You are on page 1of 2

MGA SULIRANING KINAKAHARAP NG BAWAT STUDYANTE SA LOOB NG TARLAC STATE UNIVERSITY

Panimula
Ang pag-aaral ay tunay na napakahalaga sa lahat ng tao. Kahit sino at ano ka pa ay tungkulin mo mag-aral sapagkat ito lang ang tanging paraan sa ikakaunlad ng ating mga sarili. Nag-aaral tayo para may matutunan. Sa buhay estudyante may oras na madali. Subalit dumadating din ang bawat estudyante sa puntong gusto ng sumuko dahil sa sobrang hirap ng pinag-aaralan. Ang bawat studyante ng Tarlac State University ay may kinakaharap na suliranin sa loob ng eskwelahan o sa isang unibersidad. Bilang isang estudyante alam ko ang mga ibat ibang suliranin ng isang estudyante sa isang paaralan. Maraming mga estudyante ngayon ay namimili ng kursong hindi mahirap. Sa katunayan walang kursong madali. Lahat ay kinakailangan ng sipag at tyaga upang makuha at maipasa ang lahat ng asignatura.

Mahalaga ang pagaaral sa buhay ng isang tao. Marami mang pagsubok ang kakaharapin sa pagaaral dapat pa din maging matatag at harapin ang lahat ng ito. Ang guro o propesor ay siya dapat gumagabay sa kanyang mga estudyante. Sapagkat sila ang mas may alam at may mataas na pinagaralan. sa panahon ngayon ang mga estudyante ng isang unibersidad ay may kanya kanyang pananaw sa pagaaral. May mga estudyanteng pumapasok lang para sa baon. O kaya naman minsan ay hindi na papasok pag tinamad na. Tayong mga estudyante ay di maiwasang mainis o mabagot sa isang asignatura. May mga ibang estudyante na ang dahilan ng hindi nito pagpasok ay dahil sa kanilang guro. May mga guro daw kasi na wala man ginagawa. Nakaupo lang kung magturo. Nakakatamad daw mismo pati ang itinuturo nito. Ayon sa mga estudyante kapag ang isang asignatura daw ay nakabagot o nakakainip, hindi na sila makikinig. Mas gusto pa nilang magtext o makipagdaldalan sa halip na makinig.

PAGLALAHAHAD NG SULIRANIN

Maraming estudyante ngayon ay galing sa pamilyang hindi kaangatan ang buhay. May mga ibang estudyante na hindi magulang ang nagpapaaral sa kanila kundi,tito,tita,pinsan,ate o kaya naman ay lola o lolo nasa ibang bansa. Karamihan sa estudyante ng Tarlac State University ay bumabagsak ng dahil sa maraming dahilan. Bumabagsak ang marami sa estudyante ay sa kadahilanang tinatamad sa ibang asignatura dala na rin ng panahon kung minsan. Hindi maiiwasang mawala ang atensyon ng isang estudyante kapag kinakausap siya ng katabi. Isa rin sa dahilan ng pagkabagsak ng isang estudyante ay hindi pagpasa ng proyekto na ibinigay ng propesor. Dahilan ng mga ito ay kawalan ng pinansyal pambili ng proyekto. Di na bago sa ating lahat ang magbayad sa bawat proyekto,subalit my mga estudyante na walang wala talaga. Nung hayskul piso hanggang sampung piso lang ang binabayaran. Subalit sa kolehiyo mababa na ang talompung piso (30 pesos) kaya minsan hindi kayang bayaran ng isang estudyante ang ganitong halaga. Masasali din dito ang impluwensya ng barkada sa loob ng Tarlac State University. Marami sa mga kalalakihan ngayon ay naglalaro ng Online games na nagiging sanhi din ng pagliban ng isang estudyante sa paaralan. Mas gusto pa mag internet kesa pumasok sa paaralan. Di rin maiiwasan sa barkada o kaklase ang magkaayaan uminum o gumimik.

You might also like