Professional Documents
Culture Documents
Screening Test Grade 7 Filipino
Screening Test Grade 7 Filipino
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-
makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa
hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod
ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang
prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala (innocent
until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim
sa isang mabilis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng
hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice denied.”
Mga Tanong:
3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Paghinuha)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.
Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang hindi
napapatunayang nagkasala.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.
10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Critical)
a. Pagkilala sa Ating Karapatan
b. Mga Halimbawa ng Karapatan
c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan
d. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa