Ginagamitan ito ng pandama, ekspresyon ng mukha, tono at
paraan ng pagsasalita, kilos at galaw ng katawan, kamay, paa at mata, kulay, oras, layo o distansya, amoy, mga bagay at simbolo. Chronemics. Mahalaga ang oras. Madalas nating naririnig ang oras ay ginto. Ito ay isa ng pakahulugan sa oras. Ang tao na laging nahuhuli sa usapan ay maaaring sabihing walang pahalaga sa oras o maging sa kausap na kabaliktaran ng taong laging pinahahalagahan ang oras. Ang pagdating ng maaga sa isang salusalo maaaring nakakainsulto sa magbibiagy ng salusalo dahil maari niya itong ikatataranta sa paghahanda. Gayundin ang pagtawag sa cellphone ng kakilala sa kalaliman ng gabi ay maaaring makapagdulot ng kaisipang pangangamba, at pagkabahala. Sadya ngang ang oras ay nagpapahiwatig ng mensahe. Proxemics. Ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili sa ibang tao. May mga pagkakaibang kultural kaugnay ng distansyang pisikal at pagsasayos ng pisikal na setting ng mga bagay-bagay. Maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao o distansya o agwat ng layo o lapit sa ating kapwa.
a. Intimate Distance (up to 1-1/2 ft.)
b. Personal Distance ( 1 ½ -4 ft.) c. Social Distance (4-12 ft.) Kinesics. Galaw ng katawan/tindig. Ang tawag sa pag- aaral ng mga galaw o kilos ng katawan. Kasangkot dito ang galaw ng kabuuan ng katawan - ang galaw ng balikat, kamay, paa at maging ang tindig, paraan ng pag- upo o paglakad. Maraming sinasabi ang ating katawan, minsan pa nga’y higit pa sa mga tunog na lumalabas sa ating bibig. Ito ay tinatawag ding body language. Ilang sa mga halimbawa nito ay kumpas ng kamay gaya sa pagtatalumpati, paghawak sa ating tiyan. Haptics. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe gaya ng mga sumusunod: hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos, at hipo.
Oculesics. Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa
pagpapahayag ng mensahe. Ang mata raw ang siyang pintuan ng ating kaluluwa sapagkat sa pamamagitan nito maaari tayong makipag-ugnayan nang makahulugan. May galaw ang mga mata na nagpapakita ng kondisyon, reaksyon, at gawi o atityud o saloobin ng tao tulad na lamang ng panlilit ng mata, panlalaki at pagkindat. Paralanguage. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita sa pahayag. Ang boses, ang tono nito, ang pronunsasyon o punto ay mapagkukunan din ng mensahe. Kahit hindi mo nakikita ang nagsasalita ay matutukoy mo kung siya ay lalake o babae sa pamamagitan ng boses. Maari ring malaman kung galit, natutuwa, nalulungkot, natatakot o naiinis sa pamamagitan ng tono. Kasama dito ang mga tunog ng pag-ubo, pagbahing at pag-ungol o pag-iyak. Pictics. Ito ay ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi maitatago ang ating damdamin at tunay na intensyon sa ating mukha. Sa mukha, maaaring makita kung ang isang tao ay masaya, umiibig, malungkot, nag- aalala, natatakot, may suliranin at iba pang uri ng damdamin. Iconics. Ito ay paggamit ng simbolo bilang menshe sa pagpapahayag. Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw na mensahe. Halimbawa ang mga simbolong ginagamit sa kalsada bilang mga babala, mga simbolong ginagamit sa mga pampublikong mga lugar sa simbahan, palengke at mga pasyalan.
Colorics. Ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o
oryentasyon. Ginagamit ang kulay sa pagpapahayag ng mensahe. Sa iba may politikal na kahulugan ang kulay.
Objectics. Paggamit ito ng mga bagay sa paghahatid ng mensahe.
Olfactorics. Nakatuon naman ito sa pang-amoy. Gumagamit ng
pang-amoy sa pagpaparating ng mensahe. Sanggunian: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino