You are on page 1of 3

Pangalan: ____________________________ Puntos:______/20

BUDHISMO

Ang budhismo ay isa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo na itinatag sa India noong 600
B.C. Ang pananampalatayang ito ay batay sa mga turo ni Siddharta Gautama na sa paglaon ay
kinilalang Buddha.

Si Siddharta Gautama ay isang prinsipe sa hilagang India at anak ng isang mayamang rajah.
Lumaki siya sa gitna ng marangyang buhay subalit tinalikuran niya ang lahat ng ito upang ibuhos ang
oras niya sa pagninilay ng kahulugan ng buhay. Naging palaisipan sa prinsipe ang pagtanda,
pagkamatay ng isang tao at kung bakit kailangan tayong dumanas ng sakit. Hindi siya matahimik
hanggat hindi niya nakikita ang sagot sa mga tanong na ito. Nagpakalbo siya, nagsuot ng dilaw na
damit at nanghingi ng limos kasama ang mahihirap na tao. Lumapit siya sa mga guro upang pag-
aralan ang Upanishad subalit hindi pa rin siya nasiyahan. Makalipas ang napakaraming taon ng pag-
aayuno ay naglakbay siya papuntang Gaya. Sa ilalim ng isang puno ng Bo (wisdom tree) pagkatapos
manalangin ng maraming araw ay naliwanagan siya. Dahil dito ay tinawag si Siddharta na Buddha
“Ang Naliwanagan.”

Ibinahagi niya ang kanyang mga natuklasan na tinawag na marangal na katotohanan. Kasama
rito ang tamang pananaw na ang pagdurusa ay bunga ng makasariling hangarin. Ang tamang
pagpapahalaga ay nababalot sa pag-ibig. Dapat tayong gabayan ng tamang pananalita na mahinahon.
Ang tamang pag-uugali ay nag-uugat sa tamang pag-iisip at paggalang sa lahat ng may buhay. Ang
tamang kabuhayan naman ay dapat nakatutulong sa kapwa.

Mga Tanong:

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pinagdaanan ng prinsipe?


a. Nag-ayuno siya at nagnilay-nilay.
b. Nabuhay siya na parang isang pulubi.
c. Naging marangya ang buhay niya sa palasyo.
d. Pinag-aralan niya kung paano siya kikilalanin bilang Buddha.
2. Ano ang dahilan kung bakit kinilala ang prinsipe bilang Buddha? Kinilala ang prinsipe bilang
Buddha dahil _____________________________.
a. matagal na panahon siyang nag-ayuno b. naliwanagan siya sa kahulugan ng buhay
c. nasagot niya ang katanungan ng mga tao d. nilisan niya ang palasyo upang magnilay-nilay
3. Lumaki siya sa gitna ng marangyang buhay subalit tinalikuran niya ito. Ano ang kahulugan ng
pangungusap?
a. Umiwas siya na lumaki sa marangyang pamumuhay.
b. Tumatalikod siya kapag pinag-uusapn ang marangyang buhay.
c. Pinili niya ang mamuhay ng simple kahit kinalakihan niya ito.
d. Pinahayag niya na paglaki niya ay hindi na siya mamumuhay ng marangya.
4. Binuhos niya ang oras niya sa pagninilay ng kahulugan ng buhay. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit sa pangungusap?
a. pag-iisip b. paghahanap c. pangangarap d. pagtatanong
5. Ano kaya ang mangyayari kung hindi nilisan ng prinsipe ang palasyo?
a. sasadyain siya ng puno ng Bo. b. Marangya ang magiging Buddha.
c. Maghihirap siya na parang pulubi. d. Hindi siya kikilalanin na Buddha.
6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyong binasa? Tinalakay sa seleksyon ang____.
a. pamumuhay ni Buddha b. mga kasapi sa Budhismo
c. pinagmulan ng Budhismo d. ang pagdiriwang sa Budhismo
7. Ano ang layunin ng sumulat sa seleksyon?
a. Gusto nitong magbigay-aral. b. Hatid nito ang bagong balita.
c. Hangad nitong manghikayat. d. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
DIGMAAN

Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon nang di-pagkakasundo sa pagitan


ng dalawang grupo ng tao. Anumang pag-aaway na naglalayong sirain, talunin at pagharian ang bawat
isa ay maituturing na digmaan.
Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula lmaang sa di-pagkakaunawaan sa
isang maliit o hindi kaya ay malaking bagay. Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw
at pangangailangan ng bawat isa kaya’t ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway. Ang digmaan
ay nagaganap kapag ang isang grupo o bansa ay handang makidigma, makuha lamang ang ninanais.
Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng magkaibigan; mas malawak lamang ang
bunga at mas malupit ang kinahihinatnan. Ang away ay nagsisimula dahil may nag-umpisa at
sinusundan pa ito ng kampihan. Mayroon ding tumatangging makisangkot at nanatiling neutral.
Mayroon din kung saan higit na makikinabang ay doon papanig; at kapag nagbago ang kapalaran ng
pinapanigan at nahalatang natatalo, lilipat na lamang sa panig ng nananalo.
Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma. Bagaman walang malawakang
deklarasyon ng digmaan, nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng
ating bansa. Sa gitna ng diplomatikong pag-uusap upang mapanatili ang kapayapaan sa buong mundo,
may ilang malalakas at malalaking bansa ang naghahanda kung sakaling sumabog ang isang
malawakang digmaan. Patuloy na pinapalawak ng maraming bansa ang military at warfare nito. Halos
kalahati ng mundo ay naglalaan ng badyet sa militarisasyon kaysa sa pangunahing pangangailangan
ng tao.

Mga Tanong:
1. Ano ang layunin ng isang digmaan? Layunin ng isang digmaan na ____________________.
a. pagharian o talunin ang kabilang panig
b. maabot ang kapayapaan pagkatapos nito
c. manakot para mapakinggan ng kabilang panig
d. makisangkot sa mahahalagang kaganapan sa mundo
2. Paano naghahanda ang mga bansa para sa digmaan?
a. Humahanap sila ng maraming kakampi.
b. Pinapalakas nila ang mga bansang kaanib nila.
c. Naglalaan sila ng malaking badyet ditto upang makapaghanda.
d. pinapahalagan nila ang pangunahing pangangailangan ng bayan.
3. Nagmistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw ng bawat isa kaya’ t ito ay nagbubunga sa
mas matinding pag-aaway. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon?
a. Pinapakinggan lamang ang pananaw ng mga bingi.
b. Hindi mahalaga ang pananaw ng mga kakampi nila.
c. Hindi nais ng bawat panig na making sa pananaw ng iba.
d. Marami silang kasamang hindi sumasang-ayon sa pananaw ng iba.
4. Nakakakita tayo ng maliliit na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Ano ang
kahulugan ng salitang hidwaan sa loob ng kahon?
a. pagkatalo b. pag-aaway c. maliit na digmaan d. di-pagkakaunawaan
5. Ano kaya ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang digmaan?
a. Humanap ng malalakas na kakampi.
b. Sumang-ayon sa nais ng kabilang panig.
c. Sikaping pakinggan ang pananaw ng ibang panig.
d. Makisanggkot sa nangunguna at malalakas na bansa.
6. Ano ang pangunahing ideya na tinalakay sa seleksyon? Tinalakay sa seleksyon ang__________.
a. sanhi ng digmaan b. mga uri ng digmaan c. solusyon sa digmaan d. pag-iwas sa digmaan
7. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito?
a. Tinalakay nito ang mga salot na bunga ng digmaan.
b. Maingat na pananalita at paglalarawan ang ginamit.
c. Nagbigay ito ng mahusay na paglalahad ng mga pangyayari.
d. Nagmungkahi ito ng makatotohanang solusyon para sa problema.

PAGSALUNGAT NI MACARIO SAKAY

Maraming mga bayani ang namatay sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Isa rito si
Macario Sakay. Isa siya sa orihinal na kasapi ng Katipunan na binuo noong panahon ng mga Espanyol.

Si Macario Sakay ay salungat sa pakikipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano. Nagtatag siya


ng pamahalaan sa Katagalugan. Siya at ang kanyang mga kasama ay sumulat ng Saligang Batas na
nagtakda ng pamamaraan katulad ng sa unang Republika ng Pilipinas na itinatag ni Aguinaldo sa
Malolos. Ipinahayag niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano upang makamit ang Kalayaan. Sa
loob ng apat na taon ay naging matagumpay ang kanyang kilusan at naging problema siya ng mga
Amerikano.

Ginamit ng mga Amerikano sa pamumuno ni Gobernador-Heneral Henry C. Ide, ang isang


kilalang lider ng mga manggagawa upang himuking sumuko si Macario Sakay. Siya si Dominador
Gomez, na isang Pilipino. Nahimok ni Gomez si Sakay dahil sa mga pangakong hindi sila parurusahan
at sinabing sa kanyang pagsuko ay manunumbalik ang katahimikan ng bansa at magiging simula ito
ng pagtatag ng Asembleya ng Pilipinas. Naniwala si Sakay sa mga sinabi ni Gomez. Naniwala siya na
ang kanyang pagsuko ay makapagpapadali sa pagtatag ng asembleya na binubuo ng mga Pilipino.
Nabigla si Sakay nang ang kanyang pangkat ay arestuhin ng mga Amerikano at konstabularyang
Pilipino sa isang kasiyahan. Pinaratangan ng maraming kasalanan si Sakay ngunit di siya umamin. Ang
tanging hangad niya ay makamit ng bansa ang Kalayaan. Hinatulan siya ng kamatayan at binitay
noong Setyembre 13, 1907.

Mga Tanong:

1. Sino ang ayaw makipagkaibigan sa pamahalaang Amerikano?


a. Dominador Gomez b. Emilio Aguinaldo c. Henry Ide d. Macario Sakay
2. Ano ang isinulat ni Macario Sakay at ng kanyang mga kasama?
a. artikulo sa pahayagan b. asembleya c. nobela d. Saligang batas
3. Bakit ayaw makipagkaibigan ni Macario Sakay sa pamahalaan ng Amerika?
a. dahil Pilipino siya
b. gusto niyang makipag-away
c. gusto niyang makamit ang Kalayaan
d. ayaw niyang pumunta sa Amerika
4. Sa linyang ‘’ sa kanyang pagsuko ay manunumbalik ang katahimikan,’’ ang ibig sabihin ng salitang
manunumbalik ay
a. magkakaroon muli
b. maririnig ng lahat
c. makukuha agad
d. dapat maiipon
5. Paano mo ilalarawan ang plano na gamitin si Dominador Gomez para pasukuin si Macario Sakay?
a. mautak at tuso b. hindi pinag-isipan
c. mapaglaki at mayabang d. mabait at may pakundangan
6. Anong katangian ang ipinakita ni Macario Sakay?
a. makabayan b. matalino c. masinop d. masipag

You might also like