You are on page 1of 3

Loob at Labas

Ni: Ellaine M. Molito

Isang matalinong pasya ang paghain ng dalawang panukalang batas sa House of


Representatives of the Philippines o tinatawag ding Kamara na nagsusulong ng No Homework
Policy para sa mga mag-aaral ng K to 12. Una, ang House Bill (HB) No. 3611 na kilala rin sa
katawagang “Taking of Textbooks Out of School and No Homework Policy of 2019” na itinakda
ni Sorsogon Representative at Deputy House Speaker Evelina Escudero. Ikalawa, ang Housebill
No. 3883 na ipinanukala ni Quezon City Representative Alfred Vargas at may maikling pamagat
na “No Homework on Weekends Act of 2019”.

Kamakailan, mainit na pinag-usapan ng mga mamamayan, mapabata man o matanda, ang


isyu tungkol sa pagsusulong ng No Homework Policy sa bansa. Nilalayon ng dalawang
housebills na ipagbawal ang pagbibigay ng takdang aralin upang magkaroon ng sapat na
panahon na makapag-bonding ang buong pamilya. Parehas man ang layunin, magkaiba ang
isinasaad ng dalawang panukala. Nakapaloob sa HB 3611 ang pagbabawal ng pagbibigay nito ay
araw-araw samantalang sa HB 3883 naman ay tuwing weekends lamang.

Isinaad ni Rep. Escudero na ang mga takdang aralin ay maaaring mag-alis ng


mahahalagang oras para sa pagpapahinga, pagpapalubay at pakikipag-ugnay sa pagitan ng mga
mag-aaral at mga magulang pagkatapos ng oras ng klase at maging sa weekend. Dagdag pa rito,
binanggit din ni Rep. Vargas ang pag-aaral mula sa Africa noong 2018 na nagpapakita na ang
mga takdang aralin ay may negatibong epekto sa buhay ng buong pamilya.

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena, isang psychiatrist, wala siyang nakikitang problema sa
isinusulong na batas sapagkat ang pagkakaroon ng takdang-aralin ay maaaring makaapekto sa
mental health ng mag-aaral lalo na kung sobra ang bigat ng mga rekisito sa paaralan. Saad pa
niya, hindi lamang dapat intelektuwal na aspekto ang hinuhubog sa paaralan pati na rin ang
balanseng emosyonal ng mga bata.

Sang-ayon din ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa pagpapatupad ng nasabing


batas sa pamumuno ni Kalihim Leonor Briones. Matatandaang noong 2010, iprinoklama nito ang
DepEd Memorandum No. 392, na kilala rin bilang “Guidelines on Giving Homework or
Assignment to All Public Elementary School Pupils” kaya’t naiimplementa na ito sa mga
pampublikong paaralan ngunit isinaad din ng kagawaran na hindi pa muna ito ilalatag sa mga
pribadong paaralan at pag-aaralan pa ito nang maigi.

Bilang pagsalungat, maraming guro ang tumutol sa nasabing panukalang batas. Sinabi ni
Benjo Basas, National Chairperson ng Teachers' Dignity Coalition, na ang panukalang ito ay
isang insulto sa kanilang propesyon bilang guro. Karagdagan pa rito, isinaad din ni Emmalyn
Policarpio, isang guro, na halos araw-araw siyang magbigay ng takdang aralin sapgkat
naniniwala siyang iyon ang paraan para talagang matutunan ng mga batang mag-aaral ang mga
itinuro sa kanila sa klase at para maituro rin sa kanila ang disiplina dahil hindi nagtatapos ang
kanilang pagkatututo sa loob ng paaralan.

Samakatuwid, tunay ngang maganda ang panukalang batas na inihain sa Kamara


sapagkat natutulungan nito ang mga mag-aaral na magkaroon ng mas marami pang oras para sa
kanilang mga sarili at para na rin sa kanilang mga pamilya, Hindi masama ang pagbibigay ng
takdang aralin sa mga mag-aaral sapagkat ito’y isinasagawa upang mas mapalalim pa ang
kanilang pagkatuto ngunit kung ito ay wala na sa moderasyon, maraming negatibong epekto ang
maaaring umusbong.

Isang pagmungkahi na sa paghain ng No Homework Policy ay tuwing weekend lamang at


mapanatili pa rin ang pagbibigay ng takdang aralin nang may moderasyon tuwing weekdays
sapagkat ang dalawang ito ay may magandang layunin para sa malalim na pagkatuto ng mga
mag-aaral. Ito ay inaasahang magreresulta sa balanseng pamumuhay ng mga kabataan sa loob at
labas ng paaralan,
Sanggunian

Aquino, Vick. (2019, August 27). No homework policy kinampihan ng DepEd.


https://www.abante.com.ph/no-homework-policy-kinampihan-ng-deped.htm

Bañares, Abner. (2019, August 26). No homework policy para sa kindergarten hanggang high
school students ipinanukala sa Kamara.
https://news.definitelyfilipino.net/posts/2019/08/no-homework-policy-para-sa-kindergarten-
hanggang-high-school-students-ipinanukala-sa-kamara/

Begas, Leifbilly. (2019, August 26). No homework bill inihain sa Kamara.


https://libre.inquirer.net/14087/no-homework-bill-inihain-sa-kamara

Escudero, Evelina. (2019, August 7). House Bill No. 3611.


http://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB03611.pdf

Jalandoni, Apples. (2019, August 28). 'No homework policy' tinutulan ng mga guro.
https://news.abs-cbn.com/news/08/28/19/no-homework-policy-tinutulan-ng-mga-guro

Vargas, Alfred (2019, August 13). House Bill No. 3883.


http://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_18/HB03883.pdf

You might also like