na si Ninoy Aquino ang mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos. Ano
ang ginagawa ng isang kritiko? (Paghinuha)
a. nakikipag-away
b. nag-iisip ng paghiganti
c. nagsasabi ng mga puna
d. nagpaplano ng ganti

5. Kung pangulo ng Pilipinas ang maaaring magpahayag ng martial law, sino kaya ang
nagdeklara nito noong panahong iyon? (Paghinuha)
a. Cory Aquino
b. Fidel Ramos
c. Imelda Marcos
d. Ferdinand Marcos

6. Bakit kaya ipinadampot si Ninoy Aquino noong martial law? (Paghinuha)


a. May inaway na alkalde si Ninoy Aquino.
b. May galit si Marcos sa pamilya ni Aquino.
c. Nahuli si Aquino na nagnanakaw sa pamahalaan.
d. Bawal kalabanin ang pangulo noong martial law.

7. Ano ang katangiang ipinakita ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)


a. maalalahanin
b. magalang
c. makabayan
d. mapagtiis

8. Bakit kaya marami ang nakiramay sa kamatayan ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)


Isa siyang batang senador. Naawa sila sa
pamilya ni Aquino.
Pagmamahal sa bayan ang ipinakita niya. Gusto ng mga
taong makakita ng mga pulitiko.

9. Ano ang damdamin na iniwan ni Ninoy Aquino sa mga Pilipino? (Pagsusuri)


a. kasabikan
b. pag-asa
c. pagkatalo
d. pagkatakot

I V
Kung tatanawin mo sa malayong pook. Mga kampana sa tuwing orasyon,
Ako'y tila isang nakadipang krus; Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Sa napakatagal na pagkakaluhod, Ibon sa sanga ko'y may tabing ng
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos. dahon, Batis sa paa ko'y may luha nang
daloy.
II
Organong sa loob ng isang simbahan VI
Ay nananalangin sa kapighatian, Ngunit tingnan niyo ang aking
Habang ang kandila ng sariling narating, Natuyo, namatay sa
buhay, Magdamag na tanod sa aking sariling aliw; Naging krus ako ng
libingan... magsuyong laing At bantay sa
hukay sa gitna ng dilim.
III VII.
Sa aking paanan ay may isang batis, Wala na, ang gabi ay lambong na
Maghapo't magdamag na luksa, Panakip sa aking
nagtutumangis; Sa mga sanga ko ay namumutlang mukha; Kahoy na
nangakasabit nabuwal sa pagkakahiga,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig. Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!

IV VIII
Sa kinislap-kislap ng batis na Ang iyong isiping nang nagdaang araw,
iyan, Asa mo ri'y agos ng luhang Isang kahoy akong malago’t malabay,
nunukal; At saka buwang tila Ngayon ang sanga ko’y kurus sa
nagdarasal, Ako'y binabati ng libingan, Dahon ko’y ginawang korona
ngiting malamlam! sa hukay!

ISANG PUNONGKAHOY

NI: JOSE CORAZON DE JESUS

10. Ano ang ibig sabihin ng "tanod"?

A. Bantay C. Takip
B. Oras ng panalangin D. Walang gana

11.Ano ang ibig sabihin ng "orasyon"?

C. Oras ng pagdadalamhati C. Taghoy


D. Oras ng panalangin D. Walang gana

12. Sa kinislap-kislap ng na iyan, asa mo


ri’y agos ng luhang nunukal
a. Bakal C. Ginto
b. Batis D. Lapis
13. Ano ang layunin sa pagsulat ng tula?
a. Ang maipahayag ang kahalagahan ng bawat oras at segundo ng ating buhay.

b. Ang maipahayag ang pagiging mabuti sa kapwa.


c. Ang maipahayag ang salita ng Diyos.
d. Ang maipahayag na ang kalungkutan ay pansamantala lamang.

14.Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


nagpapahiwatig sa akin ng
__________,
ibon sa sanga ko’y may tabing nang ,
batis sa paa ko’y may luha nang .
a. Amoy; dahon; daloy C. Taghoy; ahon; daloy
b. Baboy; ahon; daloy D. Taghoy; dahon; daloy
15. Ang akda ay paglalarawan sa:
a. Isang taong naghihinagpis para sa kaniyang buhay at naisin
b. Kaligayahan ng tao sa kalikasan
c. Pag bubunyi ng isang tao sa kanyang nakamit
d. Pag hihinagpis ng taong hindi makakain

Maraming katulad ang buhay ng tao. Ito’y tulad ng putahe na “sweet and
sour dish.” May matamis at may maasim na lasa. Katulad din ito ng panahon, may
mabagyo at may maaraw. Nakakaranas tayo ng malulungkot na pangyayari at kung
minsan ay masasayang karanasan.

Kailangan ay lagi tayong handa. Anuman ang pangyayaring dumating ay dapat


nating harapin nang buong tapang maging ito’y mapait na karanasan. Kung mabagyo
ang buhay, lagi nating sabihin ang ganito: kung kaya nila itong nararanasan ko,
kakayanin ko rin. Hindi ito ibibigay ng Panginoon kung hindi ko kaya. Nagtitiwala ako
sa Kanya dahil hindi Niya ako pababayaan.

16. Ano ang pangunahing paksa na inilahad sa seleksiyon?


a) Buong giting na humarap sa buhay mabagyo man o maaraw
b) Harapin nang buong tapang ang buhay na may lungkot at ligaya at magtiwala sa Diyos
c) Harapin ang buhay at isaisip ang kasabihang umasa sa Diyos na hindi
magpapabaya
d) Pagkat kaloob ng Diyos sa tao ang pagdurusa, sakit at suliranin, nariyan Siya upang
tayo’y damayan

17. Ano ang mahalagang pag-uugali ng tao ang ipinahihiwatig ng binasang seleksiyon?
a. Gawin nating lagi ang magagandang bagay, ang pagtawag at paghingi ng tulong sa
Diyos
b. Humanda tayong lagi sa mga suliraning darating sa ating buhay
c. Maging makatarungan tayo sa lahat ng tao, bagay at panahon
d. Maging positibo tayo sa pag-iisip at pagbibigay-pasya

18. Saan inihalintulad ng awtor ang ating buhay?


a. Sa masarap na putahe
b. Sa putahe at panahon
c. Sa malakas na bagyo
d. Sa init at lamig ng panahon

Sa panahong ito, hindi madaling pagpasiya tungkol sa anumang bagay.


Maraming dapat pagbatayan at isaalang-alang bago makapagpasiya ang isang tao.
Hindi lamang ang kanyang kaalaman at saloobin tungkol sa pinagpapasiyahan ang
dapat isaalang-alang kundi pati ang pagpapahalaga, kultura at kasanayan sa bagay na
ito.

Sa pagpapasiya maaaring hingan ng tulong o mungkahi ang mga magulang o


matatanda, bagama’t ito ay pansariling pananagutan. Ang mga magulang o matatanda
ay naghahangad din ng kabutihan para sa kanilang anak.

Ang lahat ng maganda o mabuting kapakinabangan ay bunga ng tamang


pagpapasiya. Dahil dito, magkakaroon ang isang tao ng mabuti, tahimik at higit na
kasiya-siyang buhay. Magiging maayos din ang kanyang kinabukasan.

19. Ano ang naidudulot ng tamang pagpapasiya?


a. Kasanayan sa pagtahak ng buhay
b. Kasiya-siya at tahimik na buhay
c. Malusog na pangangatawan
d. Maayos na kapaligiran

20. Ano ang buod ng pangunahing paksa ng seleksiyon?


a. Mga bagay na dapat alamin bago magpasiya
b. Pagpapasiya ng isang tao sa maraming bagay
c. Pansariling pananagutan sa mga magulang at matatanda
d. Bunga o mabuting kapakinabangan ng wastong pagpapasiya.

You might also like