You are on page 1of 2

TEKNOLOHIYA

Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay gumaganap ng mahalagang papel sa lahat ng tao


sa mundo, lalo na sa mga kabataan ngayon. Gamit ang teknolohiya, ang mga tao ay maaaring
makahahanap o makipagkaibigan ng isang tao bagaman hindi nakikita sa personal o hindi
magkapareho ang lahi nito. Ngunit hindi maitatanggi na ang paggamit ng teknolohiya ay
palaging mabuti ang naidudulot nito. Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na kung saan
nakadepende na sa teknolohiya ang ang mga gawain ng tao. Telebisyon, radyo, kompyuter at
cellphone ay mga halimbawa ng teknolohiya na kasalukuyang ginagamit ng mga tao sa buong
daigdig. Marami ang pabor sa teknolohiya sa kadahilanang ito ay nagbibigay ng magandang
dulot sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Subalit minsan ay nakalilimutan na ng mga tao ang
limitasyon ng paggamit nito, katulad na lamang sa senaryong nasa hapag-kainan at ang buong
pamilya ay nakatuon ang pansin sa kanilang cellphone. Maaari ring makasisira ang teknolohiya
sa pag-aaral ng mga mag-aaral dahil sa offline at online games.

Paano Nakaapekto ang Teknolohiya sa mga Kabataan?


Lubos na apektado ang mga kabataan sa mga negatibong epekto ng teknolohiya. Ang iba
ay napabayaan ang kanilang pag-aaral dahil ito ay nahuhumaling sa paglalaro ng mga games sa
computer. Mayroong iba na nagkakasakit dahil hindi na humihinto sa paglalaro gamit ang
kanilang gadgets na siyang dahilan kung bakit nakakalimutan na ang pagkain sa tamang oras o
minsan ay nalilipasan na sila ng gutom. Ang teknolohiya rin ay nakaaapekto sa pag-uugali ng
mga kabataan sapagkat sila ay hindi na marunong gumawa ng mga tradisyonal na paggalang
katulad ng pagmamano. Ito rin ay nakaaapekto sa kalusugan ng tao lalo na sa kanilang pisikal na
kalusugan na nagiging sanhi ng problema sa paningin (vision problems), pagkawala ng pandinig
(hearing loss), at nack strain.

Anu-ano ang mga Masasamang Naidudulot ng Paggamit ng Gadgets ng mga Kabataan?


Dahil sa patuloy na pag-unlad ng mundo ay nababago rin ang iilang mga paraan ng
pamumuhay. At isa na rito ang makabagong teknolohiya. Halos lahat ng tao sa buong mundo ang
pabor sa teknolohiya ngunit mayroon rin itong mga bagay na nakasasama sa tao.
• Nagkukulong sa kanilang kuwarto at ayaw maki-halubilo sa iba — Marami
na sa mga kabataan ngayon ang mas gugustuhin na manatili sa kanilang bahay at magdamag na
maglaro sa kanilang gadget imbes na makihalubilo sa iba. Nagiging sanhi ito ng kanilang hindi
paglalaro sa labas ng bahay.
• Hindi makatulog ng maayos — Isa sa masamang dulot ng palaging paggamit
ng gadget ay ang blue light na nilalabas nito na siyang sanhi sa hindi maayos na pagtulog.
Nagiging dahilan rin ang paggamit ng gadget upang mapuyat ang mga kabataan dahil naaadik na
sa laro.
• Nagigingtamad — Sa tuwing inutusan ang mga kabataan ngayon, kanilang
palaging nirarason upang hindi tupadin o minsan ay nakalilimutan ang iniutos sa kanila ay dahil
sa paglalaro nila sa gadget.
• Mababang marka sa pag-aaral — Dahil sa pagkagumon ng mga kabataan sa
teknolohiya, may iba ay lumiliban sa klase.

Ano ang Maaaring Gawin Upang Maiwasan ang Mahumaling sa Paggamit ng


Teknolohiya?
Ang disiplina ay sa sarili. Maaaring maiwasan ng isang tao ang malulong sa pagiging
adik sa paggamit ng teknolohiya sa paraan ng pagkontrol ng kanilang pinaggagawa. Bagamat ito
ay ginagamit sa pang-araw-araw na buhay, subukin pa rin na limitahan ang sarili katulad na
lamang sa pag-set ng timer o hindi kaya ay gumawa ng schedule upang subaybayan ang oras.
Gamitin lamang ang teknolohiya sa tamang paraan o sa tuwing ito ay kinakailangan lamang.

Sanggunian:

http://abm-a.blogspot.com/2016/11/teknolohiya_29.html
http://balacoso.blogspot.com/2017/10/pag-abuso-sa-paggamit-ng-teknolohiya.html

You might also like