You are on page 1of 1

B. Kailan isinagawa ang pananaliksik?

Naglaan ang aming grupo ng mga araw upang gawin ang pananaliksik. Nagsimula
kami noong ika-15 ng Enero at nagpunta kami sa Ateneo de Manila
University(ADMU) sa Katipunan, Lungsod ng Quezon. Sumunod ay noong ika-23ng
kaparehong buwan sa University of Santo Tomas(UST) sa Espanya, Lungsod ng
Maynila, at sa Arellano University(AU) sa Lungsod ng Pasig noong ika-26 ng
parehong buwan din.

E. Bakit nagkaroon ng problema sa pananaliksik?

Ninais namin pumunta sa iba’t ibang Pamantasa ngunit hindi kami pinahintulutan
na makatapak sa loob nito, dahil sa mga regulasyon ng aming mga napuntahang
Pamantasan. Bawal kumuha ang mga estudyante ng nasabing Thesis kapag ito ay
“undergraduate”. Isa pa, bawal pumasok sa silid aklatan ang hindi estudyante ng
partikular na Pamantasan.

F. Paano naisakatuparan ang pananaliksik?

Hindi naging madali sa amin ang pagkuha ng Thesis mula sa iba’t ibang
Pamantasan ditto sa Kamaynilaan, kadalasan hindi kami pinapapasok sa
kadahilanang hindi daw kami doon nag-aaral-outsider ika nga- kaya hindi namin
personal na nakuha ang mga Thesis. Kaakibat nito, naisakatuparan namin ang
pananaliksik sa tulong ng aming mga kontaks mula sa ADMU at AU. Sila’y lubusang
nakatulong sa aming grupo upang maisagawa ang aming proyekto.

Saan naisakatuparan ang pananaliksik?

Nagdaan ang mga araw at ang aming pananaliksik ay naging


matagumpay. Naisakatuparan ito sa ADMU at AU. Dito namin nakalap ang mga
impormasyon na aming kailangan sa aming pananaliksik sa tulong ng butihing
kaibigan ni Marck at ina ni Jayvie . Sa tulong ng mga katauhang ito na nagmula sa
mga nasabing Unibesidad, naayos at natapos ang aming pagsasaliksik ng
matiwasay.

You might also like